Juliet
"Ang dami namang tao." Nasabi ko dahil ang dami naman talagang tao at nakakaloka dahil puros mga kalalakihan pa.
Lalaki ba talaga namamalengke sa panahong 'to?
Nasa palengke kami ngayon at ano pa bang gagawin namin dito 'di ba? Edi namamalengke.
Sobrang bored ko na kasi sa bahay kaya niyaya kong mamasyal si Caden pero busy daw siya kaya ayun inutusan akong sumama sa mga tagapagsilbing mamamalengke. Pinasama rin naman niya si Adelina para raw bantayan ako. Hindi niya alam kasabwat ko na si Adelina, BWAHAHAHAHA!
"Hindi naman ganito karami ang mga tao kapag normal na araw. Baka may espesyal na okasyon ngayon." Sabi ng isa sa mga tumutulong sa tagaluto sa bahay.
"Baka kasi nalaman nilang nandito si Binibining Juliet!" Tuwang-tuwang sabi pa nung isa.
"Oo nga 'no? Halos lahat ay pinagtitinginan lang ang binibini at tila pinagmamasdan ang mga kilos niya." Sang-ayon pa ni Adelina na akala mo hindi niya ako katabi.
Napalingon ako sa paligid at nakitang pasimple ngang tumitingin-tingin sa akin yung mga tao. Ghadd, ano bang meron sa akin? Jinujudge na naman ba nila ako? Grabe, kahit pala noong unang panahon judgmental at mga chismoso na ang mga Pilipino, argh.
Pagkatapos kong mamili ng mga kailangan para sa adobong balak kong lutuin ay nagmadali na akong umuwi. Naiwan naman 'yung mga katulong magluto ng cook sa mansion kasi sinundan ako ni Adelina.
"Ako na pong magdadala, binibini." Presinta ni Adelina at akmang kukunin 'yung mga bitbit ko pero agad akong tumakbo kasi alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha yung mga dala ko. May pagka-workaholic kasi 'tong si Adelina eh.
"Binibini!" Biglang sigaw ni Adelina at mukhang shock na shock siya sa tono niya kaya naman napalingon agad ako sa direksyong tinitignan niya at nakitang may umaandar na karwaheng sobrang lapit na sa akin.
Kundi ba naman talaga ako tanga eh, pumikit lang ako sa sobrang gulat at feeling na wala naman na akong magagawa pero nagulat ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin na sobrang bilis at naramdaman ko nalang ang malakas na pagtama ng likod ko sa lapag. Ouch!
Napadilat ako at nagulat nang makita si Fernan sa ibabaw ko.
Madiin siyang nakapikit at nakayakap sa akin. Nakasuporta ang kamay niya sa ulo ko kaya pala hindi ako nabagok.
Napadilat siya kaya agad na nagtama ang mga tingin namin. OMG, awkward!
Agad siyang tumayo at inalalayan din akong tumayo atsaka pinagpagan ang sarili niya.
"Ayos ka lang ba, binibini?" Tanong niya habang nagpapagpag din ako kasi grabe ang alikabok at lupa sa damit ko.
Sasagot na sana ako nang may biglang lumapit sa amin.
"P-Pasensiya na po—" Sabi ng isang babae na kakababa lang sa karwahe pero natigilan siya nang makita si Fernan at biglang namula.
Omygosh! Don't tell me... nalove at first sight siya kay Fernan?!
Oh well, gwapo naman kasi talaga si Fernan. Plus points pa 'yung pagiging tahimik niya compared kanila Niño at Andong at ang lakas talaga ng dating ng cool nerd aura niya.
Kung sa We Bare Bears siya si Ice Bear, si Niño si Panpan tapos si Andong naman si Grizz.
"Binibining Emilia, ikaw pala iyan." Sabi ni Fernan kaya nanlaki ang mga mata ko. What?? Magkakilala sila?
"G-Ginoong Fernan... ipagpaumanhin niyo po ang pagmamadali ng k-karwahe ko. Patawarin niyo po ako. Nagmamadali po kasi ako—" Nauutal-utal na sabi nung Emilia pero pinutol na siya ni Fernan.
"Ayos lang, binibini. May pagkakamali rin naman si Binibining Juliet sa kaniyang biglaang pagtakbo sa kalsada. Tumuloy ka na sa iyong pupuntahan at sasamahan ko nang umuwi si Binibining Juliet." Saad pa ni Fernan at sinenyasan na akong sundan siya. Nagbow nalang ako slight doon sa Emilia at sumunod na kay Fernan.
"Ayos lamang po ba kayo, binibini?" Nagpapanic na tanong ni Adelina pagkalapit sa amin at nakita 'yung mga gasgas ko sa braso na sobrang kinagulat niya at mukhang hihimatayin na siya sa stress.
"Naku po! Mapapagalitan ako ni Señor Caden nito!" Sabi niya na mukhang paiyak na.
"Ako na ang bahala sa binibini. Bilhin mo nalang ulit ang mga pinamili niya at ako na rin ang magpapaliwanag kay Ginoong Caden." Ngiti ni Fernan kay Adelina at halatang pinapakalma niya 'to.
Napatingin ako sa braso ni Fernan pero mukhang hindi naman siya nagalusan kasi nakauniporme siya ngayon. Long sleeves ang uniporme nila at halatang makapal kaya naman 99.9% sure akong hindi naman siya nasugatan.
Napatingin ako sa mga binili ko at mukhang lamog na lamog na sila huhu bumagsak at madaganan ba naman.
"Halika na, binibini." Sabi ni Fernan na inaayos 'yung upuan sa isang kabayo.
OMG. Don't tell me papasakayin niya ako sa kabayo na 'to? Nakasaya ako 'no!
"Tulungan na kitang umakyat." Sabi niya at nagulat nalang ako kasi binuhat na niya ako paupo sa kabayo at sumakay na rin siya.
Bale nakaprincess style na upo ang lola niyo at nasa likod ko si Fernan... joke. Gilid pala kasi nakaside nga ako.
"Pia, mauna na muna ako at ihahatid ko si Binibining Juliet sa kanila." Sabi ni Fernan na nakatingin sa mga taong nakatingin sa amin. Huh? Sinong kinakausap niya?
May babae namang umabante at sumagot sa kaniya.
"Sige, kuya. Ingatan mo ang binibini." Ngiti nung babae.
Pero wait! Bakit ang malisyosong palaka ng ngiti ng babaeng 'to? Mukhang inaasar niya si Fernan sa mga tingin niyang 'yun kaya napailing-iling nalang si Fernan habang natatawa at nag 'tsk-tsk'. Alam ko para sa kabayo 'yun eh.
Nabalik ang tingin ko sa babaeng tumawag na kuya kay Fernan at nginitian naman niya ako. Mukhang kapatid siya ni Fernan at ang ganda niya! Grabe, iba rin talaga ang lahi nitong si Fernan! Mestisa siya at mapungay ang mga mata niya, 'yung tipong mukha siyang anghel ganun. Tapos matangos ang ilong niya at manipis din ang labi niya.
Nang gumalaw na 'yung kabayo, napakapit ako sa magkabilang wrists ni Fernan na bitbit pa 'yung bayong na may lamang mga lamog na sangkap sa takot kong mahulog huhu. Nakasaya kaya ako at baka mamaya magslide ako rito eh ang sakit pa nga nung likod ko sa pagkatumba kanina. Ang bigat kaya ni Fernan.
"K-Kumapit ka rito, binibini." Sabi ni Fernan na ikinagulat ko kasi ang lapit pala talaga niya sa akin.
Mukhang nailang siya sa paghawak ko sa wrists niya kaya kumapit na agad ako sa tinuro niyang kapitan ko. May nakakabit palang hawakan sa may batok ng kabayo.
Pinatakbo na ni Fernan 'yung kabayo kaya napapikit nalang ako at napakapit nang mahigpit sa hinahawakan ko.
Napadilat ako nang naglalakad nalang 'yung kabayo at naramdamang natatawa-tawa si Fernan sa akin. Ghadd sorry naman ah, first time ko sumakay ng kabayo eh. At dahil gusto kong tumigil siya sa pagtawa sa akin, nag-isip ako ng topic.
"Kapatid mo 'yung babae kanina?" Tanong ko.
"Oo, si Pia." Sagot naman niya.
"Oohh... ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko ulit.
"Lima."
"Lima?!" Gulat na tanong ko at biglang natauhan na nasa 1899 nga pala ako. Normal lang pala 'yung ganun.
"I mean—este—ang ibig kong sabihin, lima lang??" Palusot ko at natawa nalang siya.
Ay iba rin ang lolo niyo, infairness ang cute ng dimple niya ah.
Teka... sila Niño dalawa lang—ah! Oo nga pala nagkasakit 'yung mama niya.
"Eh sila Andong?" Tanong ko.
"Tatlo." Sagot naman niya.
"Pang-ilan ka sa inyong magkakapatid?"
"Pangalawa."
"Eh si Andong?"
"Hmm... si Kuya Jose tapos siya. Bale, pangalawa rin. Atsaka 'yung dalaga kanina, si Emilia... siya ang bunso nilang kapatid." Sabi niya.
Woah... kapatid ni Andong 'yung muntik nang makasagasa sa akin? Small world nga naman. Joke! Nasa San Sebastian nga pala kaming lahat hehe!
"Oo nga pala... bakit nasa palengke ka rin kanina?" Tanong ko.
"Sinamahan ko si Pia at mga tagapagsilbi mamili ng mga sangkap na kakailanganin sa handaan mamaya." Sagot niya.
"Handaan? May okasyon na naman?" Tanong ko.
"Kaarawan ng aking ama. Naimbitahan na namin si Ginoong Caden ngunit maaari bang ipaalala mo sa kaniya? Balita ko'y marami siyang inaasikaso ngayon kaya baka nawala na sa isip niya." Sagot niya kaya tumangu-tango nalang ako.
Pagkarating namin sa bahay, halos lumabas sa katawang-tao ko ang espirito ko sa gulat nang makita si Caden sa pinto ng mansion. Bakit siya nandito? Hinihintay ba niya kami?
"Ginoong Caden." Bati ni Fernan at magalang na tumango.
"Koronel! Ikaw pala 'yan, halika!" Masiglang bati ni Caden.
What?? Ba't ang plastic niya ha? Nung kailan binuhusan niya ng tubig tapos ngayon akala mo BFFs sila? Iba rin ang Lolo Caden niyo! Tsk!
Lumingon sa akin si Caden atsaka ko naalala na naririnig nga pala niya 'yung iniisip ko, omyghad!
Binigyan niya ako ng pagsisisihan-mo-pagkwestyon-sa-hospitality-ko look kaya naman napalunok nalang ako. Patay.
"Dumito ka muna, Koronel hanggang pananghalian. Magluluto ngayon si Juliet kaya sabayan mo na kaming kumain mamaya. Wala sila Ama't Ina kung kaya't ako na muna ang kakausap sayo na nobyo ng aking kapatid." Ngiti ni Caden.
What???!!! May emphasis pa talaga sa 'nobyo' 'yung pagkakasabi niya ah!!!
Napa-oo nalang si Fernan kaya nagmadali na akong pumunta sa kusina at hiniwa 'yung mga pwede pang kasangkapan.
Grabe, maloloka na ako sa harap ni Fernan. Siya naman kasi eh! Siya nagdala sa akin doon sa madilim na lugar, najudge pa tuloy kaming maharot huhu.
Hindi nagtagal at dumating na rin naman sila Adelina at tinulungan ako.
¤¤¤
Nawiwindang na talaga ako sa mga nangyayari.
So tatlo kami ngayon sa hapagkainan. At ang awkward. Nagulat ako nang biglang magsalita si Fernan.
"Masarap ka palang magluto, binibining Juliet." Ngiti niya.
Jusko. Adobo lang 'yan, sino bang hindi marunong magluto ng adobo. Style rin nitong si Fernan eh.
"'Di ba? Hindi ka magugutom sa kapatid ko." Sabi pa ni Caden. What??
Sasagot pa sana ng isa pang kaplastikan si Fernan pero nagsalita ako.
"Sundalo siya kaya hindi ko rin naman siya laging mapaglulutuan." Sakay ko sa trip nila pero siyempre may hidden message 'yan na: 'wala akong balak paglutuan siya kasi hindi ko naman talaga siya boyfriend.'
"Kaya nga kunin niyo na ang ganitong mga pagkakataon upang gawin ang mga bagay na hindi niyo na magagawa kapag bumalik na si Koronel sa mga labanan." Sagot ni Caden kaya pasimple ko nalang siyang binigyan ng whatever look. Kanina pa nang-aasar eh!
Pagkatapos kumain, pinaalala lang ni Fernan 'yung birthday party ng tatay niya at nagpaalam na kaya naman pagkaalis na pagkaalis niya ay hinabol ko si Caden na agad namang nagtatakbo palayo habang tumatawa at nang-aasar pa rin.
Humanda talaga 'yang Caden na 'yan!