webnovel

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
17 Chs

CHAPTER THREE

KATATAPOS lang ng gig nina Oreo, nag-uumpisa ng magligpit ang mga kasama niya, maski ang mga crew sa restaubar ay nag-uumpisa ng maglinis ng kalat ng mga naging costumer nila ngayong gabi. Iilan na rin ang mga natitirang costumer na nag-iinom.

Lead vocalist siya sa kanilang banda, minsan ay naggui-guitarist din siya kung hindi makapasok si Vince na member nila sa banda. Pamilyadong tao na ito, kasalukuyang buntis pa ang asawa nito. Lagi itong absent dahil sa problema  nito sa pamilya.

Hindi niya mawari kung bakit kailangan paglaanan ng emosyon ng mga mortal ang isang bagay na magbibigay naman ng problema sa mga ito. For him love is a mistakable choice. Ito ang nagiging puno't dulo ng kasawian ng lahat ng bagay sa mundo. Infact iyon ang naging dahilan bakit sila pinaparusahan.

Agad niyang isinilid sa bag ang electric guitar na gamit nila. Ibinigay niya iyon kay Ton.

"Uwi ka na Oreojon?"tanong nito sa kanya.

"Oo, may aasikasuhin kasi ako sa bahay. Ako ang tutuka sa bata."

Napangiti naman ng maluwang ang kausap niya.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa pag-ibig. Pero sa narinig ko mukhang may concern ka sa anak mo."pabirong sabi ni Ton sa kanya.

Imbes na sagutin ang biro ng kasama ay minabuti nalang niyang tumahimik. Bahala itong mag-isip ng kung anu-ano.

Matagal na rin siya sa banda, ngunit pinanatili niyang pribado ang personal na buhay sa mga kabanda. Hindi sa ayaw niya, ngunit iyon ang dapat. Kailangan nilang sumunod. Para manatili ang lahat sa kaayusan.

Dahil ayaw na nilang maulit pa ang naganap dati, kung saan, iyon ang naging dahilan para mawasak ng tuluyan ang mundo ng Acceria.

Naglakad na siya palabas ng bigla'y matigilan siya. Isang babae ang bumangga sa kaniya, maybe dahil sa pagmamadali nitong pumasok sa restaubar ay hindi siya nito agad napansin.

Isang sigaw ang namutawi sa labi nito, kasabay ng pagkasalampak nito sa sahig. Tinitigan lamang ito ni Oreo, lalagpasan na sana niya ang babae ng maramdaman niyang hinawakan siya sa braso nito.

"Hoy lalake! Hindi ka man lang magso-sorry!"Galit nitong sita sa kanya.

Mababakas sa mukha ng babae ang inis. Tinitigan ito ni Oreo mula ulo hanggang paa. Mukhang okay naman ito.

"Why should I have to say sorry. In the first place ikaw 'tung bumangga sa akin."malamig niyang tugon sa babae.

Napaawang ang labi ng babae, bumuka't sumara ang bibig nito upang mag-salita, ngunit sa huli'y pinigilan na lamang nito ang sarili.

Mabilis nitong tinalikuran ang binata. Maski si Oreo'y nag-umpisa ng maglakad palabas.

Ngunit sa hindi niya matukoy na dahilan ay muli niyang sinundan ng tingin ang babae. Nakita niyang tumigil ito sa lalaking nanatiling nag-iinom kasama ng ilang mga kalalakihan.

"Umuwi na tayo Drake, umaga na."bungad ng babae sa lalaki.

"Ano ba Oleene, 'di ka ba nakakaintindi? Diba ang sabi ko hintayin mo nalang akong makauwi?pumunta ka pa talaga rito!"Galit na sabi nito sa babae.

"Sinungaling! Alam ko namang sa babae mo na naman ikaw pupunta!"puno ng emosyon na sabi nito. Nag-umpisa na itong mag-iiyak, kitang-kita ni Oreo iyon. Hindi niya maintindihan pero may naramdaman siyang inis para sa babae.

Mayamaya'y nakita na lang ni Oreo na akma ng sasampalin ng lalaki ito. Napakuyom ng kamao si Oreo, kasabay ng pagtatagis ng kanyang mga ngipin.

Kahit na sinong nilalang ay walang kakayahan na tratuhin ng ganoon. Lalo't babae ito. Naisip niya ang ina niyang si Kendra. Kahit na kailan ay hindi niya nakitang pinagbuhatan ito ng ama nila.

Sa isang kisap-mata'y biglang tumigil ang lahat. Si Oleene naman ay tila nabibigla sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kitang-kita niya ang paglapit ng lalaking nakabangga niya kanina sa boyfriend niyang si Drake.

Agad na hinawakan ng lalaki ang kamay ni Drake. Mahigpit nitong hinawakan iyon. Kitang-kita ni Oleene ang pamumula ng kamay nitong nakabitin sa ere.

Nagsimulang tagasan ng masaganang dugo iyon. Narinig pa ng dalaga ang tila pagkadurog ng buto sa kamay ni Drake.

Bigla siyang kinabahan ng dumako ang mga mata nitong namumula. Ang pagkakaalala niya'y kulay lila iyon.

Mabilis siya nitong hinawakan sa kamay kasabay ng paghila nito sa kanya. Nag-umpisa na rin magsigalawan ang lahat, nakita pa ni Oleene ang pagpalahaw ng sigaw ni Drake.

Hila-hila siya ng lalaki palabas, marahas siyang isinandig ng binata sa pader pagkatapos.

Kabang-kaba siya sa mga sandaling iyon. Ramdam niya ang hininga ng lalaki sa mukha niya.

Mula sa kinaroroonang eskinita'y walang masiyadong dumadaan. Madilim din at tanging ang mapusyaw na liwanag sa 'di kalayuang poste ng ilaw ang liwanag nila sa kinaroroonan.

Nakakatiyak siyang katapusan na niya. Napapikit na lang siya habang patuloy na nagdadasal. Alam na niya ngayon na hindi ito basta pangkaraniwang nilalang lamang!

Mayamaya'y naramdaman na niyang binitiwan na siya ng lalaki, unti-unti siyang nagmulat.

Muli, nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Tuluyan ng bumalik sa dating kulay ng mata nito. Napalunok nalang ng laway si Oleene. Isang ngisi ang nakita niya rito.

"Anong akala mo sa akin, sasaktan kita?"bulong ni Oreo.

"Pero hindi ka tao."naisatinig ni Oleene.

Bigla'y nawala ang pagkakangisi ng binata. Agad na itong naglakad palayo. Ngunit agad din siyang napatigil. Nanatili ang tingin ng binata sa ibang direksyon.

"Umuwi ka na Oleene, hindi karapat-dapat sa iyo ang lalaking iyon. Hindi mo kailangang magtiis."

Bigla namang nakaramdam ng lungkot ang dalaga. Naisip niya saan siya uuwi kung wala na siyang uuwian. Namatay sa isang trahediya ang mga magulang ng dalaga, kaya upang sa murang edad ay kinailangan niyang magbanat ng buto para makakain. Nagbago lang ang buhay niya ng makilala niya si Drake sa una'y alagang-alaga siya nito, ngunit paglaon ay unti-unti itong nagbago ng pakikitungo. Hindi niya kasi masisisi ang nobyo, dahil hindi niya kayang ibigay rito ang pagkakabae niya.

Napabuntong-hininga naman si Oreo, patuloy lang niyang pinaglalakbay sa mukha ni Oleene ang mga mata niya. Unang dikit palang ng katawan nito sa kanya'y nakaramdam na siya ng kakaiba. Her blood makes him to taste it. Ibang-iba ang amoy ng dugo nito sa mga nakaksalumaha niyang tao.

Maybe because she's a virgin...

Agad niyang pinalis ang isipin iyon sa utak.

"If you don't have a place to go, willing akong patirahin ka muna sa amin. Don't worry may ipapatrabaho naman ako sa iyo."bigla niyang propose dito.

Naisip niya na maaring maging yaya ni Eleezhia si Oleene, natitiyak niyang hindi na siya kukuwestyunin ng mga kapatid kapag nagkataon.

Hinayaan niya lang itong mag-isip muna. Alam niyang nag-aalangan ito, hindi dahil sa estranghero siya.

Dahil hindi siya tao. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa kadahilanang hindi sila magka-uri nito.

"Okay payag na ako, ngunit sa isang kondisyon."

Tuluyan siyang napangiti ng marinig niya mula sa labi ng dalaga ang pagpayag nito.

"Anong kondisyon?"agad niyang tanong sa babae. Nakita niya pa ang kakaibang titig nito sa kaniya.

"No string attache a-and don't you ever fall inlove to me mister!"bigla nitong sabi upang tuluyan siyang humalakhak. Nang makahuma ay agad niya itong kinumpronta.

"What gotten to your nerve para ako pa ang sabihin mo niyan. Never in my entire life to get involve of a human like you."sagot niya rito. Imbes na mainis ay naammuse siya kung gaano ka-advance ang utak ng babae. Agad na niya itong binuhat.

"Just close your eyes Oleene, hold tightly , baka mahulog ka."anas niya.

Kitang-kita niyang sumunod ito sa utos niya.

"Be ready, kapit ka lang... 'wag ka lang mahuhulog sa akin."bulong niya. Ngunit ang mga huling salita nito'y sa isip na lang niya nasabi...

Oreo As Daniel Padilla

Oleene As Kathryn Bernardo