'Yong kabog ng aking dibdib, hindi na humupa magmula no'ng mga oras na ginawa iyon ni Engr. Sonny sa akin hanggang sa nandito na kami sa tapat ng pinto ng aking hotel room. Nag-offer siya na ihahatid niya ako hanggang sa may pinto.
Gusto ko mang ibalik sa dating sigla ng aming pag-uusap ang situwasiyon naming ngayon, hindi ko na magawa dahil sa ginawa niya. May chansa ako para pigilan siya pero bakit tinatraydor ako ng sarili kong katawan? Nang sarili kong damdamin?
"P-Papasok na po ako, engineer..."
Matapos ang ilang segundong katahimikan naming dalawa rito sa tapat ng pinto ng aking hotel room, nilakasan ko na ang aking loob na magsalita. Hindi nga rin ako makatingin sa kaniyang mga mata. Halos mapayuko na ako dahil sa kabang aking nararamdaman kanina pa.
Pagak akong ngumiti sa kaniya at napagpasiyahan na talagang tumalikod sa kaniya para pumasok na sa loob. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ko alam kung bakit nanatili siyang tahimik. Gusto ko mang itanong sa kaniya kung ano ang bumabagabag sa kaniya, ayaw ko namang maging assuming.
"S-Sandali lang, Ayla…"
Ang plano kong pumasok sa loob ay biglang natigilan dahil sa pagpigil na ginawa ni Engr. Sonny sa akin. Nakahawak siya sa kaliwang siko ko at kahit grabe na ang kabog ng aking dibdib, nagawa ko pa rin siyang lingunin.
"Matutulog ka na ba talaga?"
Pinilit ko ang sarili kong pantayan ang kaniyang mga titig. Seryosong tingin ang hatid ng kaniyang mala-ulap na mga mata. Kalmado pero may nanunuot na nakakubling panganib o unos o hindi ko exactly malaman kung ano ba talaga. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang mga titig.
Oo, alam ko, mga computers at codes lang dapat ang binabasa ko bilang isang I.T. expert pero hindi ko alam na marunong din pala akong magbasa ng emosyon ng isang tao, lalo na sa emosyon ni Engr. Sonny.
"Bakit Engineer?" nagtatakang tanong ko sa naging tanong niya kanina.
"Samahan mo muna ako."
Ang ibig niyang sabihin sa sasamahan ko siya ay ang pag-inom. Gusto niyang uminom sa bar ng hotel sa hindi niya raw malamang dahilan. Alam kong may amats na siya dahil uminom din siya kanina sa bar na pinuntahan namin kaya hindi ko alam kung bakit nag-aya pa siya.
Mas kalmado ang bar ng hotel na pinasukan namin. Hindi katulad no'ng pinuntahan namin kanina na maraming nagsasayawan. Dito, mellow music lang ang pinapatugtog at nag-uusap lang ang mga tao sa kalmadong paraan. Parang isang normal lang na restoran pero puros nakakalasing na inumin lang ang inihahain nila.
Pumuwesto sa pandalawahang bangko si Engr. Sonny, sa sulok na parte ng bar. Agad siyang nagmando sa waiter na lumapit sa amin para raw kunin ang order niyang alak.
Wala akong ideya kung ano ang mga in-order niya. Hindi naman kasi talaga ako pamilyar sa mga alak. Ang alam ko lang ay 'yung Tanduay na Senior at Junior, Kulafu, Mucho King, Emperadoer Lights na may lime juice, at Red Horse na madalas inumin ng mga taong malapit sa akin, lalo na si Tatay at si Zubby. 'Yon lang, mga lokal na inumin lang. Kahit minsan may nakikita akong mamahalin sa grocery stores. Atsaka hindi naman talaga ako umiinom. Ni minsan, hindi pa ako nakatikim ng kahit anong klaseng inumin na nakakalasing. Makailang ulit akong pinilit nina Zubby dati pero nabigo sila. Ayaw ko talaga sa mga ganiyang klaseng bisyo. Masiyadong masangsang ang amoy pagdating sa akin. Kanina nga sa bar na pinuntahan namin, sumasakit ang ulo ko hindi lang dahil sa mga nagsasayawang ilaw at naglalakasang volume ng musika, pero dahil din sa iba't-ibang klaseng amoy ng alak at usok ng sigarilyo.
"Umiinom ka ba?" bigla ay naging tanong niya nang makaalis na ang waiter na umasikaso sa kaniya.
Natigil ako sa pag-iisip at nilingon si Engr. Sonny.
Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang ginawa niya kanina pero heto siya sa harapan ko't parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya kanina, ang nanyari kanina. Ganoon ba siya ka-liberated? Unang halik ko 'yon, nasa isipan ko pa naman sana na sana si Fabio ang magiging unang halik ko. I reserved it to the deserving man pero bakit ganoon, dahil lang sa gusto niya, biglang nawala ang pinangangalagaan ko? Hindi ko alam. Gusto kong magalit sa ginawa niya pero naglalaban ang kalooban ko. Hindi ko magawang manimbang dahil mananaig talaga ang kapayapaan sa akin dahil sa ginawa niya kanina.
"H-Hindi, Engineer. Hindi ako umiinom ng mga alak," tanging nasagot ko sa kaniyang naging tanong.
"Talaga? Have you tasted it or once in your life, hindi ka pa nakakatikim?" may mangha sa kaniyang mukha nang itanong niya sa akin 'yon. Umayos din siya sa kaniyang pagkaka-upo at ipinatong pa ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa, mukhang naging interesado sa sinabi ko.
"Hindi talaga ako umiinom, Engineer. Hindi ko pa natitikman ang kahit anong klaseng alak sa mundo."
"Talaga? 'Di nga? Imposible naman 'yon," namamangha pa ring tanong niya.
Hindi ko alam kung ngingisi ako sa reaksiyon niya ngayon o hindi dapat paniwalaan dahil imposibleng mamangha ang isang Engr. Sonny Lizares na ito.
"Hindi kasi ako mahilig sa mga ganiyang klaseng inumin, Engineer."
"Really?" isinandal niya ang kaniyang likod sa napaka-kumportableng couch na inuupuan niya at mababakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa aking sinabi. "This is the first time, in my entire life time, to meet someone na hindi umiinom ng mga alcoholic drinks. I never thought there are still people na ganiyan pala."
Unti-unting namuo sa aking labi ang ngising hindi ko na talaga kayang pigilan pa. He looks so amusing with that kind of expression at para akong mahuhulog sa ganitong klaseng aura'ng ipinapakita niya sa akin.
Teka… mahuhulog? Seriously, Ayla? Mahuhulog talaga? May I remind you about Fabio?
Sinunod ko ang ayos ng kaniyang pagkaka-upo at pilit iwinawaglit sa aking isipan ang nagtatalo kong utak.
At nagsimula na nga siyang mag-kuwento na naman nang kung anu-ano.
Sa buong oras na nagku-kuwento siya, hindi ko napigilan ang aking sarili na titigan ang bawat emosyong lumalabas sa kaniyang mukha, sa bawat kisap ng kaniyang mala-ulap na mga mata na nasisinigan ng araw na papaakyat sa kalangitan.
Simula pa lang no'ng una ko siyang makita… may parte sa sarili kong gustong-gusto ko siyang makilala. Bata pa ako noon no'ng una ko siyang makita. Kilala ang pamilya nila sa buong bayan kaya imposibleng hindi mo siya makikilala lalo na sa ugaling ipinapakita niya sa lahat. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinakamalapit sa mga tao, pinaka-may malasakit sa mga mahihirap.
Lahat ng tao, gusto siyang makasalamuha at makilala. Mahirap siyang abutin, sa totoo lang, kaya sa murang edad, mas pinili kong 'wag nang himasukin ang buhay na mayroon sila. Mas pinili kong abutin ang isang taong akala ko ay maaabot ko na… pero mali rin pala ako. Hindi ko man inaasahan na mahuhulog ang loob ko kay Vad Montero, tinatak ko sa sarili ko na baka sakaling magkaroon ako ng pag-asa sa kaniya dahil sa malapit lang kami sa isa't-isa… mali rin pala ako. Katulad din pala ng ibang mayaman, mahirap din pala siyang abutin.
Anak ng baboy… ano ba itong pumapasok sa utak ko?
"Basically, Kuya Decart just ruined that party…"
Natigil ang pagkakatulala ko sa kaniya nang bigla siyang tumawa, 'yung medyo malakas pero enough lang para ako lang talaga ang makarinig.
Nakalabas ang kaniyang pantay na pantay na ngipin. Maganda ang ngiti. Diretso ang mga matang nakatingin sa akin.
Tila ako'y nalulunod na naman sa mga mata niyang animo'y ulap sa sobrang lambot na kung aking titingnan ay para akong hinehele sa mahanging hapon.
"Are you okay, Ayla?"
And another thunderous voice bombarded my whole system. Kung anong kina-soft ng kaniyang mga titig, ganoon din ka-buo at katigas ang kaniyang boses. Lalaking-lalaki, hindi mababakasan ng kabaklaan sa katawan.
"Ayla?"
Anak ng baboy ka Ayla, anong katangahan na naman ang ginawa mo?
Bigla akong naibalik sa kasalukuyan nang marinig ko ang parang click ng daliri sa mismong harapan ko. Naabutan ko pa ang kamay ni Engr. Sonny kaya wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Nakangisi siya sa akin pero halata sa kaniyang mukha na medyo nag-aalala siya sa naging reaksiyon ko.
Nag-aalala nga ba?
"Uh, pasensiya na Engineer Sonny… may sinasabi kayo?"
Umayos ako sa pagkaka-upo at pagak na ngumiti sa kaniya. I feel awkward. Hiyang-hiya sa sarili.
"You're spacing out, are you really okay?" may pag-aalala pa rin talaga sa kaniyang boses.
Inayos ko ang aking buhok para iligtas ang sarili ko sa awkwardness na nararamdaman ko sa buo kong katawan.
"Oo, Engineer, okay lang talaga ako," pagak ulit akong tumawa para maramdaman niyang okay lang talaga ako.
Anak ng baboy na mata kasi 'yan, palagi na lang akong pinapahamak.
Tumawa ulit siya at mukhang mas relax na kaysa kanina. Sumandal siya sa kaniyang upuan at hinawakan ang kaniyang baba gamit ang kaniyang mga daliri na mahahaba at ma-ugat. Anak ng baboy Ayla oy!
"Kulang ka talaga sa inumin, Ayla. Why don't you take a sip?" sabi niya sabay abot no'ng basong kanina niya pang tinutungga. May laman ito at kanina niya pa itong hindi iniinuman. "This is just a mild drink, hindi masiyadong matapang katulad nang mga ininom ko kanina roon sa bar. It's a ladies drink so you should try it," dagdag na sabi niya pa.
Sunod-sunod na lunok lang ang ginawa ko habang nakatitig sa basong iyon.
"Umiinom ka ng pangbabaeng inumin, Engineer?" agad na tanong ko matapos kong makipagtitigan sa basong iyon.
Isang mahina pero nakaabot sa tenga kong tawa niya ang namutawi sa buong sistema ko.
Napatitig ulit ako sa kaniya at tila'y tumigil na naman ang buong mundo ko nang makita ang kaniyang ngiti, ang kaniyang tawa.
"I never know you're such a joker, Ayla. Tama talaga ako sa hinala ko, tahimik ka lang pero may tinatago kang humor sa katawan mo."
Huh? Hindi naman ako nagbibiro, a? Seryoso ako sa naging tanong ko sa kaniya. Ang seryoso kaya ng mukha ko.
"Trust me, Ayla, masarap 'yan. Try it," pang-aalok muli ni Engr. Sonny.
At sa pagkakataong ito, mas inilapit niya pa sa harapan ko ang baso.
"Hindi ka malalasing n'yan kung 'yan ang inaalala mo," dagdag ulit na sabi niya.
Isang udyok niya pa talaga, mapapaniwala na niya ako.
Maganda naman ang itsura ng inumin na ito. Nakakaengganyo sa paningin at mukhang hindi naman matapang gaya ng Red Horse at Emperador Lights na palagi kong nakikitang iniinom ng mga kakilala ko, lalo na si Zubby. Siguro naman, masarap ang isang 'to?
Sige na Ayla, kunin mo na. Gaya nga ng sabi ni Engr. Sonny, hindi masama ang lasa ng inumin na iyan at alam mo sa sarili mong hindi ka ipapahamak niya.
Kahit nag-aalinlangan, kinuha ko ang basong inabot sa akin ni Engr. Sonny at dineretsong tungga ang inuming alam ko sa sarili kong nakakalasing.
Unang patak ng inumin, agad rumehistro ang pait at ang tapang nito sa aking lalamunan. Ang init ay unti-unting luminya sa aking lalamunan hanggang makarating sa aking sikmura. Sobrang tapang na halos mapapikit na ako habang ibinabalik kay Engr. Sonny ang basong binigay niya sa akin.
Ngiwi kung ngiwi ang ginawa ko. Walang pakialam kung ano man ang makita ni Engr. Sonny sa mukha kong ito.
Pero bakit ganoon? Sa gitna ng tapang ng inuming ibinigay niya, may nakakubling sarap sa dulo nito? Para bang hirap muna bago sarap.
"D'you like it, Ayla?"
Nang mabalik ko ang atensiyon sa sarili ko ay agad kong narinig ang tanong ni Engr. Sonny sa'kin.
Ang akala kong isang tikim lang ay nasundan pa. Hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa inuming alam kong magpapalugmok sa akin sa kailaliman ng lupa.
Sobrang saya. Umaalon ang aking paningin. Pero masaya. Ma-ingay ang paligid pero hindi ko alintana dahil nakikisabay ako sa kasiyahan ng mga taong nasa paligid ko. Isang nakakabinging tugtugin ang namumutawi sa aking pandinig pero bakit sa bawat indayog ng lahat, mas lalo akong nilulugmok sa kasiyahan?
I've never been happy all my life. Lahat ng problema ko, nawawala sa bawat lagok ko ng inuming basta-basta lang inaabot sa akin ng mga taong nasa paligid ko. Sumisigaw na ako, hindi sa galit, kundi sa saya.
Si Ayla Encarquez na kilala niyo pa ba ang nasa katauhan ko ngayon? O ibang persona na ito? Katulad din ba ito ng ipinapakita ni Tatay sa tuwing nalalasing siya? Kaya ba mas pinipili ni Tatay na magpakalasing kesa harapin kami sa maayos na paraan? Para mawala ang lahat ng problema? Para takbuhan ito? Kasi kung oo, hindi ko masisisi si Tatay kung bakit mas pinili niya ito kesa sa patawarin ako sa nagawa ko sa nakaraan.
Masiyadong madilim ang paligid. Malabo ang aking paningin pero alam kong kasama ko ngayon si Engr. Sonny. Sa isang kuwartong madilim habang nakatitig sa mga mata niyang mala-ulap sa lalim, mala-ulap sa ganda.
Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha ko sa kaniya at maramdaman ang isang malambot na labi sa aking labi na una ko nang naramdaman kanina, no'ng una niya akong hinalikan.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aking paligid basta ang alam ko lang ay nagpapadala ako sa kaniya. Lasing ba ako sa inumin o lasing ako dahil sa kaniyang mga halik?
"You know what, Ayla? I really like you. I like you damn much. I kissed you at Intramuros because I like you."
Ang mga salita niya ay parang naging gasolina sa akin. Lumiliyab at kung hindi maagapan, sasabog na ito. Mas lalo itong nagpa-udyok sa akin na ipagpatuloy niya ang unang ginagawa. Ito 'yong sign na hinahanap ko. Para malaman kung ano itong nararamdaman ko sa kaniya. Para mawala ang gulo sa puso at isipan ko.
Oo, gusto ko si Engr. Sonny at dahil sa sinabi niya ngayon, parang gusto kong ibigay ang sarili ko sa kaniya. Worth it ang naging halik niya kanina. Worth it ang lahat. Worth it na worth it.
Ang marahang halik niya ay dahan-dahang naging marahas. Mas idiniin niya ang kaniyang sarili sa akin habang dahan-dahang naglalakad paatras sa kung saan. Masiyado akong nasasarapan sa bawat halik niya, sa bawat himas na ginagawa niya sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Hindi ko alam, gusto-gusto kong magpadala sa indayog ng kaniyang sayaw, ng kaniyang halik, ng kaniyang haplos, ng bawat pintig ng aking puso.
Alam ko sa sarili kong hindi ako lasing at alam na alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Pero bakit ganoon? May parte sa buhay ko na gustong-gustong ipagpatuloy ni Engr. Sonny ang kung anong ginagawa niya sa akin?
Nagpadala ako sa sarap. Nagpadala ako sa saya.
Oo, sa saya kasi hindi ko alam sa sarili kong kaya kong gawin ang lahat ng ito.
Inilapag niya ako sa isang malambot na sa tingin ko ay kama. Tumigil siya sa paghalik sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Nakakapit ako sa kaniyang leeg. Sunod-sunod na lagok ang ginawa ko sa aking sariling laway. Kinakabahan na baka tumigil siya kung kailan ako handa.
"Do you want me to continue?" tanong niya sa akin gamit ang napapaos niyang boses. Halos pabulong na ito.
Mali 'to. Maling-mali sa kahit saang sulok mong tingnan. Pero sino ako para tumanggi sa grasyang ibinigay ni Lord?
That night, my friend, is the night I gave in. The innocent Ayla Encarquez gave in with Engr. Sonny Lizares. Without hesitation. Without thinking what might the consequences be.
Kina-umagahan no'n, wala na siya sa tabi ko. Napatitig ako sa kisame ng hotel room na tinutulogan ko, iniinda ang sakit nang nangyari kagabi. Unti-unting bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
Sobrang tanga, Ayla. Sobrang bobo ng ginawa mo. Sobra.
Walang bakas ng alak, walang bakas ng kahibangan, pinagsisihan ko ang ginawa ko nang gabing iyon.
Maya't-maya kong tinitingnan ang cell phone ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko pa-uwi. Chinecheck ko kasi kung nag-text na ba sa akin si Engr. Sonny. Sabay kasi kaming uuwi sa Negros ngayong araw at mamayang hapon na ang flight naming dalawa. Naghihintay ako ng mensahe na galing sa kaniya. Kahit hindi na tungkol sa nangyari kagabi at sa biglang pagkawala niya kaninang umaga.
Natapos na lang ako sa pag-aayos ng mga gamit, ni-isang wrong sent message galing sa kaniya ay hindi dumating sa'kin.
Ang inaasahan ko ay isang mensahe galing sa kaniya, ang dumating ay isang katok mula sa pinto ng hotel room.
Handa na ang mga gamit ko at tapos na rin akong kumain ng pananghalian. Hindi na ako umasang magsasabay na kami ni Engr. Sonny na mananghalian.
Pinagbuksan ko ang taong kumakatok sa pinto, umaasang siya na ang nasa likuran nito.
Pero hindi pala…
"Good afternoon, Miss Ayla. I'm Samuel and Engineer Sonny Lizares sent me to accompany you to your flight going to Negros."
Isang maliit na lalaki ang bumungad sa akin. Halos lumabas na ang lahat ng ngipin niya sa kakangiti. Taas-noo pa siyang nakaharap sa akin. Mas mataas ako sa kaniya kasi maliit na lalaki nga 'di ba? Hindi pa naman ganoon ka-tanda ang mukha niya pero sa tantiya ko, kasing-edad ko lang siya o 'di kaya'y mas matanda pa 'to sa'kin.
"Pinadala kayo ni Engineer Sonny?" nagtataka kong tanong sa sinabi niya sa akin.
"Yes po, Miss Ayla. Hindi ka niya po masasamahan sa pag-uwi sa Negros dahil sa iilang bagay na kailangan niyang asikasuhin dito sa Manila. But rest assured that you're in safe hands, Miss Ayla."
Hindi niya ako masasamahan? Bakit? Wala naman siyang nabanggit tungkol dito, a?
"Ito na po ba ang mga gamit n'yo, Miss Ayla? Ako na po ang magdadala," at kinuha niya ang nasa tabi ko lang na maleta.
Napatulala yata ako dahil sa sinabi niya kaya hindi ko namalayan na nakuha na pala niya ang maleta ko. Nalaman ko lang no'ng maaninag ko ulit siya sa harapan ko.
"Ready na po kayong umalis, Miss Ayla?" tanong niya ulit.
"Uh, Sir Samuel… Ayla na lang po ang itawag niyo sa akin. Pareho lang naman po tayong trabahante ng mga Lizares, Sir, e," nang maalimpungatan sa nalaman, sumabay na ako palabas kay Sir Samuel.
"If that's the case, you should call me Samuel na lang. Siguro naman nasa close range lang ang edad natin."
Sinarado ko na ang hotel room at inihanda na ang iilang gamit na bitbit ko. Naka'y Samuel pa rin ang maleta ko.
"Okay…" pagak akong napangiti sa kaniya, iniisip pa rin ang mga nangyari kagabi at ang nangyari ngayon-ngayon lang.
"Uuwi rin pala ako ng Negros kaya literal na sasabayan talaga kita sap ag-uwi. May naghihintay sa ating sasakyan sa ibaba na siyang maghahatid sa atin papunta sa airport.
Tango lang ang sinasagot ko sa kaniya. Kuwento lang siya nang kuwento pero ni-isang salita tungkol sa importanteng lakad ni Engr. Sonny ay hindi man lang niya nabanggit sa akin. Gustong-gusto kong magtanong kasi hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagti-text sa akin.
Oo, alam ko, wala siyang responsibilidad sa akin pero paano 'yong nangyari kagabi? Thank you na lang ba 'yon? Hindi niya ba papanindigan na gusto niya talaga ako? Dala lang ba ng kalasingan 'yon? Lahat ng iyon?
Bumalik sa normal ang buhay ko nang makabalik na ako sa Negros. Balik-trabaho na ako pero mukhang ang situwasiyon lang sa buhay ko ang nagbabalik sa normal. Naging iba na ako. Maya't-maya ko nang iniisip si Engr. Sonny.
Pero simula no'ng araw na 'yon, hindi na bumalik si Engr. Sonny. Ang sabi, nasa Manila raw para asikasuhin ang negosyo nilang nandoon.
Ilang linggo ang lumipas pero hindi na mawala-wala sa isipan ko ang nangyari nang gabing iyon. Lahat ng relasyon ko sa mga taong nasa paligid ko ay nag-iiba na. Mas lalo akong naging tahimik. Mas lalong nag-isip kung gaano ako ka-tanga para paniwalaan ang sinabi niya.
Gusto niya ako? Asa ka pa, Ayla. Ikaw? Magugustohan ng isang Engr. Sonny Lizares na nasa tugatok ng tatsulok? Asa ka pang napansin ka talaga niya.
"Isang buwan nang hindi umuuwi si Engineer Sonny dito sa Negros, ha? Ang unusual naman no'n?"
Napatingin ako kay Shame nang basagin niya ang katahimikan naming apat. Tiningnan ko siya nang panandalian pero agad ko ring ibinalik ang tingin sa pagkaing nasa harapan ko. Wala akong ganang kumain dahil ayaw ko sa pagkain ngayon ng canteen kaso walang choice kaya ito na lang ang binili ko.
"Alam mo ba na simula no'ng magtrabaho 'yan dito, ito 'yong unang beses na hindi mismo nag-duty dito si Engineer. Akalain mo 'yon? Puro conference call na lang siya sa team niya dahil hanggang ngayon nasa Manila pa rin siya," dagdag ni Shame.
"Siguro tama 'yong usapan sa accounting," singit ni Ezekiel.
Lahat ng atensiyon namin ay napunta agad sa kaniya. Maski ako na walang balak sana siyang tingnan ay napatingin na rin sa kaniya.
"Usapan? Ano na namang usapan 'yang nasagap mo sa kanila?" tanong ni Sir Johnson.
Mas inilapit ni Ezekiel ang mukha niya sa aming tatlo. Ganoon din ang ginawa ni Shame at Sir Johnson kaya sinunod ko na rin. May magagawa pa ba ako?
"Ang bali-balita, pabagsak na raw ang kompanya. Sinusubukang isalba ni Engineer Sonny sa pamamagitan nang pang-eengganyo ng mga investors. Kaya nandoon siya ngayon sa Manila. Pero may isa pang usap-usapan…"
Teka, ano?
"Ito, hindi lang sa buong kompanya kumakalat ha? Pati na rin sa buong siyudad natin… Ang sabi, sinusubukan daw kumbinsihin ng mga Lizares ang mga Osmeña na ituloy ang na-udlot na kasalan noong nakaraan."
Ha?
"Sinusubukan, you mean? E, 'di ba ikakasal na naman si Miss Ada at Sir Decart sa katapusan ng taon? Bakit kinukumbinsi pa? Huli ka yata sa balita, Zeke, e," bumalik sa kaninang puwesto niya si Shame at inatupag ulit ang pagkain.
"Ang sabi ni Sir Decart, walang kinalaman ang pagpapakasal niya kay Miss Ada ang merging ng dalawang kompanya dahil specifically ang pamilya ni Sir Resting daw ang target ng mga Lizares."
"Ikaw, Ezekiel, kalalaki mong tao, napaka-chismoso mo," sabi naman ni Sir Johnson at ginaya ang ginawa ni Shame.
"Totoo po, Sir. Hindi lang 'to usap-usapan sa kabilang department. Maski sa OBE ay usap-usapan na rin 'to. Nagta-trabaho roon 'yong pinsan ko kaya na-kumpirma ko pong parehong balita ang kumakalakat sa dalawang kompanya."
"Psh… sino namang ipagkakasundo ng mga Osmeña sa mga Lizares?" hindi pa rin naniniwalang tanong ni Sir Johnson. Maski ako, ayaw paniwalaan ang mga pinagsasabi ni Ezekiel.
"Miss MJ Osmeña?"
Lahat ng atensiyon namin ay napunta kay Shame. Naguguluhan na ako sa mga naririnig ko. Sa dami ng sinabi ni Ezekiel, hindi ko na alam kung ano ang unang iintindihin ko.
"Nadali mo, Shame!" nakaturo pa kay Shame na sabi ni Ezekiel.
"'Yong mahilig sa lalaking anak ng Osmeña? Haha, sino namang papatol do'n, e, alam ng lahat na hindi pumipirmi sa iisang lalaki ang batang 'yon," pangingisi pang sabi ni Sir Johnson.
"Si Engineer Sonny ba, Zeke?"
Bigla ulit natahimik ang table namin dahil sa sinabi ni Shame. Nagkatinginan sila ni Ezekiel kaya pareho kami ngayon ni Sir Johnson na nagpalipat-lipat sa kanila ang mga tingin. Mukha silang nag-uusap gamit ang mga mata lamang.
"Hindi ako sigurado, Shame, pero dahil sa bali-balitang may gusto nga si Engineer kay Miss MJ… mukhang tama ang nasa isip mo."
"Sabi ko na, e."
Ano?
Engr. Sonny Lizares at MJ Osmeña?
~