webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
19 Chs

CHAPTER 14

AN: Hello po sa lahay ng supporters ni, Bonita at Rius. Pasensya na matagal ang update ni, author. Busy lang po talaga, pero i try po na kahit paisa-isa ay makapagsulat ako para sa inyo. Itong bampira na story ko ay sarili kong bampita na storya at kakaiba talaga siya, mayroong part na pereho pero kakaiba po talaga ito. 😂😂😂 so, enjoy reading Bite me More. 😍😍😍😘😘😘

========================================

Ahh... ang sakit ng katawan ko, hindi ko maigalaw ang mga paa at kamay ko. Ano ba ang nangyayari? Ang tanda ko lang, niligtas ako ni Rius sa mga kamay ni, Darwin. Pagkatapos no'n nangyari 'yung hindi ko inaasahan at hindi ako nagsisi na binigay ko ito sa kanya.

Rius... R-Rius... Dalawang ulit na sambit ko, pero walang sumasagot at pakiramdam ko nasa ilalim ako ng lupa dahil sa kakaibang ihip ng hangin.

Maraming katanungan ang nasa isip ni, Bonita. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya ngayon, matapos ang kanilang pagtatalik biglang huminto ang pagtibok ng puso niya at hindi ito kinaya ng katawang tao niya dahil sa isang immortal ang katulad niya.

"Rius, halika na."

Tila wala namang narinig ito ng tawagin ni, Timothy. Nakatayo at titig na titig na sa lupang kung saan nakalibing ang katawan ni, Bonita.

"Hindi maaari ito," mahinang salita ni, Rius.

"Rius, hindi natin talaga alam kung ano ang nangyari pero pinaliwanag naman ni Tandang Gani, hindi kinaya ng katawang tao ni, Bonita.

Muling paliwanag ni Timothy, matapos ang pangyayari sa pagitan nila Rius at Bonita. Ito ay hindi gano'n maipaliwanag pero isa lang ang sina ng matandang Gani, namatay si Bonita dahil sa pangyayari na iyon at dahil nga sa isang immortal na bampira si, Rius. Hindi ito normal na pagtatalik lamang.

"Wala na bang ibang paraan?"

Malamig ang boses na muling salita ni Rius na nakatingin pa rin lupa at hindi pa rin talaga siya makapaniwalang wala na si, Bonita.

'Mahal kita Bonita, magbalik ka sa akin' mahinang bulong niya at tila gusto na naman maiyak dahil kapag naiisip niya ang huling nangyari sa kanila. Higit na sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagkawala nito, naisip niya na sana napigilan niya ang kangyang damdamin.

B-Bakit? Pakiramdam ko ang lungkot ko, nasaan ba ako? Bakit hindi ko magawang idilat ang mata ko, Rius. Nasaan ka na ba? Gisingin mo ako...

Muling salita ng isipan ni Bonita, habang siya'y nakapikit at suot ang makintab na pulang bistida.

"Rius, sa pangalawang pagkakataon patawarin mo kami. Pero pinaalalahan ka namin, pero sa ngayon hindi na natin kailangan pang sisihin ang isa't-isa."

Sagot naman ni Timothy, na hindi nililingon si Rius, dahil damang-dama niya ang kalungkutan at pagmamahal niya kay, Bonita. Dahil simula ng maging bampira ito hindi na ito muling umibig sa iba, ngayon lang nila nakitang nagmahal si, Rius.

"May paraan pa,"

Sabay na napalingon ang dalawa at nakita nila si, Duken. Dahan-dahan itong naglalakad palapit sa kanila at tiningnan sila pareho.

"Ano'ng ibiga mo sabihin?" nagtatakang tanong agad ni, Timothy.

"Rius, maaaring mabuhay muli si Bonita. Ang paraan na ito 'ay kakagatin mo siya. Ngunit, dalawa lamang ang mangyayari kapag ginawa mo ito, maaarig mabuhay siya at magiging isang ganap na bampira na siya. O mamatay ka na isang normal na tao at hindi na muling makakabalik pa kahit na kailan."

Sa pagkakasabi ni Duken, biglang humangin na tila nakiisa sa sinabi nito sa kanila. Parehong natigilan ang dalawa at malalim na nag-isip sa sinabi nito sa kanila.

"Kung yon lang ang paraan, gagawin ko dahil mas gugustuhin ko pang ako ang mamatay kaysa si, Bonita. Dahil marami pa siyang dapat na gawin dito sa mundo."

Seryosong sagot at desidido na salita ni, Rius. Parehong nakatingin lamang sa kanya ang dalawa dahil sa sinagot niya.

"Sigurado ka na ba diyan, Rius?"

Tanong naman ni, Timothy. Marahan na tumango naman si Rius at muling nilingon ang puntod ni, Bonita.

"Kung iyan ang gusto mo, sa darating na full moon ay isasagawa mo ito. Ganito ba talaga kapag nagmamahal?"

Napapailing na salita ni Duken, bigla na lang itong nawala at naiwan silang dalawa. Humarap naman muli si Rius at piping nagpaalam kay, Bonita.

Sabay na nilasan ni, Timothy at Rius ang sagradong lugar na iyon kung saan naroon ang puntod ni, Bonita.

Rius... Iiwanan mo na ba ako? Ano ba kasing nangyayari sa akin? Sandali? B-Bakit parang may tumitibok sa ibang bahagi ko, ano ito at sobrang bilis ng tibok nito.

A-aray, masakit... Nawala? Ano ba iyon may sakit na ba ako, teka? May pumipintig ulit pero mahina na lang ito. Rius... Ayoko na dito natatakot na ako, kunin mo na ako dito..

Umiiyak habang nakapikit si Bonita, lumipas ang araw at linggo. Ang full moon ay na darating na at ngayong gabi na ito.

"Matagal pa ba iyan?"

Iritadong tanong ni Dexter sa kanyang tauhan, hindi naman sumagot ang tatlong tauhan nito habang binubungkal ang puntod ni, Bonita.

"Ito na boss,"

Sagot naman ng isa at kinuha mula sa kabaong ang katawan ni, Bonita. Kinuha ni Dexter ang walang buhay na katawan nito sa tauhan at lumingon pa ito upang tingnan baka may makakita sa kanila. Malayang nakuha ni Dexter ang prinsipe ang katawan ni, Bonita.

Sa malaking mansyon kung saan dinala ni Dexter si, Bonita. Nakapalibot sa malaking higaan at pinagmamasdan ng dalawang kasama nito ang parang natutulog na katawan lang nito.

"Mahal na prinsipe, siya na ba ang sinasabi mo na pakakasalan mo? Ang sabi mo na patay na siya, ngunit bakit parang natutulog lamang siya?"

Nagtatakang tanong ng isang lalaki na naka-itim na tuxedo. Napatango-tango naman ang isa pang babae na nakatingin rin sa magandang mukha ni, Bonita.

"Tama kayo siya na nga, pero sabi niyo naman sa akin maaari ko siyang buhayin upang matupad na maging asawa ko siya."

Seryosong sagot naman ni Dexter at pinakatitigan ang mukha ni, Bonita.

"Sandali," salita ng babae.

"Bakit, Elizabeth?"

Takang tanong ng lalaki na naka-tuxedo, ito ang nangangalaga ngayon sa prinsipe Dexter at si Elizabeth naman ang isa rin sa mga nakakabasa sa pagkatao.

"Nakakarinig ako ng isang pagpintig mula sa kanya,"

Nagtatakang salita nito at nagkatinginan ang dalawa, dahan-dahan na nilapitan ni Elizabeth ang katawan ni, Bonita. Hinawakan nito ang kamay ni Bonita at pumikit, tumagal ng limang segunda at bigla nitong nabitawan ang kamay ni, Bonita.

"Bakit?" kunot noong tanong, Dexter.

"Mahal na prinsipe," nanghihinang sambit nito. "Ang babae na iyan ay nagdadalang tao at ang ama ng sanggol niya 'ay ang immortal na bampira na si, Rius."

Namimilog ang matang salita ni, Elizabeth. Napatayo naman si Dexter at napapamura dahil sa kanyang natuklasan.

"Hindi maaari ito!" nagsisigaw na wika nito at sinuntok ang dingding, nasira ito dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya.

"Mahal na prinsipe, huminahon lang muna kayo. May paraan naman upang matanggal ang sanggol na pinagdadala niya."

Napalingon nama si, Dexter. Natigilan at tiningnan ang si Alejandro, ang tumayong ama na niya ng mamatay ang kanyang mahal na amang hari.

"Alejandro! Hindi maaari iyan, isang walang kamalay-malay na sanggol ang papatayin niyo. Baka naman may iba pang paraan, maaari naman sigurong hayaan mo na lang ang bata sa kanyang sinapupunan."

Mahabang paliwanag na salita ni Elizabeth, dahil bigla siyang naawa sa sanggol na madadamay dahil sa mga kagustuhan nila.

"Tumigil ka nga, Elizabeth! Ano ang malay na natin na isang demonyo ang ang batang iyan? Dahil demonyon rin ang tatay niyan."

Sigaw na sagot naman ni, Dexter. Bigla naman natahimik si Elizabeth, dahil naisip niya na maaring tama rin ang prinsipe sa kanyang sapantaha.

"Naiisip ko lamang, hindi kaya ang bata na iyan ang nagbibigay ng buhay sa katawang tao niya? Dahil kung tama ako, kapag pinatay natin ang sanggol sa sinapupunan niya ay maging dahilan rin ng kanyang pagkasawi?"

Seryosong salita muli ni, Elizabeth. Dahil nga sa alam nila ay patay na ito, ngunit para itong natutulog lang at ang kanyang balat 'ay natural ang kulay lang. Hindi naman makapaniwala ang dalawa dahil sa sinabi niya dahil ngayon lang sila nakarinig ng ganito.

"Mukhang maaari rin na tama siya, mahal na prinsipe. Dahil ang kanyang katawan ay parang hindi isang patay, parang natutulog lamang siya. At maaarin na ang batang nasa kanyang sinapupunan ang nagbibigay buhay sa kanyang katawan."

Sangayon na salita naman ni, Alejandro. Parehong natahimik sila dahil sa sinabi nito, ngunit may isang masamang plano ang naglalaro sa isipan ni, Dexter.

Kung hindi man matupad ang nakatakdang kasal ko para sa'yo Bonita upang makamit ko ang kapangyarihan na nais ko. Gagamitin naman na lang kita upang mapatay ko ang immortal na bampirang 'yan. Rius, paulit-ulit kamang mabuhay dahil sa isa kang immortal, sa pagkakataon na ito 'ay masisiguro ko na mawawala ka na at ako na ang maghahari sa lahat ng mga bampira. Pareho kayong mawawala ng babae na ito,

Mala-demonyong plano, ito ang tumatko sa isipan ni Dexter, habang tinitingnan niya si, Bonita. Dahil galit na galit ang nadarama niya dahil inunahan na naman siya ni, Rius. At sa pagkakataon nito 'ay siya naman ang mauuna dahil babawian niya na ngayon si, Rius.

Samantala, sa mansyon ni, Rius. Naghahanda na siya sa kanyang pagbabalik sa puntod ni, Bonita. At ilang gabi rin niyang muling pinagisipan ang lahat at isa lang ang desisyon na pinandigan niya. Gusto niyang mabuhay si, Bonita. At kung ang buhay man niya ang maging kapalit ay gagawin niya dahil ganito niya kamahal ito.

-------------