webnovel

Carrying the Billionaire's Baby

Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong ng binata. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok nitong tulong. At bilang kapalit... She will be carrying the billionaire's baby.

Journialisqui · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
12 Chs

Chapter Four

Chapter Four

Parking Lot

***

Nasa kusina na ko at niluluto na ang kakainin namin ni Lucian para sa umagahan. Mahilig siya ng omelette kaya iyon ang niluluto ko. Naramdaman ko ang maiinit na bisig na pumulupot sa baywang ko at ang pamilyar na bagong yumakap sakin. Hinalikan niya ko sa pisngi bago nagsalita.

"Is that an omelette?" he asked. Tumango ako sa sinabi niya. "Para ganahan ka sa meeting mamaya," sagot ko. He laughed softly. "Thanks, Xiao Zhu." he said softly.

He really loves calling me Xiao Zhu kaya everytime na tinatawag niya kong ganoon... Napapangiti na lang ako dahil alam kong naaalala rin niya kung paanong nalaman niya ang salitang iyon. That was one of the memorable and funny day way back before we became this close. Hahaha.

Masasanay rin ako sa pagiging sweet ni Lucian. "Just sit there, Lucian. Luto na," sabi ko sa kanya. Naramdaman kong tumango siya and he gently kissed my neck na nagpatayo sa mga balahibo ko sa batok bago humiwalay sa pagkakayakap sakin.

Inayos ko na ang hapag kainan at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko so I could prepare kung dito siya magla-lunch. "I don't know... Maybe after lunch I could finish all the errands I need to run," he answered. Tumango ako. "I see. Just tell me if you will be going home this afternoon so I could prepare lunch," sabi ko sa kanya, nakangiti.

The breakfast went well for the both of us. Nang matapos ay inilagay namin sa lababo ang mga hugasan. Naghugas ako ng kamay at hinarap siya para pigilan na pakealaman ang mga hugasin.

"Mr. CEO, ako na po." I said to him laughing. Who have thought that this billionaire knows how to wash dishes? Nah, of course... Ako ang nagturo kung paano hahaha.

"I'll help you so---"

"I'm fine. Look. Hindi mo pa pala naaayos ang tie mo." sabi ko sa kanya at hinarap siya. Hinawakan ko ang tie na hindi maayos na nakalagay.

Inayos ko ang pagkakasuot niya ng tie. He hold my waist and stares at me. "Hey... Matunaw ako." I said jokingly. He laughed at my remark and planted a soft kiss on my lips making me to looked at him. Napailing ako sa kanya habang ngumingiti. Tumingin akong muli sa tie na inaayos ko. Nang matapos ay tinapik ko ang kanyang balikat. "Ayan! Perfect." sabi ko. Napatingin ako sa kanya na nakatitig sakin.

Naputol ang tinginan namin nang tumunog ang kanyang cellphone. Lumayo ako sa kanya ng bahagya pero nakayakap pa rin ang isang braso niya sa baywang ko kaya di ako nakalayo ng tuluyan.

"Kris..." he addressed to the other line. Kris is his secretary. Hinalikan niya ko sa noo habang nakikinig sa sinasabi ng secretary niya at lumayo pagkatapos ng halik na iginawad niya. "Yes... Please check the papers I need to review and sign... Yes..." huminto siya at nakinig sa kabilang linya.

Napakabusy talaga niyang tao. Palibhasa ay nag-iisang anak kaya kailangan niyang asikasuhin ang lahat ng negosyo nila.

Naglakad siya para may kuhanin. Marahil ang susi niyang nasa ibabaw ng ref. Sumandal siya sa roon habang nakikinig. Kitang-kita ko ang pangungunot ng noo niya. I wonder ano kayang pinag-uusapan nila?

Sumandal ako sa sink at pinagmasdan si Lucian. How hot and handsome he was. How he look so passionate na parang nagmula sa isang magazine at nagmaterialize na lang. Hindi ko masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Napangiti ako. Bigla ko tuloy naalala ang unang beses na nagkita kami.

[Flashback]

Start na ng second sem at sobrang dami na ng ginagawa. Practice dito, thesis doon, group activity at kung anu-ano pa.

"Lana... Una na kayo. May meeting kasi kami ng mga kagrupo ko eh," sabi ko kina Lana nang nagliligpit na kami para umuwi. 5 p.m ang uwian namin. Magkakaiba ang group na kinakabilangan namin dahil random ang pagpili ng prof sa magiging kagrupo namin. "Aantayin ka na namin." sagot niya. Umiling ako at tumingin kay Joshua.

"We can wait you here," sabi niya. "Ihatid mo na lang si Lana pauwi. Pwede ring yayain mo magdate tutal hindi ako kasama para walang third party---"

"Amanda! Nakakahiya ka! Kung anu-ano sinasabi mo!" sabi ni Lana na namunula na ang pisngi tulad ni Joshua. Hahaha. In denial pa.

Simula ng magsecond sem simula ng magstart ang school year... Ako na ang nang aasar kina Lana at Joshua. Baliktad na. Kung nung unang sem si Lana ang asar ng asar samin ni Joshua ngayon second sem ako na sa kanila.

Napansin ko kasi na nagiging super close na ng dalawa. Sabay na pumapasok at di na naghihiwalay. Napapansin ko na iba iyong closeness nila kumpara sa closeness namin ni Joshua. Alam kong may something eh haha.

"I don't know what you're talking about A." sabi ni Joshua at nilapitan ako para halikan sa noo. "Babe... You're hurting me. You're pushing me away." pagdadrama ng mokong. Namula ang pisngi ko. Kahit kailan napakalandi niya. He was a playboy. Definitely a playboy. Siya kasi ang kusang nilalapitan ng mga babae kaya hindi siya hirap magkaroon ng kalandian. But honestly he was too caring and sweet. Kaya di ko masisisi ang mga babaeng gustuhin siya.

Pero lately... Hindi ko na siya nakikitang may kasamang ibang babae bukod sa best friend ko.

Nahagip ng mata ko si Lana na nag-iwas ng tingin samin ni Joshua. Nabura ang ngiting kanina lang ay nasa mga labi niya.

I want my two best friend to be together... Sana seryosuhin ni Joshua si Lana kapag nagkataong tama akong may something sa kanila.

"Tss. Ewan ko saiyo, Joshua." sabi ko sa kanya at tinulak siya. Natatawang lumayo siya. "Magpapasundo na lang ako kaya wag niyo na ko alalahanin." sabi ko.

"Susunduin kita. Anong oras ba?" sabi ni Joshua. One thing about him... Natututo na siyang magtagalog. Napangiti ako dahil alam ko kung sino ang nagturo sa kanya nun. "Wag na. Ang kulit. Magkita na lang tayo bukas." sabi ko sa kanila. Lumapit ako kay Lana at niyakap siya saka humalik sa pisngi niya.

"Babe, bukas na lang." sabi ko sa kanya. "Ingat," sabi ko pa. Yumakap ako kay Joshua saka nagpaalam. "Ingatan mo si Lana ah?" sabi ko kahit alam kong di niya pababayaan ang kaibigan namin.

"Ingat babe. Wag kang papagabi. Text me when you need something. I can ride you home." ani Joshua. Tumango ako. "Ingat kayo." sabi ko.

Naghiwalay na kaming tatlo. Sila palabas ako papuntang library kung saan kami magkikita-kita ng mga kagrupo ko.

"Hi!" sabi ko sa mga kagrupo ko nang makarating ako. Binati rin nila ko pabalik. Naupo ako sa bakanteng upuan. Nang makumpleto kami ay nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa group report namin.

Binigyan lang kami ng kanya-kanyang topic na pag-aaralan at para magawan ng power point. Inabot kami ng mahigit isang oras sa pag-uusap para sa plano namin. After that nagpaalam na kami sa isat'isa.

Naglalakad ako papunta sa gate dahil nandoon na si Manong Gardo, ang aming driver naghihintay. Nagtext kasi ako na sunduin.

Habang naglalakad ay may nakita akong tao na nasa parking lot ng school. Out of my curiosity ay lumapit ako. Nakarinig ako ng ingay habang palapit.

"I want more of you, Lucian... Oh.. Please?" sabi ng isang babae. Nakarinig ako ng ungol shet! Ano iyon?

"Let's go to my unit..." sabi pa nung babae. Napatili ako nang makita kung anong mayroon. Natigil sa paghahalikan iyong dalawa at nagulat na napatingin sakin iyong babae.

"Oh my gosh!" sabi kong napatakip pa sa bibig. Nakasandal sa kotse iyong lalaki habang nakasandal iyong babae sa kanya at sobrang dikit na dikit. Nakita ko pa silang naghahalikan na parang wala ng bukas.

Jeez! Iyong inosente kong mga mata!

"What the hell?!" sabi nung babae habang lumalayo doon sa lalaki at inayos ang sarili niya. Nakabukas ang dalawang butones ng blouse niya. Napailing ako. Seryoso? Are they making out here in school? Gosh! I can't believe it! Akala ko si Joshua lang pero shit! Iba talaga kapag nakikita mo. Nakakasuka! Mga walang delikadesa! Umalis sa pagkakasandal iyong lalaki sa kotse at tinignan ako.

He looked at me. At kahit may kadiliman sa bahagi ng parking lot na iyon... Alam ko... He stared at me using his cold eyes. It makes me shiver for something I am not familiar with.

Nagkatitigan kami. I felt something inside me. His eyes makes me feel that he was not pleased and he was dangerous right now.

Oh-uh!

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pumunta ako rito?

"What are you doing here miss?" maarteng sabi nung babae sakin. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkainis sa tinig niya. I even saw her deadly glare at me. What? Nakaistorbo ba ko at galit na galit siya?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you not ashamed for what you we're doing?" tanong ko not minding her question. "You're... Doing something... Inside your school sa ganitong oras." sabi kong pinagdiinan ang something saka umiling-iling to add insult. Naiinis ako doon sa babae.

"Shocks! Nakakahiya sa iyo nakaistorbo pa ata ako. Sorry. I didn't know na may milagro pa lang nagaganap." I said laughing na ikinais nung babae. Gusto ko lang siyang asarin. Nakakatuwa kasi ang reaksyon niyang kulang na lang patayin ako kasi naistorbo ko sila.

Duh! Gagawa na lang ng milagro sa loob pa talaga ng school. Hindi ba nakakahiya ang bagay na iyon? Parang hindi sila nag-aaral!

"How dare you!" sabi nung babae at nagtangkang sugurin ako pero pinigilan siya ng lalaki. Napatingin ako doon sa lalaki.

I saw amusement in his eyes while staring at me pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napalitan iyon nang mapaglarong mga tingin.

"What?" inis na sabi nung babae doon sa lalaki na nakatingin pa rin sakin. Kumalabog ang puso ko sa paraan ng pagkakatingin niya. He was amused at the same time I can see his playful eyes making me know that he was up to something dangerous for me. Kinalibutan ako sa kakaibang emosyong nararamdaman.

"Don't stop me! I want to beat this girl so she could know who she was talking with!" galit na sabi nung babae. Wala akong pakealam. Hindi ako natatakot dahil kaya kong labanan ang babaeng ito.

"Did you just showed up to get some attention? Hmm?" tanong nung lalaki sa aroganteng tono. Nag-init ang ulo ko lalo na nang makita ko ang mapaglarong mga ngiti niya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon! Nakakagigil!

This guy in front of me shouting of arrogance in him. His air was too high that makes me hate how arrogant he was! At nagsusumigaw rin ang pagiging playboy niya!

"Why would I? I'm not interested," maarteng sabi ko. Taas noo ko siyang tinignan. Akala niya maapektuhan ako ng ere niyang punong-puno ng kayabangan? Nakakabwesit!

"Really? Pwede naman kitang pagbigyan eh. Kung makakapaghintay kang matapos kami. Fine... I'll give you your time to experience heaven with me." mayabang na sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. What did he just said? Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon! Ang kapal! Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya iyong babae sa harap ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

Lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko. Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita! Ang kapal ng mukha ng lalaking ito! Shit!

He licked his lips and smirked at me. Sa tingin mo papatalo ako sa laro mo? Hindi ko naging best friend si Joshua for nothing. He was a damn playboy and I can handle men like him... Hindi na tumatalab sakin iyan.

Tamad na tinignan ko siya at humalukipkip sa harap niya. Tinaasan niya ko ng kilay. Kitang-kita ko ang paglalaro sa mga mata niya habang nakatitig sakin. Nanghahamon din ang mga titig niya. Akala mo uurungan kita?

"Iyon lang? Boring." halakhak ko. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya sa galit. It defines how handsome he was pero di ako papaapekto. "I'd rather experience it beyond earth with someone more challenging kesa sa tulad mong walang dating sakin." this time ako naman ang ngumisi sa kanya at siya naman ang inis. Haha. His expression was priceless!

"Try me..." hamon niya. Bumilis ang pintig ng puso ko sa kaseryosohan niya. Shet! Kitang-kita ko rin ang pagka-offend sa kanya. Uh-oh! Natapakan ko ba masyado ang ego niya?

Humiwalay siya roon sa babae at tinitigan ako. Nakaramdam ako ng takot dahil alam kong kapag di pa ko umalis dehado ako. He was looking at me dangerously na isang pagkakamali ko pa... Kaya niyang iparamdam sakin ang bagay na sinasabi niya.

At shit! Hindi ako papayag na sa kanya lang mapupunta ang first kiss ko. Matapang lang ako pero shete! Hindi ako liberated to know things about kissing and making out!

"Hindi na. Ayoko lang patunayan sa sarili kong tama ako. Pagtuunan mo na lang ang kasama mo... Xiao Zhu." ngisi ko at mabilis na tinalikuran siya kasi nag-aalab na sa galit ang mga mata niya.

Hahaha! Masyado ko atang ginalit. Served him! Ang kapal ng mukha! Thanks to Joshua... Alam ko kung paano haharapin ang isang playboy.

At ang isang iyon? Tama lang sa kanya dahil napakayabang niya! Hindi lahat ng babae makukuha niya!

"Magkikita pa tayo miss! At pagdumating ang araw na iyon... Kakainin mo lahat ng sinabi mo." sigaw niyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Oh-uh! Wag naman sana! Shit! I'm dead!

***

Waaaahhh! Ayan! Bitin hehehe. Sorry na. Haha. Iyan talaga ang pumasok sa isip ko kung paano sila unang nagkitang dalawa. Haha. Tapang ni Amanda. Abangan niyo na lang kung anong mangyayari sa susunod nilang pagkikita :) Sana nagustuhan niyo :) I hope I can hear something about this from you :) Sana nag enjoy kayo basahin kahit maikli :) See yah next update :) Salamat <3