webnovel

BOOK 1 THE MILLIONAIRE'S SLAVE (THE PROMISE)

Charm_Demetrix · Real
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

PART 31 MISA

ASH POV

Bago matapos ang aking kaarawan, sabay kaming nag-dinner ni Spencer sa Mansion nila. Hindi na kami nasamahan pa ni Mamá para sana makisalo dahil kinakailangan rin niyang maka uwi. Dahil una sa lahat, walang alam si Papá sa mga nangyari.

Nang mag-karoon kami ng pagkakataon ni Mamá na makapag-usap, doon ko lang naitanong sa kaniya kung paano siya nagawang makumbinsi ni Spencer na kunin ang kaniyang basbas para hingin ang aking kamay.

Maingat at matipid ang bawat pag-sagot ni Mamá. Hindi niya masyado idinetalye ang mga kaganapan. Basta ang tanging nasabi lamang niya sa akin ay si Madam Mervie at Ginoong Generoso ang kumausap sa kaniya. Araw matapos ko ipasa ang aking report sa opisina ng Ginang.

Naalala ko na iyon din ang araw na ipinaalala sa akin ng Ginang ang magaganap na kompetisyon. At napansin ko nga na masyado siyang nag mamadali noong nagka usap kami. Iyon pala ay dahil kakatagpuin din nila si Mamá.

Kapansin-pansin ang bawat pag sulyap ng kaniyang ama. Kung minsan ay nakikita ko siyang ngumingiti sa anak. Na para bang sinasabing proud na proud siya sa anak niyang si Spencer.

Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isip. Una, ay kung paano kaya nagawang talikuran ni Ginoong Generoso ang sinumpaang pangako niya sa magulang ng kaniyang kaibigan na si Kasandra Surio?

Pangalawa, paano naman kaya ito matatanggap ni Papá? Matatanggap nga ba niya si Spencer para sa akin? O siguro ang dapat na tanong ay Ako ba ang nais niya para kay Spencer o si Beatrixie?

Ngayon lang ako sumaya ng ganito. Ngayon na lang ulit. Sana ay mahanap ni Beatrixie ang tamang tao para sa kaniya. Kahit paano ay unti-unti ko na rin siyang tinatanggap kahit pa wala pa rin pag-babago sa ugali niya.

"Natasha."  Malambing na himig ni Spencer na yumakap sa akin mula sa aking likuran.

Nananalamin ako sa Oval mirror na may taas na five feet. Sinusuri ang suot kong bistidang kulay kahel. Araw ng linggo at sa simbahan kami pupunta. Madalas si Mamá ang kasama ko at ang totoo, ngayon ko lang makakasama si Spencer sa pag simba.

"Ready na ako."  Malambing kong sabi saka inabot ang kaniyang ulo na naka dikit sa akin.

"Me too. Ready na akong isako ang anak natin once na kumatok sila habang pumuputak ka--"

Nanlaki ang aking mata. Agad akong kumalas sa kaniya. Hinampas ko ang kaniyang braso na tinatawanan lang naman niya.

"Ikaw! Napaka bastos ng bibig mo!"  Pigil kong bulyaw habang patuloy sa pag hampas sa kaniya.

Mabilis niya naman hinawakan ang aking braso. Ano man ang pilit ko pero di na ako maka abante pa dahil masyado siyang malakas.

"Easy!" Natatawa niyang sambit.

"Puwede ba! Sa simbahan tayo pupunta-"

"Yeah. Sorry!" Sambit niya saka ako hinagip palapit sa kaniya.

"But seriously, ready na ako Ash."  Seryoso niyang sambit at tipid na naka ngiti.

"Ss-sa'n?" Taas kikay kong tanong.

Humigpit ang kaniyang pag yapos sa akin bago sumagot.

"Napakabait ng Mamá mo."  Sambit niya habang hawak ang aking baba.

"So?"

"So, gusto ko sanang suklian ang kabaitan niya. Susuklian ko ng mga---" *tumingala*

"Mga isang apo?"  Dahan-dahan siyang bumaba ng tingin sa aking labi.

Bumalik ang tingin sa aking mga mata. Lumalim ang kaniyang titig. Makahulugan. Malikot ang mata habang kagat ang ibabang labi. Humahakbang paabante sa akin.

"Spe--" Napa hakbang ako paatras. "Mahuhuli na tayo sa misa."  Saad ko habang patuloy sa pag iwas.

"Um?" Usal niya. Naniningkit at naka nguso.

"Ngayon lang tt-tayo mag-sisimba---" utal kong sambit.

"What if..." sambit niya habang himas ang kaniyang baba at tuloy sa pag abante.

"Laro kaya tayo?"  Seryoso ang kaniyang tono.

Napatigil ako ng maatrasan ko ang Oval mirror.

"Puwede ba! Mag simba na tayo." Mahinahon kong sabi saka humawak sa kaniyang kamay.

"Puwede ba last service na lang?" Pakiusap niya.

"Bb-bakit ba kasi?"  Inis kong tanong.

"Wag na nga! Ang damot mo naman." Matigas niyang saad saka ako tinalikuran.

"Spencer? Ano ba?" Tanong ko saka humarang sa pinto.

"Wag kang haharang sa pinto kung ipag dadamot mo rin naman ang ostiya mo." Bagot niyang sabi habang naka lihis ng tingin.

Naiinis na siya at maka ilang beses na umigting ang panga. Ako naman ay tila nahihibang. Mariin kong binanat ang aking mga labi sa labis na kilig.

Aminin mo na Ash, marupok ka. At kahit sino pang bato ay manlalambot kapag isang tulad ni Spencer Vahrmaux ang hihiling sa.'yo. Tatanggi ba ako? Siyempre! Never!

"Enebeng geshte mo?" (Ano ba'ng gusto mo?) Pabebe kong tanong saka inilakip sa aking tainga ang buhok na naka harang sa aking mukha.

"Huh? Required ba talaga mag intsik kapag kinikilig?"  Salubong ang kaniyang kilay nang mag-tanong.

Sa halip na sagutin pa siya, dahan-dahan kong inangat ang aking dress hanggang tuhod ang haba at may kanipisan ang tela. Naka ngisi akong tumitig sa mukha ni Spencer na ngayon ay mistulang inosente na nakanganga habang pinagmamasdan ang aking ginagawa.

Natawa ako nang makita ko ang pag hinog ng kaniyang adams apple na para bang isinisigaw na nais niyang matikman ang bagay na nakikita.

"Higher--"

"Good Ash. More please--"

Sambit niya habang inaalis ang kaniyang saplot pang itaas.

I can't believed in myself. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko 'to. Nakakatawa pero kitang-kita ko na proud na proud siya sa akin.

Ayos na sana. Ready na sana ako nang biglang may kumatok. Dahilan para mapatigil kami.

"Alis nga riyan!"  Sigaw ng isang pamilyar na tinig. 

"Si Beatrixie--"  sambit ko.

"Shh..."  Sumenyas sa akin si Spencer na huwag akong maingay. Hinawakan niya ang aking braso saka ako pinatabi.

"Dito ka na lang. Ako na ang kakausap."  Saad niya habang nakatitig sa aking mga mata.

"Sasamahan kita-"

"Stay here." He snapped.

"Spencer! Talk to me now!"  Hiyaw ni Beatrixie mula sa labas.

Lumabas si Spencer habang ako naman ay naka upo sa sahig at nakasandal sa pinto. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Ang masaktan ang damdamin ni Beatrixie. Pero paano naman ako? Mahal ko rin si Spencer at nag kataon na ako ang mahal at pinili niya.

Malakas ang kanilang hiyaw. Kulob at naka sara ang pinto kaya naman di ko maunawaan ang kanilang pag-uusap. Ang alam ko lang ay nag hihinanakit si Beatrixie. Marahil nalaman na niya ang balita. At batid kong napaka sakit nito para sa kaniya.

Binuksan ko ang pinto. Marahang tumungo sa hagdan.

"I told you, konting panahon lang Spencer! Kahit konting panahon lang!" Pag-tangis ni Beatrixie.

"I'm sorry--"  lumuluhang sambit ni Spencer.

Iyon na lamang ang nabitawan niyang salita habang pinag hahampas siya sa dibdib ni Beatrixie.

"Lahat ginawa ko just to proved myself to your parents! Buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko! Alam mo yan!" Sigaw  niya habang patuloy sa pag baling ng hampas, sabunot, at tulak kay Spencer.

Nananatili lamang si Spencer na naka yuko at lumuluha. Gustuhin ko man sana ang pumagitan, mas pinili kong manatili sa aking kinaroroonan.

"Believed me, hindi ka niya mahal! Ginagamit ka lang niya para saktan ako! Iyon ang totoo! Gusto niyang iparanas sa akin yung naranasan niyang sakit at hirap!"

"Trixie, please! Enough. Ka-pa-tid ang tingin ko sa 'yo!"

"Kapatid? Kaya ba nag hahalikan tayo? Ano ba sa 'yo lahat ng 'yon? Uh?"

"I'm sorry. Pero si Natasha talaga ang Mahal ko!"  Mataas na himig ni Spencer.

Napaatras si Beatrixie. Lalong tumindi ang tangis at tila ba nais niyang isumpa ang aking pagkasilang nang mabaling ang tingin sa aking direksiyon.

"Iyan ba? Siya ba?"  Tanong ni Beatrixie nang di nag aalis ng tingin sa akin.

Nilingon ako ni Spencer at napa igting ang panga ng makita ako.

"Alam ko naman na siya ang mahal mo! Tingin mo ba hindi ko alam? Noon ko pa alam! Sinundan kita sa Cebu--"  Huminga siya ng malalim bago nag patuloy.

"Nag disguise pa ako para lang malaman kung sino ba talaga ang babae mo! Nag sinungaling ako sa 'yo! Dahil ang totoo, umaga pa lang inaabangan na talaga kita!

Bakas sa mukha ni Spencer ang pagka bigla. Maging ako ay nagulat sa narinig. Buong akala ko noon ay may katotohanan ang panloloko nila sa akin.

"Pero bakit sa dinamirami, Siya Pa! Si Natasha na buong-buo ang pamilya? Si Natasha pa talaga na pinakasusuklaman ko?! Bakit siya pa na dahilan ng pagkasira ng pamilya namin ni mom?"

"Trixie--umalis ka na. Tatawagan ko ang tita Kasandra-"

"No! Hindi! Sabi mo nung nasa New York tayo---"

"PLEASE TRIXIE! AYOKO NG PAKINGGAN KA!"  Galit na sigaw ni Spencer.

Mabilis akong pumanaog at tumungo sa kanila.

"Pero nag promise ka--" tangis ni Beatrixie.

"Pumayag ako na kahit hindi na ako. Sabi ko naman sa 'yo--wag muna. Wag muna hanggat hindi ako nakaka move on! Pumayag ako na palayain ka! Kundi man ako, sabi ko sa iyo huwag si Natasha! Ipag palit mo na ako sa kahit na kaninong pokpok wag lang sa malanding 'to!"  Sigaw ni Beatrixie habang naka duro sa akin.

Akmang aambangan siya ni Spencer kaya mabilis akong pumagitan sa kanilang dalawa.

"Really? Sasaktan mo 'ko dahil sa kaniya? Bakit siya pa? Bakit lahat na lang siya ang lamang?"

"Beatrixie, hindi totoo 'yan-" kalmado kong sabi.

"You shut up! Bitch! Freak! Slut!"  Hinayaan kong siyang sabihin ang lahat ng gusto niya. Baka sakaling maibsan ang hinanakit niya sa akin.

"Spencer--sabi mo mahal mo 'ko? Mag-mamahal ka na lang din naman, bakit hindi pa ako? Ba't siya pa? Ano ba'ng mali sa akin? Aa-ano ba dapat kong gawin para---"

"Wala. Walang mali sa iyo Trixie. Ako ang may kasalanan dito. Dahil pinaasa kita."  Mahinang sambit ni Spencer habang naka yakap kay Trixie. Yakap na siyang sumaksak sa aking puso.

"Mahalaga ka sa akin. Sobra! Mahal kita pero--"

"Tama na! Ayoko ng marinig ang sasabihin mo! Isa lang naman ang malinaw dito." Galit niyang usal saka itinulak si Spencer.

"Nag paloko ka sa babaeng 'yan! Ginamit ka niya para makaganti sa akin... ang sama-sama mo Natasha! Masaya ka na?! Ha?"  Bulyaw niya at buong lakas akong tinulak.

"Beatrixie, hindi ako masayang nasasaktan ka--"

"Sinungaling ka! Bakit hindi mo 'ko labanan? Natatakot ka na makita ni Spencer kung gaano ka kahalimaw?"  Hamon niya.

"Alam ko na nasasaktan ka. Pero maniwala ka Beatrixie, ginagawa ko lahat para matanggap ka at mapatawad ko si Papá at ang Mommy mo--"

"Wala akong pakialam kung matanggap mo man ako o hindi. Dahil ikaw?---"  *pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.*  "Kahit kailan hindi naman kita tinanggap. Wala akong kapatid!"

Matapos niyang mag-salita, tinanggap ko ang kaniyang sampal. Sa ganong paraan, pakiramdam ko ay naibsan ang tinik sa kaniyang dibdib.

"Trixie! Wala kang karapatan na saktan siya!"  Sigaw ni Spencer habang yakap ako.

"Pero ako puwede niyong saktan? Wow!"  Clapping*  "Galing! Kung si Natasha ang pipiliin mo, I will make it difficult for you Spencer. Mananalo ka sa larong 'to. But I'm gonna make sure, ako ang didiga! Matatalo mo 'ko pero kakabig pa rin ako! Tandaan mo 'to!"  Saad niya saka kami nilayasan.

"Hayaan muna natin siya. She need space. Kailangan niya makapag isip."  Nag aalalang sabi ni Spencer habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi.

Nagpasya kaming tumuloy sa misa. Malamig ang aking pakiramdam gayong mainit ang tagaktak ng aking pawis. Hindi ko halos maunawaan ang sinasabi ng pastor. Tila ba may kung anong ugong akong naririnig.

Hindi ako mapakali. Nag bigay bagabag sa aking isip ang mga salitang binitiwan ni Beatrixie. Hindi pa man tapos ang misa nang maka tanggap ako ng tawag mula kay Papá.

Batid ko na nakarating na sa kaniya ang balita. Ngunit mas pinaka nag-aalala ako kay Mamá. Kumusta naman kaya ang kaniyang lagay? Huwag naman sana niyang saluhin ang galit ni Papá.

Hindi ko na hinintay pa matapos ang misa. Agad akong tumakbo palabas ng church. Hindi na ako nakipag talo pa kay Spencer nang ipilit niya na ihatid ako. Ang mahalaga sa akin ay ang kalagayan ni Mamá. Ako lang ang kakampi niya. Dahil si Papá ay siguradong nasa panig nina Kasandra at Trixie.