webnovel

Chapter 6

Present

"I'll try." Napamaang si Lime nang lumapit si Lemon sa kanya. Hindi na ito nakasuot uniform nito sa Café. Marahil tapos na ang duty. "I'll go out with you."

He could see the fire in her eyes. At walang pagsidlan ang kaligayahan niya. Pumayag na ang dalagang lumabas silang dalawa.

"Okay. Where do you want to go?" And he was again, dumbfounded by her sweet smile. How he missed those eye smile.

Hinayaan niya itong magdesisyon kung saan sila magd-date at napanganga na lang siya nang makarating sila sa isang amusement park.

They tried different rides and she enjoyed all of it. Tatawa-tawa silang umalis sa anchor away.

"That's fun." magaan ang ngiti niya.

"You know, akala ko hindi ka marunong ngumiti. Para kasing one million dollar ang ngiti mo. Sandali lang but I'm happy that you're smiling now." Mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi ni Lemon sa kanya.

"Thanks for that." sinserong wika niya.

"Oh, wait! Ice cream! Tara! Bili tayo!" Hinila siya ito sa isang ice cream stand. She looks so silly and childish and instantly he remembered the young Lemon. Ang malayang Lemon. Kaibahan ngayon na feisty na ang ugali at may pagka-cynical.

Binilhan siya nito ng cookies and cream. Hindi pa rin nagbabago ang preference nito sa flavor ng ice cream.

"You're different but you're still Lemon Hortezano. May mga bagay pa rin na nanatili sa 'yo." bigla'y sabi niya rito na ikinangiti nito.

"I wanna ask you this. How do you manage to go on without me? Are you still holding before na makikita mo pa rin ako? Did you think that I dead? Cause you know, it's really painful to think about it. I'm sorry for the pain I've cause you, Lime." malungkot na saad nito, malayo ang tingin.

Napakurap-kurap siya at tiningnan ang natutunaw na ice cream. Umangat ang sulok ng mga labi niya.

"It's okay. I'm still hoping that you're alive. Kahit hindi man kita makita ay nanatili pa rin ang damdamin ko para sa 'yo. I longed for you. I missed you like hell that I really want to hug you right now pero ayokong gulatin ka sa mga bagay na iyon. Maybe, I love you that much that it's worth the pain."

Tila natuod siya nang makitang kumikislap ang mga mata nito.

"You really love me, huh." nakangiting sabi nito sa kawalan. "You're impossible, Lime. Are you real?"

She touched his face. Hinawakan niya ang kamay na humaplos sa mukha niya at ninamnam ang init na hatid nito.

"I am. And you're real too." sambit niya.

She gave him a chaste kiss. Ilang segundo lang iyon pero matindi ang epekto niyon sa kanya.

"The night is young, Lime. Tara! Sa ferris wheel tayo!"

Hinatak siya nito patungo sa ferris wheel. Nang sumakay sila sa ferris wheel ay hinayaan niya si Lemon na umidlip muna sa balikat niya.

Tumigil ng isang minuto ang capsule sa tuktok at sinamantala nila ang pagkakataong pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Pag gabi, natatagpuan ko ang sarili kong nagbibilang ng bituin. I'm lost before. I don't know who I am. I'm deppressed and has no one to lean on. Life isn't easy for me. I experienced lots of rejections. Para akong basang sisiw na walang nagmamay-ari. I'm glad that I overcome it even if I'm alone. Maybe, we will appreciate life if we suffer."

"You're dependent to me before, Lemon. There's moments that I avoided you for you to know that you have to stand on your own two feet. Baka dadating ang panahon na wala ako sa tabi mo. Dumating nga ang araw iyon. Halos nangapa ako sa dilim nang mawala ka. Gumuho ang mundo ko. Nahiwalay ako ng landas ng ilang sandali and then Cyriel punched me in the face. It's not the end of the world and maybe He will grant you for me. If this is a dream, then I don't want to wake up."

Naalala niya bigla ang komprotasyon nila ni Cyriel sa bar ni Yuhan.

Nagpupuyos ito sa galit at pinipigilan ang sariling sugurin siya ulit. Pinipigilan ito nina Yuhan, Charlie at Brandon. Kagaya niya ay nakainom din ito. Dinaluhan siya nina Draze at Carl Joseph.

"You believe that she isn't dead then why are you here? Mourning of her lost! Tangina, Lime! Umayos ka! Sa tingin mo masisiyahan si Lemon makita kang ganyan kamiserable, ha? Isipin mo naman kami, sa tingin mo ayos lang sa amin na makita kang ganyan ka wasak? Fix yourself! Maging matatag ka para kay Lemon! Fuck, naghihintay tayong lahat dito. Ngayon ka pa ba, susuko?"

He get his life straight from that moment. Wala mang Lemon sa tabi niya ay sinikap niyang iahon ang sarili mula sa pagkakalugmok.

Sumulyap si Lime kay Lemon. Kumikislap ang mga mata. And he's dying to patch up the time they missed. Unti-unting bumaba ang ulo niya.

Their lips touched. Pinunan niya ang panahong nawala sa kanila.

---x

Lime rushed to the Café. He had a gut feeling that something is not wrong. It was like a dream yesterday. It felt surreal yet he had an idea that it will vanish in thin air.

Humihingal na nagtanong siya mismo sa Manager ng Café kung nasaan si Lemon.

"She resigned, Mr. Avanzedo but she left a letter for you. Just wait here."

Bumagsak ang balikat niya. His heart was shattered again into pieces. Napaupo siya sa pinakamalapit na upuan at naihilamos ang mukha.

Maagap na tinanggap niya ang scented envelope at nanginginig na binuksan iyon.

Ewan ko kung bakit nasasaktan ako ngayon pero sapat na ito para lumayo na ako sa 'yo. Kasi tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Hindi ko iyon maipaliwanag. Let be bygones and bygones, Lime. Umusad ka na. Go on with your life without me. Thank you for everything.

Love,

Lemon

Nagtanong siya sa mga katrabaho nito kung may alam ito kung nasaan si Lemon ngayon.

"Wala na siya sa apartment namin. Nakita ko siyang umiiyak habang nag-iimpake. Inusisa namin kung ano ang problema ngunit ayaw niyang sabihin sa amin. Hindi na namin siya pinilit kung saan siya pupunta."

Nanlulumong lumabas ng Café si Lime at napaupo sa gutter.

No. She left. Again.

---x