Bumalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga. Hingal na hingal siya at pilit na hinahabol ang hininga. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Hindi niya alintana ang butil-butil na pawis sa kaniyang mukha at katawan. Dinaklot niya ang kaliwang dibdib at dinama ang mabilis na pintig ng kaniyang puso. Basang-basa ang kaniyang mukha sa luha. Ipinikit niya ang mga mata at nagsimulang magbilang. Sinabay niya ang counting sa isip sa breathing exercise na natutunan niya.
"One..." breathe. "Two..." breathe. "Three..." breathe. "Four..." breathe.
Sa ikalimang bilang niya ay medyo nag-relax na siya. Hindi na masyadong tense ang kaniyang mga muscles.
Dumilat siya at inilibot ang tingin sa karimlan. Pusikit pa rin ang dilim. Wala siyang ideya kung anong oras na pero base sa kaniyang hinala ay mga nasa madaling-araw pa. Nasapo niya ang ulo at binalikan ang panaginip. Hindi. Hindi iyon panaginip. Isa iyong bangungot. Hindi. Hindi iyon basta bangungot lang.
Isa iyong alaala.
Pinunasan niya ang luha at tinitigan ang mga basang kamay. Nanginginig ito. Tiningnan niya ang basang kamay sa paraan na parang ngayon lang siya unang nakakita ng luha. Ganito pala ang pakiramdam ng umiyak. Hindi ko na halos maalala ang pakiramdam. Ngayon lang uli matapos ang ilang taon.
Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha.
I really need to make the job done. I have to clear my head. Now is not a great time to be walking down the memory lane.
Muli akong humiga at ipinikit ang mata. Hindi na ako dinalaw pa ng antok. Pinakinggan ko na lang ang mga impit na iyak mula sa kanugnog ko na selda. Tumayo ako at umupo sa likod ng pinto. Isinandal ko ang likod sa malamig na metal. Patuloy pa rin ang pag-iyak sa kabila.
"Tumahimik ka," utos ko. Ito ang unang beses na may kakausapin akong iba. Udyok lang ba ng kuryusidad o sadyang kailangan ko ng mapagbabalingan ng isip. Pampawala ng mga alaala sa panaginip ko kanina.
Hindi ko alam.
"Maawa ka sa akin! Tulungan mo ako! Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito! Please! Nakikiusap ako sa iyo! Ayoko pang mamatay!" pakiusap nito.
"Tumahimik ka sabi!" asik ko. "Kung ayaw mong mapaaga ang sentensiya mo ay itikom mo iyang bibig mo." utos ko sa kaniya.
Humikbi ito at nanahimik.
"Gusto ko lang namang makawala na dito. Ayoko pang mamatay. May naghihintay pa sa pagbabalik ko," maya-maya ay sabi nito. "Ikaw? Ayaw mo bang makaalis dito? Wala na bang naghihintay sa iyo? Wala ka bang nami-miss? Pamilya? Asawa?" tanong pa nito sa mahinang boses.
Natawa ako ng pagak. Matagal muna bago ako sumagot.
"Wala," tipid kong sagot. Wala na.
"Sa akin meron pa. Hinihintay pa ako ng anak ko. Sana makita ko na siya sa kauna-unahang pagkakataon. Sana makalabas na ako dito."
Napalatak ako. "Alam mong hindi na. Alam mong mamamatay ka na. Kung kailan iyon, hintayin mo na lang. Wala ng puwang ang pag-iyak mo diyan."
"Mali ka. Kahit gaano pa kaliit ang pag-asang nasisilip ko. Kahit alam kong pwede akong patayin kahit anong oras mula ngayon, hindi pa rin ako magsasawang manalangin na makakaalis ako dito. Naniniwala ako."
Napatawa na ako sa kaniyang sinabi. "Naririnig mo ba ang sarili mo? I admire your courage to still hope despite of your situation pero hindi na siya realistic. Nag-iilusyon ka na sa lagay na iyan."
"Alam ko. Alam ko ring niloloko ko lang ang sarili ko pero wala nang mawawala sa akin. Tanging pag-asa na lang ang bumubuhay sa akin ngayon. Ang kaisipang makikita ko pa ang anak ko ang nagiging tanglaw sa aking kalagayan ngayon. Kumakapit ako ngayon sa pinakaimposibleng bagay." Tumigil ito sandali bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung tutuusin willing naman akong mamatay na. Wala namang mawawala sa akin. Magpapakamatay ako kaysa hintayin silang gawin iyon. Pero nalaman kong buhay ang anak ko. Nabuhayan ang loob ko dahil dun at dahil dun, pipilitin kong patuloy na mabuhay. Mabubuhay ako." Umiyak na naman ito.
Hindi na ako sumagot at tumayo na. Malapit ng mag-umaga. Kailangan ko nang maghanda para sa panibagong araw.
Nagsimula akong magwarm-up. Tinantiya ko muna kung ready na ang aking sistema sa intense workout. Nang masigurong pwede na ay nagsimula ako sa shadow boxing. Suntok sa ere. Suntok kahit saan. Gumigiti na ang pawis sa aking noo. Nararamdaman ko na ang init na naghahangad ng lagusan palabas.
Sumunod kong ginawa ang daily routine. 1000 push ups, scrunches at kalahating oras ng planking. Naliligo na ako sa sariling pawis pero hindi ko pa magawang huminto. Sumisigaw ang katawan ko ng pahinga pero tumututol ang aking utak. Gusto pa nitong mapagod. I blanked out my mind and started my taek won do exhibition. Hindi pa ako nakuntento at kinuha ko ang tasang kahoy na palaging nasa tabi ko lang at animo may kalaban na iwinasiwas ito sa harapan.
Kick, high kick, forward, back and then punch all while wielding my wood weapon as if it is a knife. The act lasts more than an hour which left me exhausted. Magkagayunman, hindi pa rin nawawala ang alimpuyo sa aking kaibuturan. Hindi ko pa rin mahanap ang pokus ko.
Ibinagsak ko ang katawan sa sahig patihaya. Ipinikit ko ang mata habang habol ang hininga. Inilagay ko sa bandang noo ang aking braso at nagconcentrate. Breathe.
Nirecite ko sa isip ang code ng organization.
Unti-unting luminaw ang pokus ko pagkaraan ng ilang sandali. Nanatili pa akong nakahiga bago bumangon at pumunta sa banyo para maligo. Alam kong magiging mahaba na naman ang araw ko ngayon. Inignora ko na ang naririnig na iyak ng babae at ang pagtawag nito sa akin.
Quezon City
7:00 am
"Sir? Andito na po si Detective Santiago," imporma sa akin ng secretary mula sa intercom.
Tumango ako at hinubad ang suot na salamin. Hinilot ko ang space sa pagitan ng aking mga mata. "Let him in."
"Yes sir."
Maya-maya pa ay sumungaw sa bukas na pinto ang bulto ng lalaki.
Iminuwestra ko ang upuan sa aking mesa.
"Please have a seat," alok ko.
Umupo na ito.
"Now, give me the news."
"Affirmative po sir. Confirmed sa DNA testing na aming isinagawa na siya po talaga ang bangkay na natagpuang sunog dahil sa sumabog na kotse. 99.9% po ang resulta," report ng imbestigador. Inilapag nito ang envelope na dala sa mesa.
Nagulat pa rin ako kahit alam ko nang napakalaki ang tsansa na makumpira ang aming hinala. Parang mas bumigat pa ang aking dibdib dahil sa narinig ko ngayon kompara noong unang malaman ko ang balita.
I sighed in defeat. "May balita na ba tungkol sa may-ari ng kotse?" The least I could do is seek justice for her. Nag-init ang gilid ng aking mga mata sa naisip.
"Tina-track pa namin sir. Mukhang mahihirapan kami sa isang ito dahil kolorum ang sasakyan. Mahirap ma-trace pero may mga CCTV footage na kaming nakalap na maaring magdala sa amin sa owner ng sasakyan," sagot nito.
"Okay. Let me know kapag may may bagong impormasyon kayong nakuha." Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaki bago ito umalis.
Tinungo ko ang mini bar sa isang panig ng opisina at nagsalin sa kopita ng alak. Ininom ko ito ng diretso at nagsalin pa uli. Gumuhit ang mainit na likido sa aking lalamunan at nalasahan ko ang pait nito.
Tinanaw ko ang nagtatayugang mga gusali sa labas mula sa bintana.
She never liked the city. She preferred the simple life a province life could offer. Something I am not fond of.
Bumalik ako sa mesa at naupo sa swivel chair dala pa rin ang alak. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang luma ng pitaka. Tastas na ang leather nito at gula-gulanit ang inside pockets. Kinuha ko sa loob ang isang picture. Nakangiti ang dalawang tao sa picture. Mga teenagers na kapwa magkaakbay sa isa't isa. May mga dumi pa sa mukha galing sa paglalaro sa kagubatan. Sa mga libreng kamay ay may bitbit na isang bungkos ng mangga.
Napangiti ako. Hinaplos ko ang mukha ng isa at hindi na napigilan ang sariling tumulo ang mga luha. It's been years but the hole in my heart she carved still kept on throbbing. Hindi na siguro maghihilom pa ang sugat dito.
Inilagay ko ang litrato sa aking dibdib at patuloy pa rin ang pagluha na sinambit ang mga katagang hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataong sabihin sa kaniya.
"I'm sorry. I-i'm sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam. I'm sorry..."
He cried his heart out in the hopes that the waves of air will bring his pleas to that one girl. But it will never be heard. Never.
"N18."
Tumayo ako at naghintay na pumasok ang tumawag sa akin. Nabuksan ang pinto kasunod ang limang red guards. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko na nilapag nila sa side table ang isang tray na naglalaman ng aking pagkain. Naka-measure na ang lahat base sa dapat mong timbang. Mula sa dami ng carbohydrates, protein, and vitamins and minerals down to the amount of liquid one's body ought to need. Tinitimbang nila ang bawat butil ng pagkain na papatak sa iyong tiyan hindi base sa kung ano ang kailangan ng katawan mo kundi sa gusto nilang maging katawan mo.
Akala ko aalis na sila pero laking gulat ko ng maglabas ng isang syringe ang isa sa kanila.
"Hindi ko pa schedule ngayon. Kapapaturok ko lang bago ang brawl," tutol ko agad nang aktong kukunin nito ang aking braso.
"Nagbago na ang schedule. Change of plan."
Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa head gear but my instincts tell me that he is laughing.
Wala akong nagawa kundi magpaubaya nang sapilitan nang kunin ng isa pang red guard sa likuran ang braso ko. Itinarak niya ang karayom at hinintay na maubos ang laman.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong mas marami ang dosage na ibinigay sa akin kaysa karaniwan. A pain shot through my veins at napaupo ako dahil sa panlalambot ng tuhod. Sumabay sa pag-upo ko ang red guard na hawak pa rin ang nakabaon na syringe na 'di pa nauubos. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para alisin pero para lang akong nakahawak sa hangin. My senses were lost and I can't feel him.
"What poison is this?" tanong ko ng tumayo na siya.
"Something to ease your angst N18." Nagtawanan ang mga ito. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. My legs felt jelly and all I can see are dancing shadows. Tumingala ako pero agad ding nagbawi dahil sa pagkahilo. I winced at the indescribable pain in my head. It's as if someone decided to burn my head by lighting matchsticks and then stick it from the inside.
I gritted my teeth. "This is against the rules."
"Matagal nang nagbago ang plano N18. Malas mo lang at naabutan mo." Pagkasabi niyon ay mga yabag na na papalayo.
"Reminder, don't fall asleep. The poison creates hallucinations. Kapag nakatulog ka, a part of your brain will be damaged and will cause long-term effects. Ano na lang ang mangyayari sa isa sa mga pinakamabangis na Neophyte dito? Hindi ka pa nga napapakinabangan ng Taas, imbalido na," pahabol pa ng isang boses babae pagkatapos ay narinig ko na ang pagsara ng pinto.
Ipinilig ko ang ulo dahil hindi na mawala sa utak ko ang kaniyang sinabi. Paulit-ulit na nage-echo lang sa pandinig. Sinubukan kong tumayo pero agad ring bumalik sa sahig dahil umikot ang paligid. Dinama ko ang mga palad at nahindik nang hindi ko ito maramdaman. Pumikit ako at nagconcentrate. Sinusubukan kung gagana ba ang meditation. Wala. Wala pa ring epekto. Pumikit ako at nagsimulang gumapang patungo sa pintuan. Halo-halo na ang aking pakiramdam. Nahihilo ako na nasusuka pero mas nangingibabaw ang antok. No. Focus. Focus. One.. Two... Three...
May narinig akong pag-iyak at naalala ang babae sa kabila. Patigil-tigil ang aking paggapang para sumagap ng hangin. Pinangangapusan na ako ng hininga.
Sa wakas bumangga ako sa pinto. Kinapa ko ito. Wala pa rin akong maramdaman. Sumandal na lang ako sa pintuan at nagsimulang libangin ang sarili. Inaantok na ako. Hirap na hirap na kinuha ko ang tinasang kahoy at sinugatan ang sarili. Sinaksak ko ng sinaksak ang palad para may maramdaman ako kahit kaunting sakit. Nakahinga ako ng maluwag nang makaramdam ng hapdi. Nawala ang isip ko sa antok at naging aware sa mainit na dugo na dumadaloy palabas.
"Hoy, babae asan ka?" tawag ko sa nanghihinang boses.
"Ano'ng nangyari sa iyo? Okay ka lang ba diyan?" tanong nito. May pag-aalala sa tinig.
Nagawa pa talaga nitong tanungin ang kalagayan ko sa halip na intindihin ang sa kaniya.
"Magkuwento ka. Kahit ano basta magkuwento ka," utos ko. Hindi dapat ako makatulog. Pumikit ako at nagbilang sa isip.
Lumipas muna ang ilang sandali bago niya ako pinaunlakan.
"Ano ba'ng gusto mong sabihin ko?"
"Basta. Kahit ano. Ano'ng kwento mo? Bakit ka napadpad dito?" I indulged her. Kailangan ko siya para manatili akong gising.
"Nakidnap lang ako kaya napunta ako dito. Galing ako sa mga pamilya ng mga asyendera sa Romblon. Pagmamamay-ari namin ang mga malalaking lupain doon. Simple lang akong tao. Typical na college student na nag-aaral sa Maynila. Saya-saya lang. Pagala-gala. Stress palagi dahil sa studies. Graduating na sana ako sa pre-law course nang makidnap ako. I was ransomed by my parents tapos balik na ako sa dating buhay. This time, sa probinsiya ko na ipinagpatuloy ang huling taon ko sa kolehiyo. Would you believe na hindi naman ako na-trauma dahil sa nangyari sa akin? As in wala. Balik lahat sa dati na parang walang nangyari." She paused.
"Ano'ng nangyari? Bilis, ituloy mo," udyok ko sa kaniya. Nakuha na ng kuwento nito ang buong atensiyon ko. Magandang senyales din ang bumabalik ko nang senses.
Narinig ko ang kaniyang hikbi. "The truth is, I fell in love with my abductor. I developed Stockholm's syndrome with him. Iyan ang findings ng psychologist sa akin. My parents were worried that I'm only keeping it inside kaya they consulted a psychologist. Pumalag ako nung una dahil wala naman talaga akong naramdaman na mali sa akin but then they got their way in the end. I don't believe the doctor. I knew in my heart that it was love. I undegone several tests and therapies before I was cleared. After graduation, I went back to Manila to pursue Law. There, we met again. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ko ay tuluyan na akong nakipagrelasyon sa kaniya. The days with him felt surreal. I was so happy with him. Dumating pa nga sa puntong parang kaya kong iwan ang lahat para sa kaniya and that's what I did. Nang madiskubre ng parents ko ang aming relasyon ay pinilit nila akong iwan siya. Of course I didn't. I love him so much that the thought of leaving him is unimaginable. Kaya sumama ako sa kaniya nang yayain niya akong magtanan. I gave up everything I have just to be with him. My parents disowned me but I didn't care about it. All I want that time was to be with him. Isinama niya ako sa kanilang probinsiya to start a new life with our child. I was five months pregnant already."
Napakuyom ang aking kamao dahilan para umagos pa ang dugo mula sa sugat. Hindi na masyadong malabo ang vision ko kaya malaya ko nang nakikita uli ang paligid. Sinara-buka ko ang kamay. Pwede na.
"Stop," putol ko sa kuwento niya. "Bukas mo na lang tapusin. Pangako makikinig ako."
"Sige," pagsang-ayon niya. "Sana okay ka na."
"Mas magiging okay ako kung titigil ka na sa pag-iyak. Nahihirapan akong makatulog dahil sa ingay mo."
"Hindi ka naman talaga naiingayan sa mga iyak ko. Ang tototong maingay ay nandiyan sa loob mo. Palaging may laban ang dalawang bahagi ng utak mo. Inuutusan ka palaging gawin ang kani-kanilang gusto. Pero alam nating dalawa na hindi mo sila mapapatahimik. Nangingibabaw lang ang isa paminsan-minsan at sa mga pagkakataong subok mo na ang kagalingan nito. Gusto mo ng katahimikan pero hindi mo dito makukuha iyon. Hindi sa mundong kinaroroonan mo," mahabang saad niya.
"Tama ka sa unang sinabi mo. Ligwak nga lang sa huli. Hindi naman sila nag-aaway. Paano nila gagawin iyon kung kontrolado ko sila? I use them to make me more resilient, stronger than ever. Sa buhay na pinili ko ngayon, pinakamahalaga ang utak, ang talas ng isipan. Dapat magkasundo ang lahat ng bahagi ng utak mo kung may gusto kang maabot. Mga mahihina lang ang nagsasabing kaya silang manipulahin ng munting tinig sa kanilang isip."
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa side table. Nakasuporta ang kamay sa tuhod na nanginginig pa rin. Nang umabot na sa destinasyon ay kinuha ko ang tray ng pagkain at nagsimulang kumain ng nakatayo. Sinasanay ko ang sarili sa ganitong posisyon para mas madali ang circulation ng dugo para sa mas mabilis na absorption ng katawan ko sa lason.
Dati pa man ay naga-administer na sila ng lason sa amin. Week by week, we were given a certain amount of poison to build our immunity against it. Kailangan makilala ng immune system ng aming katawan ang lason to trigger it to build antibodies.
Ilang daang taon na ring pina-practice ng mga assassins all around the world ang ganitong paraan starting from the ancient assassins in India.
But wala kaming alam kung anong klaseng lason ang ipinapasok nila sa amin. Wala kaming kontrol sa anumang gusto nilang gawin sa aming utak at katawan. At siyempre wala akong kaide-ideya kung bakit nangyari ang nangyari kanina. One thing I am certain of is that something is being cooked up in the Tower.
Pinaspasan ko ang pagsubo nang aktong masusuka na naman ako. Hindi ko na malasahan ang pagkain. Basta na lang isinasampak sa bibig sabay lunok. I need nutrients. I need sustenance of any kind to fund the activity later.
If I were to get the job done, I have to get through this.
And for that image in my head, please hold on. Please carry on.