webnovel

Code Name: Blue

Gabbie's thought: meeting him is like a hell...lakas makagangters kahit naman hindi napakayabang pa akala mo kung sino...i super hate him. Blue's thought: meeting her is...feeling super hero para siyang roller coaster hindi ko siya maintindihan. i will never gonna like her as in ever!

pammeeeey · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
47 Chs

NAISAHAN

Chapter 24

Hindi ako mapakali hindi ko alam ung gagawin ko bago lang ang lahat sakin to. Napalakas kaya ung suntok ko sa kanya kasalanan naman niya kasi kakahalik niya lang sakin hinalikan na naman niya ako. kamustahin ko kaya baka napalakas pero siguro naman hindi rin kasi hindi naman masyadong malakas ung ginawa ko. Paikot ikot na ako sa loob ng kwarto at hindi malaman ang gagawin kung lalabas ba o maghihintay na lang ako dito sa kwarto ko.

Biglang may kumatok. "pasok" sabi ko.

"Gabbie ito na ung pagkain mo" sabi ni Yellow.

"Sige salamat kayo ba kumain na kayo?" tanong ko.

"Oo kumakain na sila sa may dining area" bakit hindi na lang nila ako tinawag.

"Dun na lang din ako kakain patapos na ba kayo?" nagaalinlangan kong sabi.

"Hindi pa naman sila nagsisimula kasi hinihintay nila ako. Sure ka dun ka na lang kakain?" sagot ni Yellow.

"Oo malungkot kaya kumain magisa" pagrarason ko.

Bakit kaya hindi si Blue ung naghatid ng pagkain ko nainis ba siya sa ginawa kong pag sapak sa kanya? or Baka iniiwasan niya ako.

"Guys sasabay na lang daw si Gabbie satin" anunsyo ni Yellow sa tropang Crayola.

"Sige umupo ka na dito Gabbie" sabi ni kuya Red umupo ako sa tabi niya.

"Anong gusto mo Gabbie" tanong ni kuya Red.

"Kahit ano" wala sa sarili kong sabi hinahanap kasi ng mata ko si Blue wala siya sa dining area.

"Gabbie may hinahanap ka ba?" nakangising sabi ni Orange.

"Huh? Ako wala tinitingnan ko lang ung mga ulam" pagsisinungaling ko.

"Ah akala ko may hinahanap ka eh" pangaasar ni Orange.

"Gabbie kumain ka na nilagyan na kita ng pagkain sa plato mo" sabi ni kuya Red.

Tahimik na kaming kumain paminsan minsan maguusap sila kung hindi tungkol sa basketball ang pinaguusapan minsan kung saan saan na lang napupunta hindi sila nawawala ng paguusapan.

"Green asan si Blue?" biglang tanong ni kuya Red.

"Hindi ko alam" sagot ni Green.

"Parang nakita ko kanina pumasok sa kwarto niya. Mukhang namimilipit sa sakit" nakatingin sakin si Orange habang sinabi niya yun.

"Bakit anong nangyare?" nagtatakang tanong ni kuya Red.

"Ewan ko. Baka ung sugat niya nung last mission niya diba nasugatan siya hindi pa ata magaling" nakatingin pa din sakin si Orange.

"Nasugatan siya? Pinatingin niya na ba yun?' nagaalalang tanong ni Kuya Red.

"Oo pero baka biglang sumakit lang ulit. Maya puntahan ko" tinaasan ako ng kilay ni Orange.

Iniwas ko naman ung tingin ko kay Orange. Ibig sabihin may sugat siya sa tiyan tapos sinuntok ko pa kanina baka nagdugo yun.

Di na kao makatiis tumayo ako. Kaya naman napatingin silang lahat sakin.

"Tapos na akong kumain mauna na ako sa inyo" pagpapaalam ko sa kanila.

"Pero konti pa lang ung nakakain mo Gabbie" nagaalalang tanong ni kuya Red.

"Busog na ako. Okay na ako babalik na ako sa kwarto ko" nagmamadaling umalis ako ng dining.

Hinanap ko ung kwarto ni Blue madami pa naman kwarto dito sa bahay kaya mahirap malaman kung saan dito si Blue. Inisa isa ko ang kwarto para malaman kung nasaan si Blue pero natingnan ko na halos lahat pwera lang sa kwartong katabi ng kwarto ko sana nandun na siya.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Blue"

Pumasok na ako sa loob dahan dahan akong pumasok sa loob baka kasi natutulog siya tapos magising ko siya kaya naman maingat akong naglalakad sinisiguro ko na walang ingay akong gagawin. Pero pagdating ko sa may kama walang tao bigla naman ako nalungkot kasi akala ko nandito na siya kasi natingnan ko na ung ibang kwarto at wala siya dun. Nasaan kaya ang mokong na yun nagaalala ako kasi kasalanan ko kaya namimilipit siya sa sakit kanina.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses niya. Agad akong pumihit para makita siya.

"Ah...Ano...Kasi...Ah" hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Alam mo ba na hindi ka dapat pumapasok sa kwarto ng lalaki?" sabi niya habang unti unting lumalapit sakin.

"Ano...Kasi..." hindi ko talaga alam ung sasabihin ko hindi ako makapagisip lalo na palapit siya ng palapit sakin.

"Ano?" nakalapit na siya sakin mas inilapit niya pa ung mukha niya sakin.

"Sabi mo dadalhan mo ako ng pagkain?" yun lang ang naisip ko ang lapit kasi ng mukha niya. tinulak ko palayo ang mukha niya.

"Ah yun ba" naglakad na siya papunta sa kama niya at umupo.

"Dinalhan na ako ni Yellow" sabi ko.

"Okay. Paano mo nalaman kung saan ang kwarto ko?" nagtatakang tanong niya.

"ano---teka nga bakit ba ang dami mong tanong ikaw na nga tong hindi ako dinalhan ng pagkain nangako-ngako ka tapos hindi mo naman pala gagawin" pagpapalusot ko.

"Edi sorry. Kung wala ka na sasabihin makakaalis ka na" masungit niyang sabi.

"Bakit pinapaalis mo na ako? Baka nakakalimutan mo bahay to ng lolo ko!" mataray kong sabi.

"Fine edi ako ang aalis" sabi niya saka tumayo sa kama niya akmang aalis na siya ng hawakan ko ung braso niya.

"Oo na aalis na. Wag ka na umalis magpahinga ka na. Baka dumugo na naman ung sugat mo" pagsuko ko. Hindi ko na kasi dapat pinapatulan pa ung kasungitan niya.

"Huh? Ako may sugat? Saan mo naman nakuha yan?" di makapaniwala niyang sabi.

"Oo ikaw sabi ni Orange kanina daw namimilipit ka sa sakit kaya nga diba hindi ka sumabay kumain sa kanila. Tapos sinuntok pa kita kanina sa tiyan baka kaya ka namimilipit kanina dahil sa ginawa ko hindi ko naman sinasadyang gawin yun kasalanan mo din naman kasi yun bigla ka na naman ng halik eh kakatapos mo lang ako halikan nun siyempre in shock pa ako kasi first time ko lang maranasan ung ganun halik. Pero kasi kakahalik lang tapos halik na naman ano nasarapan ganun kaya pinaulit ulit. Kaya pinuntahan kita para malaman kung okay ka lang akala mo ba madali lang hanapin tong kwarto na to lahat ng kwarto tiningnan ko na baka nandun ka pero wala ito ung last ung katabi lang ng kwarto ko pinagdasal ko na sana nandito ka kaya nagingat ako sa pagpasok kasi baka magising ka baka nagpapahinga ka tapos magising kita medyo nalungkot ako ng akala ko wala ka dito pero---" nang marealize ko na sinasabi ko na lang tinakpan ko na ung bibig ko.

"ahm...sige aalis na ako" binitawan ko na ung braso niya.

Napatingin siya sakin pero nakangiti siya.

"Sorry sa istorbo" mabilis akong umalis papuntang pintuan pero bago ko pa mabuksan napigilan na niya.

"So nagaalala ka sakin" nakangiti niyang sabi.

"Hindi" pagtanggi ko.

"Sigurado ka?" nakangiti niya pa din sabi.

"Oo?" patanong kong sabi.

"Bakit parang di ka sigurado?" nakangisi niyang sabi.

"Sigurado ako!" pagkukumbinsi ko sa kanya at sa sarili ko.

"Aray! parang kumikirot na naman" biglang sabi niya. napahawak naman siya sa tiyan niya.

Nataranta naman ako kaya inalalayan ko siya papuntang kama niya maingat ko siyang inihiga.

"Blue okay ka lang gusto mo ba tumawag na ako ng doctor? or mas okay sana kung dalhin na lang kita ospital" nagaalalang tanong ko.

"Kiss lang Gabbie magiging okay na ako" nanghihinang sabi ni Blue.

"Saan?" natatarantang tanong ko.

"Sa lips" napatingin naman ako sa labi niya.

Napalunok ako ito ang unang beses na ako mismo ang hahalik sa isang lalaki. Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Blue ang likod ko na para bang mas dinidiin pa ung labi ko sa labi niya. Hanggang sa gumalaw na ang labi ni Blue at sumusunod na din ung labi ko sa ginagawa niya. Nang kapusin na kami ng hangin parehas ako ang unang lumayo.

Nakatulala lang ako sa kanya habang siya ay nakangisi lang sakin.

Saglit parang naisahan ata ako...