webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Real
Sin suficientes valoraciones
27 Chs

Chapter 18

Miguel's POV:

**McLibee coffee shop

Malakas pa rin ang ulan sa labas ng shop.Iilan nga lang ang naging customer namin sa araw na ito,marahil may mga lugar na nalubog sa baha,kaya konti lang ang nagpunta sa shop,panigurado pahirapan na naman ang pag byahe pa uwi.Natapos ko na rin ang mga gawain ko,closing kasi ako at kasama ko sina Tristan at Hikari,maagang umuwi si Sir Asher dahil binabaha daw ang lugar nila sa novaliches.

Halos wala sa aming nag iimikan.Si Tristan nasa isang sulok ng shop,si Hikari naman inaayos ang mga pera sa kaha.Hindi sila nag uusap.Hindi kasi pinapansin ni Tristan si Dyosa.

Pumunta na ako ngayon sa crew room,kukuhanin ko na yung bag ko at aalis na,kaso naisip ko na alukin ko kayang isabay si Hikari,tutal hindi sila okay ng kumag na yun, kaya pagkakataon ko na ito para makasabay si Hikari.

Palabas na ako ng biglang pumasok si Dyosa sa crew room.

"Hikari,gusto mo.."-ako

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ng mapansin kong umiiyak si Hikari.Nakaupo sya ngayon sa flooring.

" Dyosa?umiiyak kaba ?"-tanong ko

"Obvious ba?ang dami ko na ngang luha oh!napaka impakto mo talaga e"-hikari

" Bakit ka umiiyak?anong problema mo?"-tanong ko

"Edi Si Tukmol!Napansin mo ba na hindi nya ako kinikibo hindi ko naman alam kung ano ang dahilan."-hikari

" Hayaan mo na muna."-sabi ko

"Hindi pwedeng hahayaan ko lang na ganun,na bigla na lamang kami hindi maguusap."-Hikari

Nagpatuloy sa pag iyak si Hikari.Ngayon ko lang sya nakitang umiiyak,lagi kasi syang nakatawa at nagbibiro.

Kinuha ko sa loob ng bag yung panyo ko.At agad na iniabot kay Hikari.

" Dyosa..Heto oh gamitin mo pamunas mo ng sipon at luha mo."-alok ko

Tumingin sa akin si Hikari,nakalahad ang kanang kamay ko at iniaabot sakanya ang panyo na hawak ko.

"Nako madumihan ko pa yan,meron naman akong panyo dito."-hikari

Kasabay nito ang pagkuha nya ng panyo nya sa suot nyang apron.

" Heto oh?bigay sa akin to ni tukmol kaya iniingatan ko ito,sabi nya sakin nung araw na binigay nya tong panyo na ito,kapag umiiyak ako eto gimitin ko para maalala ko sya kapag nalulungkot ako,darating din pala yung moment na sya yung magiging reason ng pag iyak ko"-sabi ni Hikari habang umiiyak.

Umupo ako sa tabi nya at kinuha ang kaliwa nyang kamay.Ipinatong ko dun ang panyo ko.Napatingin sa akin si Hikari sa ginawa kong iyon.

"O?itago mo na yan Miguel.Madudumihan nga yan saka may panyo nga ako."-hikari

" Alam ko,bakit?Si Tristan lang ba ang pwedeng magbigay sayo ng panyo?Sya na lang ba palagi ang magpapasaya sayo?sya lang ba yung pwedeng magsabi ng kapag umiiyak at nalulungkot ka gamitin mo ang binigay kong panyo?sya lang ba Hikari?Si Tristan lang ba?."-sabi ko.

Bahagyang tumigil sa pag iyak si Hikari,nakatitig sya sa akin ngayon Takang taka sa mga sinasabi ko.Nakatitig din ako sakanya,gusto kong sabihin sakanya na mahalaga sya akin,at kaya kong higitan yung pagpapasaya sakanya ng bestfriend nya.Naramdaman ko din na hinwakan na nya ang panyo na inilagay ko sa kamay nya.Nananatili lang kaming magkatitigan,marahil nag aantay ng may magsasalita.Napakatahimik na ng kinalalagyan namin.Pinagpapawisan na rin ako.Kinakabahan.Marahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha ni Hikari.Hindi ko mapigilan ang sarili ko,may kung anong kuryente ang nagkokonekta sa amin ngayon ni Dyosa.May ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha ni Hikari,ilang pulgada na lang din ang layo ng labi ko sa labi nya.Ano bang ginagawa ko?pinipilit kong inuutusan ang utak ko na itigil ang kinikilos ko pero hindi ko magawa.Napansin ko na biglang napapikit si Hikari,habang ako patuloy sa paglapit ng labi ko sa labi nya nang biglang...

"Excuse me."

Bigla kong inilayo ang mukha ko sa mukha ni Hikari,napatingin ako sa nagsalita,Si Tristan pala.Nakayuko lamang sya na nakatayo sa tapat ng crew room.Habang si Hikari naman ay nakatingin sa kaibigan nya.

"Uyy Tukmol.Ano bang problema.?bakit hindi moko.kinikibo?"-tanong ni Hikari.

Walang naging reaksyon si Tristan habang sabay naman kaming tumayo ni Hikari mula sa pagkakaupo namin sa flooring.Pagkatayo namin ay agad naman kinuha ni Tristan ang gamit nya,hindi tulad ng dati na nagpapalit pa ito ng damit bago umuwi,nagmamadali itong umalis ng crew room,agad naman syang sinundan ni Hikari.

" Tukmol sandali lang kausapin mo naman ako."-Hikari

Patakbong sumunod si Dyosa.Agad din naman akong sumunod sa kanila.

Kitang kita ko na lumabas agad ng shop si Tristan,kahit malakas ang ulan ay tumuloy pa rin ito.

"Hikari,malakas pa ang ulan,wala kang payong huwag mo nang sundan si Tristan mababasa ka "-sigaw kong sabi kay Hikari

Hindi ako pinakinggan ni Hikari at lumabas din ito ng shop,pinagala ko ang mata ko kung may payong ba na malapit sa kinatatayuan ko pero wala,kaya kahit may ulan sumunod na rin ako sa dalawang yun.

Nandito na rin ako sa labas,malakas ang ulan,inaaninag ko kung nasan na yung dalawang yun,sa sobrang lakas ng ulan halos wala na akong makita,hanggang sa...

" Tukmol antayin mo ako!Bakit ka ba biglang nagalit sa akin?ano bang nangyari?!"-hikari

Napalingon ako sa gawing kanan ko,narinig ko ang sigaw ni Dyosa at duon ko nakita na humahabol pa rin sya sa mabilis na naglalakad na si Tristan.Nagmamadali akong pumunta sa direksyon nila ng marinig kong muli ang pag sigaw ni Hikari.

"Tukmol!ano ba?ano bang maling ginawa ko para kumilos ka ng ganyan!May ginawa ba akong mali?paulit ulit ko nang itinatanong yan sayo simula pa kanina?Bakit ka ba nagalit sa akin?"-Hikari

Sa tono ng boses ni Dyosa,alam kong umiiyak sya.Nakita ko naman na huminto sa paglakad si Tristan,tumigil din sa pag takbo si Hikari.Bale nakatalikod si Tristan at sa likuran nya naman ay may kaunting layo si dyosa sakanya,habang ako ay tumigil din sa paghabol sa kanila,may konting layo din ang agwat ko kay Hikari.

"Ano bang kinagalit mo?"-hikari

Naalala ko na may payong ako sa bag kaya kukunin ko sana ito nang marinig kong magsalita ng pasigaw si Tristan.

"ANONG KINAGALIT KO HIKARI???!HINDI MO ALAM!"-Tristan

Nakaharap na ngayon si Tristan kay Hikari at kitang kita sa mukha nya ang sobrang galit.Yung tipong pigil na pigil na galit.

Kitang kita ko ang bahagyang pag atras ni Hikari marahil sa sobrang pagkabigla.

" Tukmol?bakit galit na galit ka sakin?binibiro mo lang ba ako o seryoso ka?"-hikari

Habang sinsabi nya yan patuloy pa rin sya sa pagiyak.

"MAGLOLOKOHAN PA BA TAYO?SA DINAMIRAMI NG TAONG GAGAWA SA AKIN NG HINDI MAGANDA!IKAW!IKAW NA KAIBIGAN KO ANG HINDI KO INAASAHAN NA GAGAWA SAKIN NUN!"-Tristan

" Ano bang sinasabi mo Tukmol?sabihin mo sakin.Hindi kita naiintindihan."-hikari

"ANONG GINAWA MO KAY LYRICS!ANONG PINAGSASABI MO SAKANYA!FOR HEAVEN SAKE HIKARI ALAM NA ALAM MO KUNG GAANO KO KAGUSTO NA MAKAUSAP YUNG BABAENG SINABIHAN MO NG KUNG ANO ANO!MAY NAPALA KA BA?"-Tristan

" Tukmol,gusto ko lang naman na iganti ka sakanya nga kahit konti."-hikari

"BWISET NA GANTI YAN!HINILING KO BA SAYO NA GAWIN MO YUN PARA SA AKIN!"

Pagkasabi nyan ni Tristan,hinagod nya ang buhok nya na basang basa na ng tubig ulan.Kitang kita pa rin sakanya ang gigil kay Hikari.

"Oo hindi mo hiniling sa akin yun pero bilang kaibigan mo ginawa ko yun para kahit man lang sa salita ay masaktan ko sya!Naawa ako sayo sa ginawa ng babaeng yun!Tukmol!Intindihin mo naman ako!Alam kong inaantay mo sya pero kung lalapit sya ulit sayo masasaktan kana naman ulit."-hikari

Nilapitan ni Tristan si Hikari, hinawakan ang mga balikat nito.Akma sana akong lalapit sakanila para pigilin ang ginagawa ni Tristan pero hinayaan ko na lang muna silang mag usap.

"WALA KANG PAKIELAM KUNG MASASAKTAN AKO ULIT,DAHIL KAIBIGAN LANG KITA,UULITIN KO SAYO KAIBIGAN LANG KITA!"-Tristan

Bahagyang itinulak ni tristan si hikari.Hindi ko na matiis ang nakikita ko kaya nilapitan ko na si Dyosa.

" Dyosa..tama na,bigyan mo muna ng panahon si Tristan."-ako

Hinawakan ko ang kanang kamay ni Hikari,humawak din sya sakin pero tinanggal din nya ito agad.Nilapitan nya si Tristan at isang malakas na sampal ang ibinigay nya sa pisngi nito.

"Kaibigan mo lang ako,tama ka.Pero ni kahit isang beses hindi kita tinuring na KAIBIGAN LANG dahil pamilya ang tingin ko sayo,pero sa sinabi mo sakin ngayon,sa pinakita mo sakin,sana noon pa kita tinapon bilang kaibigan ko,nung panahong binasura ka ng Lyrics na yun nasa tabi mo ako,kinalimutan mo agad yun?dahil lang sa sinabi ko sa impaktitang yun.?Kinalimutan mo na kaibigan moko !."-hikari

"Si Lyrics lang ang makakabuo sakin,hindi ikaw!"-tristan

" Sige,tanga ka talaga!Ipagpatuloy mo ang pag iilusyon mo na magiging kayo pa ulit ng babaeng nanakit sayo!"-hikari

Nakatitig lamang si Tristan kay Hikari sa mga oras na ito.Nang muling magsalita si Dyosa.

"Friendship over na tayo,Tristan."-hikari.

Pagkasabi nyan ni Hikari,tumakbo sya paalis,agad ko naman syang sinundan,sanhi para maiwan si Tristan sa kinatatayuan nya.Nagpatuloy ang malakas na ulan,kaya habang hinahabol ko si Dyosa ay kinuha ko sa bag ang payong ko.Ilang pulgada na lang ang layo ko kay Hikari ng bigla syang tumigil sa pagtakbo,sanhi para maabutan ko sya.

"Ang sakit mawalan ng bestfriend,akala ko kapag may jowa ka lang na manloloko mararanasan ang masaktan pero hindi,Lokong best friend kong yun,inaway ako nang dahil lang sa impakta nyang ex girlfriend na feelingerang mabait."-hikari

Habang sinasabi yan ni hikari ay pinayungan ko sya.Patuloy pa rin kasi sya sa pag iyak.Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at bahagya nya akong tinignan.

"Masyado nang malamig Dyosa,basang basa kana.Tara magkape tayo dun sa mamihan ni ka Lucio."-sabi ko

" Tanga ka!basa ka rin!ano bang kalokohan mo at nagpaulan ka din?may payong ka naman palang dala.?"-hikari

Pilit pinupunasan ni hikari ang luha nya.

"Nagmamadali kasi akong sundan ka,kaso ang bilis mo tumakbo e."-ako

" Kabayo kasi ko sa past life ko at si Ex bestfriend ko ang aso."-hikari

"Magkape na muna tayo,dyosa,para naman mainitan ka,baka magkasakit ka pa nyan e."-miguel.

Tumango naman si Hikari,at bago pa man kami maglakad paalis,marahan nya akong niyakap.Ramdam na ramdam ko ang sobrang lungkot ng babaeng pinapangarap ko,ito na ang panahon ko para iparamdam sakanya na kahit wala ang bestfriend nya nandito pa rin ako na handa syang damayan.

Magkasabay kaming naglakad ni Hikari.Magkasama sa iisang payong,habang malakas ang ulan.Napakasaya ko na mangyari ang ganito.Hindi ko ito inaasahan.

Sana hindi na matapos ang gabing ito.

Sisiguraduhin ko na  hindi maagaw pa ni Tristan ang atensyon ni Dyosa,unfair man ako pero yun lang ang naiisip ko para mapunta sa akin ng tuluyan ang focus ni hikari.

Gagamitin ko ang sitwasyon nila ngayon bilang magkaibigan para mabaling sa akin ang lahat ng oras ni Hikari.

Paghihiwalayin ko sila para masolo ko na ng tuluyan ang babaeng matagal ko nang minimithi.

Alam ko darating ang panahon na magkakaayos sila pero pag dating nun sinisigurado kong ako na ang priority ni Hikari.

[End of Miguel's POV]