webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Awkwardness

Nagising siya ng may marinig siyang kumakatok sa pintuan niya. Dali dali niya naman itong binuksan at nagulat siya ng makita si Drake.

"Goodmorning! maganda ka pa din kahit sabog buhok mo at may muta ka pa" humalakhak pa ito ng kinainis niya.

"Walang good sa morning! aga aga mang-asar! ano ginagawa mo dito?!" mas nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ito.

"Just want to remind you need na tomorrow mo kailangang pumunta" pumunta ito sa kusina at kumukha ng chocolate sa refrigerator.

"Alam ko! pwede mo naman akong itext kupal ka!" naglabas siya ng hotdog at itlog para sa breakfast niya eight o'clock pa lang naman.

"Kumain ka na ba?" tanong niya dito, nakaupo lang ito sa set at nagbabasa ng magazine.

"Hindi pa, papakainin mo ko?" hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa magazine kaya hinayaan niya lang.

"Malamang! nakakahiya naman sayo noh" tinarayan niya ito kahit alam niyang hindi naman siya kita.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya habang nagluluto. Kinalbit siya nito pero hindi niya pinapansin.

"Bunny!" palakas na ng palakas ang pagkalbit nito kaya humarap na siya at tinampal ang kamay.

"Aray ko ha amazona ka!" hinamas pa nito ang kamay at lumayo ng konti sa kaniya. Nakonsensya naman siya kaya nilapitan niya ito.

"Sorry. Ikaw naman kasi! ang kulit kulit mo!"

"Bakit kasi ang sungit mo? hindi ka naman ganiyan eh" nagpout pa ito sa kaniya. Seriously mas matured pa siya mag-isip dito kahit 2 years ang gap nila.

"Ano ba kailangan mo?" tumalikod siya ulit at kumuha ng plato. Pagkatapos ay nilagay na sa mesa ang mga pagkain.

"May ments ka ba ngayon?" tinuro nito ang likod niya. Nanlaki naman ang mata niya ng makita niya red spot doon. Hindi naman siya aware na ngayon pala siya magkakaroon. Tumakbo agad siya sa kaniyang kwarto para makapagpalit.

Kaya siguro ganon na lang siya kabilis mairita o mainis sa isang bagay. Pagtingin niya sa salamin ay nakita niya ang pamumula ng kaniyang mukha. Nahihiya siya dahil lalaki pa ang nakakita ng red spot niya. Wala sa sariling napahilamos siya sa mukha dahil sa kahihiyan.

Nahihiya siyang lumabas pero kailangan.

"Are you okay? ang putla mo. Normal ba yan? may gamot ka? kumain ka na nga dito" pinaghainan pa siya nito na lalo niyang ikinahiya.

"Hey are you okay?" tumango naman siya at ngumiti.

"Yeah I'm sorry about that, Hindi ko namalayan na ngayon na pala yung dalaw ko" natawa naman ito sa kaniya.

"No it's okay normal lang naman yan. At least ako yung nakakita. But are you really okay?"

"Yeah gutom lang ako, hindi kasi ako nakakain kagabi"

"Dapat lagi kang nakain, masama yan. And for sure nagpupuyat ka din lagi. Alagaan mo sarili mo, gusto mo ba pabalikin ka ni tito sa mansion niyo kapag nagkasakit ka?"

Umiling naman siya at napangiti, hindi pa din talaga nawawala ang pagiging caring nito.

"Ayy si kuya Drake concern!" tinuturo niya pa ito at taas baba ang kilay para asarin. Nagtuloy tuloy naman ang asaran nila hanggang sa matapos silang kumain.

"Ano balak mo ngayon?" tanong nito habang naghuhugas ng plates. Pinilit kasi siya nito na umupo na lang muna, dahil baka sumakit daw ang katawan niya na ikinatawa niya kanina.

"Magbabar kami nila Mishy mamaya"

"Alam ni tito?"

"Magpapaalam ako later" Tumango naman ito.

"Kaya mo bang magdrive?"

"Oo naman!"

"Kapag hindi mo kaya, tawagan mo ako ha?"

Tumango naman siya at yumakap dito.

"Thank you bunny"

"No problem lil bunny" natawa naman siya.

Nasa labas na sila ng building nang guluhin nito ang buhok niya.

"Epal naman nito! kakasuklay ko lang guguluhin mo na naman!"

"Drake?" sabay naman silang napalingon sa nagsalita. Nagulat siya ng makita ang taong iniiwasan niya, si Ethan.

"Hello couz! punta ka bukas ha?" nakipag-apir ito at tumango naman ang kausap.

"Yes of course minsan na lang magsama eh" nagtawanan naman ang dalawa nag-usap pa saglit, samantalang siya ay nakatayo muna sa tabi ni Drake.

"Osige una na ko ha? Bye sa inyo" kumaway pa ito sa kanila at ngumiti.

Maglalakad na sana siya palayo dahil nararamdaman niya na ang awkwardness sa pagitan nila, pero may humila sa kamay niya dahilan para mapatingin siya dito.

Nanatili itong nakatitig sa mata niya at ganon din naman siya. She missed him, she really missed him.

Ganon na lang ang panghihinayang niya nang bitawan siya nito at ngumiti.

"Sorry" tumalikod na ito at naglakad palayo.

Naiwan siyang nakatayo at nakatulala sa lalaki. Hindi niya alam bakit niya pa naramdaman yon dahil ito naman ang ginusto niya. Pero hindi din alam na mas may ikakasakit pa pala ito.

Naisip niya na ganon na lang pala siya kadaling bitawan.

_______________________________