webnovel

Ang Buhay Ng isang College Student

Hindi madali ang maging estudyante, lalo na kung nasa part kana ng pagiging isang college students.. Eto yung part na kailangan monang magseryoso sa pag-aaral, dahil ang mga pag-aaralan mo dito ay kailangan mong i-apply sa realidad ng buhay.

Ako nga pala si Mira Balaguer, 19 years old. 1st year college, taking Bachelor of Secondary Education major in English. Nag-aaral ako sa Phinma Araullo University.

Dati, nung Elementary, Junior High at ShS, lagi kong naririnig sa mga college students na sa College molang mararanasan magkagrade ng 50 at 60, sabi kopa sa sarili konon, "kaya lang naman nagkakaroon ng grades na ganyan dahil hindi mo binigay yung best mo". But now, i realize na, kahit ibigay mopa yang 100% best mo, kung wala ka naman Kristo sa Loob mo, it becomes useless. Kahit anong gawin mong pag-aaral ng mabuti, kung hindi mo ilalagay si Kristo sa pinakang taas, at hindi mo sya uunahin you cant achieve your goal.

Before, active ako sa church, i always put God as my number 1 priority, kahit na may exam ako kinabukasan,mas inuuna kopadin umattend ng mga meetings sa church( bible reading, students meeting, coordinators meeting, amd Lords table meeting), nag rereview lang ako non every 4:00 am the day before exam, and you know what was the result? nakapasa ako..At dun ko napatunayan na hindi magiging imposibleng pumasa ka kung uunahin mo ang panginoon. Kaya siguro ngayong College, kahit anong gawin kong pag-aaral ng mabuti hindi ko ma attain yung mataas na grades, kase nga hindi ko inuna ang panginoon, nakalimutan ko siya..Hindi na ako nakaka attend ng mga meetings sa church namin, mas binigyan ko ng pansin or time yung pag-aaral ko kaysa sa panginoon. Okey lang naman na mag aral ng mabuti, pero narealize ko na kailangan ko palang maging balance...

Okey back to reality...

Ano nga bang point ko kung bakit ko sinulat to?

aahh!!! alam kona, dahil gusto kong ishare sa inyo kung ano yung mga karanasan ko bilang college student. Kung gaano ka stressfull, ka hirap at the same time kung gaano kasaya ang buhay college.

Okey!!! sisimulan kona..

Ako nga pala ulit si Mira Balaguer, 19 years old. 1st year college, taking Bachelor of Secondary Education major in English at Phinma Araullo University.

16 years old palang ako ng makipag sapalaran dito sa Cabanatuan city, hindi ko alam kung anong magiging buhay ko dito. Nung una kinakabahan ako, pero naisip kona kung iisipin ko na kinakabahan ako or natatakot ako walang mangyayari sakin dito, magiging useless ang pagpunta ko dito. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko, untill i finished Senior High school sa AU(Araullo University)..

At ngayon ikatlong taon kona sa AU, familiar na ako sa Rules and regulation ng school..Ngayong college na ako, akala ko kasing dali lang ng SHS, pero nag kamali ako.. Ang Hirap pala..

(1st day of school)

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang classroom ko.. so ayon, kinapalan ko pag mumukha ko, nilakasan ko ang loob ko na mag tanong.

*Excuse me!!!- sabi ko dun sa babae ( bale nasa AC building kame, naka upo ako sa pang- apat na step ng hagdan, tapos may dalawang babae sa 2nd step bandang kanan tapos may isang babae na nakatayo sa pinaka unang step, may ka chat sya sa, so ayon tinanong ko si ateng nakatayo)

tumayo ako sa pagkakaupo ko, then lumapit ako sa babae

* Ate Cas-48 kapo ba? - tanong ko sa Babae (CAS-means College of Arts and Science)

*Oo!!! bakit? -ate girl

*aahh!! ganun poba, Cas-48 din po kase ako, hinahanap kopa kase yung Classroom..

*aahh!! ganun ba!! ano bang subject mo ngayon? -tanong ni Ate girl

*Field Study. - sagot ko naman

*anong time? -ate girl

*8:30-10:00am. - me again

*...aaah!!! classmate tayo.... -ate girl

*aahh!! ganun ba!!! alam mo ba kung saab classroom baten?

-tanong ko kay ate girl

*AC-117, kaya lang nag start na yung Klase e!! may teacher na, nahihiya nga akong pumasok e... -ate girl

*shocks!!! totoo ba? .... first day of school pa naman.. -me again

*Kaya nga e.... -ate girl

(so Fast forward)

2nd month of school year nung nakahanap ako ng kaibigan, kaibigan ngaba?

(hindi kona isasama yung part na kasama sila, ayaw ko naman isip nila na ginawa kong masama image nila sa story na to)

Natapos ang prelim and mid term na mayroon ako mga kaibigan, masaya naman kahit papaano, kase may nakasama ako, at may napag kukwentohan ako ng mga nararamdaman ko.. I know kasalanan ko lahat kung bakit nawala sila, kase ang sungit sungit ko,at ang maldita ko, sinasabi ko kung ano yung totoo...ewan koba sa sarile ko..

Then Buong finals wala akong kaibigan, pero hindi ako alone, kase kasama ko si Roger( babae yon) sya yung lagi kong kasama . Sa tuwing lunch, pag may event sa school..kaya ang laki din ng pasasalamat ko sa kanya..

Then buong finals sobrang hirap..hindi kona alam kung anong uunahin ko, sa dami ba naman ng requirements na need ipasa, plus, isabay mopa ang exam na kasabay ng deadlines ng mga requirements... Minsan napapaisip nalang ako na" bakit kelangan pang pagsabay sabayin ng mga teacher, alam nilang mahirap bakit kailangan pa nilang iparanas sa Estudyante" then i realize again na, oi nga pala college na kame.. nandito na kame sa stage kung saan real life application na..so ayon inintidi ko nalang..kahit may part na saken na gusto kunang sumuko dahil sobrang hirap na, pano pa kaya pag dating ng 2nd sem, 2nd year, 3rd and 4th year..siguro mas mahirap..kung kabaga, patikim palang tong 1st year college..

Natapos ang Finals, alam ko sa sarili ko na may pag kukulang ako kaya bumaba grades ko, at ang pinaka masaklap INC ako sa Major, actually hindi lang ako ang INC , almost 98% per section ng mga Educ is INC, hindi ko alam kung paano to sasabihin sa magulang ko, kaya naman, naisip ko nalang na idaan sa pagsulat , kaya nasulat ko ngayon tong binabasa mo ( Oct. 29,2019, nandito ako ngayon sa dorm...Ako lang magisa dito sa room namen, umuwi na yung dalawa kong kasama).. Mukhang dito na ako aabutin ng undas, kase naman hindi pa ako nakakapag enrolle para sa second sem, lagi akong naaabutan ng cut off, ang masaklap pa, lagi akong nauubusan ng section...

Gusto kong umiyak, hindi kona alam kung anong gagawin ko..Sobrang hirap maging estudyante, pero mas nahihirapan ang mga taong nag-papaaral saken. Mahirap mag-aral, pero mas mahirap ang walang pinag-aralan..

Akala ko madali lang ang educ kaya ito ang kinuha kong Course, pero nagkamali ako ...ang hirap pala, mukha lang palang madali kung titignan, pero kung ikaw na ang nasa sitwasyon dun mo malalaman na mahirap pala.. Before, Junior High palang ako, lagi na ako dinidiscourage ng mga magulang ko at ng mga taong nasa paligid ko na wag nalang mag Educ, kase kahit bakasyon daw, ang mga teacher nag-aaral paden, busy sa mga school works, busy sa pag gawa ng lesson plan, sabi pa nila, pag-dating sabahay iuuwi mopadin ang trabaho mo, kase nga kailangan mag check ng kung anu-ano pa, at kelangan mo ding pag-aralan kung anong ituturo mo sa mga estudyante mo kinabukasan, hindi ka pwede humarap sa mga estudyante mo ng hindi ready, hindi ka pwede humarap sa estudyante mo na hindi mo alam kung anong ituturo mo sa kanila, sabi nga ng teacher namen, ang isang teacher kailangan alam nya kung ano ang tinuturo nya, kase kung anong sasabihin ni teacher yun ang paniniwalaan ng estudyante.. Ang pag tuturo para yan isang sundalo, hindi pwedeng sumabak sa gera ng hindi na train at handa.

Ang mga tao lagi nilang sinasabi na, bakit mag teteachear kapa e ang baba naman ng sahod?

Gusto kulamang sabihin na hindi naman sweldo ang habol namin e, ang hangad namen bilang isang future educator ay matuto ang mga estudyante namin, hindi lamang matuto ng mga pinag-aaralan sa school, rather matuto din ng msgandang assl. Pano kung walang teacher? sinong mag tuturo sa mga engineer, doctor, nurse, lawyer, architect, soldier, Police and so on? diba wala?, ... Aminin man natin o hindi, ang laki ng papel ng guro sa buhay ng isang tao.

Without educator other professions are imposible. Educators make other professions possible.