webnovel

Patawarin mo ako (7)

Editor: LiberReverieGroup

Nasa labas ng kwarto ni Han Ruchu ang mayordoma nang pabulong siyang tawagin nito, "Mrs. Xu."

Tinignan muna ni Han Ruchu si Xu Wanli na natutulog sa kanyang tabi bago siya dahan-dahang bumangon sa kama. Kumuha lang siya ng jacket at naglakad na palabas ng kwarto. Habang bumababa ng hagdanan, sinenyasan niya ang mayordoma na tumahimik para hindi maistorbo ang pagtulog ni Xu Wanli.

Nakasunod lang ang mayordoma sakanya.

Naglakad sila papunta sa bakuran sa labas ng bahay kung saan sinabi ng mayordoma ang kailangan nitong sabihin. "Mrs. Xu, dinala si Miss Anhao sa ospital dahil namatay na ang bata sa tiyan niya."

Masyado ng malalim ang gabi kaya hindi maaring lakasan ng mayordoma ang boses nito pero sinigurado naman nito na malinaw ang pagkakasabi sa balita. Napakapit ng mahigpit si Han Ruchu sa kanyang jacket ngunit pinilit niya pa ring magmukhang kalmado habang nakatingin sa namumulaklak na lotus flower. Matapos ang ilang sandaling pananahimik ay tumungo siya. "I understand."

Natigilan siya at muling nagsalita, "Makakaalis ka na, gusto ko munang mapagisa."

"Opo, Mrs. Xu," magalang na sagot ng mayordoma bago ito umalis.

Umihip ang malamig na hangin at huminga ng malalim si Han Ruchu habang pinagmamasdan ang kalmadong tubig.

Para mata ng lahat, perpekto ang kanyang pamilya: may masayang buhay magasawa, may mapagmahal na asawa at may isang huwarang anak, pero sino nga bang nakakaalam na sobra rin siyang naghirap sa likod ng lahat ng mga pagpapakitang tao?

Naniniwala talaga siya noong una na masaya ang buhay niya hanggang sa tumuntong si Xu Jiamu sa edad na tatlo. Pero nagwakas ang lahat noong may babaeng nagdala ng anak nito sa Xu family, doon niya nalaman na ang masaya niya palang buhay ay isang malaking kalokohan lamang.

Nagkaroon ng anak sa labas ang kanyang asawa at ang bata ay ipinanganak pa kasabay ng sarili niyang anak, ang araw na pinaka pinagmamalaki niya ay biglang naging isang kahihiyan.

Sa lahat ng taong lumipas, sa tuwing ipinagdiriwang niya ang kaarawan ng sarili niyang anak, lagi niyang naalala ang anak sa labas ng kanyang asawa.

Nagalit siya sa kanyang asawa, sobrang sinisi niya ito at mula 'nun, mas lalo niya pang minahal ang kanyang anak at itinuring niya itong kanyang buong mundo. Ibinigay niya ang lahat ng gusto at pangangailangan nito dahil alam niya na kahit kailan ay hindi siya pagtataksilan nito.

Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang pagmamahal kay Xu Jiamu kaya noong sandaling nalaman niya na mahal nito si Qiao Anhao, hindi na siya nagdalawang isip pang pumunta sa Qiao Family para hingin ang kamay nito.

Limang taon na nakakalipas, gabi ng birthday ni Qiao Anhao, nasa labas siya ng kanyang bahay noong aksidente niyang makasalubong ang assistant ni Lu Jinnian. May dala itong regalo para kay Qiao Anhao na ibibigay sana nito sa katulong ng mga Qiao pero bigla niya itong nilapitan. Nang sandaling makita niya ang card, nalaman niyang galing 'yun kay Lu Jinnian kaya ginawa niya ang lahat para tanggalan ito ng pagasa kay Qiao Anhao sa ngalan ng kanyang anak.

Simple lang ang rason niya, si Qiao Anhao ang babaeng mahal ng kanyang anak at walang sinuman ang pwedeng umagaw rito. Isa pa, si Lu Jinnian ang pinaka kinamumuhian niyang tao kaya hindi siya nagalangan na sabihin sa mismo nito na magpapakasal na sina Qiao Anhao at Xu Jiamu kahit noong panahong iyon ay wala pa naman talagang usapan tungkol sa pagpapakasal dahil masyado pang bata ang mga ito.

Kung hindi lang nangyari ang aksidente na nagnakaw sa kanya ng maaring pagpipilian, hindi niya sana hahayaang magkaroon ng kahit anong ugnayan sina Lu Jinnian at Qiao Anhao.

Noong oras kasi na 'yun, wala na talaga siyang ibang pagpipilian at ang natatangi lang na pwedeng magpanggap bilang si Xu Jiamu ay walang iba kundi si Lu Jinnian.