webnovel

Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (9)

Editor: LiberReverieGroup

Tawag galing sa mama ni Chen Yang, ang kanyang biyenan.

Nang mag'ring ang kanyang phone, saktong nakaluhod siya sa tapat ng

basurahan habang nagbabalat ng sibuyas, kaya sinilip niya lang ng bahagya

ang screen nito. At nang sandaling makita niya ang pangalan ng tumatawag,

bigla siyang natigilan sa kanyang ginagawa at bumilis ang tibok ng kanyang

puso, kaya ilang segundo pa siyang nanatiling nakatitig sakanyang phone

bago siya dahan-dahang tumayo para sagutin ito. "Ma?"

"Xia Xia, busy ka ba ngayon? Bakit ang tagal mong sumagot?" Malambing na

tanong ng mama ni Chen Yang.

"Hindi nanaman po, ma…. Nagluluto po kasi ako…."

"Nasaan si Chen Yang? Hindi ka niya tinutulungan?"

"Medyo nakainom po kasi siya kaya natutulog siya ngayon."

"Ang batang yan talaga… uminom nanaman? Bakit ba lagi nalang siyang

naglalasing…"

"Kaunti lang naman po ang nainom niya…" Dali-daling paliwanag ni Qiao

Anxia para ipagtanggol ang asawa bago niya baguhin ang usapan. "Ay ma,

bakit po pala kayo napatawag?"

"Wala naman, ano lang kasi…" Base sa boses ng mama ni Chen Yang,

halatang nagaalangan din ito, kaya halos tatlong segundo itong natigilan

bago ito magpatuloy, "Xia Xia, walong taon na kayong kasal ni Chen Yang,

wala ba kayong planong magka'anak?"

"Ma…." Hindi alam ni Qiao Anxia kung ano ang isasagot niya.

Siguro naramdaman ni Mrs. Cheng na nabigla si Qiao Anxia, kaya dali-dali

itong napatuloy, "Xia Xia, hindi kita tinawagan para sabihin sayo na

magka'anak na kayo ngayon, gusto ko lang itanong kung may plano ba

kayong magkaanak kasi hindi naman na kayo mga bata ni Chen Yang. Lalo

na ikaw, kapag medyo tumagal pa, baka mahirapan kang magbuntis dahil sa

edad mo…."

"Xia Xia, tinawagan ko rin si Chen Yang. Alam kong wala kayong planong

magkaanak dahil sakanya. Sinabi niya sakin na ayaw niyang magka'baby

kayo dahil gusto niya raw na masolo ka. Pero para sakin, mali kasi yung

ganung mentality…. Sa paglipas ng panahon, maiintindihan niyo rin kung

gaano kahalaga na may anak kayo….

"Mama ako ni Chen Yang kaya alam kong nalilito pa siya ngayon, pero sana

wag mo siyang tularan… Isa pa, siya nalang ang nag-iisang anal na lalaki ng

Chen family. Mula noong ikasal kayo, naghihintay na ang lolo niyo ng apo…

Yun lang naman ang gusto niya…

"Xia Xia… Kung ang inaalala mo ay marami kayong ginagawa, wag kang mag-

alala…. Tutulungan kitang mag-alaga ng baby niyo… Xia Xia, ang tagal niyo

na kasing kasal ni Chen Yang. Wala naman akong ibang hinihiling sayo, pero

sana pag-usapan niyo ang tungkol dito…"

Alam ni Qiao Anxia na sa kabila ng malambing na boses ni Mrs. Chen, ay

isang obligasyon na kailangan niyang tuparin. Pero paano? Habang nakikinig

sa sinasabi ng biyenan, dahan-dahan siyang sumandal sa dining table.

Sobrang putla ng kanyang mukha, habang nakahawak ng mahigpit sa

sibuyas, at maging ang kanyang mga labi ay nanginginig din dahil sa

magkakahalong emosyon na nararamdaman niya, pero nang sandaling

matapos na sa pagsasalita si Mrs. Chen, pinilit niyang kumalma at magalang

na sumagot. "Ma, naiintindihan kop o, kakausapin ko po siya."

Maraming pang sinabi ang mama ni Chen Yang bago tulyang nito putulin ang

linya.

Pagkatapos ng tawag, biglang nabalot ang kusina ng sobrang katahimikan.

Halos sampung minutong nakatulala sa kawalan si Qiao Anxia, bago siya

muling lumuhod sa tapat ng basurahan para ipagpatuloy ang pagbabalat ng

sibuyas, na para bang walang nangyari. Pero kahit anong pilit niyang

magpanggap, hindi niya pa rin napigilan ang kanyang mga luha sa pagbuhos,

kasabay ng paglaglag ng balat ng sibuyas sa loob ng basurahan…

-

Kinabukasan, hinintay lang ni Qiao Anxia na pumasok si Chen Yang sa

trabaho bago siya patakas na pumunta sa ospital para kausapin ang doktor

na ilang taon ng gumagamot sakanya.