webnovel

Code Name: Blue

Gabbie's thought: meeting him is like a hell...lakas makagangters kahit naman hindi napakayabang pa akala mo kung sino...i super hate him. Blue's thought: meeting her is...feeling super hero para siyang roller coaster hindi ko siya maintindihan. i will never gonna like her as in ever!

pammeeeey · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
47 Chs

BARIL

Chapter 7

"What the hell? Yun talaga ung naisip mong ipangalan sa mga kaibigan ni kuya?" gulat naman na sabi ni Irene na kwento ko kasi sa kanya ung pagpunta ni feeling gangster with his friends (lakas lang makabarney with friends).

"Eh kasi totoo naman. Look ung mga pangalan nila mga colors so what do you expect yun ang iisipin ko na para silang tropang crayola. Diba?" pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"Ewan ko sayo!. Basta wag mo lang yan ipaparinig sa kuya ko at sa mga kaibigan niya, okay!" napairap na lang ako kasi hindi naman yun malaking bagay sa mukhang hindi naman magagalit ung mga yun kapag tinawag ko silang tropang crayola.

dahil nasa canteen kami dahil break time pa din tinatamad kasing kumain tong babaeng to ako naman kain lang ng kain dahil gutom ako.

"Hi ladies" masayng bati ni Orange.

"What do you need kuya Orange? and where's my brother?" masungit na tanong ni Irene.

"Hey don't be like that. Binati ka niya ng maayos so you better treat him nice" pagsusungit ko kay Irene lately kasi nagiging masungit siya. hindi kasi bagay sa kanya.

(Nagsalita ung hindi masungit) bulong ni Irene pero narinig ko kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"Fine, Sorry kuya Orange" ngumiti lang si Orange. tapos tumingin siya sakin na parang sinasabi na happy?. Inirapan ko lang siya.

"where are the other tropang crayola?" maarteng tanong ko. habang kumakain.

"tropang crayola?" nagtatakang tanong niya. Bigla naman ako siniko ni Irene.

"What?" nagroll eyes ako dahil wala naman akong ginagawa. "I mean your friends?"

bigla naman natawa si Orange hindi ko alam kung bakit nagkatinginan naman kami ni Irene.

"Sorry" tumatawa pa din siya pero nakahawak na siya sa tiyan niya. "Sobrang nakakatawa lang kasi"

tinaasan ko na siya ng kilay kasi nakakairita na ung pagtawa niya hindi naman kasi nakakatuwa as in para siyang baliw siya lang ung natatawa sa kung ano man ung pinagtatawanana niya.

"Orange" bigla naman kami napatingin sa nagsalita.

"sakto dating mo brad" tumigil na siya sa pagtawa at inakbayan ung kuya ni Irene.

"sa buong buhay ko hindi ko aakalain na makakatawa ako ng ganun akalain mo ba naman ginawan na tayo ng pangalan nitong si Gabbie" napatingin naman sa akin ung kuya ni Irene.

"Ang oa mo naman ata dun sa part na yun kuya Orange?" sabi ni Irene.

"What? I didn't do anything i just think of that name kasi..." bigla akong nahiya sabihin kasi naman si kuya Red na ung kaharap ko.

"binansagan niya tayong tropang crayola diba grabe di ako makamove on" natawa na naman siya.

"hmm...pwede naman kasi totoo naman. okay lang naman sa akin eh" nakangiting sabi ni kuya Red. though wala naman dapat ikangiti kasi dapat mainis siya dun. Bigla naman napahinto sa tawa si Orange.

"Dude nagbibiro ka lang, Right?" seryosong tanong ni Orange.

"Marunong ba ako magbiro? Hanapin mo na ung iba may sasabihin ako" bumalik na naman sa pagkaseryoso sagot ni kuya Red wala ng nagawa pa si Orange kundi sundin si Red na hanapin ang iba nilang kaibigan.

"Maiwan ko na kayo. By the way Irene sumabay ka na kay Gabbie may lakad ako ngayon kaya di kita mahahatid" pahabol ni kuya Red. tumango na lang si Irene bilang sagot niya.

Bigla naman ako nagtaka kung bakit pinasabay sakin si Irene most likely mas gugustuhin ni Kuya Red na siya ang maghatid kay Irene. Pero ngayon hinayaan niyang sumabay sakin si Irene.

"Since wala akong bantay gala naman tayo" natalim ko siyang tiningnan hindi kasi maganda ung huli naming gala. Dahil may nasabag akong sasakyan pero kasalanan naman niya yun eh kung hindi niya ako pinikon edi sana hindi na aabot pa sa ganun, right?

"Nah, wala ako sa mood ihahatid na lang kita gusto ko matulog inaantok kasi ako" inirapan niya lang ako at tumayo na mukhang babalik na kami sa room.

Mas nauunang maglakad si Irene mukhang may sapak na naman siya kaya ganyan yan. ganyan kapag hindi nasusunod ung gusto niya paano kasi na spoiled ni kuya Red. well ganun din naman ako kaya nga kami magkaibigan.

Nararamdaman ko may sumusunod sa akin kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman pero ramdam ko talaga eh. Tingnan natin kung hanggang saan ka. Pero bago ko pa magawa ung plano ko bigla na lang may tumakip ng bibig ko. Natataranta ako hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kung tatapakan ko ba ung paa o kakagatin ung kamay dahil hindi ako makapagdecide sabay na lang.

"Aray! itigil mo yan kundi..." nabosesan ko siya kaya naman itinigil ko ung ginagawa ko.

"Please wag kang sisigaw, okay" tumango na lang ako dahil naiiyak na ko. Sobra ung takot ko akala ko kung sino na. Mamaya patayin ako wala akong laban paano na ung mga taong mahal ko. wait ang drama patay agad di pwedeng lumaban muna.

Tinanggal niya na ung pagkakatakip niya sa bibig ko. Bigla naman tumulo ang mga luha ko. Pinaharap niya ako sa kanya. Akala ko kasi talaga katapusan ko na ang oa ko pala talaga. pero ayaw talaga tumigil ng luha ko.

"what the hell ba't ka umiiyak?" natatarantang tanong niya nung nakita niyang may mga luha sa mata ko.

"Gabbie! Answer me!" sigaw niya sa akin nung hindi ako sumagot.

"Bakit ba?" inis kong sagot sa kanya. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin?"

"Nakikiusap ako sayo pwede bang ihatid mo si Irene make sure namakakauwi siya ng maayos then doon ka na lang muna din tatawagan namin si Irene kapag pwede ka na umuwi" seryosong sabi naman niya.

"Paano kapag hindi ako sumunod?" tanong ko.

"Don't even try, Ako na nagsasabi sayo" mas naging seryoso siya.

Hindi na niya ako inintay pang sumagot bigla na lang siya umalis kinakabahan ako kasi parang napakaseryoso ng sinasabi niya. Pero nagtatalo ang isip ko kung susundin ko ba siya o hindi. Hanggang sa nakarating na lang ako sa room natulala. Kung hindi pa ako nasapok ni Irene hindi pa ako magigising sa iniiisip ko.

"Saan ka ba galing?. Salita ako ng salita wala naman pala akong kausap" inis na sabi sa akin ni Irene.

"Ano bang meron?. Bakit hindi ka mahahatid ni kuya mo? Bakit kailangan ko magstay sa inyo?"' hindi ko mapigilan hindi itanong kay Irene. Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Mukhang nalilito din siya sa mga pinagsasabi ko mukhang wala din siyang alam sa kung anong nangyayari.

"What are you talking about?" nagtatakang tanong niya.

"Wala wala don't mind me. Umupo ka na nanjan na ung prof" sinunod na lang niya ung sinabi ko.

Natapos na ung class namin pero wala akong natutunan dahil sa pagiisip ko sa sinsabi ni Blue. Pakiramdam ko may masamang mngyayari alam ko kasi protective si kuya Red pagdating kay Irene. Di kaya may gusto si Blue kay Irene kaya niya ako pinagstestay kila Irene ay para bantayan siya. Aba! magaling nakahanap ng tagapagalaga!.

"Let's go. pwede bang kumain na muna tayo?" pangungulit ni Irene. iba na naman ng mood niya.

"Wag na sa bahay ka na lang ninyo kumain. Ihahatid na kita" hinila ko na siya sa sasakyan buti na lang kasama ko ung driver ko.

"Kuya Tsoy hatid muna natin tong si Irene" nakasimangot naman si Irene dahil sa hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya.

Tahimik lang ako sa buong biyahe namin papunta kila Irene siya naman puro kwento tango lang lagi ang sagot ko mukhang hindi pa naman niya nahahalata dahil hindi niya pa ako tinatanong.

"Baba na. Tatawagan kita kapag nakauwi na ako" kumunot naman ang noo niya.

"Kanina ko pa napapansin ang tahimik mo tapos hindi ka pa gaano nagsasalita is something bothering you Gabbie?" nagaalalang tanong niya. Nakapag-pasya na ako hindi ko siya susundin ayoko magalaga ngayon wala ako sa mood.

"Okay lang ko sige na bumaba ka na and wag kang aalis hanggang hindi pa ako tumatawag sayo. And please this time makinig ka naman sa akin when I say stay at your house just do it'' mas lalong kumunot ung noo niya.

"Eh?! like hindi rin naman ako makaka-alis dahil wala si kuya" sinamaan ko siya ng tingin. "okay okay your acting weird today. Ingat kayo call me kaagad ah bye" pagsukoniya saka bumababa sa

sasakyan.

Pumunta muna kami sa security ng village nila Irene sobrang napaparanoid ako dahil sa sinabi ni Blue at sinabihan ko ung mga guards na maglagay ng madaming guard pansamantala sa bahay nila Irene sinabi ko na lang at emergency at kapag may gustong pumunta kila Irene huwag papayagan. pagkatapos ay aagad din naman kami umuwi dahil gusto ko na matulog.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo...

"Mang tsoy bakit po tayo tumigil?" nagulat ako dahil bigla na lang kami tumigil.

"ma'am wag kayong baba kapag hindi po ako nakabalik kaagad tumawag na kayo ng police" agad naman bumbaba ung driver ko.

kinabahan naman ako sa sinabi ng driver ko alam kong armado siya at marunong ng martial arts pero bakit kailangan pang sabihin niya yun. Hindi naman ito ang unang nangyari ang ganito maraming beses na dahil na din sa mga magulang ko kaya nga binibigyan nila kami ng driver/bodyguard dahil alam nila na malaki ang possibilities na mangyari ang ganito. dahil na din sa curiosity ko bumababa ako dahil hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakikita ang nangyayari. Nilabas ko ung baril na nakatago sa isang secretong compartment ng sasakyan namin nilalabas lang yun for safety purposes mukhang ito ang tamang panahon para magamit ko ang shooting skills ko.