webnovel

CHAPTER 1

CHAPTER ONE

" Sige ma'am kaya mo yan isa pa"

"AAAAAAHHHHH!!"

" AAAAAAHHHH "

" malapit na "

Hindi ko na talaga kaya, unting unti ko ng nasara ang mga mata ko dahil sa panghihina

.....

Napamulat ako dahil sa pananakit ng binti ko, nakita ko ang sarili ko aa hospital. Oo nga pala nanganak na ako. "Doc nasan yung babies ko? " - tanong ko sa midwife nagbabantay sa tabi ko.

"Ma'am gising na ang room 250" - tawag niya sa telephone malapit sa kama ko "Papunta na po si Doc ,kasama po ang babies niyo. Magpahinga po muna kayo" -inalalayan niya ako sa pagupo ko

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na si doc , kasama ang dalawang midwife na hawak hawak ang kambal ko " Akin na sila " - senyas ko sa dalawang may hawak ng anak ko. Sinenyasan ko ulit sila na ibigay yung mga anak ko pero umiling sila

Pero hindi pa rin nila binibigay ang mga anak ko, kitang kita ko ang takot at pagaalangan sa kanilang mga mata . Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng isa sa mga midwife at tinext yung number ni mama na magpunta dito.

"Kiela Montello" - napatingin ako sa nagsalita

"Sino ka!! Isa ka ba sa mga Cung! Ano pang kailangan niyo ha! " -- gusto kong tumayo pero hinang hina pa ang katawan ko

"Huwag kang magalala, hindi ko kukunin ang mga anak ng madumi katulad mo!. Pero " - lumapit ito sakin at hinigpitan ang hawak sa pisngi ko " Aalis ka dito kasama ang madudumi mong anak " - binitawan niya na ang pisngi ko at umupo sa kama ko

"Pinadala ko na sa nanay mo lahat ng pera na kailangan mo para sa pagpapalaki ng anak mo, and don't worry galing to mismo kay Sanjay. Don na kayo titira sa Japan, at hinding hindi na rin kayo pwedeng bumalik dito sa pilipinas kahit kailan" - may binato siya sakin envelop

Si Sanjay? Si sanjay ang may gusto nito. Napahigpit ang hawak ko sa Envelope . Kasalanan ko kung bat siya galit sakin, kasalanan ko to.

"Sino ka?" - tanong ko sa kaniya

"I'm his wife, Sanjay's wife. Kaya wala kang choice kung hindi umalis at wag nang magpakita pa kay Sanjay kahit kailan. Kung hindi mawawala ang pinakamamahal mong anak" -

Hindi na ako nagsalita, dahil ramdam na ramdam ko ang kirot ng puso ko. Kasal na pala siya, Tanga mo kiela! Malamang akala mo naman hahabulin ka niya! Sino ka ba? Isa ka lang hampas lupa na hindi nababagay sa kaniya

Binuksan ko ang envelope at binasa ang nakasulat doon. Isang Agreement na hindi na ako babalik sa Pilipinas at magpapakita sa mga Cung, kung sakaling sirain ko ang nasa Agreement, kukunin nila ang mga anak ko

Pinirmahan ko ang papel na yon at binato sa harapan niya. Ramdam ko ang galit niya sa ginawa kong yon. Tumayo ito at ngumisi bago umalis

Inabot na nila sakin ang mga anak ko at humingi ng paumanhin dahil sa nagawa nila kanina

"So Ms.Montello ,Anong ipapangalan mo kambal mo?" -tanong sakin ng dalawang midwife sa tabi

Tinignan ko ang mukha ng dalawa kong anak , hindi ko malaman kung paano ko sila papangalanan dahil walang pinagkaiba ang mukha nila, kahit ang nunal nila ay iisa, natawa tuloy ako. Napansin ko ang maliit na hibla ng buhok nila, magkaiba ito. Yung isa ay parang blonde at yung isa naman ay brown. "Nurse,normal lang po ba na makapal agad ang hibla ng buhok nila? " - tanong ko sa kanila

"Normal langpo ma'am atsaka hindi naman po ganong kakapal ang buhok nila kaya normal lang naman to, pero bihira lang na makikita mo agad ang kulay ng buhok nila lalo nat kapapanganak pa lamang nito"- sabi nang nasa kaliwa ko

"May lahi po ba ang tatay nila?" - tanong namab sakin nang nasa kanan

Tumango ako sa kanila "Kaya naman po pala" - sabay nilang sabi, natawa tuloy kaming tatlo

Pero napansin kong mas dark ang pagkab"Kambal na kambal talaga sila, ang gagwapo pa" -sabi nung nasa kaliwa ko

"Kiervin San Montello at Kielvin Jay Montello ang ipapangalan ko sa kanila. Si Kiervin ang may Blonde na buhok at si Kielvin naman ang brown ang buhok" -sambit ko sa Dalawa, agad naman nila itong sinulat

Hinalikan ko ang mga noo nila "Mahal na mahal ko kayo kambal ko " - humagikgik naman ang mga katabi ko