webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Historia
Sin suficientes valoraciones
98 Chs

LVI

Juliet

"Remember that you should not meet nor see General Enriquez from this hour onwards until the wedding ceremony tomorrow, understood?"

"Opo." Sagot ko at inayos na niya ang kumot ko.

"Sleep tight, dear." Kiss ni Ina sa noo ko at naglakad na papunta sa pinto ng kwarto ko kung nasaan si Caden.

"No meeting with General Niño until the wedding ceremony." Pang-aasar pa ni Caden bago nila tuluyang isara ang pinto.

Napatitig nalang ako sa bubong ng kama ko. Oo, may bubong ang kama ko h'wag kayo.

Parang ang bilis ng lahat. Nung kailan lang nasa hospital ako, kinikilabutan dahil sa nasaksihan kong biglang pagkabuhay ulit ng isang batang in-announce nang patay at ito ako ngayon, nasa taong 1899 at ikakasal na bukas sa isa sa mga batang heneral sa panahong ito na hindi pa ako sigurado kung matagal ko pa bang makakasama.

Oh, boy... hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. Siguro nagkakaroon ako ng existential crisis dahil hindi ko na alam ang purpose ko sa mundong ito.

Bata palang ako pakiramdam ko na wala akong silbi sa mundo, na kung sa chess isa lang akong pawn na gagamitin ng mga mas may potential at malalakas para manalo sila at mas lalong umangat kaya naisipan kong maging doktor para kahit papaano... magkaroon ako ng silbi. Pero ngayong napunta ako sa 1899 na hindi ko man lang alam kung bakit at paano... wala na akong idea kung ano ba ang dapat kong gawin.

I mean... don't get me wrong, I planned everything way back sa present. Plinano kong maging isang mahusay na doktor na tutulong sa mga tao pero nang makarating ako sa taong 'to, hindi ko magawang magplano dahil hindi ko naman alam kung hanggang kailan lahat ng 'to eh. Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako sa panahong 'to at kung oo, hanggang kailan? Ayaw kong planuhin ang buhay ko tapos mamaya mapunta na naman ako kung saan na hindi na naman ako handa.

Bakit ba kasi sa dami ng araw na mapagpapasyahan naming i-stalk 'tong si Caden ay 'yung araw pa talaga na mag ti-time travel siya? Bakit ba kasi kailangan pang mahulog 'yung relo sa bulsa niya? Bakit ba kasi ako shunga at naisip ko pang ibalik sa kaniya 'yung relo niya? Bakit ba kasi hinawakan ko pa 'yung relo na 'yun? Bakit ba kasi may ganun pang relo, ghad! Na f-frustrate na ako!

Natigil ako sa pagkalunod sa sarili kong thoughts nang makarinig ng something sa may terrace. Omyghad... may kapre ba? Ang laki pa naman ng puno sa labas huhu.

Tumayo agad ako at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Ghad, buti nalang hindi mataas ang blood pressure ko kung hindi matagal na akong inatake sa panahong 'to.

Agad kong kinuha ang arnis na binigay sa akin dati ni Angelito Custodio atsaka dahan-dahang lumapit sa pinto ng terrace.

Nang bumukas ang pinto, handa na akong i-swing 'yung arnis na parang baseball bat pero buti nalang at mabilis na naagaw 'yun sa akin ni Niño.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakaakyat?" Bulong ko kaya naman dinala ako ni Niño sa may terrace at nakita ang nakatali na lubid sa may railings ng terrace ko at sina Fernan at Andong na nasa baba.

"Okay... pero paano niyo natali 'yan?" Tanong ko. Imposible namang para 'yung grappling hook ni Batman na magbubuhol nalang sa sarili niya sa railing.

"Tungkol doon... nakipagtulungan kami kay Adelina." Ngiti ni Niño na mukhang natataeng ewan. Malamang dahil iniisip niyang magagalit ako sa kaniya sa pagdamay pa kay Adelina rito.

"Ah..." Nalang ang nasabi ko at hinintay siyang i-explain kung bakit siya nandito pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya napatitig nalang din ako sa kaniya.

Hay, those eyes... they never run out of sparks.

Tuwing magkikita kami ni Niño, para niya akong dinadala sa ibang galaxy dahil sa mga mata niyang 'yan.

"Niño?" Tawag ko sa kaniya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at ilagay 'yon sa dibdib niya.

Omygosh, inaatake ba siya?? Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?

"Sapat na ang masilayan kita upang patibukin mo nang ganito ang puso ko, binibini." Nakangiting saad niya, hawak pa rin ang kamay ko sa dibdib niya at hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.

Napangiti naman ako pero siyempre deep inside nagwawala na sa kilig ang puso ko. Napapabilis ko ang pagtibok ng puso ni General Enrique Luis Enriquez IV!!! ISA AKONG ALAMAT!

"Oo nga pala... bakit ka napadaan dito?" Tanong ko at inalis na ang kamay ko sa dibdib niya.

"Gusto lang sana kitang masilayan ngayong araw." Sagot niya

"Baliw ka ba? Hindi nga raw tayo pwedeng magkita! Nako, malilintikan tayo nito kanila Ama at Ina. Umuwi ka na. Dali, dali!" Kinakabahang bulong ko at tinulak-tulak na siya pabalik sa terrace, kung nasaan ang lubid.

" . . . . at nais kong malaman ang tunay na nararamdaman mo para sa akin."

Napatigil ako sa pagtulak-tulak sa kaniya nang marinig 'yon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at mas lalo pa 'tong bumilis nang magtama ang mga tingin namin ni Niño.

"Ano ang tunay na nararamdaman mo para sa akin, binibini?" Lapit niya sa akin kaya napaatras ako. Napalunok ako atsaka nagsalita.

"B-Bakit mo ako t-tinatanong?"

"Dahil gusto kong malaman." Diretsong sagot niya.

"E-Eh ikaw nga hindi ako sigurado kung ano bang nararamdaman mo para sa akin eh!—" Naputol ang sinasabi ko nang takpan niya ang bibig ko at i-pin niya ako sa pader.

Omygosh.

'Yung puso ko bigla nalang tumigil sa pagtibok nang magtama ulit ang mga tingin namin pero this time, mas malapit. Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata niyang natatamaan ng sinag ng ilaw mula sa apoy ng gasera at amoy na amoy ko rin ang mabangong scent niya.

"Huwag ka masyadong maingay, binibini. Baka magising sina Don Horacio't Doña Faustina." Sabi niya at tinanggal na ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko pero nakapin pa rin siya sa akin sa pader.

"At upang sagutin ang mga sinabi mo kanina, nais kong siguraduhin sa iyo ang nararamdaman ko. Hindi kita niyaya magpakasal dahil lang sa walang kadahilanan, binibini. Papakasalan kita sapagkat ito ang nais ko." Saad niya habang nakapako ang tingin diretso sa mga mata ko.

Grabe. Hindi na ako makahinga sa posisyon namin na 'to. Malamig man ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, pakiramdam ko nag-aapoy ngayon ang mukha ko sa sobrang init nito.

Niño, bakit ganito kalakas ang epekto mo sa akin? Nagsasalita ka lang naman nang normal. Normal lang din naman ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Niño, anong ginawa mo?

"Juliet..." Aniya at muli kong naramdaman ang init ng hininga galing sa kaniya at hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ang bango ng hininga niya, nakaka-insecure. Bakit ang bango.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at agad na nagtama ang mga tingin namin dahil nakatingin na rin siya sa akin.

"Ikaw ang nais kong makasama kahit pa bukas na ang araw ng paghuhukom na nakasulat sa Bibliya. Ikaw ang nais kong makapiling kahit pa huling hantungan ko na ang susunod na digmaang kabibilangan ko. Ikaw ang nais kong makita tuwing umaga sa mga natitirang araw ko sa mundong ito. Ikaw lang ang nais kong mahalin sa nag-iisang buhay na mayroon ako at kahit ilang beses pa akong ipanganak... ikaw, at ikaw lang ang tanging mamahalin ko." Sabi niya habang nakatitig sa akin. 'Yung titig niyang tumatagos sa buong pagkatao ko.

Nagulat nalang ako sa sarili ko nang may tumulong isang patak ng luha mula sa mata ko kaya agad ko 'yung pinunasan at kumalas sa kaniya.

"H-Hindi ko alam ang isasagot sayo, Niño." Sabi ko at nakita ko ang biglang pagbabago ng expression sa mukha niya.

Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang sakit na naramdaman niya dahil sa sinabi ko.

Ghad, I don't want to see him get hurt. Tanga ka talaga, Juliet!

"Ah..." Sabi niya at napatangu-tango.

"Magpahinga ka na, binibini. Aalis na ako. Magandang gabi." Narinig kong sabi niya dahil iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at naramdaman kong bumaba na siya kaya naman nang feeling ko ay nakababa na siya, pumunta na ako sa terrace at sumilip.

Sumenyas si Andong na tanggalin ko 'yung pagkakabuhol ng lubid at ginawa ko nga. Nagpaalam sina Andong at Fernan by waving their hands at tumingin pa ulit sa huling pagkakataon si Niño bago tuluyang umalis.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts