webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Historia
Sin suficientes valoraciones
98 Chs

XXV

Juliet

"Ito ang realidad mo ngayon, Juliet." Sabi ni Caden. Nasa terrace kami ngayon at kakatapos lang kumain.

"Hindi mo ba talaga alam na... magbabago ang kasaysayan sa biglang pagsulpot ko rito?" Tanong ko.

Napalunok siya bago nagsalita. "Ang orihinal na plano ko ay panatilihin ang mga kaganapan kagaya ng nakaraan habang isinasagawa ko ang misyon ko. Pero dahil may nagmamay-ari na ng bagay na kailangan ko, kailangan ko na rin ngayong iligtas ang bagong may-ari nito at kaakibat no'n ang mga pagbabago sa magiging takbo ng nakaraan kaya... gusto kong maging handa ka sa mga maaaring pagbabago sa kasalukuyan." Explain niya at hindi naman ako nakasagot agad.

Feeling ko sinabi lang ni Caden na hindi na mababago ang nakasulat sa kasaysayan kasi ayaw niya akong mag-alala noon pero ngayon... kailangan na niyang sabihin para mag-ingat na ako sa mga ikinikilos ko.

"Kung sakaling magtagumpay ako sa misyon ko, babalik tayo sa kasalukuyan at hindi na mahahalata pa ang existence natin sa panahong 'to pero kapag hindi... mat-trap tayo rito. Ito na ang magiging permanente nating realidad at mabubura na ang existence natin sa kasalukuyan." Sabi pa niya na nakapagpataas sa mga balahibo ko. Hindi ako pwedeng matrap dito.

"May pwede ba akong maitulong sa misyon mo?" Tanong ko.

"Sa ngayon, wala. Gusto ko lang na lagi mong tatandaan na ito ang realidad mo ngayon at huwag kang magpapadalos-dalos." Sagot niya.

Kinabukasan, maaga akong pinagising ni Caden at pinag-ayos.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Caden nang makababa na kami sa hagdan at palabas sa pinto.

"Susunduin natin sila Ama at Ina." Casual na sagot niya at inayos pa ang kwelyo niya bago tuluyang lumabas ng pinto samantalang napahinto ako sa paglalakad.

Oh noes. Don't tell me...

Humarap sa akin si Caden na nakataas ang isang kilay with a what-are-you-doing look. Napailing-iling ako at aakyat na sana ulit nang maabutan niya ako at hilahin palabas.

"Cadeeeen! Hindi ko sila kilalaaaaa! Ayaw ko! Ayaw ko!" Kapit ko sa may pintuan habang hinihila ako ni Caden pababa ng steps papuntang karwahe.

Uuwi raw sila Don Horacio at Doña Faustina! Hindi nila ako pwedeng makita huhu. As if naman kilala nila ako 'di ba? Waaaah! Baka mapalayas pa ako at masabihang impostor huhu.

"Ano ba, Juliet! Umayos ka nga!" Pabulong na saway ni Caden sa akin.

"Kapag may nakakita pa sa'yong tagasilbi, mapagkakamalan ka na namang baliw!" Dagdag pa niya.

Oo nga pala, napagkamalan akong baliw dati dahil sinampal ko ang sarili ko sa harap nila Adelina at Manang Felicitas. Eh sa gusto ko lang namang malaman kung nananaginip lang ako.

Bumitaw na ako sa pagkakakapit sa pinto at sumunod nalang kay Caden. Hindi naman siguro ako ilalagay sa panganib ni Caden, 'di ba?

Buong byahe, halos humiwalay na ang espirito ko sa katawan ko sa sobrang kaba. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko at ewan ko ba bakit pa-chill-chill lang 'to si Caden.

Anong ipapalusot niya? Kapatid niya akong hindi nila ginawa? Kapatid niyang parang kabuteng bigla nalang sumulpot, ganun?

Waaaah! Nasstress na ako sa nangyayari at pa sight-seeing sight-seing lang 'tong si Caden mula sa bintana ng karwahe.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" Biglang tanong ni Caden at nagulat ako kasi nakatingin na pala siya sa akin.

Shems! Naririnig nga pala niya iniisip ko.

"Eh, kasi naman! Dapat tinago mo nalang ako sa isa sa mga malalaking wardrobe doon sa bahay niyo, mas safe pa ako roon atsaka magaling naman ako magtago." Sagot ko.

"Bakit ka magtatago? Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ito ang realidad mo ngayon, Juliet." Sabi niya at halatang binibigyan diin 'yung 'ito ang realidad mo ngayon.'

Pagkarating namin sa daungan ng barko, pakiramdam ko nanginginig na ang buong katawan ko. Ano kayang balak nito ni Caden? Paano niya sasabihing may kapatid siya na hindi nila alam? Waaaah, mababaliw na ako!!!

"Ayan na sila." Sabi ni Caden at naagaw naman agad ng isang magandang babae at lalaking naglalakad pababa ng barko ang atensiyon ko.

"Juliet!" Tawag ng babae pagkababang-pagkababa niya at niyakap ako.

Natigilan ako. Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko sa dibdib ko. Bakit ganito ang epekto sa akin ng babaeng 'to?

"I missed you so much, my dear! How have you been? And what's the news that came to us? You have a lover?" Sunud-sunod na sabi ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Tagalog at English lang ang naiintindihan kong language sa panahong 'to pero pakiramdam ko nawala na rin yata 'yung kakayahan kong umintindi ng English. Namemental block ako sa mga nangyayari. May accent siya magsalita at hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niyang kulay blue. Grabe, legit na British siya.

"Juliet?" Tawag niya at doon lang ako nabalik sa realidad.

"Honey, she missed you so much. Let's just ask her later." Sabi ng lalaking kasama niya kaya doon naman ako napatingin. Nagulat pa ako nang batiin niya ako in Filipino at niyakap din ako.

Kung siya nga si Don Horacio, sa palagay ko mga kasing-edaran niya sina Don Luis o mas bata siya nang kaunti. Tama lang ang katawan niya sa tangkad niya at agaw-pansin ang salamin niyang nakasabit sa damit niya. Katulad ng karamihan sa mga mayayamang lalaki sa panahong 'to, nakasuit siya at mahabang coat.

Ganun din naman si Doña Faustina. Parehong matangos ang ilong nila pero mas maliit ang ilong ni Doña Faustina kaysa asawa niya. Payat siya at napakaputi. Halata sa mukha niyang hindi siya Kastila at mas lalong hindi Pilipino. Unang tingin palang mahahalata mo nang galing siya sa isa sa mga western countries.

Pagkatapos ng batian, dumiretso na kami sa karwahe at doon ko lang napansin na ang dami palang nakatingin sa amin at may narinig pa akong mga bulungan na 'dumating na sila Don at Doña Cordova' at iba pang mga komento.

"How have you been, Juliet?" Tanong ni Doña Faustina na kaharap ko kaya napalingon agad ako sa kaniya. Pasimple naman akong napakalabit kay Caden na katabi ko.

Caden! English ba ako sasagot?

Ilang sandali pa akong naghintay ng response mula kay Caden pero busy siya sa kwentuhan nila ni Don Horacio. Ghad!

"Juliet... are you alright, dear?" Tanong ni Doña Faustina sa akin na nagpalingon kanila Don Horacio at Caden sa amin.

Yes, finally!

Caden! English ba ako sasagot?

Binigyan niya lang ako ng pasimpleng sumagot-ka-nalang look.

What?! Ghadd sana tama 'tong gagawin ko.

"Y-Yes, I'm alright. I'm sorry." Sagot ko.

"Sigurado ka ba, anak? Balita ko'y tumutulong ka sa pagamutan kaya baka masiyado kang napagod." Sabi ni Don Horacio na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Masyadong napagod eh recently halos hindi na nga ako pinapatulong kasi lagi akong wala sa sarili.

"Ayos lang po ako, Don—A-Ama..." Sagot ko naman.

Hindi kami umuwi diretso dahil bumaba kami sa isang kainan. Nang magkaroon ng chance na kaming dalawa lang ni Caden, agad ko siyang kinurot.

"Aray!" Daing niya at lumingon sa akin na nakakunot ang noo.

"Bakit?"

"Hindi mo ako sinasagot kanina! Mamamatay na ako sa kaba dahil hindi ko alam kung magta-Tagalog o mag e-English ako!" Pabulong na sigaw ko sa kaniya para hindi kami mahalata.

"Hindi ka ba nag-Kinder ha? Wala ka bang common sense? Malamang kapag English ang tanong sayo, English isasagot mo. Kapag Tagalog, edi Tagalog. Alangang mag-Intsik ka riyan."

Iritable ang tugon ni Caden pero natawa nalang ako slight sa kaniya. Mukha kasi siyang mine-menopause na lola sa sungit.

Dumating na sina Ama at Ina na kakatapos lang makipagchikahan sa mga kakilala nilang nakasabay namin dito sa kainan. Umupo naman na kami sa isang pabilog na lamesa atsaka sabay-sabay na nagdasal. Lahat sila nakapikit at taimtim na nagdarasal sa pangunguna ni Ama habang nagpipikit-pikitan ako para tignan sila. Nagulat naman ako nang dumilat si Caden at natatawang napailing-iling nalang nang makita akong nagpipikit-pikitan lang kaya pumikit agad ako. Pagkatapos, sabay-sabay na kaming kumain.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapangiti sa saya dahil sobrang inaasikaso ako nila Ama at Ina. Para talaga akong anak nila na ang tagal nilang hindi nakita at ang sarap lang sa pakiramdam. Alam kong hindi naman talaga nila ako anak at hindi ako nanggaling sa kanila pero somehow, ang saya sa pakiramdam na may kilalanin na 'totoong' magulang.

I mean, kuntento naman ako sa pagmamahal at pag-aalaga nila Tito Daddy at Tita Mommy pero alam niyo 'yun? Dito kasi or at least sa pagkakataong 'to, sila ang tunay kong mga magulang. Alam ng lahat na anak nila ako at galing ako sa kanila. Walang mga side comments na 'ay inampon lang nila 'yan', 'maaga kasing nabuntis 'yung nanay ng batang 'yan kaya inampon nalang nila' at kung anu-ano pa.

Kahit pa aksidente lang na napunta ako sa taong 'to, masasabi ko na natutuwa rin ako dahil nae-experience ko ang mga bagay na hindi ko naexperience sa panahon kung saan talaga ako galing. Kagaya nalang ng magkaroon ng totoong mga magulang.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts