webnovel

Unang kwento sa buhay ng bida(chapter 1)

Ang mga genji sila ang mga mandirigmang nangagaling sa ibang mundo sa mundo na tinatawag na jem of war sila ang mga mandirigmang may taglay na lakas,kapangyarihan at tibay na hindi mapapantayan ng mga normal na tao noon ang planetang earth pinagtangkaan itong sakupin ng stone black ngunit sa tulong ng mga genji ay hindi ito natuloy sapagkat kinalaban ng mga genji ang stone black hanggang sa tuluyang sumuko ang stone black sa pag sakop sa planetang ito ang mga genji ay may pagkakatulad sa wangis ng mga tao ngunit meron din itong pagkakaiba ang mga genji meron silang mga marka ng sagitarious sa kanilang braso nag iiba din ang kulay ng kanilang mga mata sa tuwing sila ay nasasaktan at nagagalit sila din ay marurunong lumipad at kapag ang isang genji ay sanggol sila ay nilalagyan ng isang kwintas na may simbolo ng araw upang protektahan at mabigyan ng kapangyarihan ang stone black sila ang mga halimaw na sumisira sa lahat ng mundo sila din ang lumusob sa jem of war na naging dahilan ng paglaho ng mundong ito kasama na doon ang mga genji noong 6 na taon ng nakalipas

Ito ay naging maalamat na kwento galing sa mga taong naka saksi sa pangyayari hanggang ngayon maalamat parin yan at hanggang ngayon naniniwala ang mga tao sa mga genji at stone black

Jenchiro:Lolo sabi mo ang mga genji marunong lumipad at nag iiba ang kulay ng mata sa tuwing nasasaktan at nagagalit ibig sabihin nun?ako ay kabilang sa mga genji dahil may pagkakatulad po ako sa mga nabanggit mong kwento tungkol sa mga genji

Lolo monhire: Oo apo ikaw ay isang genji....nasabi ko ang alamat na yun dahil panahon na para malaman mo ang iyong pinagmulan...noon 6 na taon ng nakalipas bago mag laho ang jem of war may isang sanggol na bumagsak dito sa planetang Earth ang sanggol na ito ay may marka ng sagitarious at may suot na kwintas na sumisimbolo sa araw tanda na sya ay isang genji.....nung inaalagaan kita sanggol pa lamang marunong ka ng lumipad na hindi nagagawa ng mga pangkaraniwang sanggol lamang kaya doon palang alam ko na.....ikaw ay hindi basta tao lamang kundi ikaw ay isang genji

Nagulat si jenchiro sa sinabi ng kanyang lolo monhire ngunit di nagtagal ay tinanggap nya na ang katotohanang sya ay isang genji na sya lamang ay inampon ni lolo monhire isang araw nung gabing yun ay natutulog si Jenchiro ng biglang may napaginipan syang isang halimaw na may buntot sa panaginip nyang yun nakita nyang pinapatay ang kanyang lolo ngunit ito ay binalewala nya lamang at hindi nya sinabi ang kanyang panaginip.....sa parte ng stone black nagbabalak ang stone black na sasakupin nila ang earth dahil wala naman ang mga genji na pruprotekta sa kanila

Haring hazi: 6 na taon ng lumipas nung mapatay kita kiro at ang buong genji sa jem of war....ngunit bakit pakiramdam ko may nabubuhay pang genji!?

Alagad ni hazi: Boss hazi....tignan mo tu may nasasagap ang interior na may kakaibang lakas sa planetang earth na pumapatay sa lakas ng mga genji na tinapos natin noon!

Haring hazi: kaya pala ganto yung pakiramdam ko....bumaba kayo ngayon sa earth puntahan nyo ang nilalang na yan at dalhin nyo sakin wag nyong papatayin....gusto ko syang Makita

Alagad ni hazi: hindi bat?lulusob din tayo sa earth?....bakit di nalang natin lusubin ang earth at tapusin ang nilalang na yun

Haring hazi: lulusob tayo sa earth ngunit hindi ngayon....hayaan muna natin na ma enjoy ng mga tao ang nahuhuli nilang buhay....kayat bumaba na kayo sa earth at hanapin ang nilalang na yun...ngayon na!!!!!!!

Alagad ni hazi:masusunod po boss....tayo na!!!!!

Haring hazi: gusto kitang makita kung sino ka mang nilalang ka!!!!!

At doon hindi alam nila Jenchiro At ng kanyang lolo na may paparating sa kanilang kalabang mula sa stone black

Lolo monhire:Apo!...Bumaba ka na ipinag handa na kita ng makakain

Jenchiro: ito na po lolo...baba na!

May kumatok sa pintuan nila at agad itong pinag buksan ni lolo monhire at doon nya napansin ang mga nilalang na kumatok sa kanila ay ang mga stone black

Knock!...Knock!

Lolo monhire: ha?...sino naman yun?...may bisita ba ako..wala naman akong kilalang bisita....sandali lang!!

Pinagbuksan ni lolo monhire ang mga kumatok

Lolo monhire: si-sino kayo?....ha!...sandali ayun sa nakikita kong suot nyo....myembro ba kayo ng stone black ang maalamat na nag tangkang lumusob dito sa earth at ang dahilan kung bakit biglang nag laho ang jem of war!!!!!

Alagad ni hazi: magaling kang matanda ka!!!!....tama kami ay myembro ng stone black...pero wala kaming oras para sayo....alam namin may tinatago kang nilalang na kasing lakas ng mga genji dati!!!!

Narinig ni Jenchiro na parang may kausap ang lolo nya kaya bumaba na sya agad

Jenchiro:Lolo!!!

Lolo Monhire:umakyat ka muna apo wag kang baba!!!!

Alagad ni hazi: teka ang batang yun may marka ng sagitarious....hindi kaya?...may dugo syang genji!!!...huliin ang bata!!!

Nung huhuliin sana ng mga Stone black ang batang si jenchiro..mabilis na lumapit si lolo monhire at Isa-isa nya silang nilabanan gamit ang martial techniques na tinuro sa kanya nung nag aaral pa sya sa...martial school ngunit habang lumaban si lolo monhire may nakita syang isang device na hawak ng isa sa mga alagad ng stone black ginamit nya muli ang kanyang bilis at techniques..nag tagumpay naman si lolo monhire kayat nung nakuha nya ang interior inihagis nya ito sa labas ng malakas at agad naman itong nasira

Lolo monhire: wag nyong gagalawin ang apo ako Jenchiro tumakas ka na wag ka ng babalik kailangan mong mabuhay!!!

Jenchiro: Lolo ano po bang nangyayari?...Paano ka po?

Lolo monhire: wag ng maraming tanong apo...alis na tandaan mo kung sakali mang mangyari sakin mahal kita apo kunin mo ang kwintas na sumisimbolo sa araw at umalis ka na!!!!

Jenchiro: Lolo!!!

Lolo monhire: alis na!!!!!

Alagad ni hazi: wag nyong hayaang makawala yung bata huliin nyo!!!

Nung sumigaw na si lolo monhire agad ng tumakbo sa kanyang kwarto si Jenchiro kinuha nya ang kwintas at lumipad sya paalis gamit ang kanyang bintana habang si lolo monhire pilit na nakikipag laban ngunit di nag tagal namatay na si lolo monhire kayat habang umaalis si jenchiro lumuluha sya at sinigaw nya ang salitang "Lolo patawad po" ilang oras na umabot na sa kagubatan si Jenchiro hindi nya na alam kung saan pa sya pupunta kahit na nasa kagubatan si Jenchiro at naglalakad iniisip nya parin ang kanyang lolo hindi napapansin na nagiging kulay asul na ang kanyang mga mata at lumiliwanag na ang kanyang marka sa braso

Jenchiro:Lolo...pangako ko sayo ipaghihiganti kita balang araw uubusin ko ang buong stone black

Hanggang sa may napadaan na isang Batang babaeng nagngangalang urika nasa puno sya nun at bigla syang nakakita ng isang batang kulay asul ang mata at nagliliwanag ang braso

Urika:ha?....ano yun?...ano!!!!isang bata ngu-ngunit bakit ganun?..bakit asul ang mata nya at may liwanag ang braso...teka sandali!!!

Nagulat si urika sa nakita nya ng biglang may naalala sya na sinabi ng kanyang master rozo

Master rozo sa alala: kapag...nagiging kulay asul ang mata at nagliliwanag ang marka ng sagitarious ibig sabihin nun patunay na sya ay isang genji mga genji na naging bayani ng ating mundo

Urika: ibig sabihin isa syang genji?

Ng biglang nahulog si urika sa puno at nakita sya ni jenchiro

Urika:haaaa!...aray ko!

Jenchiro:ha?....bata...ayos ka lang ba?

Urika: Oo!..ayos lang ako...teka...ikaw nakita ko nagkulay asul ang mata mo yung braso nagliliwanag...aminin mo nga isa ka bang genji

Jenchiro: kanina ka pa ba nandyan?...Oo sabi ng lolo ko isa daw akong genji alam mo yung tungkol dun?

Urika:syempre maalamat yung kwentong yun lahat makaka alam...kung ganun tama nga hinala ko!!!

Jenchiro: teka lang ha!..kung kanina ka pa nandyan..kanina ka pa nasa taas ng puno anong ginagawa mo?

Urika: isa akong mag aaral ng Ninja kaya wag ka ng mag taka kung bakit lagi ako sa puno nakatago!!... sya nga pala sabi ni Master bayani daw kayong mga genji..natutuwa akong makakita ng tulad ko

At dumating si Master rozo

Master rozo: urika andito ka lang pala....kanina pa kita hinahanap...di ba sabi ko sayo wag ka munang lalabas ng sagenial

Urika: pasyensya na po master gusto ko lang naman maranasan makipag sapalaran sa mga naninirahan sa labas ng sagenial

Master rozo: sa paglaki mo..maari ka ng lumabas ngunit hindi pa ngayon...sandali sino ang batang ito?...maamo ang mukha ay mukhang malakas....may marka sya ng sagitarious...iho?...kung tama ako ikaw ba ay kasama sa mga genji?

Jenchiro:Opo!...genji po ako ngunit kahit na isa akong genji tingin ko sa sarili napaka hina ko sapagkat hindi ko nalabanan ang mga halimaw na stone black na tumapos sa buhay ng lolo ko si lolo monhire!!!!!

Paiyak na may galit si Jenchiro na sumagot sa tanong ni Master rozo dahil iniisip nya parin ang lolo nya na namayapa na

Master rozo: kung ganun ikaw ang nasa alamat dahil sa alamat may bumagsak ditong sanggol na galing sa jem of war bago ito tuluyang nawala sapagkat sya ay naiibang kapangyarihan na hindi mahihigitan ng kung sino....nakakatuwa dahil nakita din kita.....sya nga pala nabanggit mo may lolo kang nag ngangalang monhire sa alala ko parang naging mag aaral ko sya napagaling nyang martial

Urika: master!...hindi kaya ulila na sya kasi wala na yung lolo nya bakit hindi natin sya ampunin at turuan din ng mga martial malay natin lumakas din sya at mailabas nya ang tunay niyang kakayahan

Master rozo: maganda ang naisip mo dahil inampon din naman sya ng dati kong mag aaral...iho? Kung maaari hayaan mong ampunin kita

Jenchiro: maraming salamat po sa inyo!

Masayang ngiti ni Jenchiro sa kanila ngunit sa kabilang banda ang hari ng stone black ay galit na galit nung malamang nakatakas ang kanyang pinapadakip at nasira pa ang interior

Hazi: ano!!!!!!....natakasan kayo ng isang bata lang nasira nyo pa ang interior.....ngayon paano natin sya mahahanap!!!!!!!

Alagad ni hazi: pasyenzsya na po boss

Hazi:sino ang nilalang na yun?ano sya?

Alagad ni hazi: boss!...ang batang yun may marka sya ng sagitarious na nangangahulugang isa syang genji

Hazi:isang genji...hindi kaya anak sya ni kiro hindi ko nakita ang anak nya bago ko pasabugin ang jem of war!!!!..hindi pwede ito!!!

Alagad ni hazi: boss paano kung?pasabugin na natin ang earth para mamatay na ang batang yun?

Haziz: walang kikilos ngayon may tamang araw para dyan sa ngayon hahayaan natin mabuhay ang bata at matutunan nya ang kanyang kapangyarihan gusto ko labanan ang batang yun ng patas tulad ng kanyang mga magulang mamatay sya ng lumalaban at may pinaglalaban kapag ang alam na ng batang yun gamitin ang kanyang kapangyarihan lalabanan ko sya....lumaki sya sa mundo ng tao kayat hindi nya basta basta matutunan gumamit ng kapangyarihan at makipag laban

Ilang taon pa ang hihintayin ni haring hazi para matutunan ni Jenchiro ang kanyang kapangyarihan ngunit habang sya ay nag hihintay sa paglaki ni Jenchiro at kapangyarihan ni jenchiro sumasakop na sya ng sumasakop ng ibang planeta at dimention

Master rozo: ito ang sagenial lungsod ng mga mag aaral na Ninja at mga Ninja....iho!...ipaghahanda ko lang kayo ng pagkain

Jenchiro: sigi po

Iniwan na ni Master rozo sila urika at jenchiro

Urika: sya...nga pala ako nga pala si urika Saki ang totoo nyan si Master hindi lang sya basta Master ko tumatayo sya bilang lolo ko namatay kasi ang mga magulang ko dati dahil sa isang sakit hanggang sa umalis ako sa bahay at nakita ako ni Master rozo doon tulad mo inampon nya ako at ginawa nyang mag aaral

Jenchiro: kaya pala parang napaka lapit mo sa kanya ako naman si Jenchiro natutuwa akong makilala ka

Urika: jenchiro mag sparing tayo

Jenchiro:ha?

Urika: gusto kitang makalaban...di ba isa kang genji?..gusto ko makita ang lakas mo gusto kita subukan

Jenchiro:seryoso ka ba!...hindi ako pumapatol sa babae!!!!

Urika: gentle man mo naman alam mo kailangan mo din matutunan pumatol kung kinakailangan paano ka lalakas nyan kung sa kalaban mong babae nanghihina ka na?...Tara na!

Jenchiro:wag mokong sisihin dyan ha!

Doon ay nagsimula ng mag laban sila Jenchiro at urika sa una pinagbibigyan lang sya ni jenchiro pero nung sinabi ni urika na"seryosohin mo naman" ay sineryoso nya talaga hanggang sa ang nagagawa nalang ni urika ang umiwas ng umiwas sa mga kapangyarihang ibinabato sa kanya ni jenchiro

Urika:ang lakas nya talaga ganyan ba ang mga genji!....hoy!jenchiro humanda ka sa special techniques ko....yahhhh!

Nung inaatake na si jenchiro ng special techniques ni urika bigla syang lumipad

Jenchiro: ano daw..special techniques!!!!!

Urika:seryoso ba ito nakakalipad Jenchiro!

Jenchiro: Oo! Sanggol pa lamang ako lumilipad na ako

Urika: ang daya mo...Jenchiro kaya ko tumalon ng mataas pero di ko kayang lumipad hindi ako genji tulad mo!!

Jenchiro:pasyensya na urika

Lumabas si Master rozo at tinawag nya si jenchiro at urika para kumain

Master rozo: oh!...tatawagin ko sana kayo para kumain bakit parang nag aaway na kayo?

Urika: si jenchiro naman kasi lumipad nung nag sparing kami madaya

Master rozo: di ba nakakatalon ka naman ng mataas bakit di mo gawin yun....wag mong sabihing di mo na kaya....urika Ninja ka tandaan mo yan

Urika: naiintindihan ko po master rozo pasyensya na po....sayu din jenchiro Che!

Pumasok na si urika sa bahay nila at mukhang galit pa

Jenchiro:Bakit po mukhang galit pa si urika?

Master rozo:masanay ka na sa kanya ganyan talaga yan masungit ayaw nya kasi ng nahihigitan sya

Jenchiro:ganun po ba

Habang nakatingin kay urika at doon sabay sabay na silang kumain sila jenchiro,urika at master rozo pagkalipas ng 13 na taon lumaki na sila jenchiro at urika ngunit lagi silang magka away

Urika: hoy!...Jenchiro sino yung mga lumapit sayong babae may pa sabi ka pa "ang ganda mo naman!"

Jenchiro:Bakit nag seselos ka ba?

Urika:bat ako mag seselos?bahala ka!

Dumating si Master rozo

Master rozo:yan na naman sila mga bata nga naman

enjoy to read reader's marami pa pong chapter yan ngayon chapter 1 muna hanggang sa next

Armenia_Hannelycreators' thoughts