webnovel

Chaotic Love

Everyone thought that Liam, the famous student of BSU is living a perfect life. He's good-looking, smart, and can afford things he want in life. One day, one person would come into his life and sees the darkness in Liam's eyes - Jerard. BSU SERIES 3

Penelophie · Real
Sin suficientes valoraciones
16 Chs

Chapter 4

Pilit kong inalis sa isipan ang nakakahiyang the moves ko kay Liam. Baka kung anong isipin niya...wait, ako lang naman ang nag-iisip ng kung ano-ano e.

"Dale?!" Hysterical na sigaw naming tatlo kay Charm.

Teka, outdated na ba ako sa ganap sa buhay ng mga kaibigan ko? Kailan pa nagkaroon ng tutor moments sina Dale at Charm?

Tahimik kaming kumakain ng lunch nang biglang umupo rin sa mesa namin sina Dale.

Halos mabudburan ng asin sa kaba si Charm. Katabi niya si Liam. Dale keeps on praising Ella and Rose.

Ang amoy ko ay si Rose ang type nito. Nanuot ang aking dibdib sa naisip na baka nagtutulungan ang dalawang 'to.  Ano bang connection nina Dale at Liam?

Kung pagmamasdan ang kanilang mga mukha, may pagkakahawig sila. Mag pinsan siguro ang dalawang 'to.

"Maganda rin naman si Jerard...and Charm." Kikiligin na sana ako ngunit alam kong maling agawan ng eksena ang lovelife ng kaibigan ko.

Kailangan ko na talagang alisin ang pagkakagusto ko kay Liam. Tutal, hindi naman siya iyong tipo ng lalaki na papatol sa bakla na gaya. Sakit.

I tried to avoid him. Ilang linggo ko rin siyang iniwasan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko rin naman alam kung anong mayroon kina Dale at Charm.

"Ginagawa mo rito?" Inirapan ko si Dinah. Nakasuot pa siya ng PE uniform nila.

Halos alas nuebe na rin kasi ng gabi. Nag-offer si Dale na turuan kami. At mas lalo ko lamang nakumpirma na may gusto ito kay Charm. Siguro ay nasa denial stage pa.

"Pake mo ba?" Tumikhim sa akin si Dinah. Magchchat na magkita kami tapos susungitan lang ako? Wow! Kapal din naman talaga ng pagmumukha nitong babaeng 'to.

"Crush mo 'yon diba?" Gulat kong sinundan ang kanyang tingin.

Bumaba si Liam mula sa kanyang motor. Nakasuot ito ng itim na shorts, itim na t-shirt at puting tsinelas.

Nagpalinga-linga pa ito bago pumasol sa convenient store. Nasa dilim kami nakatayo ni Dinah. Wala rin lamp post kaya hindi niya kami masyadong makikita.

"Wanna bet if he likes you?" Hamon sa akin ni Dinah.

"Kung bored ka umuwi ka na lang. Kailangan ko pang mag-aral." Inis akong tumikhim sa kanya.

She slowly laughed at me. "Someone's scared of rejections."

Binaling ko sa kanya ang buong atensyon ko. "Who wouldn't want to be rejected? Hindi siya iyong tipo ng lalaki na papatol sa baklang kagaya ko." I tried to sound so casual so she won't heard how the truth painfully attacks me.

"Hi!" Dinah waved her hand. Napaface palm na lang ako dahil sa ginawa niya. This bitch!

"My friend, Jerard, is kinda sick. He's brokenhearted kasi. I badly want to comfort her kaso my Mom's calling me na. Can you accompany him?" Wow! What a two-faced bitch!

Akalain mo na kaya pala nitong tumunog maarte? Akala ko ba e tomboy tong babaeng to?

"You want Tanduay Ice?" Kunot-noo kong tiningnan si Liam. Might as well grab this chance. This is now or never.

"The Bar Pink Gin." Matapang kong saad. Tumango ito at saka bumili nga nun.

He motioned me to hop on his motorcycle. Hapon pa naman ang pasok namin. First time kong iinom. I just hope that this won't hurt that much.

Tahimik ko lamang pinagmasdan ang paligid. Tahimik lang din na nagddrive si Liam. Tumigil kami sa isang malaking bahay sa loob ng subdivision.

Liam parked his motorcycle. Bumaba na ako. He motioned me to follow him.

Malaki ang bahay niya ngunit parang ang lungkot. Wala akong marinig ni isang ingay. Marahil ay tulog na ang mga kasama niya sa bahay.

Kinabahan ako ng pumasok kami sa kwarto niya na nasa ikalawang palapag ng bahay nila.

Malinis at malaki ang silid nito. May isang malaking kama. Color brown at white ang interior ng kwarto niya.

Binuksan niya ang gin. Hindi ko napansin na may hawak na siyang finger foods.

Naupo kami sa may sahig. Ang laki ng kwarto niya. Parang dalawang silid na 'to sa amin.

"Wanna spill the tea?" He asked after chewing his food.

Tinungga ko muna ang aking shot. Kailangan ko ng lakas ng loob. "Broken lang. Confused. Ganon." I shrugged my shoulders.

Kailangan ko ng malakasang tama. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang naiisip ko.

"Me too. Confused." Mapait itong humalakhak.

Halos sabay naming ininom ang aming shot. Ang alam ko ay nakakabaliw daw itong the bar pink.

Tinaasan ko siya ng kilay. He shook his head. Binalot kami ng matinding katahimikan. Muli kong ininom ang akin.

"I know...I shouldn't act like this one because I'm not yet ready to commit myself in a relationship...but...everytime I look at you...I feel like committing isn't scary at all."

Lasing na ba 'to? Tama ba ang narinig ko? Anong ibig sabihin nun?

"Are you...gay?" Bulalas ko sa kanya. "You're drunk." I added but he only laughed at me.

"I am not." He let out a deep breathe. "I am neither gay or drunk. Just confused."

I pressed my lip in a thin line. Halos sumakit ang likod ko dahil sa malakas na kabog ng aking dibdib.

"I shouldn't feel anything on you. Damn! Alam kong lalaki ako. Babae ang tipo ko. But...why..." He trailed off.

I bit my lower lip to supressed the pain I'm feeling. Hindi pa ako lasing. Nasasaktan pa ako.

"Why you're interested to someone like me...a gay?" Walang preno kong tanong sa kanya. Mapait akong humalakhak.

Sunod-sunod kong ininom ang bote ng the bar. Ang pait nito.

"Do you know that I like you...ever since the orientation day. We didn't eventually meet after it. Hanggang sa isang gabi nagkausap ulit ako and then...boom! I like you." I bitterly said.  Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng aking luha. Hindi ako pwedeng umiyak.

"But I had accepted the fact that a guy like you will never like someone like me. Bakla ako. Pag pinatulan mo ako, bakla ka na rin. Ganon 'yon diba?" Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha.

Lasing na nga ako. "You're Liam Imperial. Hottest basketball player. Rich kid. Dean's lister. Campus crush..." Napatigil ako. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Liam. Hulog siya ng langit para sa mga kababaihan at kagaya ko.

"Matagal ko na namang tanggap na...hindi talaga-"

He cut me off. "Babae ka para sa akin, Jerard."

Tumango ako kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. "Babae nga ako sa paningin mo pero hindi pa rin nun maaalis ang katotohanang...bakla ako."