webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Historia
Sin suficientes valoraciones
98 Chs

X

Juliet

"Ah, hindi pala muna dapat 'yon. Kailangan mo pala muna akong makilala upang mapag-isipan mo nang mabuti." saad ni Niño at nakahinga naman na ako nang maluwag nang malamang hindi na niya itutuloy ang sasabihin niyang naging dahilan ng near death-experience ko kanina.

Teka, ano bang sasabihin niya at kailangan pang kilala ko siya bago niya sabihin?

"Ang alam ko lang... ikaw si Enrique Enriquez IV, tatay mo si Enrique Enriquez III at nanay mo si... Isabela Sebastian atsaka... may kuya ka na si Ernesto na nagpari." sabi ko naman.

Napatangu-tango siya atsaka biglang ngumisi nang nakakaloko.

"Mukhang pinaggugulan mo ng oras ang pananaliksik ng mga bagay tungkol sa akin, binibini."

"Hoy! Anong pinaggugulan ha? Sinabi lang sa akin nung koronel na nagpahamak sa akin 'no." sagot ko naman. Ang feeler ng lolo niyo, grabe!

"Koronel? Ang tinutukoy mo ba'y si Fernan?" tanong niya at inalala kong mabuti kung ano nga bang pangalan nung koronel na 'yun.

"Oo... yata..." sagot ko nalang kasi hindi ko talaga maalala.

Napatangu-tango naman siya atsaka umayos na ng upo. Mukhang sisimulan na niyang magpakilala.

"Magsisimula ako sa aking mga magulang. Bagama't kilala mo na sila, sa palagay ko'y may ilang mga detalye akong kailangang sabihin sa'yo. Ang aking ama'y nag-aaral ng abogacía nang makilala niya ang aking ina. Sa kuwento niya'y napaibig siya ni Ina mula lang sa mga sulyapan nila at ayun, nauwi rin sa kasalanan ang kanilang mga munting sulyapan." kuwento niya sa love story ng mga magulang niya.

"Sana ganun kasimple lahat ng pag-iibigan." nasabi ko nang hindi ko namamalayan.

"Hindi ganun kasimple ang pag-ibig nila." sabat niya atsaka ko narealize 'yung sinabi ko.

"Hindi binigyan ng basbas ni Lolo, ama ni Ina, ang kasal dahil may iba siyang gustong lalaki para kay Ina. Natuloy lang ito dahil sa basbas na ibinigay ni Lola at sinabing ibinigay na rin ni Lolo ang basbas niya kahit na alam nilang lahat na hindi 'yon totoo. Naging mahirap kay Ama ang bawat araw na ginugol niya sa bahay ng mga Sebastian dahil hindi pumayag si Lolo na mahiwalay sa kaniya si Ina kaya't nagtiis si Ama sa loob ng pamamahay nito. Sabi ni Ama, mas masarap ang bunga kung paghihirapan mo ang pag-aalaga sa puno nito kaya't nagtiis siya. Nang ipagbuntis na ni Ina si Kuya Ernesto ay unti-unting lumambot ang puso ni Lolo hanggang sa sakaniya ipasa ang pagiging alcalde mayor ng San Sebastian." kuwento ni Niño at parang bata, napapalakpak ako.

"Bilib na ako kay Don Luis sa pagiging matiyaga niya para kay Doña Isabela." sabi ko.

"Sabi ni Ina'y hindi niya inakala na magtitiis si Ama para sa pag-ibig nila dahil nagmula si Ama sa pamilyang mas mayaman pa sa mga Sebastian. Hindi nga rin daw niya inakala na papayag ang pamilya ni Ama na sakaniya ito makasal."

Napatangu-tango ako.

"Ibig sabihin mababait ang mga Enriquez. Hindi sila katulad nung mga nasa telenovela na ayaw sa babae ng pamilya ng lalaki dahil lang—" Napahinto ako sa sinasabi ko dahil nakatitig lang si Niño sa akin.

"M-May mali ba... akong nasabi?" tanong ko at mukhang nagulat siya bigla.

Napalunok siya atsaka umayos ng upo.

"W-Wala, wala... Binibining Juliet." Ngiti niya.

"Ah, 'yung kuwento ko nga pala... noong ipanganak si Kuya Ernesto, nagplano sina Ama't Ina na gusto nila magkaroon ng tatlong anak na lalaki. Sina Ernesto, Enrico at Enrique." tuloy niya sa kuwento.

Ernesto, Enrico, at Enrique? Nasaan si Enrico? May isa pa ba silang kapatid?

"Naisip nila na kahit pa magkaroon ng babae ay nais nilang magkaroon ng tatlong anak na lalaki ngunit nang ipagbuntis ako ni Ina'y nagkaroon siya ng malubhang karamdaman. Sinabi ng manggagamot na maaari siyang mamatay kapag ipinanganak niya ako pero matapang si Ina. Naging matapang at nagpakatatag si Ina para sa akin. Araw-araw siyang nagsimba't nagdasal na maging malusog ako at ipinanganak nga ako sa mundong ito na malusog, gano'n din naman si Ina. Sinabi nilang isa akong biyaya at himala kaya naman tinawag nila akong Niño na nangangahulugang batang lalaki na hango sa pangalan ni Kristo."

"Pero bakit hindi Enrico ang ipinangalan sayo?" tanong ko. Kasi 'di ba pangalawa palang naman siya?

"Bagama't nalagpasan ni Ina ang pagsubok nang magdalang tao siya sa akin, naniniwala silang minsan lang magkaroon ng himala. Maaaring mapahamak muli si Ina kapag nagdalang-tao ulit siya kaya ipinangalan na nila sa akin ang Enrique na siya ring pangalan ni Ama at aking mga ninuno. Ang pangalang Enrique ay nagmula sa pangalang Heinrich na nagmula sa Alemanya na binubuo ng salitang haim at rīc. Ang salitang 'haim' ay nangangahulugang tahanan at ang ibig sabihin ng 'rīc' ay pinuno o kapangyarihan kaya ang ibig sabihin ng Enrique ay 'makapangyarihang pinuno ng tahanan.' Naniniwala sila na nararapat lang na ipasa ang pangalang Enrique sa salinlahi ng mga Enriquez."

"Edi... papangalanan mo ring Enrique 'yung magiging anak mo?" natanong ko. Dapat daw ipasa 'yung pangalan eh, curious lang ako kung balak din niyang ipasa.

Natawa siya nang kaunti at 'yung puso ko na naman ghadd! 'Yung tibok abot Mars nang makita ko 'yung ngiti niyang labas ngipin huhu.

"Mabilis ka rin mag-isip ng mga bagay-bagay, binibini. Gusto ko 'yan." Ngiti niya at parang nang-aasar niya.

"A-Anong mabilis mag-isip? Naisip ko lang na... pari ang kuya mo kaya ikaw lang ang puwedeng magpatuloy sa lahi niy—" Natigilan ako bigla nang maalala kong mamamatay siya sa isang digmaan.

Pakiramdam ko sinipsip ng lupa lahat ng happy cells ko nang maalala ko 'yun dahil sa sobrang lungkot ko bigla. Siya lang ang pwedeng magpatuloy sa lahi nila pero hindi magtatagal at mamamatay pa siya. Ang tragic naman ng kahihinatnan nila.

"Nais ko sana munang pag-usapan ang kasal ngunit mukhang mas interesado ka sa mga magiging anak natin kaya... sige. Nais kong magkaroon ng 3 o 4 na anak. Ayos lang ba sa'yo 'yon, binibini?" nakangising wika niya.

Tatlo o apat? Ang dami naman?!

"Dalawa hanggang tatlo lang!" sabat ko at mukhang nagulat siya pero natawa rin agad.

Omygosh.

Ano bang pinagsasabi ko huhu. Niño kasi eh!

"O, sige. Dalawa o tatlo lang, binibini." natatawang aniya kaya pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko sa sobrang hiya.

Jusko lupa, kainin mo na ako please?

Hindi siya tumigil sa pang-aasar sa akin kaya nag-isip ako ng bagong topic.

"Narinig ko palang... maaga kang nasabak sa labanan. Pangarap mo bang maging sundalo?" tanong ko at natahimik siya bigla.

Nawala ang ngiti sa mga mata't labi niya kaya bigla akong nagsising nabanggit ko pa 'yun. Ang awkward na tuloy. Yumuko nalang ako dahil sa kashungahan ko dahil nabadtrip yata siya sa akin.

"Nais kong mag-aral ng medisina." biglang sabi niya kaya napatingala ako at napatingin ulit sa kaniya.

Gusto niyang mag-aral ng medisina pero... sundalo siya ngayon. Paano nangyari 'yun? Medic ba siya sa troop nila? Pero... heneral siya. Imposibleng doktor siya sa gyera.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts