webnovel

Chapter 1

"We can give you a fifty percent discount sa space rental namin sa building. My family owned it."

"Why don't you chill for a while, Asrah? Tutal naman isa kang bum ngayon. You're not that busy, puwede kang mag-stay dito ng matagal sa resort. May twenty-five discount ka na sa room na gagamitin mo."

"Kung ako sa 'yo, matagal na akong nag-quit bilang assistant no? Sino ba ang gugustuhing sunod-sunuran ka lang sa executive housekeeper n'yo? Bakit ba napunta ka sa department na 'yon? It's..." her batchmate trailed off.

"Oo nga. Mas mabuting bumukod ka na ng negosyo at ikaw ang namamahala. Puwede kang manghiram ng puhunan sa-

Natampal ni Asrah Jane ng malakas ang kamay niya sa mesa dahil sa inis. Her face twitched, tanda na nagtitimpi lang siyang buhusan ng mga ito wine ng hawak niya kanina na kopita.

"Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa inyo o matutuwa. Sa inyo na ang discount na sinasabi n'yo. Malayo man ako sa katayuan ng buhay n'yo, hindi pa rin magbabago na kasing bulok ng karne ang pag-uugali n'yo." Tila asido ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Bahaw na tumawa ang pasimuno nang humila sa kanya sa mesa ng mga ito, si Sidney. Pumalakpak pa ito.

"That was a great speech. Same old Asrah Jane. Lumalaban pero pinapaalala ko lang sa 'yo. We're on the top," Iminuwestra nito ang engrandeng chandelier sa function room na iyon saka itinuro ang sahig. "And you're here. Nasa lupa ka pa rin, Asrah Jane. You can't change it. Makuba ka man sa pagtatrabaho. Hindi mo kami malalampasan."

Kanina pa nagpipigil ng inis si Asrah Jane. Baka kung hindi siya makapagpigil ay isasambulat niya sa pagmumukha ng Sidney na ito ang mga pagkain sa mesa nila. Kung hindi lang dahil sa isang bagay na iyon na inaasam niya ay nuncang pupunta siya sa lintek na reunion na iyon.

"Mga plastik. At mapagpanggap. Kailan kayo titigil sa pagiging perpekto ninyo? Hanggang kailan ang pag-iilusyon ninyo sa perpekto n'yong buhay? Madadala n'yo ba sa huling hantungan ang kayamanan at kasikatan ninyo? Hindi."

Iminuwestra niya ang sahig.

"Lalagapak pa rin kayo dito at ililibing kayo rito oras na kunin na ang buhay n'yo." mataray niyang dagdag.

Bago pa man siya sugurin ng mga maaarteng babaeng 'yon ay lumayas na siya at pumunta ng rest room. Naghilamos si Asrah Jane at binura ang make-up niya sa mukha.

Kanina pa kasi siya nangangati dahil hindi siya sanay sa make-up kahit pa kailangan iyon sa trabaho niya noon. She resigned from her job.

Napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin at napabuntong-hininga. Ang shoulder-length niyang buhok ay inilugay na niya mula sa pagkaka-bun.

Um-attend lang naman siya sa Alumni Homecoming dahil sa isang taong pinangakuan na babalikan siya sa okasyon na iyon ngunit malapit ng matapos ang school reunion ay wala pa rin ang anino nito.

Palabo na ng palabo ang pag-asang matutupad nito ang pangako nito. Sampung taon na ang lumipas. May magbabago sa sampung taon na iyon.

Paano kung hindi ito ang lalaking nakilala niya noon? Ang lalaking totoo sa sarili nito at walang kaartehan sa katawan? Ang lalaking napagtitiisan ang raging temper niya? Ang lalaking pinrotektahan siya sa pangungutya ng mga taong nasa paligid niya? Ang lalaking kayang kontrahin ang angkan nito, 'wag lang siyang masaktan?

Bumibigat na ang pakiramdam niya at tila lalagnatin siya sa sama ng loob. Napaupo at napasandal si Astral sa pader ng rest room. Hindi niya pinansin ang mga batchmates niyang pumasok sa rest room.

She removed her four inches heels. Sumasakit na ang paa niya dahil sa sapatos. She was hazy and sleepy. She took a nap for a few minutes and reminisced those moments with him ten years before. Drain na drain na siya sa nangyari kanina.

She smiled at the sudden flash of memories.

-----x

10 years ago...

"Ano? Ayoko nga! Ano ka sinusuwerte? Babayaran ko na lang ang napinsala ko. Magkano ba?"

"Limang libo." seryusong sagot nito.

Natigilan siya, saan siya kukuha ng gan'ong kalaking pera sa isang bagsakan? Bakit ba siya nasuot sa gulong 'to? Malay ba niyang mahulugan niya ang lalaki mula sa puno kung saan siya nangunguyakoy? At malay ba niyang matatapon ang mga pinalengke nito sa pinakamalapit na imburnal?

Muntik pa silang ma-shoot sa imburnal na dalawa. Siya kasi ang nahagip ng mga kamay ng lalaki sa halip ang mga pinambili nito.

"Huhulugan ko na lang ng pera araw-araw." Muntik nang mapangiwi si Asrah sa pagkukunot ng noo ng naturang binata. Hindi nito binenta ang sinabi niya. "Please."

"Ayoko nga, alam kong aabutin ka ng ilang buwan sa pagbabayad."

"Iniinsulto mo ba ang pagiging mahirap ko?"

"Hindi. I'm just stating a fact. Bakit ba ayaw mo ng pinapagawa ko?" Mataman siya nitong tiningnan.

Ayaw niyang maging sunod-sunuran ng kung sino, lalo na isa itong Tansengco. Galing ito sa mayamang pamilya at ayaw niyang ma-associate sa kahit sino sa mga kauri nito. Gusto ni Asrah Jane na tahimik ang highschool life niya (though nabubully siya ng ibang mga estudyante).

"At isa pa, thanks to you, maghihirap ako ng isang buwan." He glared at her.

Nafru-frustrate na napahilamos ito sa mukha nito. Nagtaka siya, anong maghihirap? E mayaman nga ito di ba?

"Hindi ako mabubuhay sa hulugan mo ng pera. Araw-araw, bilhan mo ako ng mga gulay, prutas o karne sa palengke. Pamalit ng mga natapon mo. Mas maiging handaan mo ako ng pang-lunch. 'Wag mo akong bilhan sa cafeteria. I want a homemade one. You get it?"

Hindi siya makapagsalita. Nagdududa siyang tiningnan ito at tinantya ang pinagsasabi nito.

"I am Tansengco in name but I was disowned. I am a dethrone prince. Kapag di mo ginawa ang kondisyon ko ay ikaw ang kakainin at magbabayad ng medical bills ko oras na sinugod ako sa hospital sa sobrang gutom." masungit nitong saad at iniwan siyang nakatanga sa kondisyon nito.

Likod na ang nakikita niya nang mag-sink-in sa utak niya ang pinagsasabi nito. Di-nis-own ito ng sariling pamilya nito?

Kaya ba napapansin niyang hindi ito pinapansin ng pinsan at maging kapatid nito sa campus? Kung gan'on, bakit?

------x