webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Integral
Sin suficientes valoraciones
32 Chs

Chapter 21

C H A P T E R T W E N T Y O N E

~**~

Kinabukasan, maganda ang mood ko pagkagising. Ngunit mukhang kabaligtaran sa 1hundred Days team. Pagkalabas ko kasi ng kwarto, mga nakabusangot nilang mukha ang nakita ko. Nakapalibot ang iba kay Direk BS na kinakausap sila at wari'y binibigyan ng instruction.

Kalong kalong ni Direk BS si Baby Timo at maging ang bata seryoso. Si Sunny naman at ang ibang crews, nag-uusap. They all looked serious... and frustrated at the same time.

"Good morning!"

Napalingon ako kay Lian. Nasilaw naman ako sa ganda ng ngiti niya. Jusko, ang aga aga pinapasaya na agad niya ako sa pamamagitan lang ng pag-ngiti niya ng matamis.

I smiled back at him. Pagkalapit niya sa akin, binigay niya sa akin ang sandwich at baso ng gatas na hawak niya.

"Anong meron?" Si Lian na ang tinanong ko. Mas maaga siyang nagising sa akin kaya baka may idea siya sa kung ano ang nangyayari.

Nagkibit balikat siya. "May mga kalaban sa labas."

"Ha?" I shrieked.

Tumawa siya ng malakas.

"Crazy fans are out there."

Napatingin ako kay Sunny na nagsalita habang papalapit sa amin.

"Kung hindi lang siguro sa mga security sa labas malamang sinugod na nila itong loob ng bahay at dinumog kayong dalawa. Well, actually nagpatawag pa kami ng mas madaming security para humarang sa kanila."

"Pero paanong..." Bigla akong napatakip ng bibig. "Ako ba may kasalanan?"

Tumawa na naman ng malakas si Lian. Tiningnan ko siya at pinanlisikan ng mata. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Ako talaga yung may kasalanan," sabi niya kay Sunny. "Ako lang naman yung dahilan kung bakit nagawang magpahatid ni Xiana sa isang fan eh."

Sunny rolled her eyes. "Kanina ka pa sa kakaako ng kasalanan. Sinabi lang ng isang crew na si Xiana ang may dahilan."

"Sorry po." I bowed my head. Waaah. Anong gulo itong ginawa ko? Makakapag-film pa kaya kami ng maayos kung may mga tao sa labas na akala mo eh nagwewelga? Ngayon nga rinig na rinig ko silang sumisigaw mula sa labas. Sinisigaw nila ang pangalan namin.

Lian squeezed my shoulder. "Wag ka ngang mag-sorry. Ako yung may kasalanan dito."

Again, Sunny rolled her eyes.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong naglalakad palapit sa amin si Direk BS. Tumingin ako sa kanya. Nang makalapit siya sa amin, kinuha ni Lian sakanya si Baby Timo at siya na ang nagbuhat nito.

"Pupunta tayo sa Tagaytay, mas maaga compare sa nakasulat sa activity list ninyo," sabi ni Direk BS. "You will stay there until the end of the show. That is... kung papayag kayo."

"Kahit saan naman payag ako basta kasama ko si Xiana," sagot ni Lian.

"Ikaw, Xiana?" tanong ni Direk BS. Kung payag daw ba ako.

"Ganun din yan," si Lian na ang sumagot.

Tumango ako.

"Pack your things up, then."

Pagkagising ko kinaumagahan, tiningnan ko agad ang oras sa cellphone ko: 10:31AM. Bumangon ako at sumilip sa balcony kung saan kita ang magandang tanawin. Puting buhangin, asul na dagat at berdeng berdeng mga puno. Napapikit ako nang yakapin ako ng sariwang hangin.

Bigla ay pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi pagkaalis namin ng bahay. Gabi kami umalis ng bahay. At kahit dis oras na ng gabi, ang dami pa ring fans ang nasa labas. Pinaliligiran na kami ng mga body guards pero nagagawa pa rin nila kaming kuyugin. Niyakap ako ni Lian at hinawakan ang ulo ko para protektahan. Ako naman hirap na hirap sa pagkalong kay Baby Timo para hindi siya masaktan. Nasa pagitan kasi namin siya ni Lian.

Nakahinga kami ng maluwag nang sa wakas ay makasakay sa van. Ang daming kumakatok sa bintana habang nakataas ang mga cellphone nila. Ang ingay. Nakakaloka!

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko para magbasa ng unread messages. Hinanap ko agad ang pangalan ni Lian dahil tuwing umaga nakakatanggap ako ng text sakanya. At hindi naman ako na-disappoint.

BOSS L

Good morning! I love you :) Have breakfast with me. Hinihintay kita.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang time detail ng text niya: 8:09AM. Dalawang oras na rin ang nakakalipas. Siguro naman nag-almusal na siya at hindi na ako hinintay.

Lumabas ako ng kwarto tapos sinilip ko muna si Baby Timo sa kwarto niya. Napangiti ako pagkakita sa kanyang natutulog ng mahimbing. Sinara ko ang pinto at bumaba na para pumuntang dinning room dahil nagugutom na ako.

Sa lamesa, may taong nagbabasa ng dyaryo. Hindi ko agad siya nakilala kasi takip na takip ang mukha niya.

"Good morning po," bati ko sa kanya kahit di ko pa alam kung sino siya. "Kakain na po ako ha." Umupo ako sa tapat niya, kung saan may nakahanda ng plato, tapos tiningnan ko isa isa ang mga pagkaing nakahain.

"Mabuti naman nagising ka na," sagot nito at binaba ang hawak na dyaryo.

Natigilan ako sa paglalagay ng fried rice sa pinggan ko nang marinig ang boses ni Lian. Tiningnan ko siya. Tapos sa platong nasa tapat niya na wala pa ring laman.

"Ano yan, di ka pa nag-aalmusal?"

"Nabasa mo naman yung text ko diba?"

"Edi sana ginising mo ako."

"Kaya ko naman maghintay." Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Dito ka nalang pumwesto."

"Ako pa mag-a-adjust?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Malamang. Pinaghintay mo na nga ako eh."

"Sinabi ko ba kasing maghintay ka?" angal ko pero kumikilos na papunta sa tabi niya bitbit ang plato ko. Nilapag ko muna ang pinggan sa lamesa. At nung uupo na ako, hinila niya ang upuan. Katulad ng madalas niyang gawin kapag gusto niya akong pagtripan.

Pero iba ang ngayon. Kasi yung madalas, hinahayaan niya akong bumagsak sa sahig. Pero ngayon sinalo niya ako sa bewang. Dahan dahan niya akong binaba sa sahig hanggang sa mapaupo ako dito.

"I love you," nakangiting sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Pagkatapos, inalalayan na niya akong tumayo at umupo sa upuan.

It is as if ginawa niya iyon para hindi makita sa camera. Ginawa pa naming taguan ang lamesa.

Uminom siya ng kape na parang walang nangyari. "Whoo. Ang lamig," aniya.

Natawa ako. "Gusto mo ipagtimpla kita ng bago?"

Siguro kanina pa niya tinimpla ang kape. Lumamig ng husto dahil hinintay niya ako.

"Di na. Sayang eh. Salamat nalang."

Humarap siya sa akin. Tinitigan ako, tapos nilagay ang ilang hibla ng buhok kong kumawala sa likod ng tenga ko. Pumahalumbaba siya tapos tinitigan na naman ako. Medyo nakangiti pa.

"Wag ka ngang tumitig ng ganyan!" saway ko sa kanya.

Natawa lang siya. Inirapan ko siya at nagsimula ng kumain. Nang may ibinulong siya na ikinapula ng pisngi ko.

"Yung kiss ko?"

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago siya binulungan din. "Hindi pa ba kiss yung ginawa mo kanina?"

"That was from me. I'm talking about a kiss from you. C'mon, give it to me now."

"Wag ka ngang pahalata," mahinang sabi ko habang pasimpleng tinitingnan ang mga cameras na naka-install. It's a good thing hindi kami sinusuotan ng lapel kaya hindi maririnig kung bulungan kami mag-usap. Pero kahit na... they could hire an expert na kayang basahin ang buka ng bibig namin. Uh-oh, we should be more careful.

Tawa ng tawa si Lian sa sinabi ko kaya siniko ko siya. "May nakakatawa ba?" angil ko.

"Lakas mo kasi magpatawa! Bakit, ano ba tayo dito sa show? Couple diba? There's no reason to hide our sweetness."

Napa-Ohhh ako. Okay, I get his point. Ba't ang slow ko?

Binunggo ni Lian ang siko ko gamit ang kanya. "Ano na? Asan na yung kiss ko?" Sabay tinuro niya ang kaliwang pisngi niya.

"Ayoko. May mga cameras. Mamaya na."

Sumama ang tingin niya. "Ikaw nung isang gabi ka pa ah."

"Oh tapos?"

"Humanda ka sa'kin, di kita... tatantanan!" At ginaya pa talaga niya ang boses ni Mike Enriquez.