webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

Chapter 30

Chapter 30: Thank you, Oliver.

Nang pagkalabas ko ng bahay ay ramdam ko na agad ang lamig ng simoy ng hangin pero isinawalang bahala ko na lang ito dahil nakita kong nakasunod pala sa akin si Papa. Agad ko ulit siyang tinakbuhan at ramdam ko naman na hinahabol niya pa rin ako. Bakit niya ba pa ako hinahabol?

"Anak, Jamilla... Teka lang. Please, mag-usap tayo!" He screamed behind my back but I still ignored it ngunit napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong braso. "Anak, please. Pagbigyan mo na ako, gusto ko ulit kayong makasama." Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap. Hell? Anong sabi niya?

Padabog kong tinanggal 'yong braso ko na hinahawakan niya. Nanatili lang akong nakatayo at hindi siya hinaharap. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim para pakalmahin muna ang sarili. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago humarap sa kanya. I guess, this is the perfect time na marinig niya na ang lahat ng sakit na dulot niya sa amin. Kailangan ko nang lakasan ang loob ko.

"Kumusta ka na? Kasi kami nila kuya at mama ay okay na, e. Kinalimutan na 'yong mga problema na dulot mo mismo." Lakas loob kong sabi sa kanya.

"Sorry, anak. Patawarin mo 'ko. Miss ko na kayo." He whispered while looking at my eyes straightly. Pero kahit bulong lang 'yong ginawa niya ay sapat na para marinig ko.

"You've just been saying earlier that you want to be with us again. Hays, pwedeng huwag na? Sapat na 'yong sakit na pinaramdam mo sa amin. Sapat na 'yong pagkukulang mo bilang isang ama dahil kaya naman ni kuyang punan lahat ng iyon. Kaya please, huwag na. Baka sakit lang ulit ang dulot mo."

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Ramdam kong parang nasaktan siya sa sinabi ko dahil kita sa mga mata niya ngunit hindi ko magawang maawa doon at hindi ko magawang paniwalaan 'yon. Hindi niya na ako maloloko sa mga mata niyang iyan dahil natuto na akong huwag magpaloko, at siya mismo ang nagturo no'n sa akin.

"Pagkaalis mo, nagulat na lang kaming isang araw ay nadepress na lang si Mama. We're actually didn't expecting na aabot siya sa tipong magpapakamatay na. Nakakalungkot lang isipin na ang bata-bata pa lang namin ni Kuya para ma-witness 'yon kay Mama. Mabuti nga kasi napigilan siya, kung hindi, paano na kami noon? Paano na kami mamumuhay? Saan na kami kukuha ng lakas? 'Di ba sabi mo noon we're all together happy family, pero bakit mo binasag? Ang galing 'no? Ang dami mong pinangako sa amin pero hindi mo manlang tinupad kahit isa. You're so unbelievable." Nakita kong umaagos na 'yong mga luha niya mula sa mga mata niya, samatalang ako ay pinipilit na palakasin pa rin ng loob ko. Ayokong makita niya akong umiiyak sa harapan niya. Bahagya ko ulit tiniklop ang mga kamao ko dahil sa galit sa kanya. Ang sakit talaga kapag naaalala ko 'yon.

"Dahil natakot na kaming makita si Mama na maging gano'n ulit ay lumipat na lang kami. Lipat bahay, bagong buhay at bagong problema. We're don't even know where we'll do start, kasi ikaw lang 'yong tatay namin e, kaso iniwan mo pa kami. Alam mo si kuya, nagawang magsinungaling sa amin kasi sabi niya ay nag-aaral daw siya pero 'yong totoo, nagtatrabaho na siya bilang isang janitor, see? Ang bata niya pa para gawin iyon. Kaya ngayon, imbes na may permanent na siyang trabaho ay nag-aaral pa rin siya. But that's okay at least lagi siyang nandyan, hindi katulad mo. Hindi katulad mo na sakit at problema ang ibinigay mo sa amin."

Bahagya siyang yumuko at pinupunasan ang mga mata niya gamit ang mga daliri niya. Habang ako naman ay ilang beses nang lumulunok ng laway.

"After you heard those problems we encountered. Tama pa ba para patawarin ka? Tama pa ba para tanggapin ka pa namin ulit?" Huminga muna ulit ako ng malalim at tumalikod. "Stop following me, Gusto kong mapag-isa."

Bago ulit ako tumakbo ay rinig kong may binulong siya ngunit hindi ko na lang ito binigyan pansin. Pumunta ako sa may ilalim na punong mangga at umupo sa duyan.

My tears is now starting to run over my cheeks, ito 'yon kanina ko pa pinipigilan na lumbas. Sinusubukan kong maging matatag kahit ngayon lang kaso kapag sinabing 'Family' ay 'yun 'yong nagiging kahinaan ko.

Tumingala ako at tiningyan 'yong mga bituin at buwan na nasa kalangitan.

"Lord, tama po ba 'yong ginawa ko?"

Sabi ni mama sa akin dati, kapag bumalik ulit 'yong taong nagbigay sa iyo ng sakit noon, ay dapat tanggapin mo muli dahil hayaan mong linisin niya 'yong pagkakamali niya dati. Kaso.. Hindi ko kaya, e. Mahirap para siya'y pagkatiwalaan ulit.

Sana tama 'yong desisyon ko, sana okay lang kay mama kapag nalaman niya 'to, sana may makaintindi sa akin. Sana.

"J-jamilla?" Agad kong iniharap ang mukha ko sa taong tumawag sa akin. Umagos ulit ang luha ko nang makita ko siya, I don't know why I being like this when I'm with him. Siguro kasi pakiramdam ko, kaya niya akong tulungan.

"Oliver." I whispered.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, niyakap niya rin ako pabalik. Ramdam kong mas lalong bumilis ang pagdaloy ng mga luha ko at gano'n din kabilis ang pagtibok ng puso ko. I really need him right now.

Nanatili lang akong nakayakap sa kanya, siguro mga ilan minuto rin kaming magkayakap. Unti-unti akong humiwalay sa kanya dahil medyo nakakaramdam na ako ng hiya. Bahagya kong pinunasan ang mga luha ko sa mukha gamit ang mga daliri ko. Nasa bahay kasi 'yong mga panyo ko.

"Here." Nakita kong inabot niya sa akin 'yong hawak niyang panyo. Kinuha ko naman ito at ipinunas sa mukha ko.

"I'm sorry, Oliver. Nabigla lang akong yakapin ka."

"Okay lang." Ngumiti siya ng tipid. "Upo tayo sa duyan."

Nang pagkaupo namin sa duyan ay nakatulala lang ako sa kung saan pero ramdam kong nakatitig sa akin si Oliver. Iniisip ko pa rin kasi 'yong mga sinabi ko kay Papa kanina. Hindi ako satisfied sa ginawa ko. Hindi ko talaga alam kung tama ba.

"Are you okay?" Dahan-dahan akong humarap sa kanya nang magtanong siya.

Pilit akong ngumiti. "Hindi."

"Masakit ba talaga?"

"Oo."

"Mas lalo ka lang makakaramdam ng sakit kapag hinayaan mong manatili lang 'yan d'yan."

"A-ano?"

"Jamilla, kapag pinatawad mo ang Papa mo, maaaring makahinga ka na ulit nang maluwag. Walang ka ng iisipin na problema. Your father is still your father, nagkulang man siya, oo. Pero gusto niya ulit punan iyon." Pareho sila ni Mama, magkaiba man 'yong sinabi nila sa akin ngunit alam kong iisa ang ibig sabihin.

"Mahirap." Tipid kong sagot.

"Walang mahirap, kung kaya naman."

"Anong gusto mong gawin ko? Patawarin siya? Oliver, ilan taon kaming nagtiis tapos papatawarin ko lang siya ng gano'n na lang? Unfair 'yon!" Hindi ko mapigilan sigawan siya. Sabi ko nga, pareho sila ng thoughts ni Mama pero iba 'yong nasa akin. Akala ko pakikinggan rin niya 'yong side ko kaso mukha hindi rin pala.

"Bakit magiging fair ba kapag hindi mo siya pinatawad? 'Yon na 'yon perfect time to forgive him pero mukhang gusto mo pa rin yatang ikimkim na lang 'yan galit at sakit d'yan sa puso mo." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Gosh, why you didn't even understand my side?" Tumayo ako at akmang maglalakad palayo ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko para mapatigil pa rin ako.

"Naiintindihan kita, pero tatay mo 'yon!" Nagulat ako nang bigla niya akong sinigawan. Ngayon ko lang siyang makitang sinigawan ako ng ganiyan. Hays.

"Pero hindi niya ipinaramdam na tatay ko nga siya!"

"Pinaramdam niya! Sa anim na taon niyong pagsasama."

"But that's not enough!"

"Oo nga, pero ito na 'yon 'di ba? Konti na lang ay mararamdaman mo na ulit 'yong pagmamahal ng Papa mo sa 'yo 'di ba 'yon naman 'yong gusto mo?"

"Bakit ba ang dami mong alam?!" Pagtataka kong tanong na sigaw sa kanya.

"Because he told me everything." Nagulat ako sa sinagot niya.

"Wow, nag-usap na pala kayo. Then, naniwala ka sa mga sinabi niya sa 'yo?"

"Look Jamilla, kapatawaran lang 'yong hinihingi ng Papa mo, kailan mong balak siyang patawarin? Kapag patay na? Kapag huli na ang lahat?" Matigas niyang tanong sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang OA mo. Huwag mong sasabihin 'yan!"

"Your father is now trying his best just to give back the happiness for your family that you always wanted to. Sinusubukan niyang buoin 'yong puzzle sa inyong pamilya habang nabubuhay pa siya." Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin. Hindi ko siya maintindihan.

"A-ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Ramdam kong mahal niya pa kayo at alam kong mahal mo rin siya, pero ikaw na nga 'tong malapit na sa Papa mo pero parang lumalayo ka pa. Sana patawarin mo na siya, kasi maski siya ay hindi niya magawang mapatawad ang sarili niya."

Dahil sa sinabi ni Oliver, namumuo na naman ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Unti-unting pinaparealize sa akin ni Oliver na mali nga 'yong desisyon na ginawa ko kanina. Maling-mali.

"E di mali nga 'yong ginawa ko kanina?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.

"Hindi, tama ka naman pero meron pang mas tumatama. Sorry, kung nasigawan kita kanina." Ramdam kong lumapit siya sa akin at niyakap ulit ako. Hindi ako makagalaw, hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa ginagawa niya ngayon. Bakit niya ako niyayakap? "Nandito lang ako, Jamilla. Hindi ko hahayaan na maramdam mo 'yong sakit na naramdam mo sa papa mo." Rinig kong sabi niya.

Tumigil muli ang pagluha ko, at kumunot bigla ang noo ko. What he just has said? Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong sinabi mo?"

"Huh? Ako?.. Sabi ko, I-promise mo sa akin na papatawarin mo na 'yong Papa mo, kahit hindi ngayon, pwede naman bukas, bago tayo umuwi. Promise?" Umupo siya sa duyan kaya naman tumabi rin ako sa kanya. Parang hindi naman iyon 'yong sinabi niya, e. Gosh, hayaan ko na nga lang.

"Can't promise but I'll try."

"No, You'll do. I know kaya mo." Kontra naman niya. Sumandal ako sa balikat niya, at alam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit hinayaan na lang din niya.

"Hays. Oliver, thank you for realizing my mistake. Kung hindi dahil sa 'yo baka tuluyan na akong nakulong sa pride ko." Huminga ako nang malalim at bahagyang pumikit. "Mabuti ka pa, walang family problem."

"Sinong may sabi niyan?"

"Wala lang, na-predict ko lang." Sagot ko.

"Mali ka, tulad mo, iniwanan din kami ng magulang." Agad kong inayos ang sarili ko at tiningnan siya nang maigi. Akala ko, buo 'yong pamilya niya pero hindi pala.

"Totoo?"

"Oo, Last 4 years ago, sa ibang bansa pa ako nakatira. Sabi ni Mama, pupunta lang daw siya rito for business trip, three days lang daw. Kaso umabot na ng 5 days, hanggang maging two weeks na. Sobrang nag-aalala na kami ni Papa, until one day, we received a messages from his friend here in the Philippines na sabi niya, nakita niya raw si Mama rito na may kasamang ibang lalaki. Agad namin kinontact si Mama, mga ilang contact din 'yong nagawa namin bago siya sumagot. Then, totoo nga. Wala na siyang balak pang bumalik sa amin. Iniwan niya kami. Ipinagpalit niya na kami. Si Papa naman, parang wala lang sa kanya no'n sinabi ni Mama 'yon, even we both know na nasaktan siya sa loob-loob niya. I'm very proud of him, ang tapang niya. Mula noon, kami na lang ng dalawa ko pang mga kapatid ang priorities niya." Bawat letrang sinasabi niya, ramdam kong nalulungkot siya. This is the 2nd time I've watching him while he was talking about his bad memories. Una, si Angel. Pangalawa, ngayon, 'yong mama niya.

"Actually, nandito na ako sa Pinas but I still don't know where my mother is. Gustong-gusto ko na siyang makita."

"Hindi ka nagagalit sa kanya?" Tumingin siya sa akin at bahagyang umiling.

"Hindi." Sagot niya at pagkatapos, ramdam kong meron siyang binulong sa sarili niya. Ano 'yon?

"Huh?"

"Nothing."

-

Ilan minuto pa ang lumipas at nanatili lang akong nakatulala sa kawalan. Ngayon lang ako nakaramdam ng antok, na kanina ko pa hinihintay sa bahay. Bahagya kong tinakpan ang bibig ko at humikab.

"Inaantok na ako, Oliver." Tumingin ako sa kanya.

"So, balik na tayo?" Tanong niya sa akin.

"Ayoko, baka nandoon pa siya, eh."

"E di patawarin mo na siya ngayon."

"Luh? Kahit isang gabi pa, hayaan mong maghanda muna ako." Ngumiti siya sa akin kaya pumikit agad ako. Wala naman kangiti-ngiti sa sinabi ko. Gosh, bakit kailangan niya pang ngumiti? Gabi na, pinapakilig niya pa rin ako sa ngiti niyang iyan.

"Why did you close your eyes?" Rinig kong tanong niya sa akin. Jusko, anong idadahilan ko?

"Ano.. 'Di ba sabi ko, inaantok na ako. Dito na lang ako matutulog." Hays.

"Sige." Ramdam kong hinawakan niya 'yong ulo ko at dahan-dahan ulit pinatong sa balikat niya. Maliit kong minulat ang mga mata ko para silipin siya ngunit ipinikit ko rin agad ito. Gosh, mas lalo kong nakakaramdam ng kilig.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin ngayon. Hindi ko maiwasan imulat ang mga mata ko nang maramdaman kong parang inalis ni Oliver 'yong ulo ko mula sa balikat niya.

"Sorry, ha. Tatanggalin ko lang itong jacket ko para ibalot sa 'yo, e." Nakatingin lang ako sa kanya habang inilalagay niya na sa likod ko 'yong jacket niya. Jusko, paano ko mapipigilang hindi kiligin kung ganiyan siya ngayon? Inaantok na ako pero parang mawawala pa. "Sandal ka na ulit. Matulog ka na."

Ngumiti ako sa kanya at hindi nagdalawang-isip para sumandal ulit sa balikat niya at pumikit.

"Salamat." Bulong ko.

"You're welcome." Bulong niya rin pero sapat na para marinig ko.

lang minuto pa ang lumipas at tuluyan na akong nakatulog sa balikat niya.