Tila robot na pumasok ako sa cell ko at dumiretso sa shower area. Pinihit ko ang dutsa at hinayaan ang sariling mabasa. Nagkulay-pula agad ang tubig sa sahig ng banyo. Hinubad ko isa-isa ang mga damit at tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Puno ng pasa at maga ang buong mukha ko at katawan. May malaking hiwa sa kaliwang pisngi dulot ng mga bubog sa baso. Bali rin ang isa kong braso. Presko pa ang mga sugat at panaka-naka ay umaagos ang dugo.
Kinapa ko ang mukha habang patuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig. Naghahanap ng palatandaan ng kaugnayan ko sa nakaraan. Maiksi na ang tuwid na tuwid na maitim na buhok. Malayo sa nakasanayan ko nang haba na hanggang bewang. Payat, wala ng kulay at humpak na ang dati kong bilugan at mapulang mga pisngi. Sinipat ko ang ilong. Ito lang yata ang parte ng katawan ko ang hindi nagbago. Matangos pa rin at may nunal sa taas ng kanang butas.
Sunod kong tinitigan ang mga mata. Wala na kahit na anong bakas ng masayahin at puno ng buhay ng isang simple, inosente at mapagmahal na dalaga, ng kislap na naghahatid ng pag-asa sa iba. Wala na. Tanging lamig na lang ang natira.
Bumaba ang tingin ko sa hubad na katawan. Mas pumayat ako ngayon kaysa dati. Hindi payat na pang-model na payat kundi lean and toned na pagkapayat. May mga masel na rin sa magkabilang braso.
Bahagya akong tumagilid para makita ko ang likod. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong mahahabang pilat ang naroroon. Nakuha ko ang isa sa unang pagsabak ko sa brawl sa Hall, ang isa naman ay noong matapos kong talunin ang top 1 sa Advance Class para makapasok. At ang pinakauna at pinakamalalim na pilat ay noong... noong una akong matagpuan ni Mistress Meg.
Napapikit ako ng sumagi na naman sa isip ko ang sinabi ng mistress.
"Prepare yourself tomorrow. I will let you see Seling. Pay your last respects to her. Bihira akong magbigay ng pabor sa isang tao kaya sulitin mo na. Patunay rin ito na tumutupad ako sa mga salita ko."
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagdagsa ng mga alaala. Hindi ko kayo kailangan ngayon. You'll just drag me down again given my present state.
Ayoko nang balikan pa kayo. Ayoko na sa sarili ko noon. Tama na ang ilang taon kong pagpapagapos sa mapaniil ninyong mga tali.
Pero gusto ko mang kalimutan ang lahat ng nagpapaalala sa akin sa nakaraan, hindi ko masikmurang kalimutan si Seling. Si Yaya Seling na ginawa ang lahat ng makabubuti sa akin. Si Yaya Seling na kasalo ko sa pighati. Siya ang unang mga bisig na yumakap sa akin matapos kong malaman na...
Ipinilig ko ang ulo para alisin ang isang larawan na pilit nagsusumiksik sa alaala. Wag na. Please. Maawa ka. Wag muna ngayon.
Something hot come out of my eyes that flowed together with the cold water from above. Pilit ko mang supilin pero parang may sariling buhay ang utak ko na gustong ilabas ang isang alaala.
"Anak, gabi na. Ano bang ginagawa mo dito sa labas at nandito ka pa? Sige na. Pumasok ka na sa loob at mukhang malamig na dito. Baka sipunin ka pa. Marami ring mga lamok dito sa hardin kapag gabi. Naku! Ayokong magalusan ni kaunti ang kutis mo. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko kay Donya Teodora kapag nagkita kami? Ayokong isipin niyang pinababayaan ko ang kaniyang kaisa-isa at pinakamamahal prinsesa." Pinatungan niya ako ng hawak niyang shawl at tinabihan sa pagkakaupo sa swing sa garden.
Tuwing gabi at nalulungkot ako ay dito ako nagpapalipas ng oras. Nakatingala palagi sa kalangitan upang pagmasdan ang buwan at bituin kapag maganda ang panahon at hindi nababalutan ng ulap.
Kinakausap ko rin sa isip ang matagal nang namayapang ina para maibsan kahit kaunti ang bigat at pangungulilang nadarama.
"Ya?" baling ko sa kaniya.
"O bakit nak?" Hinaplos nito ang mahaba kong buhok.
"Kwentuhan mo ako tungkol sa love story nila mama at papa. Please," ngumuso pa ako ng makita kong mukhang tututol siya.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga kuwento ko tungkol kina Don Rafael at Donya Teodora? Aba! Araw-araw ka atang umuungot na kwentuhan kita."
Umiling ako. "Hindi Ya. Hindi naman kasi nakakasawa ang love story nila. I think it's the most romantic love story I've ever heard. Sige na Ya." udyok ko pa.
Bumuntung-hininga ito. "Tama ka nak. Ang pag-iibigan nga ng mga magulang mo ang pinakamagandang kuwento ng pag-ibig na narinig ko." Nawala ang ngiti nito sa mga labi. "Dangan nga lamang at kinuha agad siya ng Panginoon mula sa atin. Hindi niya tuloy nakita kung gaano kaganda at kabait ang unica hija niya."
Napabungisngis ako. "Talaga ya? Maganda ako? E parang hindi naman iyon nakikita ng crush ko e." Tumungo ako ng makaramdam ng disappointment.
"Aba! Bulag lang anak ang hindi makakakita ng iyong ganda. Sino ba ang binatang iyan aber?" pang-uusyuso nito.
Namula ako at iyinuko ang ulo. "Di na mahalaga iyon ya. Kahit kailan, hindi naman ako magugustuhan nun. Iba ang gusto niya e." Pinigil ko ang sarili na maiyak.
"Aruy, ang dalaga ko, may crush na," panunukso niya sa akin. "Nabubulagan lang siguro ang kung sinumang binatang iyan, anak," pang-aalo niya sa akin. Sinundot niya ang tagiliran ko na nagpaigtad sa akin. May kiliti ako dun e.
"Ya!" bulalas ko.
"Sino iyan ha? Sabihin mo na sa akin. Itong batang ito, nagtatago na sa akin," tila nagtatampong bata na ginaya nito ang pagnguso ko kanina.
Tumawa ako at niyakap siya. "Si yaya parang ewan. Sa akin na lang iyong identity ng crush ko ya. Baka agawin mo pa e lalong mabokya ako," pagbibiro ko.
"Ay wag mo na lang talagang sabihin dahil baka makindatan ko lang ng isang beses ay mahulog agad sa akin. Hindi ka na talaga magkakaroon ng pag-asa," tumatawang sabi nito.
Sinabayan ko na rin siya sa pagtawa. Nagkulitan pa kami ng nagkulitan hanggang sa naputol lang ng tunog ng paparating na sasakyan.
I snapped out from the memory when I heard the familiar cry coming from the girl from the other cell.
Ini-off ko ang shower at tinuyo ang sarili at lumabas para magbihis. Masakit ang buong katawan ko mula sa bugbog at injuries na tinamo. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng ibang sugat kaya kailangan ko silang gamutin.
Matapos magbihis ay kinuha ko ang first aid kit at umupo sa likod ng pinto ng cell ko. May pangako akong kailangang tuparin.
Kumuha ako ng bulak at sinimulang gamutin ang mga sugat.
"I'm here again. Tapusin mo na ang kuwento mo. Makikinig ako," ani ko sa babae sa kabila.
Nahinto ang tunog ng pag-iyak at narinig ko ang pagkalampagan ng mga kadena. Mukhang hinihila nito ang sarili papunta sa pintuan.
"Ano ang nangyari sa iyo? Ilang araw ring hindi kita narinig mula dito," usisa agad nito.
"May misyon lang na kailangang gawin. Ikaw? Ano ng nangyari sa iyo?"
"Misyon? Ibig-sabihin..." ibinitin nito ang sasabihin.
"Oo, I just had my field demonstration right after dragging the corpse of my co-neophyte," dugtong ko sa sinabi niya. "Pretty rough I may say but I know this is only the beginning. More cruel and gruesome days await me," sa mahinang boses ay tinuran ko.
Natahimik ang babae.
"Nagsisisi ka na bang ito ang buhay na pinili mo?" pukaw niya sa akin.
I winced at the pain as I dab the cotton soaked with alcohol to the open area of the wound. "No. If I will be given another set of choices, I'd still choose to be here over and over again." Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi sa isang estranghera. Mula ng pumasok ako sa facility ay wala na akong hinayaan na taong makalapit at makausap ako ng matagal. Not that the facility allows it. Kahit anong higpit ng nasa Taas ay nagagawa pa rin ng ibang neophytes ang makipagtalastasan sa iba. Isang bagay na matagal ko nang kinalimutan kaya nagtataka ako kung bakit ganun na lang kadali para sa akin ang kausapin ang babae sa kabila.
"Kahit maging full-fledged assassin ka na? Kapag nangyari iyon, maibabalik na sa iyo ang kalayaan mo. Wala ka pa rin bang balak na mag-deflect kung sakali?"
"Narito ako dahil may utang ako sa iyo. Magkuwento ka na para makabayad ako," sa halip ay sabi ko kaysa sagutin ang tanong niya. Deep inside, wala rin akong mahanap na sagot.
Bumuntung-hininga ito. "We had a baby. A very beautiful baby sabi ng kumadrona sa akin." Umalpas ang hikbi mula dito. "She's beautiful, so tiny, so precious," ani nito na bakas sa boses ang matinding pangungulila.
Naiwan sa ere ang kamay ko na may hawak na bandage.
"Pero namatay siya sabi ng ama niya. Nawalan ako ng malay matapos kong marinig ang iyak ng sanggol ko kaya hindi ko alam ang mga nangyari. Ang sabi niya ay bigla na lang daw hindi na humihinga ang bata. I tried to ask him where is our child at least man lang makita ko siya sa huling pagkakataon pero wag na daw dahil makakasama lang daw sa akin. I got mad at him because of that. Nagpumilit akong malaman kung nasaan ang baby namin pero wala akong napala. He's so firm about hiding it from me. After we lost our child, nagbago bigla ang pakikitungo niya sa akin. Aburido na siya palagi at sinasaktan na rin niya ako. I let him be as I was also looking for someone to blame, myself in particular. Until such time na may mga lalaki na lang dumating sa bahay namin at kinukuha ako. Turns out, ibinenta niya ako dito sa facility. Nung mga panahong iyon, iba pa ang management dito kaya allowed pa ang mga kidnap victims pero may mga volunteers na rin tulad mo."
"And here you are now trying to escape this inescapable fate of yours. Kung ako sa iyo, stop fighting it. Wala ka nang pag-asang makawala dito. Even as we speak now, alam na ng nasa Taas ang lahat-lahat." Itinuloy ko ang paglalagay ng bandages sa mga sugat at tumayo na.
"I've already listened to your story kaya bayad na ako. I need to take a rest. Paniguradong mahaba ang magiging araw ko bukas." Iika-ikang naglakad na ako papunta sa kama at nahiga. Ipinatong ko ang braso sa noo at pumikit. I wonder what would happen tomorrow.
"THIS is our point of locus. I expect you to come back an hour from now." Iniabot sa akin ni C1 ang susi ng sasakyan.
"Aren't you going to accompany me? I might fled after this. Hindi mo rin ako nilagyan ng tracking device," sabi ko matapos abutin ang susi.
"Walang order na ganiyan ang mistress. Ginagawa ko lang ang sinasabi niya," walang emosyon nitong sagot.
Tumango na lang ako at walang kibong bumaba na sa sasakyan patungo sa isa pang sasakyan na nasa di-kalayuan. As expected, C1 only served at the pleasure of the mistress. Batas para sa kaniya ang anumang sabihin ng mistress.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Napatingin ako sa isang pumpon na bulaklak na nasa passenger's seat. Tumikwas ang isa kong kilay. I never thought the mistress could be this thoughtful. Tama. I need flowers for Seling.
Binuhay ko na ang makina at tinalunton ang daan patungo sa memorial park na paglalagakan ng mga labi ni Yaya. Nakita ko pa sa side mirror ang paglabas ni C1 sa sasakyan at pagtanaw nito bago ko tuluyang pinasibad ito.
Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at hinayaang isayaw ng hangin ang maiksi kong buhok. Kumikirot ang mga sugat ko sa mukha na natatabunan ng mga bandages dahil sa marahas na paghampas ng hangin dito dahil sa matulin kong pagpapatakbo. Pero tulad ng mga taong nagdaan, hindi ko na iniinda ang pisikal na sakit. Masasabing immune na ako sa kanila. Nakasanayan ko na ang pamilyar nilang kirot at hapdi. Basic na lang kumbaga ang pakiramdam.
Inihimpil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada katabi ng iba pang mga mamahaling sasakyan. Kinuha ko ang bulaklak at bumaba. Saglit muna akong parang tuod na nakatayo lang at nakatingin sa paligid. Natatanaw ko na ilang metro ang layo ang nakaset-up na tent. May pari sa harap na nagsasalita.
Umihip ang hangin at tinangay ang ibang talutot ng bulaklak palayo. Tinitigan ko lang ito hanggang sa maglanding ang iilan sa sasakyan na pamilyar sa akin ang plaka. Kinapa ko ang malamig na bakal ng kamatayan sa loob ng jacket. Ibinigay ito sa akin ng mistress bago kami lumakad ni C1. Mahirap na at baka masalisihan.
Nagsimula na akong maglakad. Paika-ika dahil sa bali ko sa binti. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng dugo mula sa isang sugat ko sa balikat at paa. Maaring napuwersa ito kanina sa pagmamaneho. Oh well, not that it matters.
With an expressionless face, cold murderous eyes, and flowers on my hand, I made my way to the crowd. Narinig ko pa ang isang lalaki na nag-utos na ibaba na ang kabaong sa hukay na sinundan ng iyakan.
"No. Not yet. Not until I see my yaya for the last time," maawtoridad kong pigil sa tangka nilang pagbuhat sa casket.
Bumaling ang lahat sa akin. Hindi makapaniwala ang mga mukhang umawang ang mga labi. Commotion ensued. Shocked, disbelief and horror were all over their faces. Bumaling ako sa isang grupo na nasa harapan. Isa, dalawa, tatlo, apat. Kulang. Kulang ng isa. Sinalubong ko ang tingin ng isang lalaking kasingtikas pa rin ng dati ang tindig. Matangkad ang lalaki. Mga nasa 60s and edad. Nakasalamin. Pormal na pormal ang suot at halatang mamahalin. Curious na tinitigan ko ang mukha ng lalaki especially ang ilong nito. Parang nakita ko na ang kaparehong ilong. Right. I always see the same exact replica infront of my mirror in the cell. Namumutla ang matanda at nanlalaki ang mga mata na nakatunganga sa akin. Napaatras pa ito ng kaunti. Dumulog at agad umalalay naman ang isang nasa 40s na babae. Maganda. Puno ng alahas ang katawan. Nakatingin rin sa akin at nakabuka ang bibig sa labis na pagkabigla.
Inilipat ko ang tingin sa magandang babaeng kaedad ko lang halos. Nakahawak ito sa braso ng matandang lalaki at putlang-putla rin.
Balewalang sinamantala ko ang kanilang pagkatigagal at nagpatuloy sa paglalakad. Nahawi ang mga tao at pinadaan ako. Nagsimula ang mga bulung-bulungan.
Tinitigan ko ang payapang mukha ni Yaya Seling sa loob ng kabaong. Inilapag ko sa ibabaw ang hawak na bulaklak. Hindi na ako nakatiis at hinaplos ang glass ng casket.
"Hi ya," pagkausap ko sa kaniya. Nanginig ang boses ko at nag-init ang mga mata. "Andito na ako ya. Andito na ang alaga mo. Wag ka ng magtampo diyan ha. Tinupad ko ang pangako ko sa iyo. Di ba nangako akong babalik ako? Kahit wala ng buhay na Yaya Seling ang naabutan ko at least tinupad ko ha. Di mo ako masusumbatan na hindi ako tumupad sa usapan." Pumikit ako at hinayaang tumulo ang dalawang butil ng luha. Yumuko ako at hinalikan ang glass.
"I hope you're proud of me. Alam mo ba ya, I just made my first kill yesterday. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko kahapon ya. Parang masaya ako na malungkot na galit. Sayang at wala ka na. Wala ng makikinig sa mga kuwento ko. Ang dami kong gustong sabihin sa iyo alam mo ba? Ang dami kong gustong pagdalhan sa iyo kaso nauna ka na. Ingat ka diyan ya ha. Pakikumusta ako kay mama. Wag mo ng sabihin ang mga pinagdaanan ko dito ha. Baka multuhin ako nun." Tumawa ako ng bahaw at umayos ng tayo.
"Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa iyo ya at kay mama. Mawawala ako ng mga ilang taon. Hindi ko alam kung kailan ko ulit kayo mabibisita pero wag kayong magtatampo ha. I'll be back for sure. I'll be back. Nga pala, sorry sa nakayanan ko. Bulaklak at luha lang ang nakaya kong ibigay sa iyo. Di bale, I'll repay you ya. That's a promise. Humayo ka na ya. No more pain there ya. No more pain. Bon voyage." Hinalikan ko ang hintuturo at panggitnang daliri bago inihaplos sa ibabaw ng kabaong bago umatras.
Tumalikod na ako at hindi lumilingong naglakad pabalik sa sasakyan. Today, together with paying my last respects to Seling, I close this chapter of my life. I will not reopen it until such time when it is really needed.
"Faye! Faye anak!"
Napatigil ako sa pagbubukas ng sasakyan dahil sa pagtawag na iyon. Faye. Faye. I heard that loathsome and good-for-nothing name again. Matalim kong pinukol ng tingin ang matandang lalaki na palapit sa akin kasunod ang dalawang babae at mga armadong bodyguards. Napatiim-bagang ako.
"Anak, b-buhay ka." Gumaralgal ang tinig ng lalaki. "Paano, paano nangyari iyon?" nalilitong tanong nito.
Blangko ang tinging nagkibit-balikat ako. "I breathe," tipid kong sagot.
"Faye anak. You don't know how long I've been looking for you. Buti naman at bumalik ka na. Masayang-masaya ako anak. I couldn't be any happier now that you're back with us." Umakma siya yayakapin ako pero umatras ako.
"Hindi ka na dapat nag-abala pang hanapin ako. I'm dead, that's final so consider me dead," sa napakalamig na boses ay turan ko.
Natigilan ang don at tinitigan lang ako. Gumuhit ang pag-aalala at pagtataka sa mukha nito. "Faye, what happened to you? Bakit puno ka ng sugat? Ano'ng nangyari sa iyo?"
"Wala ka na dun." Tiningnan ko siya sa paraang naiinip. "I'll be going. Wag mo na akong hanapin."
"Anak, I'm sorry.. Patawarin mo sana ako. Please Faye, bumalik ka na sa akin. Matagal na akong nangungulila sa iyo anak. Kailanman ay hindi ako naniwalang patay ka na. I knew in my heart that you're alive kaya hindi ko ipinatigil ang paghahanap sa iyo anak. Faye, bumalik ka na sa atin. Umuwi ka na anak. Hinihintay ka na namin, ng pamilya mo," pagsusumamo nito.
"Pasensiya na pero kalilibing lang ng natitira kong kapamilya." Tumuwid ako at seryosong pinagtama ang mga mata namin ng matanda. "And one more thing, I can never forgive you."
Natigagal ang matanda sa narinig at nanginig ang mga labi. Namuo ang luha sa mga nito at tumulo.
"Ano pang hinihintay ninyo guards? Get her!" utos ng isang tinig na kararating lang.
Nanigas ako sa kinatatayuan nang mapagsino ang lalaki. Sumulak ang galit ko sa dibdib. Inilabas ko ang baril, kinasa at iniumang sa ulo ng matandang lalaki na mas lalong namutla. Hindi niya marahil naisip na darating ako sa ganitong punto.
"Take one step further and I'll blow your boss' head into pieces." Ikiniling ko ang ulo sa gilid at kaagad inasinta ang gulong ng sasakyan nila. Sapul. Sabog ang gulong. Napasigaw ang mga babae at nagtakip ng tenga.
"Sample lang iyan. Leave me alone and there will be no bloodbath," I warned in a dangerous tone.
As if on cue, the guards retreated. I smirked.
"Good boys."
With the hand gun still pointing at them, I quickly slipped into the car, revved the engine and sped away.