Chapter 2: Plan
Astre's Point Of View
Kanina pa'ko kinukulit ni Kevin tungkol sa nangyari kahapon. Kalat na sa buong Campus ang nangyari sa ginawa ko,may nagpost kasi ng video ko habang hinahalikan ko yung babae kahapon kaya mas lalong umingay ang pangalan ko sa Campus.
Mas okay narin na 'yun yung balita sa'kin ayoko kasing about sa'min ni Mixie yung maging headline.
Isa akong sikat na basketball player ng Campus at isang sikat na Cheerleader si Mixie kaya maraming chismis na nagde-date kami,nag-katotoo naman 'yun ng ligawan ko sya at mabilis na kumalat 'yun sa Campus kaya nagulat ako ng malaman kong boyfriend nya si Bryan at magdadalawang taon na sila,kaya hanggang ngayon masakit parin 'yung ginawa nya sa'kin.
"Sino ba 'yung babaeng hinalikan mo ha?" Pangungulit ni Kevin.
Kinuha ko ang aking towel at pinunasan ang aking katawan. Pagod ako sa training namin kaya wala 'kong ganang sagutin ang mga tanong nya.
"Mag-papahinga na'ko." Paalam ko.
"Hoy,sabihin mo na kasi,sino ba yung hinalikan mo ha?" Tanong nito habang tinatapik ako.
"Hindi ko alam." May diin kong sabi.
"Hindi mo alam? Hinalikan mo pero hindi mo kilala? Imposible."
"Hindi ko nga kilala! Kaya pwede ba lubayan mo na'ko." Hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si Kevin. Masyado kasi syang nakakairita tsaka pagod ako kaya ayoko ng magulo.
"May regla kaba? Ang init ng ulo mo ah,lalo ka tuloy pumapanget." 'Ika nito habang tumatawa.
Binato ko sa kanya yung towel ko. Piste.
"Pero seryoso,alam mo ba yung pangalan nung babae?" Agad akong umiling. Hindi ko naitanong kung anong pangalan nya. "Ang hina mo pare."
"Hoy Kevin,tigilan mo na'ko,wala 'kong oras para makipagbiruan sa'yo." Umiling ito na para bang nanghihinayang. Tinignan ko lang ito habang nakakunot ang noo.
"Hindi mo man lang ba sya hahanapin?"
"Wala kong oras para jan." Nalaglag ang panga ni Kevin.
"Bro,first kiss mo yung babaeng yun tapos papalagpasin mo ng gano'n-gano'n lang? Kung ako sa'yo jojowain ko na 'yun para naman worth it yung first kiss ko." 'Ika nito bago umupo sa kabilang upuan.
Bigla 'kong napaisip. Tama si Kevin sya ang first kiss ko kaya nakakapanghinayang kung babaliwalain ko nalang sya. May balak naman talaga 'kong hanapin ang babaeng yun 'e,hindi lang ngayon dahil hindi parin nawawala sa isip ko si Mixie.
I still love her.
Alam kong napakatanga ko pero hindi gano'n kadaling makamove-on sa kanya. Malaki na ang parte ni Mixie sa buhay ko.
Speaking of her,napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto ng gym at iniluwal nito si Mixie. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko,walang nagbabago,kapag nakikita ko sya laging bumibilis ang tibok ng puso ko.
Agad itong lumapit sa'kin. "Can we talk?" Seryosong tanong nito.
Napatingin ako kila Kevin at pumayag naman sila na mag-excuse ako.
Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama kay Mixie pero parang may kung anong nagtutulak sa'kin para kausapin sya at ine-expect ko na hihingi sya ng tawad sa'kin.
"Astre,girlfriend mo ba talaga 'yung babaeng hinalikan mo kahapon?" Bungad nito.
"Sa tingin mo ba hahalikan ko sya kung hindi ko sya girlfriend?" Nagdikit ang kilay nito at bahagyang napailing.
"Stop it,Astre."
"Why? Hindi lang naman ako ang pwedeng magloko sa'ting dalawa."
"No Astre,hindi mo alam ang ginagawa mo. You need to stop this."
"Alam ko ang ginawa ko and that's none of your fucking business."
"Hindi mo sya kilala,that girl is a bitch!"
"So anong tawag sa'yo? Your the one should stop Mixie,not me." Tinignan ko ito diretso sa mga mata nya. "Akala ko pa naman hihingi ka ng tawad dahil sa panloloko mo sa'kin pero nagkamali na naman ako. I shouldn't expect to a bitch like you."
Tumalikod na'ko at muling pumasok sa gym. Bibigyan ko pa sana sya ng chance para patawarin pero sya narin ang kusang nagbigay sa'kin ng dahilan para kalimutan ko sya ng tuluyan. I think this the time to forget all about Mixie.
--------
Habang naglalakad ako pauwi bigla akong napadaan sa lumang playground sa likod ng Campus. Napakatagal na ng abandunadong palaruan na 'to at napakarami ko 'ring ala-ala dito.
"Astre?" Agad akong napatingin sa likod at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito. "Long time no see."
"Ivan?" Hindi ako nakapaniwala na nandito sya,paanong--?
"Kumusta? Balita ko tapos na ang lahat." Bahagya kong napailing. Kailan pa sya bumalik?
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi sya dapat nandito.
"Bakit? Hindi mo ba 'ko na-miss?"
"Tapos na ang lahat Ivan,kaya kung ano man yang plano mo 'wag mo ng ituloy." 'Ika ko na ikinatawa nito.
"Talagang pinanindigan mo yang pagbabago mo ha?"
"Aalis na'ko." Nag-lakad na'ko palayo. Ayokong mag-aksaya ng oras sa kanya.
"Hindi pa tapos ang lahat Astre,may bagong darating para buksan ang pintuan at lahat ay babalik sa dati." Napahinto ako.
"What do you mean?" Kumawala ang isang malaking ngisi sa labi nito.
"I can't tell it but Mixie,she can tell all about our plan." Sya na ang kusang tumalikod sa'kin at naglakad palayo.
Anong ibig nyang sabihin? Anong babalik? Hindi nila pwedeng ibalik lahat sa dati dahil matagal ng natapos 'yun kaya hindi ko hahayaang buksan ulit nila ang pinto.
------
Agad kong tinulak sa pader si Mixie.
"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw nito.
"Anong plano nyo ha?" Nanlaki ang mga mata nito. Mukhang nakuha nya ang gusto kong sabihin.
"Wala kong alam sa sinasabi mo!" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkahawak sa braso ni Mixie. "Nasasaktan ako!"
"'Wag mo'kong gawing tanga Mixie,alam kong alam mo ang lahat ng plano nila."
"Bitawan mo'ko at sasabihin ko sa'yo!" Agad ko itong binitawan.
"Tell me,anong plano nyo?"
"Bubuksan na nila ang pintuan at ibabalik nila ang lahat sa dati." Panimula nito na ikinatawa ko.
"Hindi nyo magagawa 'yun. Wala na ang may ari ng susi kaya hindi nyo na mabubuksan 'yun." Sya naman ang natawa.
"Bukas na bubuksan ang pintuan,kung gusto mong malaman kung sino ang may hawak ng susi sumama ka sa'min. Wala ka ng magagawa Astre,tanggapin mo nalang na hindi pa natatapos ang lahat."
Iniwan nya 'kong tulala. Wala na nga ba talaga 'kong magagawa? Huli na nga ba talaga ang lahat?