Hikari's POV:
Nandirito kami ngayon ni Miguel sa isang food stall dito sa foodpark,malapit sa exit, katatapos lamang ng malakas na ulan.Manunuod sana kami ng October fest kaso sa kadahilanan ng biglaang pagbuhos ng ulan ay ipinatigil ito.
"Leandra,saktong sakto sa malamig na panahon ang sabaw ng mainit na bulalo na inorder natin noh?"-Miguel
Napatingin ako kay Miguel na kasalukuyang humihigop ng mainint na sabaw ng bulalo.
"Bunganga mo talaga e noh bastos.Magmumog ka nga ng holy water."-ako
"O?bakit kana naman nag tataray?may sinabi na naman ba akong masama?"-Miguel
Natigilan sa paghigop ng sabaw si Miguel.Napakamot ito sa kanyang ulo at tila takang taka sa sinasabi ko.Bago ako sumagot sa tanong niya ay marahan muna akong humigop ng sabaw.Tama nga siya,napakasarap ng mainit na sabaw sa ganitong kalamig na panahon.
"Uyy?ano bang problema?"-Miguel
Muli akong napatingin sa impaktong nasa harapan ko.Ngunit ng makita ko ang reaksyon ng mukha nya,ngayon ay bigla kong nasabi sa aking sarili na ang CUTE pala nya minsan.Lalo na kapag nagpapakainosente sya ng mukha.
"Huuuy!"-Miguel
Nagulat naman ako bigla sa ginawang iyon ni Miguel.Napatulala pala ako.
"Diba sinabi ko sayo na huwag mo ako tinatawag sa tunay kong pangalan?Okay na ako sa Hikari nakakaganda na yun."-ako
Pagkasabi ko nyan ay bahagya pa akong umirap.
"Ganun ba pancake?"-miguel
Singbilis ng kidlat ang pagtitig ko sa impaktong to nang bangitin nya ang mga salitang yun.
"Anong sabi mo?!"-ako
"Huh?hindi mo ba narinig ?"-Miguel
"Hindi! ano nga ulit yun?''-ako
"Nako?nabibingi na talaga ang pancake ko."-Miguel
Muling humigop ng mainit na sabaw si Miguel
"PANCAKE!!!!??"-ako
Bahagyang nagulat si Miguel sa sobrang O.A ko na reaksyon.Muntik pa nga nyang maibuga ang sabaw ng bulalo.
"Oo?may masama ba dun Pancake?diba ayaw mong tawagin kita sa tunay mong pangalan?kaya yun na lang ang itatawag ko sayo.Nagustuhan mo ba?"-Miguel
Nangaasar na nakangiti sa akin si Miguel.Bwiset talaga ang isang ito.Akala ko ngayong warla kami ni Tristan e mananahimik ang katawang lupa ko sa mga ganitong sitwasyon e hindi pa rin pala,may papalit pala sa katukmulan ng ex bff kong iyon.
"Ako?tinatanong mo kung magugustuhan ko yang pakara mo?nako tigil tigilan mo ako Miguel."-ako
Bahagyang inilapit ni Miguel ang kanyang bibig sa kanan kong tenga.Nagtataka ako sa ginagawa nya ngayon.
"Huwag ka nang pumalag pa pancake..Rinig na rinig na ng lahat ng tao dito na yun ang tawagan natin kaya PANCAKE higupin mo na lang yang sabaw ng bulalo."-miguel
Yan ang binulong sa akin ng impaktong ito.Nakakagigil talaga at nakakahiya na tawagin nya ako sa ng ganun sa harap ng maraming tao.
"Ang kapal talaga ng mukha mong animal ka!"-ako
"Anong tawag mo sa akin pancake?"-Miguel
Gigil na gigil akong nakatingin kay Miguel at pinanlalakihan ko pa talaga sya ng mata.Hindi pwedeng ako lang ang nahihiya sa baduy nyang TERMS OF ENDEARMENT.
"Sorry naman po HONEYFUDGE!Binibiro ka lang e."-ako
Kitang kita sa mukha ni Miguel ang pagkagulat at pandidiri sa naisip kong itawag sakanya.Akala nya sya lang ang magaling magisip ng call sign?ako rin yata.
"Sana lahat may pancake at honeyfudge"
"Nakakilig"
"Kayo na ang may lovelife"
"Kakain na ako lagi ng bulalo baka sa pagkain ko nito mahanap ko na ang pancake ng buhay ko."
Ilan lamang yan sa mga narinig kong bulong bulungan dito sa kinakainan namin.Nag ngiting aso ako ng makita kong nabahuan si Miguel sa call sign na binigay ko sakanya.
"O? mukhang ayaw mo yatang tinatawag kitang honeyfudge.Sadlife.'-ako
Nagiinarte na ako sa mga oras na ito.Akala ng impaktong ito hindi ko sya gagantihan.
"No!kahit anong itawag mo sa akin ikaw lang ang pancake ng buhay ko."-miguel
"Kahit honeyfudge?okay lang sayo?''-ako
"Oo naman.Kasi ikaw lang sapat na."-miguel
Halos kilabutan ako sa panghypebeast na linyahan ng impaktong ito.Hindi ko alam kung saan nya napupulot ang mga salitang yan kakaloka talaga.Hindi ko na sinagot ang sinabing iyon ni Miguel sahalip inubos ko na muna ang bulalong inorder namin bago pa ito lumamig.
Wang!wang!wang!
Napalingon ako sa pinangagalingan ng maingay na sirena ng isang ambulansya.Kasalukuyan itong huminto hindi kalayuan sa kinakainan namin ni Miguel.
"Anong meron bakit may ambulansya?"-ako
"Marami sigurong mga babae ang inatake sa puso ng makita nila ako pancake"-ako
Nanlilisik ang mga mata ko nang tignan ko ang makapal na mukha ng nilalang na ito.Kinindatan pa nya ako kahit suklam na suklam ako sa sinabi nya.
"Anong feeling mo?gwapo ka para atakihin sa puso ang mga babaeng nandito?"-Ako
"Bakit nga ba Pancake?sa tingin mo ba gwapo ako?"-miguel
"Kapal!!Mukha kang apdo ng isda!!"-ako
Bahagya namang napahiya si Miguel.Gwapong gwapo sa sarili ang impaktong ito kaya kailangan gisingin sa kahibangan.Muli akong tumingin sa lugar kung saan naroroon ang isang ambulansya,may mga nakita na rin akong mga nurse na bumababa.Isang stretcher din ang nakita kong kinuha ng iba pang medical aide.Ilang mga security na rin ng foodpark ang nakita kong nakakalat sa paligid ng kinalalagyan ng ambulansya.
"Uyy Miguel!May nangyari yatang something doon oh"-ako
"Baka may nadulas o nabagsakan ng puno dahil sa lakas ng ulan kanina?"-Miguel
"Napaka OA naman nung nabagsakan ng puno"-ako
Ilang sandali pa ay dumarami na ang mga taong usisero.Lalo tuloy akong naku-curious sa nakikita ko.Hindi sa chismosa ako kungdi parang may kakaiba akong nararamdaman.Kinakabahan ako.
Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo.
"Pancake saan ka pupunta?"-Miguel
"Doon."-ako
"Bakit?kumakain pa tayo e.Saka mamaya magkagulo pa dyan madamay ka pa."-Miguel
Tinignan ko si Miguel na patuloy pa rin sa pagkain ng bulalo.Parang ipis naman to kung kumain kanina pa sya lumalapang e.
"Bakit?honeyfudge?pababayaan mo lang ba ako magisa na pumunta duon?"-ako
Agad namang napatayo mula sa kanyang pagkakaupo si Miguel at akmang pupunta na sa pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Oyy oyy teka lang!Saan ka pupunta?"-ako
"Edi pupunta na dun sa ambulansya!Sasama ka ba?"-miguel
"Haha.Sasamahan mo din pala ako e.Akala ko uunahin mo pa yang paglamon mo e."-ako
Bahagya akong nilapitan ni Miguel at pasimple akong inakbayan.
"Pancake.Hindi kita ipagpapalit sa isang bulalo lang.Maski nga ihelera mo pa sa harapan ko sina Jennylyn Mercado?Kim domingo at Mia khalifa.Itataboy ko lang sila dahil ikaw lang ang Maria Ozawa ko."-miguel
Isang malakas na siko ang binigay ko kay Miguel.Agad nyang inalis ang pagkakaakbay nya.
"Aray ko naman pancake!Ano na naman bang nasabi kong mali.Sakit."-Miguel
"Anong ibig mong sabihin sa Mia Khalifa at Maria Ozawa na yan?ikaw napaka manyakis mo talaga tssk."-ako
Nagmamadali akong umalis sa kinatatayuan namin ni Miguel.Nakakabwiset talaga ang impaktong yun.
"Uyy!!Pancake hintayin mo ako!Biro lang yun!"-sigaw ni Miguel.
"Bwiset!!Manyakis ka!"-sigaw ko
Nagmamadali akong pumunta sa lugar kung nasaan ang ambulansya at mga gwardiya,ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa mismong lugar na iyon ay isang pamilyar na tao ang nakita ko.Bakit sya nandito?Agad ko syang nilapitan.
Palapit na ako sakanya ngayon.Hindi nya ako napapansin dahil nakafocus sya sa cellphone nya mukhang hindi rin sya mapakali.
"Lia?"-ako
Napatingin sa akin si Lia at kitang kita sa mukha nya ang kaba.
"Anong ginagawa mo dito?manunuod ka rin ba ng October fest?Sinong kasama mo?"-ako
"Hikari kasi ano..Nandun yung mga kasama ko."-Lia
Hindi makapagsalita ng maayos si Lia,mangiyak ngiyak pa ito.Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"May problema ba Lia?"-ako
Sa hindi malamang dahilan ay bigla itong napaiyak.Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Lia?"-ako
Hindi makapagsalita si Lia dala na rin ng kanyang walang tigil na pag iyak.Napansin ko naman na nakatayo na sa aking kaliwa si Miguel at gulat na nakatingin sa amin ni Lia.
"Grabe?kawawa naman yung isang lalaki duon.Basag ang mukha at duguan."
"Love triangle daw ang narinig kong dahilan e."
"Yung kabit nung babae yung isa pang lalake na bugbog sarado."
Ilan lang yan sa mga narinig kong bulong bulungan dito sa lugar kung saan dinadayo na ng mga tao ang nangyayaring kaguluhan.
"Pancake?mukhang nagkaroon ng away dito."-miguel
Tumango lamang ako sa sinabi ni Miguel.Patuloy pa rin kasi sa pagiyak si Lia.
"Ano bang nangyari sayo?bakit ka umiiyak?"-ako
Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Lia.
"Hikari.Ano kasi ...Kasama ko na kumakain dito sa foodpark sina Sir Asher at Tristan.Kaso biglang nawala si Tris tapos hinahanap namin sya kaso lumakas ang ulan kaya iniwan ako ni Sir Asher para sumilong dahil iisa lang ang payong.Tapos.."-Lia
"Tapos?"-ako
"Naabutan ko na lamang na si Sir Asher duguan at walang malay."-Lia
"Ano?nasaan si Sir Asher?"-Miguel
"Nandun sya inaassits ng rescue team.Hindi kasi pinapalapit ng security ang mga tao duon kaya hindi ko alam ang gagawin ko"-Lia
"Si Tristan?nasaan sya?Kasama na ba sya ni Sir Asher?"-tanong ko kay Lia
Hindi na ako mapakali sa naririnig ko.Baka kung anong nanyari sa best friend ko.
"Nandoon din sya nakita ko.Duguan din.May kasama syang babae at isa pang lalaki na nakita ko na minsan sa shop.Kung hindi ako nagkakamali?Ram ang pangalan nya."-Lia
"Si Ram?Anong ginawa nya kay Trisran?Okay lang ba ang bestfriend ko?."-ako
Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko.Hindi porket magkaaway kami ay wala na akong concern sakanya.
"Kailangan ko syang puntahan."-ako
"Hindi Hikari.Maghintay na lamang tayo dito.Baka kung mapaano ka rin doon."-Miguel
"Ano ako?magaantay lang dito?wala akong gagawin para iligtas ang bestfriend ko?aantayin ko na lang na mapatay sya ng Halimaw na Ram na yun."-ako
"Hindi naman sa ganun may mga security na naman duon para maligtas si Tristan."-Miguel
Ayokong wala akong gagawin dito.Humanda sa akin ang halimaw na Ram na yun lahat ng sugat na natamo ng bestfriend ko ibabalik ko sakanya ng doble.Hindi ako papayag na hindi ko sya magantihan.
"Lia?Sino yung kasama ni Tristan na babae?"-Miguel
"Hindi ko sya kilala.Pero sa mga narinig ko lumalabas na girlfriend sya nung Ram."-Lia
Napatingin ako kay Lia ng marinig ko na girlfriend ni Ram ang babaeng kasama ni Tristan.
"Nagkita si Tristan at Lyrics?"-Ako
"Gulo nga ang mangyayari kapag nagkaharap harap ang tatlong iyon.Tsk."-Miguel
"Bakit?Sino ba sina Ram at Lyrics?"-Lia
"Si Lyrics ang bruhang ex girlfriend ni Tristan at si Ram naman ang ex best friend nya na boyfriend na ngayon ng bruhang yun."-Ako
"Nako.Kaya siguro nagkagulo."-Lia
"Humanda sa akin ang bruhang yun.Sya talaga ang nagdadala kay Tristan sa kapahamakan.Sya din ang dahilan kung bakit valedictorian sa katangahan ang bestfriend ko."-ako
Ilang sandali pa ay natanaw na namin ang ilang security at ang ilang nurse na dala dala ang isang stretcher.
"Tristan?."-ako
Lalo akong kinabahan sa nakikita ko.
Isang nurse ang nagsalita sa gitna ng ilang usisero dito.
"Sino po dito ang nakakakilala kay Mr.Asher Jalbuena?"
Nagulat kaming tatlo sa sinabing iyon ng nurse.Agad naman naming nilapitan ang nurse.
"Kami po.Boss po namin sya."-Lia
"Sumama po kayo sa amin sa hospital na pagdadalhan po namin sakanya.May mga natamo kasi syang sugat na kailangan operahan."
"Sige po sasama po ako."-Lia
Mya mya pa ay nasa tabi na namin ang mga nurse na may dala dala sa stretcher na kinalalagyan ni Sir Asher.Grabe ang tinamo nyang mga sugat.Punong puno ng dugo ang kanyang mukha.
Ngayon ay isinakay na sa loob ng ambulansya ang si Sir Asher.
"Susunod na lamang kami sa hospital Lia."-miguel.
"Osige.Hihintayin ko kayo duon."-Lia.
Agad umalis ang ambulansyang magdadala kay Sir Asher sa ospital.Si Lia muna ang sumama sa mga nurse para bantayan ang kung ano man ang mangyayari sa manager namin.Pinagdarasal ko na sana hindi naging malala ang mga sugat na natamo nya.
"Nasaan na kaya si Tristan?"-ako
May pag aalala kong pagkasabi.Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa sya nakikita maging sina Lyrics at Ram.Ngunit napansin ko na may ilan pang medical aide na nandirito.
"Pancake?ayos ka lang?"-Miguel
"Nag aalala pa rin ako.Hanggat hindi ko nakikitang buhay at gumagalaw ang bestfriend ko ..hindi ako magiging okay."-ako
"Wala naman mangyayaring masama kay Tristan.Kaya nun ang sarili nya."-miguel
"Sana nga.Dahil kung meron..Ako ang makakalaban ni Lyrics at Ram."-ako
Hindi ko mapigilang mapaiyak.Sana hindi na lang ako pumatol sa bestfriend ko nung araw na magaway kami,sana hinayaan ko na lamang muna syang makapag isip,hindi sana nangyari to.Kung nasa tabi kasi ako ng tukmol na yon,maiiwas ko sana sya sa impaktang Lyrics na yun.
Dahil sa hindi nga ako mapakali sa kinaroroonan ko ay nilapitan ko ang ilang security ng foodpark na ito para magtanong kung nasaan ang iba pang involve sa nangyaring insidente.
"Sir Chief...Bestfriend po ako ng isa sa mga involve sa nangyaring bugbugan.Itatanong ko lang po sana kung nasaan sya?Tristan Medrano po ang pangalan nya."-ako
Patuloy pa rin ako sa pagiyak.Naramdaman ko naman na hinawakan ni Miguel ang kaliwa kong kamay.
"Bale Miss,ine-escortan sya ngayon at yung dalawa pang kasama nya papunta sa office namin for questioning."
"Sir?makukulong ba sya?yung halimaw na si Ram ang dapat ninyong ikulong,saka baka kailangan dalhin ng bestfriend ko sa ospital para icheck yung mga natamo nyang sugat.?"-pag aalala ko
"For questioning pa Miss.Kung mapapatunayan naman po na hindi ang kaibigan mo yung nagsimula maaring irelease din namin sya agad."
"Sige po Sir chief.Salamat po."-miguel
Pagkatapos namin kausapin ang isa sa mga security.Lalo akong kinabahan.Bakit nila ikukulong si Tristan?
"Miguel?anong gagawin natin?baka makulong si Tristan?"-ako
"Ano kaba Pancake?hindi naman si Tristan ang nagumpisa ng gulo kaya hindi sya pwedeng ipakulong ng mga security ng foodpark.Maaring si Ram ang ireklamo nila ng alarm and scandal."-Miguel
"Sigurado kaba?Kilala mo si Ram gagawin nun ang lahat para mawala sa landas nya si Tristan at para masolo nya ang impakta nyang girlfriend."-ako
"Gigil na gigil ka kay Lyrics pancake?ano bang ginawa nun sayo?"-Miguel
"Nakalimot kana ba?sinaktan nya ang matalik kong kaibigan.Dahil saksakan sya ng arte.At ang pinaka malaki nyang atraso sa akin ay ang dahilan na nagfriendship over kami ni Tristan ng dahil pa rin sakanya."-ako
"Huh?siguro naman magkakaayos pa kayo ni Tristan ulit."-Miguel
"Paano?mataas ang pride ng kaibigan ko hindi yun magbababa ng sarili nya.Pwera na lang kung itatama ng nagchismis sakanya yung totoong nangyari nung araw na hinahanap sya ng impakta nyang ex girlfriend."-ako
Kitang kita ko ang biglaang paglunok ng malalim ni Miguel,bigla rin syang hindi makatingin sa aking mata ng diretso.Ano bang nangyari sa taong ito?
"Ayos ka lang ba Miguel?"-ako
"Oo..Huwag kang magalala Pancake..Magiging okay din kayo ni Tristan ulit."-miguel
Napangiti naman ako ng kaunti sa sinabi ni Miguel.Sana magdilang anghel sya.
Mya mya pa ay muling nagkagulo ang mga tao.Nang aming tignan ni Miguel ay may papararing na isang grupo ng mga security.
"Ayan na yata sina Tristan Pancake?"-sabi ni Miguel
Pinagala ko agad ang mata ko at kahit may kalayuan pa ang tinatanaw ko ay hindi ito naging hadlang para hindi ko makita ang bestfriend ko.
"Tristan?"-ako
Halos panghinaan ako ng tuhod sa aking nakita.Punong puno ng dugo ang buong mukha nya at halos mapalitan na ng kulay pula ang suot nyang puting tshirt.Inaalalayan sya ngayon ng isa sa mga nurse na nagrescue sakanya.
Napansin ko naman na nasa gawing kaliwa ni Tristan Si Ram,dalawang security ang nakahawak sa kanyang magkabilang braso.Nakayuko ito na animoy hiyang hiya sa ginawa nya.Napaka kapal talaga ng mukha nya.
"Kailangan kong lapitan si Tristan.Kailangan nya ako ngayon."-sabi ko
"Antayin na lamang natin sila makalapit dito Hikari."-miguel
"Miguel!Tignan mo naman ang hitsura ng bestfriend ko?duguan?hindi ko kayang pagmasdan lang sya sa ganung sitwasyon."-sabi ko
Akma na akong aalis para lapitan si Tristan ng hawakan ni Miguel ang braso ko.
"Hikari..Magantay na lamang tayo sakanya dito.Please.Huwag ka nang sumali pa sa gulo nila."-Miguel
Hindi ako nakakibo sa sinabing iyon ni Miguel.Tama sya hindi ko kailangan na sumali pa gulo pero hindi ako makakapayag na madehado ang kaibigan ko.
Muli kong sinulyapan si Tristan na ngayon ay ilang pulgada na lamang ang layo sa akin.Nang mapansin ko ang isang babae sa likuran ni Tristan at Ram.Ang bruhang si Lyrics.
Tulad nina Tristan at Ram basang basa din ito ng ulan.Bahagyang natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang kalahati ng kanyang mukha.
Sa hindi malamang pagkakataon.Inalis ko ang kamay ni Miguel na sa ngayon ay nakahawak pa rin sa braso ko.Kailangan kong mapagtanggol ang matalik kong kaibigan.Kailangan kong bigyan ng leksyon ang bruhang babaeng ito.
Nagmamadali akong tumakbo papunta kay Lyrics.Narinig ko pang tinatawag ako ni Miguel para pigilan pero hindi ko na sya pinakinggan pa.
Ilang hakbang na lang ang layo ko kay Lyrics.Nananatili pa rin syang nakayuko.
"Alien?"-Tristan
Narinig kong binanggit ni Tristan ang tawagan namin pero binalewala ko lamang ito.
Hinarang ko ang aking sarili sa daraanan ni Lyrics sanhi para mapatigil sya sa paglalakad.
"Hikari?"-Lyrics
Nakatitig sya sa akin ngayon.Kitang kita sa mata nya pamamaga nito marahil sa labis na pagiyak.
Hindi ako naaawa sa tulad nya.Sya ang may dalang kapahamakan sa kaibigan ko.Kailangan nyang maranasan ang lahat ng sakit na naramdaman ni Tristan.At sa pamamagitan ko kanya itong mararamdaman.
"Ikaw ang dahilan ng pasakit at pagiging tanga ng kaibigan ko!Ikaw ang nagdadala sakanya sa kapahamakan!Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan at kabiguan ng bestfriend ko!Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayaring ito.Dapat sayo babaeng bruha!Ginigising sa kahibangan!!'-ako
Isang malakas na sampal ang iginawad ko kay Lyrics.Isang malakas na sampal pakanan at pakaliwa ang iginawad ko sakanya.
Narinig ko mula sa mga taong nandirito ang ibat ibang reaksyon.
"Alien!"-Tristan
Naramdaman ko na hinawakan ako ni Tristan,pilit nya akong inilalayo sa harapan ng exgirlfriend nyang nakatikim sa akin ng magasawang sampal.
"Ano bang ginagawa mo"-Tristan
"Ipinagtatanggol ka sa babaeng dala ay kapahamakan sayo!Napaka tanga mo kasi!Nagpapauto ka sa mala anghel na mukha neto!"-ako
"Hindi kasalanan ni Lyrics ang mga nangyayari!Wala syang kasalanan."-Tristan
"So sino ang may kasalanan ngayon?ikaw?IKAW NA NAMAN?!"AAKUIN MO NA NAMAN ANG KAGAGUHAN NG BABAENG ITO?!"-Ako
Nakatingin lamang sa akin si Tristan.Animoy isang bata na wala nang maikatwiran.
"Bakit mo sinisisi ang girlfriend ko Hikari?e yang kaibigan mo ang dahilan kung bakit nya dinanas ang lahat ng sugat na tinamo ng mukha nya."-Ram
Hinarap ko ngayon Si Ram.Isang sampal ang ibinigay ko sakanya sanhi para manahimik sya sa mga kayabangan nyang pang action star.
"Haha kahit ilang sampal pa ang ibigay mo sakin Hikari hindi ako tatablan nyan dahil manhid na ako sa sakit at pagtatarantado ng kaibigan mo!"-Ram
"Walang ginagawang masama sayo si Tristan!"-ako
"WALA?!SYA NA ANG PINIPILI NI LYRICS!AKO YUNG BOYFRIEND!PERO SI TRISTAN ANG MAHAL NYA!"-Ram
"That' not true Ram!"-Lyrics
Umiiyak sa mga oras na ito ang impaktang si Lyrics.
"Naguguluhan ako sa nangyayari.Hindi ko pinipili si Tristan pero may nararamdaman pa rin ako sakanya.Hindi ninyo ako maiintindihan dahil wala kayong mga alam.Ako at si Tristan lang ang tanging makakaayos ng lahat.Hindi kayo.."-Lyrics
Nakatingin ako kay Lyrics,tama sya hindi ko naiintindihan ang kung ano man ang mga sinasabi at nangyayari sakanila ni Tristan pero malinaw sa akin na sasaktan lang nya ang kaibigan ko.Kung matinong babae kasi ang impaktang ito hindi nya hahayaang mag kagulo ang dalawang lalake sa buhay nya.Hindi nya iisipin ang makasakit.Tama ba naman nasabihin nya sa boyfriend nya na mahal pa rin nya ang ex nya?tama bang paasahin nyang muli ang tanga kong bestfriend?
"Lyrics?"-Tristan
Nilapitan ni Tristan si Lyrics at hinawakan ang kanang kamay nito.Humawak naman din si impakta kay tukmol ng napaka higpit.Patuloy sa pagiyak si Lyrics maging ang bestfriend ko.
"Gawin na natin ang tama?itama na natin ang mga mali Tristan."-Lyrics
"Sumama ka sakin mahal ko."-Tristan
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng dalawang ito.Tumingin ako sa paligid at kitang kita ko ang reaksyon ng lahat ng taong nandirito.Tulad namin nagtataka rin sila.
"Oo,Tristan...sasama ako sayo kahit saan."-Lyrics
Hinawakan ni Tristan ang mukha ni Lyrics.Pinagdikit nilang dalawa ang kanilang mga noo.Ibang pakiramdam ang bigla kong naencounter ngayon.Para bang pagkasabik sa isat isa ang pinakikita nilang dalawa ngayon.Hindi ko mapigilan ang muling mapaiyak.Naawa ako kay Tristan.
"WHAT THE FUCK LYRICS!!!"-Ram
Sa hindi malamang pagkakataon ay biglang tumakbo palayo sina Tristan at Lyrics.
"Lyrics!!"-Ram
"Tristan!!"-ako
Akma akong tatakbo pasunod sa kanila ng biglang humarang sa harapan ko si Miguel.
"Ano ba!Kailangan kong habulin si Tristan!Tanga yun!Masasaktan lang sya ulit."-ako
Hindi umiimik si Miguel nakaharang lang sya sa akin.Tinignan ko si Ram at nakita ko itong nagpupumiglas sa mga security na nakahawak sa kanya.
"ANG KAPAL MO TRISTAN!!!SYOTA KO YANG TINANGAY MO!HAYOP KA!!FU*K YOU!!!!"-Ram
Galit na galit na isinisigaw yan ni Ram.Umiiyak din sya sa oras na ito.
"Ram!Hikari...Hayaan nyo na muna sila..Hayaan nyo na silang makapag usap.Hayaan nyo muna silang maiayos ang mga bagay na hindi pa nila tapos gawin.Pabayaan ninyo muna sila ngayon."-Miguel
"Tang inang yan!Girlfriend ko yun!!!argh!"-Ram
Hindi na ako nakasagot.Mukhang tama si Miguel baka kailangan muna talaga nilang makapagusap at maiayos ang mga bagay na sila lamang ang nakakaalam.Kung ano man ang magiging desisyon ni Tristan sa lahat ng ito susuportahan ko na lamang sya..
[End of Hikari's POV]