webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Historia
Sin suficientes valoraciones
98 Chs

LI

Juliet

"Ayan na! Napakaganda talaga!" Tuwang-tuwang sabi ni Doña Isabela habang tinitignan nila ni Ina ang gown ko. Oo, yung gown na susuotin ko sa kasal namin ni Niño next month.

Remember nung sinabi kong sobrang bongga pala dapat ng kasal namin ni Fernan noon dahil nga isa siyang Fernandez na pinakamayaman lang naman sa buong San Sebastian? Well... mga 4x mas bongga lang naman 'tong kasal namin ni Niño kaya nasstress na ako.

Tanggap ko naman nang ikakasal na ako sa edad na 22 or okay, let's say 23 years old pero yung iniimagine ko na kasal ay simple lang. Yung hindi masyadong magarbo, yung mga family and friends lang talaga yung witnesses ganun pero GRABE, TOTAL OPPOSITE NITO YUNG PLINANO NILA AMA AT DON LUIS HUHU.

Sinabi sa akin nung kailan ni Pia na hayaan ko na raw dahil bongga rin daw ang kasal nila Don Luis at Doña Isabela noon at partida pa na hindi suportado si Don Alvero na tatay ni Doña Isabela sa kasal na 'yon kaya malamang lang na ganito kabongga ang kasal namin dahil 1.) full forces ang parents namin sa paghahanda 2) si Niño ang susunod kay Don Luis sa paghahandle ng San Sebastian at 3) heneral si Niño. Oh 'di ba, halos lahat dahil kay Niño.

Anyway, thursday ngayon, August 31, 1899. Alam kong matagal nang nagsimula ang paglusob ng mga Amerikano sa Pilipinas pero mukhang hindi pa sila nakakaabot sa San Sebastian at kinakabahan ako dahil paano kung anytime now bigla silang dumating 'di ba? Kaya kinukulit ko araw-araw si Caden kung kailan makakaabot dito ang mga Amerikano pero hindi talaga niya sinasagot nang maayos ang mga tanong ko.

At dahil nga August 31 ngayon, ibig sabihin ay bukas ang birthday ni Niño at tignan mo 'tong nanay niyang mas abala pang usisain ang bawat hibla ng gown ko kaysa party ng anak niya huhu.

Sobrang delikado nilang dalawa ni Ina pagdating sa susuotin ko sa kasal, as in! Nauna kasing dumating yung belo noon mga last week tapos pinabalik nila sa gumawa dahil may mas malaking butas kaysa sa iba sa may bandang dulo. Grabe, 'di ba huhu pero I appreciate their effort siyempre. Alam ko namang concern sila sa kasal namin ni Niño kaya sila ganito kadelikado.

"Uhm... isusukat ko po ba?" Tanong ko para matapos na 'to huhu maghahanap pa ako ng ireregalo ko kay Niño.

"Hindi mo maaaring isuot ang iyong trahe de boda bago ang araw ng kasal, hija kundi... hindi matutuloy ang kasal." Sagot ni Doña Isabela sa akin.

What? Anong connect? Paanong hindi matutuloy yung kasal porket sinukat yung wedding gown? Oh, well... better na sundin nalang sila dahil nasa 1899 nga pala ako. Strict pa sila pagdating sa mga ganitong pamahiin at kahit naman sa present ay marami pa ring strict pagdating sa mga pamahiing pinaniniwalaan nila.

"Por favor disculpa a mi hija, ella no sabe nada de esto." (Please excuse my daughter, she does not know anything about this.) Sabi ni Ina kay Doña Isabela na siyempre hindi ko naman naintindihan.

"Está bien, estoy seguro de que algún día se acostumbrará a esto." (It's okay, I'm sure she will get used to this someday.) Nakangiting sagot ni Doña Isabela kay Ina.

At dahil mukhang hindi na sila matatapos anytime sooner ay tumakas na ako HEHEHE!

Pasimple akong lumabas sa sala ng bahay namin kung nasaan ang dalawang doña atsaka tumakbo palayo nang may mabunggo ako.

"Binibini, ayos ka lang ba?"

Napatingala ako sa nabunggo ko at nakita ang mestisong si Andong. Nakablue siya na uniform ngayon at suot ang sumbrero nilang mga sundalo na gawa sa abaniko.

"A-Ah... ayos lang... hehe..." Sagot ko.

"Para sa iyo nga pala." Abot niya sa akin ng supot na gawa sa papel.

"Ano 'to?" Tanong ko at sinilip yung nasa loob at nakakita ng palamuti sa buhok. Parang crystal ang itsura niya at mukhang pampustura at para sa mga bonggang celebrations.

"Kaarawan ni Niño bukas kaya nais kong mas gumanda ka pa, binibini." Ngiti niya.

"Salamat, Andong." Ngiti ko sa kaniya at napangiti siya lalo nang makitang nagustuhan ko ang binigay niya.

"Saan ka nga pala pupunta, binibini? Mukhang nagmamadali ka." Sabi niya.

"Ah... ang totoo niyan ay tumatakas ako kanila Ina at Doña Isabela." Pag-amin ko.

"Tumatakas? May ginawa ka na naman bang kapilyahan, binibini?" Tanong niya at what?!

Kailan ba ako gumawa ng kapilyahan? Bakit parang ang pangit ng reputation ko kay Andong huhu. Dahil pa rin ba 'to sa inakyat kong gate sa hacienda Fernandez? Grabe, hindi makaget-over Andong ah!

"Wala akong ginawang masama 'no, gusto ko lang tumakas dahil bibili ako ng regalo para kay Niño." Sagot ko.

"Ah... nais mo bang tulungan kita? May dala akong karwahe." Suggest niya kaya natuwa naman ako. Ang bait talaga ni Andong!

"Pero teka, kakarating mo lang ah? May kailangan ka bang gawin dito?" Tanong ko.

"Nagpunta ako rito upang ibigay sa iyo ang pang-ipit na 'yan at dahil nabigay ko naman na ay maaari na rin naman akong umalis." Sagot niya.

Ayun, good!

"Tara na!" Hila ko sa kaniya sa may karwahe niya at sumakay na kami.

Dinala ako ni Andong sa iba't ibang bilihan ng kung anu-ano pero wala pa rin akong nakitang worth it ibigay kay Niño. Wow, ang arte ko eh 'no? Pero kasi siyempre special si Niño sa akin kaya gusto ko siya bigyan ng something special din na makita ko.

"Wala ka pa rin bang nakikitang nais mong ibigay kay Niño, binibini?" Tanong ni Andong nang mahagip ng mga mata ko ang isa sa mga singsing na nakadisplay sa tindahan na pinasukan namin.

"Hindi ba't mang-aalahas si Ginoong Caden? Bakit hindi ka nalang sa kaniya bumili, binibini?" Tanong pa ni Andong habang naglalakad ako papunta sa singsing na nakakuha sa attention ko.

"Binibini?" Tawag ni Andong kaya lumingon ako sa kaniya at pinalapit siya sa akin.

"Tignan mo 'yun, Andong. Maganda 'di ba?" Turo ko sa singsing na nagustuhan ko.

"Iyong ginto bang katabi ng may bato sa gitna ang tinutukoy mo?" Tanong niya at tumangu-tango ako.

"Hmm... nais mong mauna magbigay ng singsing at alam mo ang mga tipo ni Niño sa alahas." Amazed at patangu-tangong sabi ni Andong.

"Ganito ang mga tipo ni Niño?" Tanong ko.

"Oo, binibini. Mga katulad mo." Asar pa niya kaya natatawang napailing-iling nalang ako.

"Anong maitutulong ko sa inyo, ginoo at binibini?" Tanong ng medyo chubby na babae.

Teka... parang familiar siya?

"Ikaw ang nakababatang kapatid ni Ginoong Caden Cordova!" Biglang sabi nung tindera na para bang naalala rin niyang medyo familiar din ako sa kaniya.

Naalala ko na! Nakita ko siya noon bumili nung nagdisplay si Caden ng mga alahas sa bahay namin ng mga for sale niya.

Binati ko naman 'yung babae atsaka sinabing gusto ko 'yung gold na singsing. Simple lang kasi siya pero ewan ko ba. May aura siya na ang magnificent tignan at feeling ko bagay siya kay Niño.

Nilabas ng tindera 'yung singsing kasama 'yung lalagyan niya atsaka nilapag sa tapat namin kaya naman tinignan ko pa.

"Maaari mong hawakan, binibini." Sabi ng babae kaya naman kinuha ko 'yung singsing mula sa lalagyan at nakiusyoso si Andong sa pagtingin ko sa singsing.

Tinignan ko 'yung loob ng band at nakitang may nakasulat sa loob.

regresé por ti

Inukot ko pa siya at nakitang may nakasulat din sa kabilang side ng loob ng singsing.

volveré a ti

Wedding ring ba 'to? At ano 'yung nakasulat? Bakit puro ti ti?

Omyghad. That sounds wrong.

Binalik ko 'yung singsing sa loob kaya napatingin sa akin si Andong at 'yung tindera na may pagtataka sa mga mukha nila.

"Hindi mo ba nagustuhan, binibini?" Tanong ni Andong.

"Hindi naman sa ganun pero... may nakasulat kasi sa loob." Sagot ko kaya napalingon naman si Andong sa tindera na para bang tinatanong niya kung ano ang nakasulat.

"Ah, iyon ba binibini? Isa lamang iyong pangako." Sagot ng tindera.

What?? Pangako?! So gamit na 'yung singsing?

"May iba nang naging may-ari 'yung singsing?" Tanong ko.

"Hindi, binibini. Ang ibig kong sabihin ay isa itong klase ng singsing na ibinibigay sa isang tao bilang pangako." Sagot niya.

Napalingon naman ulit ako sa singsing.

Well... kung wala namang ibang naging may-ari 'tong singsing ay imposible namang magkaroon pa 'to ng bad omen 'di ba?

"Maganda naman pala ang ibig sabihin ng nasa singsing, binibini." Saad ni Andong. Oo nga naman.

"Sige po, bibilhin ko na po." Sabi ko at sinara naman na ng tindera 'yung lalagyan at inabot ko 'yung bayad at binigay na sa akin ng tindera 'yung lalagyan.

"Oo nga pala binibini, binili ko rin kay Ginoong Caden ang singsing na iyan." Sabi pa nung tindera bago kami tuluyang magpaalam ni Andong.

Pagkasakay sa karwahe ay kinuha ko yung singsing sa lalagyan at binasa ang nasa loob.

"Regresé por ti..." Basa ko atsaka tumingin kay Andong.

"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko.

"Nagbalik ako para sa iyo." Sagot niya at nakiusyoso sa nakasulat sa singsing. Napatingin naman ulit ako sa singsing.

Nagbalik ako para sa iyo...

Hmm... sounds nice, pang-magjowa nga.

"Eh 'yung... volveré a ti?" Tanong ko.

"Magbabalik ako sa iyo." Sagot naman ni Andong.

"Mukhang maganda ang nabili mong singsing, binibini." Ngiti pa niya.

"Mukha nga." Sagot ko at tinabi na ulit ang singsing sa lalagyan nito.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts