webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

Chapter 60

Chapter 60: Don't Trust Too Much

Iniyakap ko sa kanya 'yong jacket na suot-suot ko bago ako umalis ng condo niya. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko kaya mas mabuting iwasan na lang ang nakita kahit nakabaon na ito sa utak ko.

Habang naglalakad ako palabas, may mga taong tumitingin sa akin, pansin ang pamumula ng mga mata ko at ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Tinatakpan ko na lang, gamit ang mga kamay.

Bumabalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala namin ni Oliver, kung paano niya ako ningitian, kung paano niya ako niyakap, kung paano siya umamin ng nararamdaman niya para sa akin at kung paano niya ako halikan. Ako naman itong si tang*, nagpaloko, nagpabilog at nagpalinglang dahil hindi pa nalilinawan na iyon ay kasinungalingan lamang.

Ang malas lang dahil pagkalabas ko, there's no taxi passing by, naghintay pa ako ngunit wala talaga. Punyeta, tagong-tago na itong pag-iyak na ginagawa ko ngunit napupukaw ko pa rin ang mga mata ng dumaraan. Umupo na lang ako sa waiting shed at yumuko.

After a minutes, I felt a stranger gently tapped my shoulder, agad akong tumingin sa taong iyon para malaman kung sino siya.

Nang makita ko siya, I immediately hugged him tightly. Nagulat siya sa ginawa ko at ramdam kong nagdadalawang-isip pa siya kung yayakap din siya nang pabalik. Ibinuhos ko ang mga luha ko sa kanya.

Ilan minuto kaming magkayakap hanggang humiwalay na siya at inilagay ang kamay sa magkabila kong pisngi. He gently wiped my tears by his finger, even it's still flowing.

"Don't cry, please. Nasasaktan ako." Kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ganito ba 'yong pakiramdam kapag natalo ka sa isang sugal? Masakit? I just gambled my trust for him even I don't believe in promises at all. But what he was did? He played it." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko, niyakap niya ulit ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Shh..."

From this night, Oliver has reminds me why I'm afraid to trust someone's promises to me. Bakit naloko na naman ako ng pangako? Bakit kasi ang bilis ko magtiwala? Bakit kasi buo ako magtiwala?

-

Sabay kami ni Prince umuwi ng mga bahay namin. Nang nasa tapat na ako ng bahay ko, there's an awkwardness got stuck between us. Hinubad ko 'yong jacket na pinahiram niya sa akin at ibinigay agad iyon sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sapagkat kinain na ng luha ko ang boses ko kakaiyak.

"Jamilla?.."

A widened but audible 'why' escaped from my eyes.

"Huwag ka nang iiyak."

Kahit hindi ko pa masyadong kayang magsalita, sinagot ko siya. "I'll try." Then, I smiled.

"Jamilla, one more thing."

"Ano iyon?"

"Hindi ko kayang panindigan na lumayo sa iyo lalo na ngayon. Masaya ako kapag masaya ka, nasasaktan ko kapag nasasaktan ka. Papasayahin kita, huwag kang mag-alala."

"Thank you." Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng gate. Muntik ko nang makalimutan na magpasalamat sa kanya dahil para naman ngayon gabi. He was about to walk towards to his house when I called his name. "Prince.."

Agad itong lumingon. "Bakit?"

"Thank you for being with me tonight. Thank you for making me feel better, kahit hindi pa ako ganoon kaayos pero salamat pa rin."

-

Nagising ako nang may maramdam may pabalik-balik sa paglalakad mula sa labas ng kuwarto ko at ang ingay na sigaw ni Kuya kay Mama. Kahit hindi pa ako okay ay pinilit kong lumabas sa kuwarto upang malaman kung anong nangyayari.

Nakita kong nagmamadaling bumaba si Mama sa hagdan habang may dala itong isang malaking bag. Nagtaka ako ngunit pinapanood ko lang silang magbatuhan ng mga salita ni Kuya.

"Ma!" sigaw ni Kuya. "Huwag ka na ngang pumunta doon!"

Lumabas sila ng bahay kaya sumunod din ako. Sumandal ako sa gilid ng pinto.

"Hindi puwede, anak. Your father needs me, he needs us. Okay? Babalik din naman agad ako kapag okay na siya."

"Pero, Ma! Bakit noong nga panahon na kailangan natin siya, hindi naman siya sumipot, 'di ba?! Nahirapan pa nga tayo nang husto. Huwag ka na kasing tumuloy sa gag*ng iyon!"

"Iba na ang sitwasyon. Besides, mahal pa ako ng Papa mo, ramdam ko iyon! Hindi siya tatawag kung hindi niya tayo mahal."

"Tumawag siya dahil kailangan niya ng tulong mo, hindi dahil mahal ka pa niya. Huwag kang magbulag-bulagan. Even he has a new family? Mama naman! Huwag ka ngang maging—"

"Maging?" Nag-iba ang awra ni Mama. Napalunok ako ng laway. "Maging tang*? Ganoon?"

This is the first time when I saw them uttering words, ever since na magkakasama kaming tatlo rito sa bahay, hindi ko sila nakikitang ganyan. Punyeta, required ba kapag nanonood ng salitaan ng miyembro ng pamilya ay iiyak ka? Kasi ako, hindi ko napigilan ang sarili.

Yumuko si Kuya at hindi na nagsalita pa.

"Son, this is our chance to get closer to your father. Ipagkakait pa ba natin ang pagkakataon na ito? Alam kong may bago na siyang pamilya pero kailangan niya ng tulong natin. Kahit anong mangyari, mahal ko pa rin ang Papa mo pero hindi ko hangad na magkabalikan kami, maging ayos lang ang ugnayin natin sa kanya, sapat na iyon sa akin. Hayaan mo na lang ako."

Pagkatunghay ni Kuya ng ulo niya, basang-basa na ang pisngi nito dahil sa mga luha niya. Lumapit si Mama doon at  bahagya iyon pinunasan.

"Whatever your decision is, wala kaming magagawa. Umalis ka kung gusto mo, pero huwag kang uuwi nang luhaan," malamig niyang sabi. He started to walk inside our house. Medyo nainis ako sa wala niyang galang sabi kay Mama pero naiitindihan ko rin naman siya.

Naiwan ako sa tabi ng pinto, lumapit sa akin si Mama at hinalikan ang noo ko. "Ano po bang nangyayari?"

"Sa susunod ko na lang ipapaliwag, I really have to go now." She smiled as she go out to our gate.

Papasok na sana ako sa loob ngunit biglang sumipot si Gag*. Sandali kaming nagtitigan, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Bahagya akong ngumusi dahil sa iniisip ko, minsan na ako nalinglang sa mga matang iyan, hindi na puwede.

"Anong ginagawa mo rito?"

"About sa sinabi ni Daenice at sa mga nakita mo sa condo ko, nagkakamal—"

"Hindi pa ako handa para makinig ng paliwanag mo—no, hindi pa pala ako handa para makinig ng kasinungalingan mo."

"Hindi ako nagsisinungaling."

"Hindi ka nagsisinungaling? 'Yan pa ngang statement na iyan, considering as a lie."

"Paniwalaan mo ako. Mahal kita, hayaan mo—"

"Mahal mo 'ko? That's also a lie. Ipapaalala ko lang sa iyo, magkaiba ang meaning ng mahal sa pantapal," malamig kong sabi. "Umalis ka na."

"Hindi ako aalis dito, hangga't hindi pa tayo ayos."

"Magtiis ka d'yan." Agad akong naglakad papasok ng bahay. I quickly ran to my room and slammed the door shut. Sumandal ako sa pinto at ipinikit ang mga mata ko dahil sa namumuong mga luha rito.

Kapag nakikita ko siya, bumabalik 'yong pananakit sa didbdib ko. Bahagya kong binuksan ng maliit ang kurtina sa may sliding door ng balkonahe ko at sumilip. He's still there, sitting on the side walk and typing on his phone.

Napatingin ako sa phone ko dahil maya't maya ang tunog nito. Si Oliver ang nagtetext ng paulit-ulit ng 'sorry' at nakikiusap na kausapin ko siya but I still ignored it, aalis din iyan mamaya.

-

Dumaan ang tanghalian at nalaman na ni Kuya na nasa labas ng bahay si Oliver. Nagtanong siya kung anong problema ngunit isinasagot ko na may misunderstanding lang kami. Even I know na malalaman niya rin iyon sa huli dahil kilala ko siya sa pagiging tsismoso.

Nalaman ko rin na kung bakit umalis ni si Mama dahil tumawag daw dito ang bagong asawa ni Papa at humihingi ng tulong sapagkat nasa ospital daw iyon. Bigla raw kasing nahimatay si Papa kaya dinala agad siya sa ospital ngunit ang asawa nito ay walang magpakuhanan ng pera para pambayad. Kaya si Mama, todo suporta.

Alas dos y medya na at nasa labas pa rin ng bahay si Oliver, nagpapakainit sa sinag ng araw. Sabi ko na magtiis siya doon ngunit parang ako yata ang hindi makatiis at natutuliro dahil baka ano pang mangyari sa kanya sa labas, lalo na't hindi pa siya nakain—Ay, hindi puwede. Hindi ko puwede siyang pakialaman doon.

-

I was in a deep sleep when someone pulled out the blanket covered myself.

"Gising na, oh!" Rinig kong sigaw ni Claire.

"W-Why?"

"Mukha namang okay na itong babaeng ito, pumunta pa tayo," sabi naman ni Rico.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" Umupo ako sa kama at humikab. Pansin kong madilim na sa labas ng bahay kaya agad akong pumuntang sliding door at binuksan ulit ang kurtina. Nandoon pa rin si Oliver habang nakasandal ang likod sa gate namin.

"Kanina pa ba siya naghihintay sa iyo?" tanong ni Aivin.

"Nakausap mo na?" Follow-up na tanong ni Jess.

Bumalik ako sa kama at umupo muli. "Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa para makausap siya. Kapag nakikita ko kasi siya, bumabalik sa isipan ko 'yong mga litrato ni Angel. Masakit pa rin kasi dito." Itinuro ko ang bandang kaliwa ng dibdib ko. Kumunot ang mga noo nila.

"Litrato ni Angel?" tanong ni Claire at tumango ako. "Alam na namin 'yong nangyari kagabi sa party pero anong litrato ni Angel?"

I took a deep breath before I start to explain everything. "Akala ko, bina-black mail lang ni Daenice si Oliver last night, but I found out that it was true. When I accompanied him on his condo, nakita ko ang mga lirato ni Angel sa kuwarto niya. Parang sinasampal sa akin ng katotohanan na mahal niya pa rin si Angel nang ibinulong ni Oliver ang pangalan niya at sinabing mahal niya pa ito. Ang sakit. Ang sakit-sakit." And I started to cry. Lumapit sila sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Shh.."

"Kaya ayaw kong magtiwala sa mga pangako, eh, laging hindi nagkatotoo at hindi tinutupad."

-

Sabi nila na rito raw sila sa bahay ko matutulog ngayong gabi, gusto raw nila akong bantayan at mapanatiling hindi umiyak. Ayaw raw kasi nila akong naiyak, kaya pinili nila akong samahan. Kahit papaano, nawawala rin 'yong bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa kanila, they trying their best just to make me happy. Dahil palabiro si Rico, nagpapatawa ito at hindi rin naman siya nabibigo dahil nagagawa ko na rin tumawa.

"OMG?" gulat na sabi ni Claire while holding her phone. "OMG?"

"Bakit? OMG ka nang OMG d'yan. Anong meron?" Tumingin si Jess sa phone ni Claire. Katulad ni Claire ay nagulat din ito.

"Bakit?" sabay na tanong dalawang lalaki.

"Jamilla's video went viral. 'Yong mga nangyari kagabi. Maraming comments ang nagagalit kay Oliver dahil wala raw itong ginawa para maprotektahan ka habang pinapahiya ka ni Daenice sa maraming tao. Maraming reader niya ang naging hater pero meron ding mga iilan na dinedepensahan siya. This is a huge problem, makakasira ito ng image ni Oliver sa Wattpad."