webnovel

CHAPTER 6

CHAPTER 4

Sanjay's POV

Nandito ako ngayon sa office ko kasama ang secretary ko "Boss, may schedule po kayo This afternoon 4:00pm sa Intracross corporation" - pagpaalala nito, tumango ako sinenyasan siyang lumabas muna.

Kasunod naman ang pagpasok ni Kiela sa Office ko. "Anong ginagawa mo dito? " - tanong ko sa kaniya

Six years niyo na akong niloloko hanggang ngayon hindi ka pa rin tumitigil kapapanggap bilang si kiela

May binato siya saking envelope

"Sanjay, Six years akong naghihintay para makilala mo ulit, ito isa sa mga ebidensya na para mahalin mo ulit ako tulad ng dati, yung araw na nangako kang papakasalan mo ko at yung araw na binuo natin si charlotte" - Kinuha ko ang envelope na binigay niya

Mga papers ito about sa medical treatment ko, nakasulat din dito na ang mga effects nung mga panahong nabulag ako

"Sabi ni Doc Abell, maaari daw magiba ang pandinig mo pati pangamoy mo, lahat ng senses mo ay naapektohan nung naaksidente ka" - banggit nito

Tinignan ko ang mga mata niya kung totoo ang sinasabi niya, hindi ko mabasa ang naiisip niya

tinawagan ko ang Secretary ko "Pumasok ka dito" - pinatay ko ang cellphone ko, makalipas ang ilang segundo pumasok na yung secretary ko

"Dalhin mo to kay Doctor Hevalies, tignan mo kung totoo ang lahat ng nakalagay dito." - inabot ko ang envelope sa kaniya at sinenyasan siyang umalis na

"Sit " - umupo ito sa harap ng lamesa ko "Who are you" - tanong ko dito

Yumuko ito sakin at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa

"Sanjay, naaalala mo ba yung araw na niligtas kita? Yung araw na tinanong mo sa akin kung bakit niligtas pa kita? Sanjay yung mga araw na inalagaan kita,ako yon. Sabi mo pa nga sa akin protektahan kita diba" - sabi nito habang Umiiyak

Napayukom ang kaliwa kong kamay, tama lahat ng sinasabi niya, pero yung boses niya yung amoy ng buhok niya. Lahat yon nagiba nung araw na nagamot na yung mga mata ko

Hindi, bakit hindi ko nararamdaman yung pagtibok ng puso ko sa tuwing malapit siya sakin

"Si Charlotte! Gusto mo ipa DNA natin siya, kahit siya na lang ang tanggapin mo, kahit siya na lang ang alalahanin mo! " - sigaw nito sakin, napahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang umiiyak

"Daddy Mommy! " - rinig ko ang pagpasok ni charlotte sa office ko

Lumapit ito samin at niyakap si Kiela "Mommy why are you crying " - tanong niyo kay kiela

Umiling si kiela at binitawan ang kamay ko para yakapin si Charlotte.

Napansin ko ang kwintas na suot suot ni Charlotte , sing sing ang nakalagay sa kwintas ko.

Napayukom ako dahil di ko alam kung paniniwalaan at tatanggapin ko na ang lahat.

Yun yung kwintas na binigay ko kay Kiela bago ako magpaopera. Natatandaan ko ang kwintas na yon, dahil bata pa lang ako nung binigay na sa akin ni lola ang sing sing na yon

"Kanino galing ang singsing na yan! " - madiin kong tanong dito

Tinaggal niya ang kwintas na suot suot ni charlotte at inabot sa akin

"Itong sing sing na to,Ikaw mismo nagbigay sakin nito nung araw na inaya mo kong magpakasal. Natatandaan mo na ba sanjay? Naniniwala ka na ba na ako to?" - tuwang tuwang sabi niya ngunit napalitan ito ng lungkot "Oo nga pala, hindi ka na naniwala sa mga sinasabi ko, sinayang ko na naman ang oras ko. Mauna na kami Sanjay

"Sanjay mahal na mahal kita" - sabi niya bago sila lumabas ng office ko.

Siya nga ba talaga si Kiela? Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko alam kung pakana niya lang ang lahat ng ito o totoo

Isa na lang ang kailangan kong malaman para mapatunayan kong totoo ang sinasabi mo Kiela.

____

Makalipas ang ilang minuto, natanggap ko na ang Text ng secretary ko.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko at binato to.Ilang taon na pala kitang sinasaktan, kayo ng anak ko!

Agad akong tumayo at kinuha ang mga importante kong gamit at lumabas sa office ko

_______

__

Third-person POV

"Doctor Hevalies? Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko? " - tanong ng matandang lalake sa kausap niya sa telepono

"Dapat lang, kilala mo ko. Isang pitik ko lang babalik ka kung saan ka nagsimula, kayo ng pamilya mo" - pananakot niyo sa kausap niya at pinatayan ito ng telepono

"Daddy! Sa tingin ko papakasalan na ako ni Sanjay! " - dumating ang isang dalaga at niyakap ang matandang lalake

"Ako ang bahala sa pangarap mo, ilang taon kitang hindi nakasama kaya ito na lang ang regalong ibibigay ko sayo" - sambit nito

"Mommy!" - tumakbo ang isang batang babae sa kaniyang ina

"Pwede ba! Huwag mo kong matawag tawag na mommy pag wala si Sanjay,Kayo! Alisin niyo nga ang batang to" - sigaw nito sa mga katulong. Agad namang sumunod ang mga ito at inilabas ang bata

"Sanjay, this time ikaw na mismo ang lalapit sakin " - sambit ng babae at tumawa

_____

A's Note:Wow? NANDITO KA PA RIN!??

THANKYOOOU GUYS SA SUPPORT NIYO SA STORY KO! HAPPY 300VIEWS NA TAYO GUYS!! MORE LIKES MORE INSPIRATION MORE UPDATES! ILOVEYOU GUYS!!