webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Integral
Sin suficientes valoraciones
32 Chs

Chapter 17

C H A P T E R S E V E N T E E N

~**~

"Argh! Nakakainis!" Sa pagka-frustrate ko sinabunutan ko ang sariling buhok.

"Hala, Xiana. Anong nangyayari sa'yo? Tsaka basang basa ka. Gusto mo ng jacket? You can wear this." Hinubad niya ang jacket niya habang nagmamaneho gamit ang isang kamay.

Tinanggap ko na kasi giniginaw na talaga ako.

Hininaan ni girl ang aircon.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at nahuli kong namumula ang pisngi niya.

"Arianne po."

"Thanks, Arianne."

"No prob. Dito na ba?"

Tumingin ako sa labas. Nasa village na nga kami. Tinuro ko sa kanya ang direksyon at nanahimik nalang hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Pwede pong pa-picture? As a proof po na sumakay ka sa kotse ko."

"Sure."

***

"Ano? Nagpahatid ka sa isang fan?" gulat na tanong ni Sunny pagkauwi ko. Si Direk BS kalong kalong si Baby Timo at ang ibang crew nakapwesto.

Pansin ko rin na may decorated table ang nasa gitna at may maraming pagkain. May mga metalic balloons din.

HAPPY 30TH DAY W/ U!

May mga petals pa ng rose ang nagkalat sa sahig.

"Nasaan ba si L? Sinundan ka niya hindi dumiretsosa guesting nya. Nagkasalisi ba kayo?" tanong ni Anthony, the Camera Director.

"Maligo at magbihis ka na muna, Xiana. Baka magkasakit ka."

Sa lahat ng mga nagsalita, kay Direk BS ako natuwa.

"Sige po." Ngumiti ako at naglakad na papunta sa kwarto. Narinig ko pang nagsalita si Sunny.

"Hindi natin dapat ipagwalang bahala iyon. Alam mo naman ang mga fans sa panahon ngayon. What if magtawag iyon ng iba pang fans? At ang mga fans na 'yon magtatawag rin ng kapwa fans. Jusko, panigurado dudumugin nila itong bahay. Pakitawagan an management ng village na ito at pakisabing pakihigpitan ang security."

Pagsara ko ng pinto saka ako napaisip. Na-realize ko kung ano ang posibleng maging dulot ng ginawa ko. Aaahh! Hindi ka talaga nag-iisip, Xiana!

Matapos kong maligo at magbihis ng dress na pinatungan ko ng sweater, lumabas na ako ng kwarto. Na sakto namang pagdating ko sa living area dumating si L na basang basa rin. Agad na naglapitan sa kanya ang mga babaeng crew at inabutan siya ng tuwalya.

Wow. Sa akin walang ganyan kanina ah.

Nagkatinginan kami ni Lian. At ako ang unang nagbawi ng tingin. Kinuha ko si Baby Timo kay Direk BS at naupo sa upuan sa tapat ng maraming pagkain. Just as I was instructed.

Kahit basang basa, umupo si Lian sa upuan na katapat ko. Mabuti nalang nasa kandungan ko nakaupo si Baby Timo kaya kahit papaano nadi-distract ako.

"Try the beef burger. Favorite mo yan diba?" sabi ni Lian nung sinusubuan ko ng carbonara si Baby Timo.

Napatingin ako sa tray kung saan may patung-patong na burger. Napalunok ako. Binitawan ko ang hawak na tinidor at kumuha ng isang burger. I took a big bite.

Humagalpak ng tawa si Lian. Marahil dahil sa naging ekspresyon ko. May pinatong siyang beans sa ibabaw ng beef bago ang bun kaya hindi ko napansin. He knew how I despised beans.

Tumakbo siya palayo. At ang crew naman especially the camera men and those na naghahawak ng mga apparatus eh umatras. Expected nila na hahabulin ko si Lian. But I remained on my seat. Tahimik kong binalik ang burger sa tray at uminom ng juice.

Bumalik si Lian at dumungaw sa pinto. Tiningnan niya ako na para bang sinasabing, "Hindi ka gaganti?"

Hindi ko siya pinansin at pinakain na lamang si Baby Timo ng kung anong pagkaing ituro niya. I heard the team whispering something. Tila naninibago sa inaasta ko.

Halata kay Direk BS na hindi siya natuwa sa filming namin ngayong araw. Imbes na hanggang 8PM kami magfi-film naging 5pm nalang. Mabuti na rin. Ang hirap um-acting na parang OK lang ang lahat.

Of course I'm not fine. I'm being dumped by a guy. Hello?

"Hoy, nasaan na yung regalo mo sa'kin!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lian. Pinause ko muna ang pinapanood kong anime at nilingon siya.

"Kunin mo sa pangalawang drawer sa hidden room."

"Ito ba?" Tinaas niya ang maliit na paper bag.

Siningkitan ko siya ng mata. "Nakuha mo na pala eh. Ano pang dinadada mo dyan?"

Inabot niya sa akin yung paperbag tapos tinaas niya ang kamay niyang nakasara.

"Hindi naman masama kung ikaw ang magsusuot sa akin ng regalo mo, diba?"

Napairap ako. "Ayoko." Tinalikuran ko siya at pinindot ang play sa remote. Nanood na ulit ako.

"Ayaw mo?" rinig kong sabi niya. "Kasi ako ang gusto mo?"

Nabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Pasalamat at nasa likuran ko siya kung kaya't hindi niya nakikita ang pagtigil sa pagkurap ng mga mata ko at ang pisngi kong nangangamatis.

May malaking paperbag ang humarang sa pinapanood ko. Hawak iyon ni Lian habang nasa likuran ko pa rin siya.

Nilingon ko siya. Bumungad sa akin ang ngiti niyang nakakasilaw.

"Ano 'yan?"

"Yung bag na gusto mo."

"Ha?" Napatayo ako. Hinablot ko sa kanya ang paper bag at sinilip ang laman. Nalaglag ang panga ko pagkakita sa napakagandang bag na dati ko pa gustung gustong bilhin pero napakahirap hanapin. "Akala ko ba kay Ainon mo ito ibibigay?"

"Hmm?" taka niya. "May sinabi ba ako? Madaling isipan ng regalo si Ainon dahil puro dress ang hilig nun. Ikaw, kilos lalaki ka kasi kaya malay ko ba kung mahilig ka din sa mga pangbabaeng gamit."

Sinuntok ko nga.

"Tsaka bakit ko naman ibibigay sa iba yan? Alam ko namang gustung-gusto mo 'yan. Your eyes were sparkling when I asked you kung ano ang magandang ipang-regalo."

Niyakap ko ang bag at kinilig. "Thank you."

"Yung bag niyayakap mo, ako hindi?"

Natawa ako. Kinuha ko sa isang kamay niya ang maliit na paper bag. Sa loob nun ay may box kung saan nakalagay ang bracelet. Sinuot ko iyon sa kanang kamay niya.

"Salamat. Happy 30th day, Xiana!"

Nanlaki ang mga mata ko nang niyakap niya ako. Sandali akong natigilan. At nang matauhan tinulak ko siya.

"Porket alam mong gusto kita, nagti-take advantage ka na?" Inirapan ko siya at tinalikuran.

Papunta na ako sa hidden room ng magsalita siya na talagang ikinatigil ng mundo ko.

"I like you, Xiana."