CHAPTER 35
Naramdaman niya atang hindi ako natutuwa kaya naman nanahimik na lang din siya. Tingnan ko kung ano ginagawa niya nakita ko siyang nakapikit sa may upuan kaya naman pala niyang matulog kahit hindi nakahiga so okay lang kahit jan na lang siya.
Bumangon ako para lumapit sa kanya pero hindi naman talaga siya ung pakay ko ung pagkain medyo nagugutom na rin ako. Maingat akong kumuha ng pagkain ayoko naman siyang magising dahil sa kagagawan ko mamaya awayin niya pa ako.
"Hindi mo ba alam na masamang tumitig sa tao?" biglang sabi niya pero nakapikit pa din.
"Napafeeling mo naman pala" sabi ko saka kumuha ng pagkain.
Dumilat siya at saka ako tiningnan. "At least hindi naman madumi ang isip ko"
Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo?"
"Hindi mo alam ung sinasabi ko?" sabi niya.
Binaling ko sa iba ang tingin ko. "Hindi"
"Okay" sabi niya saka tumayo at nagpunta sa may kama.
Teka…
Teka…
Pupunta siya sa kama ko!!!!
"Oy! Oy! Saan ka pupunta?" natataranta kong sabi.
"sa kama matutulog gusto ko magpahinga" kaswal niyang sabi.
Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya para pigilan siya. "hoy! Ano bang gina---"
Humarap siya sakin para siguro pigilan ako pero napatid ako sa sariling ko paa dahil sa sobrang pagmamadali kaya naman naitulak ko siya ng hindi sinasadya pero ang hindi ko inaakala na kay Blue ako lalanding
"Aray!" daing niiya.
"Ikaw kunyari ka pa" pangaasar niya.
Biglang namula ung mukha ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Siguro may lihim kang pagnanasa sakin? Sabihin mo lang hindi yung ganyan papayag naman ako eh" makahulugang niyang sabi.
"Wow! Iba din pala talaga ang kakapalan ng mukha mo" inis ko sabi.
"Malamang kung manipis ito edi madaling mapunit or masira" pilosopong sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Galing galing naman ano po?"
"Wala ka bang balak umalis sa ibabaw ko?" nakangisi niyang sabi.
Nang mapagtanto ko na nakapatong pa din ako sa kanya ay agad agad akong tumayo. Biglang uminit ang pisngi ko kasi naman nakalimutan kong nasa ibabaw niya nga pala ako.
"Hmp!" yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil nakakahiya. Bakit ba kasi hindi ako umalis kaagad.
Babalik na sana ako sa upuan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"I miss you" malumanay niyang sabi.
Napalingon naman ko sa kanya. "Sobrang namiss kita para akong mababaliw ng hindi ka pa naming nakikita"
"Pinilit ko talagang akong ang makakita sayo. Buti na lang talaga ako ang nakakita sayo" seryosong sabi ni Blue. Napatitig ako hindi ko alam kung bakit niya yun sinasabi.
Tumayo siya at lumapit sakin. "Kaya hindi ko na hahayaan na mawala ka pa sakin ulit"
Tiningnan ko ang mga mata niya punong puno ng emosyon. "Akin ka lang Gabbie tandaan mo yan"
"Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong niya sakin.
"Wala…Kailangan ba may sabihin din ako pabalik?" tanong ko din sa kanya pabalik.
"Pambihira naman nagpapakaseryoso ako at nagiging korny ako tapos wala ka man lang sasabihin? Babae ka ba talaga? Yung iba kapag sinabihan mo kikiligin na yun" angal niyang parang bata.
"sino bang nagsabing magkapakorny ka? Sinabi ko bang magpakakorny ka?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Ay ewan ko sayo!" binitawan niya ako at pumunta na sa kama at nahiga. Lihim naman ako napangiti dahil sa mga pagrereklamo niya.
Parang baliw talagang tong Blue bigla na lang nagbabago-bago bumalik na lang ulit ako sa upuan para tapusin ang pagkain ko.
Habang kumain kain nararamdaman kong may nakatingin kaya naman tumingin ako kay Blue at nahuli ko nga nakatingin pero bigla naman niyang iniwas ang tingin niya. Napataas na naman ako ng kilay ko nababaliw na talaga tong Blue na ito. Tinanggal ko na ung tingin ko sa kanya pero ng maramdaman ko na naman ung parang may nakatingin sakin tumingin ako ulit sa kanya.
"Para kang sira! Nangiinis ka ba talaga?!" sigaw ko sa kanya.
"Ano na naman ginawa ko sayo?" inosente niyang sabi.
"Ba't ka kasi tingin ng tingin dito?" inis na sigaw ko.
"Masama bang i-appreciate ko ung ganda mo?" sabi niya.
Nabitawan ko ung pagkain ko dahil sa sinabi niya. "A-Ano bang pinagsasabi mo?!"
Ngumisi siya. "Kinilig ka?"
Sinimangutan ko siya niloloko na naman niya ako. Hindi ko na siya pinansin kinuha ko na lang ung pagkain na nahulog. Naglipit ako ng pinagkainan ko pati na rin ng kinainan kanina ni Blue hindi niya kasi niligpit. Pagkatapos at pumunta na ako sa kama mukhang nakatulog si Blue kaya hindi ko na muna inistorbo hindi pa naman ako inaantok gusto ko lang humiga sa kama. Pero nararamdaman ko na parang bumibigat ang talukap ng mata ko ipipikit ko lang ng saglit.
Naramdaman ko na parang may kumikiliti sa leeg ko kaya naman pilit kong naalis pero ayaw mas lalo pang dumikit sakin at lumapit sa leeg ko. Bigla kong naalala…
Dinilat ko ang mata ko at tiningnan ung katabi ko. "AAHHHHHHHHHHHHH!"
Bigla naman napatayo ung katabi ko. "Anong nangyari?"
"B-Bakit nakayakap ka sakin?" natatarantang tanong ko.
"I-Ikaw niyakap ko?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"O-Oo sa tingin mo sisigaw ba ako kung hindi?" gulat ko pa din sabi.
"Sus yakap lang naman. Hindi naman tayo ng nagtalik" kaswal niyang sabi. Napakabastos talaga ng bibig niya.
Napapikit ako sa sobrang inis. "Alam mo ung posisyon mo bago ka nagising? Ganito"
Hinila ko siya pahiga ulit at ginagawa ko ung ginagawa niya. "Ganito sino sa tingin ang hindi mapapasigaw"
Naging stiff siya. "Magsalita ka!"
"If I were you lumayo ka na" pagbabanta niya.
"So ikaw lang may Karapatan mang ganun ako hindi? Aba magaling din. Pwes hindi ako aalis" pagmamatigas ko.
Napalunok naman siya. "Lumayo ka na habang nagpipigil pa ako"
Mas lalo akong lumapit. "Oh talaga?"
"Gabbie. Please" pakiusap niya.
"No" mariin kong sabi.
Tila parang napatid na lubid si Blue ang bilis niyang kumilos hindi ko namalayan nasa ibabaw ko na siya.
"Napakatigas ng ulo mo. Sabi ng lumayo ka na. Ikaw ang may kasalanan nito" sabi niya.
Walang sabi sabi bilang na lang niya akong hinalikan.