webnovel

C.C'S DIARY (Tagalog)

xxAstraea_Milieuxx · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

Chapter 6

~~~ ★★★ ~~~

And as I go through my life, I will give to her my wife

All the sweet things that I can find

~~~ ★★★ ~~~

CELESTINE

Alex became true to his words. Tatlong araw na ang lumipas at palaging nasa akin lang ang attention niya. Siya na mismo ang lumalayo kay Claudel and that makes me happy. Inaasar niya ako, inaasar ko din siya. We act the usual. Parang walang bago.

Pero kapag umuuwi na kami sa bahay, he will sneak inside my room and we'll talk about every nonsense things in the world. And then we'll end the night making out, Alex is incorrigible.

Hindi siya aalis sa kwarto hangga't walang kiss galing sa akin, hanggang mauwi ito sa isang mainit na make out session, but every time na parang lalampas na kami sa aming limitations, Alex would stop himself. That's how he said he respects me, saka na lang daw kapag talagang handa na ako para sa kaniya.

Minsan nga gusto ko nang bastusin niya na lang ako! Pero, no, babaeng marangal kuno tayo.

Para na nga kaming may relasyon, but none of us spoke about it. Walang label. Nag-aasaran pa rin kaming dalawa kapag nasa harap ng mga magulang niya.

Dahil din sa pakiusap ko, kinakausap na niya nang matino si Migz na aalis na next week para ipagpatuloy ang pag-aaral abroad.

~~~~~~~~~

"Ang lamig ng panahon kaya hindi na 'ko bumangon, mabuti na lang sinabi sa'kin ni Bianca na cancelled na daw ang klase in all levels  kaya naman natulog na lang ulit ako"  inaantok na explanation ni Benedict.

Ganyan din ang narinig kong explanation kina Yuan, Sandro at Troy. Lahat sila, hindi pumasok.

Sampu lang kaming pumasok sa school ngayon, pang-eleven si Teacher na naglalaro na lang ng piano tiles 2 sa kaniyang cellphone. Umupo ako sa desk na katabi ng kay Alex.

"Sabi ko sa'yo walang pasok ngayon.." inaantok na sabi ni Alex habang nakapangalumbaba. "Hay! Ako ang master mo pero bakit ba sinundan kita dito? Diba dapat ako ang masusunod sa'ting dalawa?" napanguso ako sa sinabi niya.

"Sorry na nga…" ungot ko "Wala naman kaseng ulan kanina, tsaka late na rin ang announcement nila ng cancellation ng klase.." I was scribbling something on my Notebook nang hawakan ni Alex ang kamay ko at hilain ako patayo, nasa likod niya na rin ang bag ko "—Saan tayo pupunta?"

"Uuwi na, hindi ko na kaya ang antok ko.. maawa ka na please.." inginuso ko ang Professor namin, "Hayaan mo siya, walang pakialam 'yan sa'tin.. tingnan mo nga 'yung iba nating classmate, puro tulog na. Kung matutulog ako, gusto ko sa malambot na kama na lang din" I looked at my wrist watch and saw that it's just 9am.

Tumayo na rin ako at nagpatianod kay Alex. Paglabas namin sa room ay agad kaming sinalubong ng malamig na hangin, Alex put his jacket around me and I feel extra comfortable. He carefully led me to the gate.

"Tingnan mo, pati 'yung guard tulog din.. because sleep is life!" napailing na lamang ako sa sinabi niya. Nang makarating kami sa parking lot ay walang ni isa mang kotse.

Kinuha ni Alex ang kaniyang phone but was disappointed dahil wala ring signal. Hindi namin ma-contact si Kuya Simon.

"Alam ko na!" I exclaimed "Mas malapit dito 'yung bahay namin kesa sa inyo, may mga supplies naman doon diba? Doon na muna tayo" Alex rolled his eyes at wala rin namang nagawa.

Pumara na lamang kami ng taxi, habang nasa daan ay hindi ko maiwasan ang maging uneasy.

It's raining. Madilim ang paligid kahit na umaga pa lang naman. Huminga ako ng malalim to calm myself. Those monsters.. unti-unti na naman silang bumabalik. Bumilis ang paghinga ko to fight the thousands of emotions that was about to burst out.

Nasaan ba 'yung gamot na bigay sa'kin ni Migz?

I frantically looked inside my bag only to remember that I left it inside my the drawer of my study table.

Of all the times! Bakit ngayon pa—

Naputol ang pagpa-panic ko when a strong hand pulled me for a hug. "Calm down, Lexy.. it's okay, it's Alex.. ako 'to... Walang kukuha sa'yo" nanginginig na yumakap ako kay Alex.

Yakap niya lang ako hanggang sa makarating kami ng bahay. Sobrang lakas ng ulan at natatakot akong lumabas ng sasakyan.

"Lexy, halika na.. I won't leave you, nandito na tayo.." with hands shaking inabot ko ang kamay ni Alex.

Inalalayan niya akong makababa ng taxi pero dahil malayo pa kami sa gate, wala pang sampung segundo ay basa na kaming dalawa.

"A-Alex! N-nab-nababasa t-tayo.. p-please.." panic and fear are slowly creeping on me as I remember the night of our accident. How our car flipped in just a blink of an eye, how my mother and father died in front of me— how I officially became an orphan.

But Alex remained motionless nanatiling nakahawak ang kamay niya sa kamay ko. "Please, please, please.. ayoko na"

"Lexy.." napatingala ako kay Alex, droplets of water are cascading on his handsome face while his eyes are full of determination to pull me back to my senses, "That's right, calm down. I'm here, hindi ka nag-iisa, we will fight your monsters together.." h-he knows about my monsters? "—You don't need to drink those medicines,you don't need Migz. I'm here, I'll be your cure"

In an instant, parang gusto kong itapon na lang ang sarili ko payakap kay Alex. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaniya, I still believe that he is my cure.

My breathing slowly became calm. Yes, ramdam ko pa rin ang lamig ng patak ng tubig at dampi ng hangin sa aking balat.

My skin feels cold, but something warm touched my heart with his gesture. Nang maramdaman niyang kalmado na ako, he smiled and kissed my forehead.

"There... naaalala mo pa ba kung kailan tayo huling nakaligo sa ilalim ng ulan?" tanong niya. My mind automatically traveled back from that moment, when we are playing in the mud, all happy and careless. "... Palagi nating tinatawanan sina Yuan at Troy na naliligo sa putik"

"Tapos nung nalaglag si Benedict kase nadulas siya sa swing doon sa play ground sa subdivision nila!" pag-alala ko, hindi ko napansin na tumatawa na pala kami. "Pumasok na nga tayo! Magkakasakit tayo nito" imbis na tumakbo, mabagal lamang kaming naglakad hanggang sa marating ang gate ng bahay ko.

Binuksan ko ito gamit ang susi na palaging nakasabit sa aking ID. Pgapasok namin sa bahay ay napasigaw ako sa sobrang lamig. Nagmamadali kaming umakyat sa second floor, sa mga kwarto para makapagpalit agad ng damit.

"Sa Masters bedroom ka pumunta, may mga damit pa doon si Daddy, isuot mo na lang... Mag-shower ka muna para hindi ka sipunin ha!" Hindi ko na inasikaso pa si Alex dahil alam kong alam naman niya ang kwarto nina Mommy at Daddy.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay sinubukan kong buksan ang ilaw pero wala. What do you expect, Celestine? Sa lakas ng hangin sa labas, malamang pinatay ang kuryente. Pumasok ako sa banyo and tried to open my shower, meron naman pero walang choice kundi malamig.

Bbbrrrrrr!

Bumalik ako sa kwarto and looked at my parents portrait. Naramdaman ko na naman ang puwang sa aking puso, kung nandito lang sana sina Mommy at Daddy, life will be easier. Hindi sana ako nakikisiksik sa pamilya nina Alex.

Ibinaba ko na ang aking pantalon and removed my sandals, I'm just wearing a black laced panty, inalagay ko ang mga ito sa may laundry. Dahil mahaba ang aking button down na blouse, halos takpan nito ang hita ko. Hindi na kami nag-uniform dahil maulan talaga.

Nakatingin pa rin ako kina Mommy and Daddy when I heard Alex speak.

"Lexy! Sira 'yung—"  nagkatitigan kaming dalawa. He's now top less, the little light from my window is telling me na basa ang katawan niya. His hair is disheveled. Tanggal na rin ang buckle ng kaniyang sinturon.

Emeged!

"—sira na 'yung shower sa Masters bedroom, dito ba ayos?" wala sa sariling napatango ako saka itinuro ang banyo sa loob ng aking kwarto. Naglakad siya palapit— I mean papunta sa banyo ko.

Eyes up, Celestine! Don't eye rape him!

Hindi ko maiwasan ang mapakagat ng labi habang pinapanuod ang bawat galaw niya. He checked if the light is on, but cursed when he found out that it's not. Nilingon niya ako at napaawang ng kaunti ang kaniyang labi. Adoration and affection was seen in his eyes.

"What are you doing?" tanong niya. Doon ko lang naalala na tinatanggal ko na pala ang blouses ko at nasa pang-apat na butones na ako pababa.

"M-magbibihis sana... pero sige, ikaw na muna ang maligo, maya-maya na lang ako—" halos mapasigaw ako ng pag-isahing hakbang ni Alex ang distansya naming dalawa. Parang hirap na hirap itong tumingin sa mga kamay ko at sa mata ko.

"What are you doing?" tanong na naman niya, sasagot na sana ako nang magsalita siyang muli "—what are you doing to me, Lexy?" umakyat ang mga kamay ni Alex papunta sa aking mukha. Itinaas niya ito and made me look on his face.

"Wala akong ginagaw—" Alex pulled me in and kissed me hungrily on the lips like his life depends on me. I opened my mouth to welcome his sinful tongue which made him groan.

Awtomatikong napakapit ang aking mga kamay sa kaniyang batok and welcomed his kisses. Para kaming uhaw na uhaw sa isa't-isa.

After a long passionate kiss, isinandal niya ang kaniyang noo sa aking noo. "You are like a living sin.." muli niya akong hinalikan ".. a sin I am willing to commit every fucking second.." then another kiss.

Nakakalasing. Hindi ko pa nararanasan na mag-inom pero pakiramdam ko, ganito 'yon. Tiningnan ni Alex ang butones kong naghihintay nang matanggal. Nakapulupot ang aking kamay sa kaniyang batok and I know for sure that my cleavage is saying hi to him right now.

"Can I undress you?" I gulped, still feeling dizzy from his kiss.

"Why are you asking? Ikaw ang master ko, you can do as you wish remember?" pagpapaalala ko, he let out a sexy laugh and shook his head.

Inday, ang dami mong pasakalye. Sana nag YES ka na lang diba? Sigaw ng isip ko.

"You really don't know what you mean to me.." ika niya. Binigyan na naman niya ako ng mga nanghihibong halik, which made me crave for more.

"My life is under your mercy, Lexy... I already mentioned that I am yours right?" thousands of emotions crossed his eyes. "I will ask you again, can I undress you?"

I nod, he breathed in and out while doing the last 2 buttons on my blouse. Every touch of his finger on my skin, I feel a spark of a fire starting to spread like a wildfire.

Pagkatapos niyang matanggal ang aking blouse, he raked an appreciative look on my body. Now, I'm only wearing my black bra and black panties. I feel so bold in front of Alex.

"Please, tell me to stop if you don't want this, Lexy. Kapag hinayaan mo ako, I won't stop until I'm sated.." I don't understand what he means by that, hindi kase nakatulong ang kaniyang mga kamay na ngayon ay nasa likod ko na, doing some magic.

But one thing is for sure. I don't want him to stop.

"Don't stop..." napatitig siya sa mga mata ko, happy. "Do whatever you want, don't stop.." that was like a match ignited the fire inside of us. Alex kissed me again, but this time, it's slow and full of love and passion.

Para akong isang manika na buong lakas niyang binuhat at inihiga sa aking kama.

Alex is really a master. Hindi ko alam kung anong ginawa niyang mahika sa akin. I was like a puppet, a willing one though. He made me feel love and beautiful sa pamamagitan lamang ng mga haplos niya. Wala siyang sinayang na isang sandali na mahawakan lahat ng pwedeng hawakan sa'kin.

Sinamba niya ako na parang ako ang gumawa ng mundo. And when we became one, my whole world was shaken to bits. It was a nerve wrecking pain but, again, Alex was my sedative. He assured me that everything is alright, that the pain will be over soon.

At totoo nga. Ilang minuto lang ang nakalipas, ako pa mismo ang nakikiusap na isagad niya ang kaniyang pagkalalaki sa'kin. Ako pa ang mapaghanap.

Since I am new to this, I let Alex guide me. Iba't-ibang posisyon, iba't-ibang lugar sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses naming narating ang rurok.

He will always look at my face, touch every inch of it. Memorizing it like it will be the last time he'll see me.

I didn't know that it will be this addicting. Wala kaming kapagurang dalawa, lalo na si Alex, maybe because of his stamina dahil regular siyang nag-eexercise.

He kept on pumping and humping like this is the only thing he know. Hindi pa niya ako titigilan kung hindi ko siya pinakusapan. My knees were literally shaking for crissake!

Pakiramdam ko rin ay napaos ako sa walang humpay na pag-ungol.

"Tired?" nanunukso niyang bulong sa'king tenga habang nakahiga kami at hawak niya ang aking dibdib.

"I cannot stand on my feet anymore, Alex.." natawa ito sa sinabi ko at kinintalan ako ng halik sa aking sentido, "What did we do? Was that sex?" ramdam ko na natigilan siya sa sinabi ko. Pero hindi rin nagtagal at sumagot siya.

"It's more than that... It's called love making" ipinikit ko ang aking mga mata and rested my head on his neck which made him laugh a bit.

Love making… Does that mean… he loves me?

"… my baby is indeed tired huh, I'll leave you for a while, I'll cook something for us okay?" malambing nitong saad.

"Hmmmm.. people will always see you as  the bully, akala nila palagi mo akong inaapi... What they didn't know is that... You're spoiling me everyday" I kept on mumbling words kahit na pagod na pagod na talaga ako habang nakatingin sa kaniyang mukha. I trace my fingers through his face "—they didn't know how good you are, how you care for people around you.. they don't see you the way I do"

"You see me?" I cannot see him but from what I heard, from how shocked his voice was,  "H-how?"

"I know you check our security kapag tulog na ang lahat, kaya ka palaging puyat.. kapag may mga nangangailangan, palagi kang nandiyan.. they didn't know that you have founded a foundation for street children.." pagod na talaga ako kaya hindi ko na nasabi pa ang ilang detalye. Naramdaman ko ang kaniyang pagyakap sa'kin.

"I wish people have my eyes that can see you, para hindi ka nila husgahan pa.." that's the last thing I remember because sleep took over me already.

ALEXIS

"I love you..." sinagot ng mahinang hilik ni Lexy ang 'I love you' ko. She's so cute. Kawawa naman, masyado atang napagod. But can she blame me? She was the most beautiful things my eye laid upon on. Her perfect curves are making me crazy.

Kinumutan ko siya and fixed our clothes. Pagkatapos ay bumaba na ako para magluto para sa'min. I checked my phone while waiting for the food to be ready when I saw it was  5 in the afternoon already. Sakto namang tumawag si Mommy.

"Alexis! Nasaan ka na naman?! Wala ka na daw sa university sabi ni Simon!"  bungad nito. Napatingin ako sa kwartong pinanggalingan ko.

"Mom, kalma. Nandito kami ni Lexy sa bahay nila.. malakas ang ulan kaya hindi pa kami makauwi—"

"Nasa bahay kayo nina Lexy? OMG! Did you—"  sandali itong nawala sa kabilang linya, pero nakakarinig ako ng mahinang kaluskos "— Franco Alexis! Did you do her already?!"  pagalit nitong bulong. Napatitig na lamang ako sa kisame, wala naman akong balak itago sa kanila "OMG! Your silence means yes! Magkaka-apo na ba ako?"

Possible. Since I poured everything inside her.

"Kung magkaroon man, suportado mo naman kami, diba? And besides, I can already handle one" I heard a squealing sound on the other line.

"Sinasabi ko na nga ba! I knew she'll be a Bustamante! Hinihintay ko lang kung sino sa inyong dalawa ng Kuya mo, alam mo naman na crush niya din si Tine—"

"No!" I said in annoyance "—Celestine will be a Bustamante under my name in no circumstances.. walang makakapigil sa'kin kahit pa si Kuya" reason why I hate him dahil noon pa lang, matagal na niyang sinabi sa amin na may gusto siya kay Lexy. But I didn't let him go near her.

"Ayyiiiiiieee! So possessive like your Daddy huh, oh siya, ano, magpapasundo ba kayong dalawa?"  tiningnan ko ang labas ng bahay at nakita na parang galit na galit ang panahon.

"Baka bukas na kami makauwi, Mom. Ayokong bumyahe ng ganito ang panahon.. kung nakita mo lang siya kanina, she was so scared habang nasa loob kami ng taxi.. naalala niya siguro 'yung aksidente"

"I understand, sige na, I'm just checking on you two.. I love you both!"

Ilang oras pa akong naghintay para maluto ang sinabawan na nakasalang. I have decided to return the diary to Claudel. Wala na akong pakialam kung siya man ang sumulat noo. Ang importante, I have Lexy.

I was busy preparing our food nang may dalawang braso ang kumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. The smell of her shampoo stayed on my nose, I looked behind me and saw Lexy, wearing a big sweat shirt that covers her legs.

She has this genuine smile on her face habang nakatingin sa pagkain, my arms automatically wrapped around her na para bang matagal ko na itong ginagawa, na dapat noon pa ay ginawa ko na. I kissed her forehead, her cute little pointed nose and finally, her lips.

"Baby, I told you to stay in your room, right? Dadalhin ko na lang 'tong mga pagkain doon" she pouted and shook her head, "Why? Ayaw mo na ba ng mga inihanda ko? Is there anything that my baby wants?"

"I want it, palagi ko kayang kinakain 'yung mga hinanda mong pagkain para sa'kin, diba ikaw ang naghahanda ng gatas ko sa umaga?" napatitig na naman ako sa mga mata niya. I mean how? How did she know? "Dahil sa'yo spoiled tuloy ako"

I lightly pinched her nose.

"All for you.." she smiled while blushing which is another view I have yet seen. Gods, she's so beautiful. Or maybe, I already know she is beautiful, kaya nga naging extra possessive at protective ako sa kaniya.

After we ate, pinagtulungan namin ang mga hugasin, we messed around the kitchen pero agad din naman itong nilinis. Hanggang sa nauwi na naman kami sa isang mainit na gabi sa kaniyang kwarto. Her soft skin felt good in my hands, minsan hindi ko mapigilan na panggigilan siya.

Ingat na ingat akong huwag siyang malagyan ng marka, her skin was cream white kaya naman halata ang bawat pulang marka. And we made love from dusk till dawn.

~~~~~~~

"Alex, makinig ka na nga sa lesson.. ikaw ang magtuturo sa'kin niyan dahil kasalanan mo kung bakit ako absent ngayon!"  hindi ko mapigilan ang mapangiti at makagat ang aking pang-ibabang labi. Her voice still sounds sleepy. "—ikaw kase eeeehhh!"  maktol na naman nito.

"Baby—" tumingin pa 'ko sa paligid para siguruhin na hindi ako nagmumukhang timang kahit na ang lapad-lapad ng ngiti ko habang kausap siya sa phone "—that's fine, diyan ka na lang sa bahay... Walang makakakita sa'yo, sigurado akong akin ka lang"

"Baliw!"  nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan sa kaniyang kwarto. "Si Nanay Josie, hinahanap daw ako ni Tita-Mommy para daw sa celebration ng birthday ko, dapat daw bongga" pagod nitong saad.

"Tatawagan ko si Mommy para hindi ka guluhin—"

"Tongek, hayaan mo na! Alam mo naman si Tita-Mommy, kahit yata sabihin kong walang celebration, magpapahanda pa rin 'yon"  knowing Mommy, hindi talaga 'yon papayag na walang celebration.

She's fond of throwing parties. Natatakot nga ako at baka ipa-presscon niya pa ang nangyari sa'ming dalawa ni Lexy.

"Basta, wag mong gaanong pagurin ang sarili—" nanlaki ang mga mata ko nang makita sa sahig ang phone ko na naging el niño ang screen dahil sa wasak. "—you mother—" bumungad sa'kin ang tawanan nina Yuan, Sandro, Benedict at Troy.

"Woooohooo! Mukhang na-inlove yata ang master sa slave niya ah! Ayos!" nag-apir pa sina Benedict at Troy. Agad kong pinulot ang aking cellphone only to find out that it's broken to bits.

"Bar naman tayo! Langya, inom na inom na 'ko, Alexis! Papayag naman si Tine lalo pa't kami ang kasama mo"

"Siraulo talaga kayo!" inis na sigaw ko. Pilit ko itong binubuo nang mapansin ang tingin sa'kin ni Yuan. "Ano? Bakit ganyan ka makatingin?"

Umiling lamang ito saka ako nilapitan at tinitigan sa mga mata, I can feel the tension between us pero hindi ko alam kung bakit ganito ang ina-akto niya sa harap ko. Umigting ang mga panga nito bago ngumisi.

"Subukan mo lang saktan si Tine.. Ako, si Benedict, Troy at Sandro ang babasag hindi lang sa mukha mo" napalitan ng seryosong mga mukha reaksyon nilang lahat.

"Hinding hindi ko gagawin 'yon. Dahil sa oras na saktan ko siya, para ko na ring pinatay ang sarili ko" gay as it may sound, pero 'yon ang totoo.

"Sabihin mo 'yan sa taong nasa likod mo.." pag lingon ko sa aking likod ay nakita ko si Claudel. Mukhang narinig niya ang mga sinabi ko.

"Claudel..." tawag ko sa pangalan niya.

"A-ano 'yun, Alexis? Akala k-ko gusto mo rin ako?" naiiyak na sabi nito. "Ano, pinaasa mo lang ako?"

"No, Claudel. We both know na hindi naman talaga ako ang gusto mo, diba? Akala mo ba hindi ko ramdam 'yon?" she stepped back like a criminal caught in the act. "Let's stop this, may mahal akong iba. Matagal ko na siyang mahal, siguro nabulagan lang ako ng attraction sa'yo... but that's it, call me jerk, curse me all you want.. but this has to end, I'm sorry"

Namuo ang mga luha sa mga mata nito saka umiyak palayo sa'ming magkakaibigan. Hindi ko siya gustong saktan, pero kung hindi ko 'yun gagawin, si Lexy naman ang masasaktan and that will be the death of me.

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpasama kay Kuya Simon sa pinakamalapit na mall. I know it's too early, I know I am only 21 years old, but I am hell of sure of this. Doon ako pumasok sa sikat na boutique nina Troy and roamed around the store.

My eyes settled on a sapphire stone that looks perfect for her hands.

"Binata na talaga, wala nang atrasan 'to Alexis, siya na talaga" nakangiting paalala sa'kin ni Kuya Simon.

Siya na, noon pa.

~~~~~~~~~~~

CELESTINE

"Baby girl!" sigaw ni Tita-Mommy habang inaayusan ako ng mga make up artist na pinapunta niya sa bahay. "Dapat maganda ang baby girl ko, maliwanag? Ayoko ng masyadong matingkad na make up, dapat light lang tapos red ang lips okay?" sabay-sabay silang tumango.

"Tita-Mommy.." ungot ko. Kinindatan niya lang ako "—Tita-Mommy, kahit simpleng handaan na lang po sana, masyado naman yatang bongga 'to" umiling lamang ito.

"That's nonsense! It is your birthday and may mga ice-celebrate pa tayo kaya naman kailangan na bongga talaga!" pinulot nito ang pulang bestida na nakalapag sa aking kama. It was a dreamy gown. Ang ganda nito, bagay na bagay sa kulay ko.

Dahil gabi pa naman ang party, I sneaked out into Alex's room pagkatapos akong make-upan at damitan and found him looking at his tuxedo. Syempre, siya ang magiging escort ko.

"Baby?" tila hindi ito mapakali while phasing back and forth, ni hindi nito narinig na tinawag ko siya "Alex!" muntik pa itong mapatalon sa pagtawag ko sa kaniyang pangalan.

Sandali itong natulala sa'kin kaya naman natawa ako. Halata sa mukha nito ang kaba, bakit? E ako naman ang may birthday at hindi siya?

"Okay ka lang?" tanong ko "Parang mas kabado ka pa sa'kin, may problema ba?" umiling lamang ito at inilahad ang kaniyang kamay. I took it and squeeze it only to find out that he's cold too.

"Nasabi ko na sa'yo na maganda ka, diba?" I nod. Walang araw na hindi niya iyon nasabi sa'kin. "—May surprise gift ako sa'yo later" I felt excited! Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

"May gift ka na naman? Parang ang dami mo nang gift sa'kin, iba pa 'yung kagabi?" he playfully smiled at me. Kagabi, syempre, since he's incorrigible, talagang hindi siya pumayag na walang mangyari sa'min. But last night was special, he pleasured me all the time.

"Ako din, may surprise ako sa'yo..." itinago ko ang isang maliit na parisukat na litrato sa secret drawer ko. "I just checked on you, mamaya kase bibitbitin na ako ni Tita-Mommy kung saan-saan, baka mamayang gabi na kita makita ulit"

"Si Mommy talaga, pagod ka na ba?" umiling lamang ako.

"Masaya naman si Tita-Mommy, okay lang" inihatid ako ni Alex sa aking kwarto. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang kinakabahan niyang tingin at mga kilos. Aligaga siya at palaging tinitingnan ang kaniyang cellphone.

I don't want to prey kaya naman hindi ako nagtanong. Sinasabi naman niyang okay lang siya. Pero mamaya, kapag kami na lang ang gising, mag-uusap kaming dalawa and I will ask him what's bothering him.

Ni hindi ko na napansin ang oras, ang bilis ng takbo nito habang abala kami sa mga gagamitin, mga pagkain at iba pa. Nawalan na 'ko ng pagkakataon na makita si Alex. Habang inaayusan ay panay ang tingin ko sa aking phone, waiting for his text message.

Natigil ang pag-aayos sa'kin ng mga make up artist nang kumatok si Nanay Josie. Nanlaki ang mga mata nito saka parang naluha pa.

"Ay ang OA ng reaction niya oh" pagpapatawa ko. Lumapit siya sa akin at iniharap ako sa salamin.

My hair is freely flowing, kulot ang dulo nito. Ang pulang damit na bigay ni Tita-Mommy at Tito-Daddy ay kapit na kapit sa aking katawan, it emphasized my curves and my skin tone. I have a very light make up but I look so elegant and mature. May ilang crystal beads na color red ang nakadikit sa may dulo ng mga mata ko to emphasize it as well.

I like what I see. I look so feisty. I look like—

"Kamukha mo ang Mama mo.." yeah. I look like Mom. Malungkot akong napangiti. "Kung nasaan man sila ngayon ng Papa mo, sigurado ako, Tine, masaya sila" isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya. Inalalayan niya akong maisuot ang hindi kataasan na sapatos.

Matangkad na naman kase ako kaya hindi na kailangan. The make up team did a final touch on me bago nila i-announce that I'm ready. Kinakabahan na tumingin ako sa pintuan.

Habang inalalayan ni Mari Kris, talagang nag-effort sina Tita-Mommy! Mari Kris is a famous make up artist ng mga artista at model sa Pilipinas and outside. Siya ang may-ari ng sikat na make up line na MAKIWANDER.

"Mas maganda ang make up mo, besh, kung ngingiti ka.." ika nito. I did what she said. I smiled and walked out. Sinalubong ako ng madilim na pasilyo, nakatingin lang ako ng tuwid katulad ng sinabi sa'kin ng may hawak sa'kin.

Sinasabi kung ano ang paa na aking ihahakbang. Until we reach the top of the stairwell.

"Ladies and gentlemen, your celebrant... KRISZ CELESTINE CRISOSTOMO!" that's my cue. I confidently walked hanggang sa sandali akong masilaw ng spot light.

Ilang segundo lamang akong nag-adjust and looked down at everyone. They're all looking at me with amazement.

Napansin ko ang isang bulto na paakyat kaya napatitig ako dito. At napahanga din. Alex looks dashing on his all black tuxedo. His hair on a brush up style, napakalinis niyang tingnan. Lalo na at dinagdagan pa ito ng kaniyang makalaglag panty na ngiti.

He's mine. Bulong ko sa aking isip.

Inilahad nito ang kaniyang kamay upang kunin ang sa akin. Inabot ko ito and he kissed the back of my hand.

"You are a goddess, baby..." I felt the heat on my cheeks.

"Thank you, ang gwapo mo din.. bagay talaga tayo" natawa ito, he placed my arm in his at umalingawngaw ang palakpakan sa loob ng mansyon.

Hanggang sa makarating kami sa baba ay panay pagbati lamang ang narinig ko. Mula sa mga classmates namin, mga kaibigan nina Tita-Mommy at ng Mommy ko.

My night was filed with laughter. Nagmistulan kong clown sina Troy at Sandro. Kapansin-pansin naman ang katahimikan ni Alex. I badly want to ask him what's bothering him pero wala akong chance. Nakatingin lamang ito sa kaniyang phone.

Ilang oras pa ang lumipas, bigla na lamang itong nagpaalam sa amin. I also excused myself at sinundan siya, tuloy tuloy lamang itong naglakad hanggang sa makarating sa may gate sa likod ng mansyon kung saan walang gaanong ilaw.

"Alex?" tawag ko sa kaniya, parang nagulat pa siyang lumingon sa akin "Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party" paalala ko.

But deep inside, gusto kong umiyak at magmakaawa, because I can see in his eyes na kahit anong sabihin ko... Aalis siya.

"I'm sorry, Lexy.." Lexy. What happened to the 'Baby'?  "Claudel needs me now" napaawang sandali ang labi ko to process what he said.

"Claudel? Akala ko wala ng Claudel? Akala ko tayong dalawa na lang?" I managed not to stutter kahit na gusto nang mag-break down.

Gulong-gulo ang isip ko sa mga sinasabi niya. Anger is starting to build up inside me pero pinipigilan ko dahil masama sa akin ang magalit.

"Don't be selfish and just think about yourself, Lexy.. hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo. My world doesn't revolve around you" sandaling tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

Paano niya nasabi iyon samantalang halos sa kaniya ko na ibuhos ang lahat ng meron ako?

Muli niya akong tinalikuran and stepped forward but I managed to grab his arm, this time tumulo na ang mga luha ko.

Nakaramdam ako ng matinding takot na naglakbay sa bawat himaymay ng aking kalamnan. Nanlalambot ang aking mga tuhod ngunit pinilit kong makatayo ng maayos.

"W-Wait lang! Alex naman e.. wag ka ngang ganyan!" inis at takot na sabi ko. "B-birthday ko ngayon, ipa-ipapahiram n-naman kita basta wag lang ngayon, please naman oh" pakiusap ko. Alex held my hand and removed it from his coat with gritting teeth. "Please baby, I'd allow you to see her, please pero wag ngayon—"

"Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko?" malamig, galit at nagmamadaling tanong nito "Matalino ka Lexy, I know you know what I mean by this— wait, oo nga pala, is it about the deal? Hindi mo 'ko mapakawalan dahil sa Master/Slave deal natin?"

"No! It's not—"

"Okay..." humakbang siya palapit sa'kin without breaking our eye contact, wala na siyang pakialam sa luhang naglalandas sa mga mata ko. My sedative, my cure, iiwan niya na 'ko.

Tila may namuong malaking bara sa aking lalamunan ng mga sandaling iyon, gusto kong magsalita, magmakaawa.

"—Makinig kang mabuti sa sasabihin ko dahil isang beses ko lang 'to sasabihin.."

No please. Don't say it. Don't say it. Don't say it.

His eyes are sporting anger. Kanino siya galit? Sa'kin ba?

"Claudel might be pregnant right now with my child.. and she needs me now. I have to save her" nang mga sandaling iyon, nangapal ang mukha ko.

Nawalan ako ng kakayahan na huminga, o mag-isip man lang ng tama, may matinis na tunog akong narinig sa magkabila ng aking tenga at parang hindi ako makarinig ng ilang segundo.

"You're right, Claudel and I had sex before us.. hindi ko siya pwedeng pabayaan lang! Naiintindihan mo ba? Now... Bilang Master mo, inuutusan kitang pakawalan na ako"

Pakawalan mo na ako.

Sinabi niya ito na para bang hirap na hirap na siya sa'kin. Na para bang isa akong malaking pabigat na dapat ng tanggalin sa kaniyang buhay.

"A-ano pala 'yung mga nangyari sa'tin? Pangpapanggap lang din ba 'yon?" tanong ko, my vision was now clouded with tears. "Alex—"

"CELESTINE!" he angrily hissed which made me flinch. "May buhay na naghihintay sa'kin! Hindi mo ba makuha ang gusto kong mangyari?!" inis na sabi nito, napasabunot na siya sa kaniyang maayos na buhok na para bang hirap na hirap na sa kaniyang kalagayan, saka kinuha ang susi ng sasakyan na bigay sa kaniya ni Tito-Daddy.

I run towards him and captured him in my arms and cried. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko.

"P-please baby.. don't go, k-kailangan ka r-rin namin please wag ganito.. a-ano bang kailangan kong gawin? Please Alex—" pilit niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kaniyang katawan which caused me to stepped back and almost lost my balance.

Pero hindi ako nagpatinag. If I had to do this, I will, para kay Alex.. para sa'min.  Muli ko siyang nilapitan and hug him. Saka ako umiiyak at dahan dahang dumausdos paluhod sa kaniyang harapan.

"Lexy! What—"

"Please Alex, I'm begging you, please don't leave me... Kailangan kita, kailangan pa kita" but he didn't heed. Marahas niyang inalis ang mga kamay ko sa kaniyang bewang. "Mamili ka, Alex.. kami? O si Claudel?" tanong ko.

"Tangina naman!" sigaw nito "—Obvious ba ang sagot ko? Kung hindi.." naglakad ito palayo "—We had a good fuck, I must admit, but this is my choice.." kasabay nawala ni Alex ang ingay ng sasakyan na ginamit niya.

Kasabay niyang nawala ang lahat sa'kin. My sanity, my soul, my whole being. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam ang magiging reaksyon.

Tatawa ba ako? Joke ba 'to? Iiyak ba? Sisigaw? Baka naman may nanti-trip lang sa'kin dahil birthday ko, nasaan na ba 'yung lalabas at sisigaw ng WOW MAILI!

Wala akong maisip na tama, hanggang sa may dalawang kamay ang nagtayo sa'kin mula sa kinalulugmukan kong damuhan.

Pinagpag nito ang damit ko but my eyes never left the gate kung saan lumabas si Alex. Hoping against all hope na sana bumalik siya, sana joke lang ang lahat.

"A Queen should never beg.." I heard a voice say. My vision was clouded by a face. A worried and a sad one, it's Yuan. Pinunasan nito ang mga luha sa aking pisngi with all care. "Eyes on me, Queen"

I did what he said. Finally, someone told me what to do. Hindi ko na kase talaga alam ang gagawin.

"S-si Alex.. u-umalis siya.." ika ko. I saw how anger flood his eyes. Ngayon ko lang nakitang galit si Yuan.

"Let him be.." he said while holding my arms trying to bring me back to reality "—Chin up, eyes up, hindi nila dapat makita na umiiyak ka, hindi nila dapat makita na nasasaktan ka... it's your day, don't let him ruin it" walang kapaguran niyang pinunasan ang mga batch ng luha na pumapatak sa mga mata ko.

It's funny how my eyes kept on crying pero wala akong maramdaman sa loob ko. Mahapdi, pero parang sa sobrang hapdi, nakakamanhid na. That's why I did what Yuan wanted me to do.

With shaking hands and being, bumalik kami sa loob with him holding my hands. I saw how the others exchange looks.

"Nasaan si Alexis?" tanong ni Troy. Pinisil ni Yuan ang kamay ko sa ilalim ng table. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang eksena ng pag-alis niya.

"Nasa kwarto, LBM... kanina pa pala 'yon, hinayaan na namin ni Tine. Tutal patapos na rin naman ang party" Yuan did all the question and answer portion for me. My gaze is only transfixed on the empty plate in front of me.

Walang nagsalita sa table namin hanggang sa puntahan kami ni Tita-Mommy. My mind told me to smile and act normal.

"Baby gilr! Bakit ang tahimik ninyo diyan? Are you all full?"

"Naku Tita! Sobrang busog nga po namin!" nakangiti si Sandro habang hawak ang kaniyang tiyan. "Ilang araw na naman kaya akong tatambay sa gym para lang ma-burn 'yung mga fats na nakain ko? Baka magka-LBM din ako"

"Ikaw talaga, Sandro!" Tita-Mommy touched my hair and looked at us "Teka, nasaan naman si Alexis?"

"Nasa CR lang po, Tita.." Benedict butt in. Tumayo ako which made them all stood up.

"Tita, magpapahinga na po ako.. maraming salamat po talaga sa party na 'to, this party was the greatest plot twist on my life" ngumiti naman ito at tinanguan lang ako.

"Ihahatid na namin si Tine sa kwarto niya, Tita.." sabat ni Yuan. Inalalayan nila akong apat magmula paalis sa lamesa namin hanggang sa makarating ako ng kwarto ko. I looked at the clock na nadaanan namin and saw that it's just 10 in the evening.

Para akong napapalibutan ng mga poste sa tangkad nilang apat. But these four posts cannot make me feel secure unlike Alex's arms.

Nakarating kami sa tapat ng aking kwarto nang walang nagsasalita. Hanggang sa buksan ni Benedict ang pintuan ng aking kwarto.

"Rest, mukhang napagod ka at may damo ka pa sa buhok" may kinuha siya sa dulo ng aking buhok, ilang piraso ng damo. "I'll see you on Monday sa school?" tanong nito.

"Of course, I'll see you all this Monday.." papihit na sana ako papasok sa aking kwarto when I turned around kitang-kita ko ang mga tingin nilang nakakaawa sa'kin. I sob.

Small curses comes out from their mouths. Una akong niyakap ni Troy.

"Thank you for coming tonight guys, you don't know how this made me happy.." iyak ko.

Hanggang sa isa-isa na nila akong niyakap. They enclosed me on a tight hug, trying to bring my broken pieces back.

"Umuwi na kayo, magpapahinga na ako.. sobrang pagod na kase ako"

"Tine—"

"Promise, I'll be okay... Sige na, pupunta din naman si Nanay Josie dito para asikasuhin ako.. salamat sa mga gifts, bubuksan ko ang mga 'yon bukas" kumawala ako sa kanilang mga yakap at pumasok na sa aking kwarto habang pinupunasan ang sarili kong luha, before I close the door, I gave them a smile.

"Good night! I'll see you sa Monday!" nakangiti kong paalam sa kanila bago isara ang pintuan ng aking kwarto.

But that was a lie. Iyon ang huling gabi na nakita ko silang lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A S T R A E A