webnovel

Carrying the Billionaire's Baby

Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong ng binata. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok nitong tulong. At bilang kapalit... She will be carrying the billionaire's baby.

Journialisqui · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
12 Chs

Chapter Five

Chapter Five

First Kiss

[A/N: Hello :) Enjoy reading! Thank you :)]

***

"What makes my girl to smile huh?" sabi ni Lucian na nagpabalik sakin sa hinaharap. Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko. Napatingin ako sa kanya na namumula ang mga pisngi ko. Jeez!

"Huh?" tanong kong di masyadong naintindihan ang sinabi ni Lucian. Masyado pa kong nakalutang sa naalala ko. Ngumisi siya at yumuko para bulungan ako. "What are you thinking that makes you smile? Hmm?" nagtayuan ang mga balahibo ko sa paraan ng pagkabulong niya. Jeez!

Natawa ako at bahagya siyang itinulak. He looked at me with amusement. "Do you remember the first time we met?" tanong ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon... Natatawa na lang ako samantalang inis na inis ako nun.

Sinong mag-aakala na darating ang araw na tatawanan ko na lang ang unang pagkikita namin. Sinong di mag-aakala na makakasama ko pa ang lalaking unang beses pa lang kinaiinisan ko na.

Nagunot ang noo niya tila inaalala ang araw na iyon. Lumapit ako binulungan siya. "Hindi mo na maalala?" tanong ko. Bahagya akong nalungkot.

Paano nga naman niya maaalala? Eh, playboy siya! Malamang hindi niya na tanda iyon.

Marahan niyang hinawakan ang baba ko at pinisil ng bahagya. "How can I forget that?" bulong niya. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa mga labi ko. Bumilis ang pagpintig ng puso ko. May kung ano na naman sa tiyan kong nagwawala. His effects to me huh?

"I bet... Hindi mo talaga siya naaalala... You were a playboy and you were with someone when we met." sabi ko. Napatingin siya sa mga mata ko. "You bet?" marahang sabi niya. Ngumisi ako at tumango pero tumawa siya at hinalikan ako. Napakagat ako sa labi ko. At tumingin sa kanya.

"How can I forget the girl who just came in and insult my kisses when in the first place... I'm her first kiss hmm?" ngisi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Naaalala mo?" di makapaniwalang sabi ko. Naaalala niya talaga? Akala ko hindi...

"Nah-uh!" ngisi niya. May kung anong humaplos na mainit na bagay sa puso ko nang malaman iyon. Naaalala pa pala niya... "Wait! You're not my first kiss!" tanggi ko kahit ang totoo siya talaga. He stole my first kiss! Noon... Kapag naaalala ko iyon... Inis na inis ako pero ngayon... Okay na sakin na sa kanya napunta iyon.

Tumawa siya at yumuko para bahagyang magkalapit ang mga mukha namin. "I don't think so... Because far as I remember... You we're so stunned by my kiss..."

"Kapal!" angal ko. Sino kayang di magugulat kung may bigla na lang humalik saiyo? Nakakaloka kaya ang araw na iyon!

Tumawa siya. "What? It was the truth!" aniya. "Hindi talaga---"

He cut my words using his lips. Hinalikan niya ko the way he kissed me way back our lips first touched. He licked his lips after that blowing kiss that almost take all my frigging breathe away!

"So... I got an insult from a virgin lips huh?" sabi niya tulad ng sinabi niya noon ng halikan niya ko. "zhè hái liǎo dé! Stupid Xiao Zhu!" sabi ko ring inulit ang unang salitang lumabas sa bibig ko ng araw na iyon. zhè hái liǎo dé means how dare you! We both laughed. Remembering that day in our life....

[Flashback]

Kinabukasan ng araw na iyon ay kinuwento ko agad ang nangyari kay Lana. And Lana was laughing really hard that time saying "Wala talagang palag ang mga lalaki saiyo babe. Ang lakas mong mambara," sabi niya. Sumimangot ako.

"Napakayabang kasi ng taong iyon."

"Sa susunod kasi wag ka ng magpapagabi ng uwi. Baka sa susunod... Hindi lang iyon ang makita mo." halakhak niya. She really finds it funny samantalang ako inis na inis sa taong iyon! Jusko! Akala mo lahat ng babae gusto siya!

"Hay naku! Hindi ko naman ginusto iyon no!" sabi ko.

"Talaga ba?" tukso niya. Binato ko siya ng throw pillow kaya tumawa siya saka iyon niyakap. "Gosh! Sana di ko na lang nakita iyon! Ang inosente kong mga mata nabahiran ng kahalayan!" tumawa kaming dalawa.

"Pero gwapo ba naman?" pang-iintriga niya. I rolled my eyes. "Sobrang panget!" sabi ko. Tumawa siya. "Oh my gosh! Ibig sabihin gwapo? Sana ako na lang nakakita---"

"At? What will you do when you meet him?" napatingin kami kay Joshua na papalapit samin. Oh? Anong ginagawa ni Joshua rito? Hindi naman sa hindi pumupunta si Joshua sa bahay, in fact madalas din siyang tambay samin. Ang kaso... Sabi niya may training siya sa company ng daddy niya ngayon. Kaya bakit nandidito siya?

Ngumuso si Lana at umirap kay Joshua. Lumapit si Joshua sakin at hinalikan ako sa uluhan. Nagsusupladong lumapit siya kay Lana at hinalikan ito sa uluhan. Napasimangot si Lana. Anong problema ng dalawang ito? "Anong pinag-uusapan niyo?" pagtatanong ni Joshua at umupo sa tabi ko.

"Nag-away kayo?" tanong ko. Ganyan sila kapag nag-away o nagkakatampuhan.

"Anong oras ka nakauwi?" tanong niya hindi pinansin ang tanong ko. Okay. Mukha ngang may away sila. "Six," sagot ko. "Why didn't you contact me?" tanong niya. Umirap ako sa kanya. "Because you and Lana are busy?" patawang sabi ko. Kinurot niya ang ilong ko at ngumisi. Arrgghh!

"So... Sinong pinag-uusapan niyo?" tanong ulit niya.

"Ay, ayaw i-let go ang tanong na iyon? Gusto talaga malaman?" sabi kong tinutukso siya. Sumimangot siya at kinurot na naman ang ilong ko. Naiinis na hinampas ko na ang kamay niya.

"Ano ba!" sabi ko. "I'm asking babe..." simangot niya.

"Wala..." sagot ni Lana. Tinignan siya ni Joshua gamit ang malalamig na titig. "Really huh?"

"Wala nga..." sabi ko na lang din. "Mauna na kami, Amanda. May gagawin pa ko," sabi ni Lana at tumayo na. Tumayo na rin si Joshua. Ah... Kaya pala nandidito si Joshua... Taga sundo. Partida... May away pa sila.

"May date kayo? Kaya ka pala nandidito Joshua ah?" pang-aasar ko. Namula ang mga pisngi ni Lana sa sinabi ko. Ngumisi si Joshua sakin.

"Hindi ganoon iyon..." sabi naman ni Lana. "Hindi kami nagde-date." tumawa ako sa sinabi niya. Ang cute ng best friend ko dahil pulang pula ang pisngi niya.

"Ohh! Sabi mo eh!" ngisi ko. "Sige. Ingat kayo." sabi ko. Lumapit si Lana sakin para halikan ako sa pisngi. "Ikwento mo sakin kapag nakita mo ulit siya ah? Excited na ko kapag nagkita kayo hahahaha!" tawa niya. "Hahaha, funny!" sarkastikong sabi ko. "Ingat kayo," sabi ko.

"Are you dating someone, Amanda?" seryosong tanong ni Joshua. Tumawa ako at niyakap siya. "Don't worry ikaw lang dine-date ko." ngisi ko sa kanya. Ang seryoso masyado hahaha. "Tss..." nakangiti ng sabi niya. Humalik siya sa uluhan ko. "Bye..." sabi niya. "Ingat kayo ah," paalam ko sa kanila. "Bye, A!" paalam naman ni Lana. Habang naglalakad sila ay nagtatalo sila about doon sa 'someone' na pinag-uusapan namin. Hahaha. Kunti na lang... Aamin na silang sila na sakin. Can't wait for that.

Lumipas ang ilang oras at naghanda na ko dahil kailangan kong pumunta sa school. May usapan kami ng mga kagrupo ko sa play, which kailangan i-perform next week before the midterm examination. Ang hectic talaga kapag nasa college na.

Nag-ayos na ko at pumunta sa school. Nagkita kami sa garden ng school. Nagpractice kami doon hanggang matapos ang ikatatlong scene namin.

Nang matapos ay nagpaalam na kami sa isat'isa. Nagpasya akong pumunta sa library tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Nang makarating ay naghanap agad ako ng libro.

Habang pumipili sa bookshelf ay may nabangga ako pag-atras ko pagilid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.

It was the man... Yesterday!

"Ikaw?!" gulat na sabi ko. Ngumisi siya sakin. Nakasandal siya sa book shelf habang nakangisi sakin.

"We meet again..." sabi niya ang isang kamay ay itinukod sa book shelf habang patagilid na humarap sakin. "And it's not funny!" inis na sabi ko.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang features niya. He looks like a model from a magazine na bigla na lang nagmaterialized sa harap ko. Hindi naman siya mukhang nag-aaral dito. At feeling ko graduate na ang isang ito. Hindi siya naka uniform. Paanong nakapasok siya?

"Are you done checking me?" ngisi niya. Namula ang pisngi ko. Nakakahiya!

"In your dreams..." inis na sabi ko at inirapan siya. Hindi ko na siya pinansin at sinubukang abutin ang librong hihiramin ko para makauwi na. Mukha lang wala sakin na nandidito siya pero ang totoo ay nanginginig ako. Hindi ko alam pero ngayong nasa malapit siya... Sobrang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sa presensya niya. Isinantabi ko iyon at nang tatalikod na ko ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at iharap sa kanya.

Nagulat ako nang isinandal niya ko sa may book shelf at iharang ang mga braso sa magkabilang gilid ko. Kinabahan ako at mas lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko sa ginawa niya. May kung anong humahalukay sa tiyan ko dahil sa ginawa niya.

"W-what are you doing?" nauutal na sabi ko. Hindi ko maiwasan iyon dahil sa mga dagang nagkakarerahan sa dibdib ko. Hindi rin ako humihinga dahil masyado siyang malapit!

Ngumisi siya. "I told you... Kakainin mo lahat ng sinabi mo," sagot niya. And before I could protest...

I felt his soft lips on mine.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Did he just... Did he just...

Shit! He just stole my first kiss! What the eff?

Anong gagawin ko?

***

Waaaahhhh! Sorry po bitin hehe. Thank you sa mga nagbasa ng update na ito hehehe. Sa susunod uli :) Salamat ❤❤❤