webnovel

Saan ba ako nagkulang? (20)

Editor: LiberReverieGroup

Gusto naman talagang maging masaya ni Qiao Anhao para kay Xu Jiamu, pero sa puntong ito, hindi niya talaga kayang maging masaya pero pinilit niya pa rin ang kanyang sarili na magmukhang masigasig at sinabi, "Sobrang saya ko po na nagising na si Brother Jiamu."

"Qiao Qiao…" Muling tinawag ni Han Ruchu ang pangalan ni Qiao Anhao na para bang may bigla itong naalala. Napahinto ito ng sadlit bago magsalita ng sobrang seryoso, "Qiao Qiao, maraming salamat dahil hindi mo kami iniwan. Kung hindi mo pinanindigan ang pagpapakasal ng Xu family at Qiao family, walang akong idea kung ilan nalang ang matitira sa family asset ng mga Xu."

"Wala po talaga 'yun…" Tama. Paano niya nga ba makakalimutan? Ang pagsasama nila ni Lu Jinnian ay pawang pagpapanggap lamang… Hindi niya namalayan na muli nananang nagluha ang kanyang mga mata kaya bahagya niyang itinaas ang kanyang ulo para pigilang tumulo ang mga luha niya at sinabi, "Aunt Xu, kailangan ko po itong gawin. Sobrang naging mabait po ni Brother Jiamu sa akin kaya hindi ko kayang hindi magaalala para sakanya."

"Qiao Qiao, napakabait mong bata kaya gustong gusto ka talaga ng aunt at uncle mo." Habang naririnig ni Qiao Anhao ang mga sinasabi ni Han Ruchu, bigla nalang siyang nakaramdam ng pagkakonsensya, pero ang hindi niya alam na tao palang kausap niya ngayon ay taong tunay na pumatay sakanyang anak. Sino ba naman kasi ang nagbigay ng karapatan sakanya na ipagbuntis ang anak ni Lu Jinnian? Isa pa, nakapangalan ang bata kay Xu Jiamu kaya wala talaga itong karapatan na isilang sa mundong ito!

Ipinikit ni Han Ruchu ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Nang maramdaman niyang mas kalmado na siya, muli siyang nagsalita, "Pero Qiao Qiao, wag ka ng mag-alala. Ang sabi ng doktor, isang linggo nalang daw at makakauwi na si Jiamu. Kapag nangyari yun, hindi mo na kailangang makisama kay Lu Jinnian.

"Tinawagan niya nga ako noong nakaraang araw para tanungin kung kailan ba ang pinaka maagang posibilidad na makalabas si Jiamu ng ospital. Siguradong nahihirapan na siyang mamuhay ng may dalawang pagkatao kaya siguro gusto niya ng makawala sa lalong madaling panahon. Naniniwala ako na pareho kayong pagod ng magpanggap, tama ba? Pero ayos lang yan dahil malapit ka ng maging malaya.

Parang biglang nagsara ang mga tenga ni Qiao Anhao at hindi niya na narinig ang mga sumunod na sinabi ni Han Ruchu. Paulit ulit lang sa kanyang isip ang naunan nitong sinabi: Tinawagan niya nga ako noong nakaraang araw para tanungin kung kailan ba ang pinaka maagang posibilidad na makalabas si Jiamu ng ospital. Siguradong nahihirapan na siyang mamuhay ng may dalawang pagkatao kaya siguro gusto niya ng makawala sa lalong madaling panahon…

Parang may biglang bumara sa lalamunan ni Qiao Anhao kaya kinailangan niyang pilitin ang kanyang sarili na magsalita, "Aunt Xu, kung wala na po kayong sasabihin, mauna na po muna ako. May kailangan lang po akong asikasuhin kaya ibababa ko na po sana."

"Alright, Qiao Qiiao, Magingat ka palagi."

"Mm, opo. Salamat at paalam po, Aunt Xu." Hindi na pinatagal pa ni Qiao Anhao ang paguusap at tuluyan ng ibinaba ang tawag. Medyo matagal din siyang nakatayo sa loob ng CR bago siya maghilamos at punasan ang kanyang mukha. Nang medyo mahimasmasan na siya, agad siyang naglakad pabalik sa hall.

Sakto lang ang balik ni Qiao Anhao dahil kalalabas lang din ng mga resulta. Maingat niyang inisa-isa ang mga resulta hanggang sa mahanap niya ang kanyang pangalan na nasa pangalawa sa pinaka huli, at agad siyang dumiretso sa opisina ng doktor.

Walang alinlangan siyang lumapit nang tawagin siya ng doktor. Umupo siya at iniabot ang hawak niyang resulta sa doktor, na sinilip lang ito ng sandali, at nagtanong, "Nagkaroon ka pala ng abortion?"

Matapos marinig ni Qiao Anhao ang naging katanungan ng doktor, bigla siyang napahawak ng mahigpit sakanyang bag at dahan-dahang tumungo.

Itinuro ng doktor ang larawan na nasa kanyang resulta at sinabi, "Mukhang sobrang successful ng naging abortion mo. Wala ng namumuong dugo sa matris mo at hindi na rin ito masyadong manipis, pero kailangan mo pa ring magpahinga. Huwag ka munang magbubuntis sa susunod na anim na buwan."