webnovel

CHAPTER 2

CHAPTER TWO

*Six years later*

*Ring of alarm clock*

Pinatay ko agad yung tunog ng alarm clock ko at tumayo, nagunat unat muna ako ng katawan bago pumasok sa banyo. It's been six years nung nangyari yung araw na yon. At hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan si Sanjay. Araw araw ko ba naman akong may nakikitang sanjay sa harap ko. Hawig na hawig niya kasi ang kambal ko.

Pagkatapos kong magasikaso sa banyo ay agad akong lumabas para gisingin ang dalawa kong anak.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto nila, makikita mo ang pagkakaiba nila, yung nasa kaliwa si kier at sa kanan si kiel. Napakalinis talaga sa kalat ni kier, samantalang itong si kiel napaka kalat. "Good morning my princes! " - sigaw ko sa kanila

Bumangon naman agad si kiel at dahan dahang pumunta sakin paea yakapin ako "Mommy kiss! " - nginitian ko siya, hinalikan ko siya sa noo at labi "Mommy me too! " - mabilis na pumunta sakin si kier at kiniss ko din siya katulad kay kiel

"Here's your towel , ilalagay ko na lang sa mga kama niyo ang uniform niyo" - sinamahan ko sila sa loob ng banyo nila at tinulungang maghubad

"Mommy paliguan mo na din kami hihi" - Request ni kielvin

"Last na po this time, tomorrow po ako na ang magpapaligo kay kiel!" - dagdag naman ni kiervin

Natawa na lang ako sa kacutean nilang dalawa, "Sige na nga, go go na magluluto pa si mommy"

Habang sinasabunan ko si kielvin ay nakita kong umiiyak to "Baby kiel bakit umiiyak ka? Nasabunan ko ba mata mo? " - tanong ko dito, at pinunasan ang luha nito, narinig ko na din ang pagsunod na hikbi ni Kiervin

"Kiervin bat ka umiiyak? May nagawa ba si mommy? Nagtatampo ba kayo? " - tanong ko sa kanila.

Umiling sila at niyakap ako

"Mommy *huk* ang bad ni daddy, tignan mo po mommy *huk* nahihirapan ka dahil dalawa kami. Kung nandito *huk* lang po si daddy edi *huk* sana po may katulong ka sa pagaasikaso saming dalawa *huk*" - sagot nito sa kalagitnaan ng paghikbi niya

"Noo, hindi ako nahihirapan sa inyong dalawa, lumalakas nga lalo si mommy pag nakikita at nahahawakan niya kayo. Ssshh kahit kailan hinding hindi mapapagod si mommy sa pagaalaga sainyo okay? " - hinalikan ko sila sa noo nila, narinig ko naman ang paunti unting pagkawa ng hikbi nilang dalawa

Ang sweet sweet talaga ng mga anak ko "Mommy bat hindi mo po sinasagot ang mga tanong namin about kay daddy? Nasan na po ba siya? " - tanong ni kielvin

"Nasa malayong lugar si daddy niyo, babalik din yon pag big boy na kayo, nagwowork kasi siya para may kainin tayo ngayon" - sagot ko, umiling silang sabay sa akin

"Mommy hindi na po kami bata, alam naming iniwan ka ni daddy, narinig po namin ni kiel na naguusap kayo ni Mama lola sa kwarto mo." - seryosong sagot nito sakin

"Diba sabi ko bad ang-"

"Mommy huwag mo na lang po ibahin ang usapan, alam po namin may asawa na si daddy" - pagpuputol nito sakin

Nako gantong ganto kakulit si sanjay noon pag tinatanong niya ko kung inaway na naman ba ako ng mama niya

Wait! Ah kielaa! Tama ka na nga sa kakasanjay mo six years na! Kinalimutan ka na non at kalimutan mo na din siya

Niyakap ko sila ng mahigpit " Gusto niyo bang gumala?" - tanong ko baka sakaling maiba ang usapan

"Mommy" - matigas nilang sabing dalawa, napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi na nila ako titigilan ngayon about sa daddy nila

Sa totoo lang, matured na matured na ang mga anak ko, lalo na pag sa ibang mga tao. Sa akin lang sila sweet at nakakapagsalita ng mga ganto.

"Wala na si daddy niyo" - sambit ko para wala na silang itanong pa about sa daddy nila

"Mommy! " - madiin nila itong sinabi.

Natawa ako ng mahina, hindi ko na talaga sila matatakasan

"Nababasa na namin yan sa mga Manga mommy" - sabi ni kiervin sakin, umiling na lang ako sa sobrang tuwa sa kanila at kinurot ang cheeks nila. Agad naman nilang hinimas to, nasaktan yata sila hahah

Umupo ako sa harap nila "Mga Princes ko, si mommy at daddy ay hindi na pwedeng magkita pa, kasi si daddy niyo may iba ng pamilya. Gusto niyo bang magulo ang pamilya niya? " - tanong ko dito kitang kita ko ang seryoso nilang pakikinig

"Hindi ako ang mahal ng daddy mo at ako din hindi ko siya m-mahal-"

"But po kayo ng make love ni daddy at nabuo kami kung hindi niyo love ang isat isa " -sagot ni kiervin

Nagulat naman ako sa sabay nilang pagiling "Naiintindihan na po namin ni kier" - sagot sakin ni kiel

Yayakapin ko sana ulit sila pero may binulong si kielvin kay kiervin,

"hmm" - sineryosohan ko ang tono ko para mapalingon sila, ngumiti naman sila ng sabay

"Mommy can we go to mall? We don't want to go to school mommy" - sabay nilang tanong sakin

Nagulat ako sa tinanong nila sa akin, sila kasi yung tipong ayaw umabsent sa school nila. Hmm nagkakaganto sila pag nararamdaman nilang sad ako

Ngumiti ako sa kanilang dalawa "I'm not sad" -sambit ko sa kanila "Sorry mga anak ko if hindi sinasabi sa inyo ni mommy, pag big boy na kayo sasabihin na ni mommy sainyo ng kumpleto.Masaya si mommy at hinding hindi malulungkot. So hindi kayo aabsent dahil lunes ngayon kaya tapusin niyo na ang pagligo niyo at Magluluto na ako dahil anong oras na " - sagot ko sa kanila, hinalikan ko sila sa noo nila

Tumango naman silang dalawa at nag senyas na sila na ang bahala. Pagkalabas ko sa banyo

"I love you mommy! " - sabay nilang sigaw , narinig ko din ang bungisngisan nila pagtapos nilang sabihin yon. "I love you more mga baby ko" - sigaw ko pabalik

Pagpunta ko sa kusina, nagsimula na akong magluto "Anak, pasensya ka na a, nahihirapan na kasi akong makatayo kaya hindi na kita matutulungan sa kusina" - nakita ko si mama na ika ikang naglakad papunta sakin, inalalayan ko to para makaupo sa upuan. "Dumagdag pa tuloy ako sa mga inaalagaaan mo"- mmalungkot na sabi nito. Niyakap ko si mama at kiniss ang pisngi niya

"Ano ka ba ma, kayang kaya ko to, at isa pa natutuwa nga ako kasi ako naman ang magaalaga sayo" -sabi ko, tumawa naman siya at pinalo ang brasi ko

Nagsimula na akong maghain ,nang marinig ko na ang pagbukas ng kwarto ng kambal, ay inayos ko na ng mga upuan nila

"Good morning mommy, Goodmorming mama lola! " - sabay nilang sabi at kiniss ang lola nila sa magkabilang pisngi

Tuwang tuwa naman si mama sa kilos ng kambal, nagsimula na kaming kumain.

*Beeep Beeep*

Nang marining ng dalawa yung school bus nila ay agad silang uminom ng tubig at tumayo, tinulungan ko sila sa pagsuot ng mga bag nila

"Mommy, mama lola alis na po kami, we love you po" - pagkatapos nilang magpaalam ay tumakbo na sila sa labas para sumakay sa school bus nila.

"Anak, Hanapan mo na kaya sila ng tatay?, 29 ka pa lang naman anak, atsaka isa pa ang dami dami ngang gustong manligaw sayo dito. Bat hindi mo na lang sila hayaang ligawan ka" - tanong ni mama

Napatingin ako sa singsing nakasuot sa daliri ko. "Huwag mo na siyang hintayin pa, hindi ba siya mismo ang nagpaalis sayo sa pilipinas at iwan siya? " - pagpapaalala nito

Nararamdaman ko na ang pagpatak ng luha ko, "Ma tara samahan na kita sa kwarto mo" - pagiiba ko sa topic, tumango naman si mama kaya sinamahan ko na siya sa kwarto niya.