webnovel

Chapter 1

Highschool era

"Gising na Lime. Male-late na tayo sa klase natin. Hoy! It's already six-thirty in the morning! You have to take a bath and eat your breakfast! Lime!" pambubulabog ni Lemon sa kanya. Kay aga-aga, diretso kaagad ito sa bahay nila at walang pag-aalinlangang pumasok sa kuwarto niya.

They're on the verge of puberty. First year high school na sila at nagbabago na ang katawan nila maging ang personalidad nila. Madalas nang nagha-hibernate si Lime nitong mga nakaraang araw.

He groaned frustratedly and sleep on his right, avoiding Lemon yet she managed to shake him instead. Bagay na tuluyang ikinainis niya. Napuyat siya kagabi sa kapapanood ng paborito niyang action series. Inaantok pa siya.

"Could you please go out of my room, Lemon? Bababa na ako. Later. Puwedeng lumabas ka na ng kuwarto ko?" maktol niya at itinakip ang comforter sa buong katawan niya. Wala siyang pakialam kung male-late siya tutal unang araw pa lang naman ng klase.

"It's our first day! Hindi ka ba excited?" Inalis nito ang pagkakatakip ng kumot kaya bahagya siyang nasilaw sa liwanag. Naiiritang iminulat ni Lime ang mga mata niya. Unlike him, Lemonade Jazz is a morning person.

Lemon seems glowing because of the sunrays behind her.

"Not. Five more minutes." sabi pa niya pero hinila lang siya ni Lemon paalis ng kama niya.

Napakakulit talaga ng babaeng 'to at wala siyang nagawa kundi bumangon. Pumiksi siya at pupungas-pungas na tumungo sa pinto niya. Hindi talaga siya titigilan ni Lemon hangga't hindi siya babangon. She's the most persistent girl he knows in his entire life and the most annoying too.

Bagot na bagot na naligo siya at halos manginig sa lamig ng tubig kaya madali siyang natapos. Thirty minutes lang ang ginugol niya sa pag-aayos ng sarili at dumulog sa mesa upang kumain ng agahan. Nandoon si Lemon kasama ang  mga magulang niya na abala sa laptop nila.

Napabuntong-hininga si Lime. Busy talaga ito sa kanya-kanyang trabaho. Nakasimangot na kumakain siya. Nakatukod ang mukha sa palad niya na bagay na ipiniksi ni Lemon.

"'Wag kang gumanyan sa harap ng hapag-kainan, Lime." saway nito sa kanya na ikinairap na lang niya sa kawalan.

Minsan, gusto na talaga niyang lumayo sa dalaga dahil gusto niya ng katahimikan. Nakakasira ng concentration ang kakulitan ni Lemon. Nakaka-drain mismo ng energy at hindi gaya nito na tila nakalulon ng baterya, siya naman tinatamaan ng katamaran.

"Good luck on your first day, kids. Pakabait kayong dalawa doon at 'wag manggulo. Lemon, pakibantayan si Lime. " bilin ng kanyang ina. He almost frowned. Mukha ba siyang bata?

Magnet minsan ng trouble si Lime. Kung bakit? Hindi niya alam. Marahil dahil tila papatay ang ekpresyon ng mga mata niya maging ang bangs niyang halos takpan ang mga mata niya. Bumuntong-hininga siya at itinulak palayo ang plato niya nang bahagya. Tapos na siyang kumain.

"Mom, I'm not a kid anymore. I can handle myself." sagot na lamang niya at tuluyang tumayo.

"Engage yourself in school, Limon Dale. Huwag mong paiiralin ang katamaran mo." dagdag ng Papa na muntik niyang ikinairap.

Kilala kasi siya ng mga ito na nire-reserve ang energy niya sa may kuwentang bagay. He usually sleeps and silently not doing anything which exhaust him. Bagay na pinagtataka ng ilan. Tinutukso na nga siya ng mga kaibigan niya na masyado siyang inactive at sluggish.

"Yeah, right." bulong niya sa sarili at kinuha ang backpack niya sa katabing upuan. Nauna siya kay Lemon na lumabas ng bahay.

Magkapitbahay silang dalawa at sabay na pumapasok sa eskuwelahan. Bored na bumaba ng kotse si Lime pagkarating sa entrance ng Weston High. Marami-rami na ang mga estudyante at mostly freshman ang mga 'yon.

"Lime!" Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Si Charlie. As usual, malaki ang ngisi nito at malaki ang nakareserbang energy kaibahan sa kanya. Kagaya ito kay Lemon na hindi kaagad napapagod. Gugustuhin niyang lumayo sa dalawa dahil nakakapagod ang mga itong tingnan. "Hi, Lemon! Dito ka rin pala mag-aaral ng highschool. Nice to see you again. How's summer by the way?"

Out of impulse na yumakap si Lemon sa braso niya. Sanay na siya sa pagiging clingy ng babae. Simula pa pagkabata ay buntot ito ng buntot sa kanya.

"Palawan is the best! Still spending my vacation in our rest house din. Napaka-refreshing! And it's good to see you again, Charlie." masigla nitong sagot kay Charlie.

Nagsimula na silang pumasok sa Weston High. Kaagapay niya ang dalawa sa paglalakad.

"Ikaw, Lime? Saan ka nagbakasyon?" tanong ni Charlie.

"I stayed at home. Sleeping." simpleng sagot niya. Hindi sumama si Lime sa summer escapade ng mga magulang niya sa Surigao City. Hinayaan niyang mag alone time ang dalawa. After all, subsob ang mga ito sa trabaho noong mga nakaraang buwan. Siya naman ay ginugol ang oras niya sa bahay, natutulog at napapasabak sa basketball kasama ng mga kaibigan niya.

"Ang boring." ani Charlie.

Hindi na lang siya sumagot at naglakad na papunta sa bulletin board.

He checked the list. And doomed, kaklase niya ang dalawa. Ang dalawang taong ayaw niyang makasama dahil nakakaubos ng energy. Napa-face palm siya.

----x

"Anong trip mo at kumakain ka dito sa shed?" takang tanong ni Cyriel sa kanya. Bumili ng lunch si Lime sa Cafeteria at pasimpleng tinakasan ang dalawa. Walang masyadong tao sa shed dahil malamang nasa Cafeteria ang majority ng mga estudyante.

"Nauubos ang energy ko sa dalawa. I want a peaceful surrounding." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. "Ikaw? What are you doing here?" 

Kalaban niya noon si Cyriel sa District competition na may kinalaman sa Chess at Damath noong elementarya. Magkaiba kasi sila ng eskuwelahan noon. Minsan siya ang nananalo. Minsan ito. Nagulat nga siya kanina na schoolmate pala niya ito at magkatabi ang classroom nila.

"Just like you. Ayoko nang maingay." Kumagat ito sa sandwich nito. Nagkibit-balikat siya. "Kasama mo pa rin ba si Lemon?"

"Oo."

"Ayos lang ba sa 'yo na mawala siya sa buhay mo? Ang ibig kong sabihin, magkakahiwalay na kayo ng landas?" biglang tanong nito. He paused for seconds and looked at him. He doesn't know what's inside his head.

"What kind of question of that?" nakakunot-noong balik tanong niya na bahagyang ikinangiti nito.

"Told you, you can't live without her."

"I can breathe without her, Kagawa. Hindi siya oxygen." pamimilosopo niya.

"Hindi natin alam ang susunod na mangyayari. Sabihin na nating, huwag magsalita nang tapos." makahulugang sabi nito at lampas ang tingin sa kanya.

Will he be able to live without her?

----x