webnovel

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

Sept_28 · Historia
Sin suficientes valoraciones
7 Chs

4 hello hong kong

Bumukas ang pinto sa bandang likuran at lumabas mula doon ang isang matipuno paring ginoo sa kabila ng idad nitong saisinta.

"Mga ginoo." Agaw pansin nito sa kanila. "Humihingi ako ng paumanhin, wala pong alam sa pagkukulay ng buhok ang batang yan kaya sana ay maintindihan niyo."

"Ikaw—" nakilala ni Robert kung sino ang matandang yon ngunit hindi siya pinatapos sa pagsasalita nito.

"Ako nalang po mismo ang magkukulay ng inyong buhok." Presenta nito. "Dito po kayo pumasok."

Hindi naman talaga pagpapakulay ng buhok na tulad sa ibong adarna ang totoong sadya nila doon kundi ang matandang yon.

Sumunod sila sa matanda at nakitang sa sala pala napuntahan nila. Agad namang nilibot ng paningin nila ang kabuuhan ng silid na iyon.

Sa tabi ng fireplace ay naroon magkakaharap ang ilang sofa. May hagdan pataas sa bandang kanan, may isa pa ding lagusan na marahil ay papuntang kusina at may saradong pintuan na katabi ng bintana kung saan ay makikita ang maliit na harden sa labas.

Magkakatabing naupo silang tatlo at kaharap ang matanda, sa pagitan nila ang isang mababa at pahabang mesa na pwedi namang buhatin pampalo ngunit hindi magagamit na pangharang sa bala.

Lumabas ang isang ginang na may dalang tray na naglalaman ng apat na tasa ng kape at ilipag iyon sa mesa.

"Sa tingin ko ay kararatingin niyo lamang," pansin ng ginang matapos bigyan ng tingin ang mga malitang dala nila. "Mga anak, nag-agahan na ba kayo?" Tanong nito.

"Kumain po muna kami sa barko bago bumaba." Magalang na sagot naman ni Manuel sa ginang.

"Kung gayon ay ipaghahanda ko na lamang kayo ng meryenda. Inumin niyo muna ang kape ng mainitan kayo." Sabi pa ng ginang saka ito umalis.

"Salamat po." Pahabol nilang tatlo sa ginang.

"Anong kailangan ng ibong adarna?" Seryosong tanong ng matanda. Ang tinutukoy nitong ibong adarna ay ang mga higher-ups ng samahan, mga dating kasama nito sa pakikidigma laban sa kaharian ng espanya na sumakop dati sa pilipinas ng mahabang panahon.

Pumasok sa eksana ang mga kano na siyang kasalukuyang may hawak sa bansa. Binayaran silang mga mga dating pinuno ng mga kano upang sila ay sumuko at natapon sila dito sa Hong kong. Ang ilan sa mga nabayaran kasama na ang heneral ay ibinili ang pera ng sandata laban sa mga kano.

"Heneral." Tawag ni Robert sa matanda, inabot muna nito ang isang tasa ng kape saka nagpatuloy sa pagsasalita. "We need the money."

"Yung perang ibinayad ba ng mga kano ang tinutukoy niyo?" Natawa pa ang heneral. "Ipinambili ko na iyon ng bala at baril, marahil ay di pa kayo isinisilang ay ubos na iyon."

Humigop ng kape ang dalawa. Samatalang si Robert naman ay patuloy lang na nilalaro ang hawak na tasa.

"Heneral, hindi kami napadaan dito sa Hong Kong para lang makipagkwentahan sayo." Giit ni Robert.

Muling natawa ang matandang heneral. "Sege, may sasabihin ako. Yung parte ko, maging ng ilang nasa malapit sa akin ay ubos na. Ngunit alam kong may matang nagmamasid parin sa akin kaya hindi ako maaaring mawala sa lugar na ito ng matagal."

May iniabot na papel ang heneral kay Robert na agad naman nitong binuklat. "Yan ang listahan ng mga binayaran ng mga kano. Yung wala pang tanda ay ang hindi ko pa nahahanap hanggang ngayon. Ayon sa napag-alaman ko ang ilan sa kanila ay ginamit sa nigosyo ang pera at mayayaman na ngayon. Ang iba naman ay naubos na daw sa sugal."

"Ang perang yun ay kapalit ng bansa kaya wala silang karapatang gamitin iyon sa personal na interest." Nagagalit na wika naman ni Albert.

"Maaari kayong mamalagi dito hanggat nais niyo." Pahintulot naman ng heneral.

Isang silid sa taas na palapag ang inakupahan nilang tatlo sa bahay ng heneral. Mabilis na lumupas ang oras. Matapos ang tanghalian ay nagpasya ang tatlo na lumabas at mag-umpisa na sa paghahanap. Tanging pangalan lamang ang hawak nila at kahit sila ay hindi pa kailan man nakita ang mukha ng kanilang hinahanap.

"Saan tayo mag-uumpisa?" Tanong Albert habang walang humpay naman ang pag-ulan ng nyebe.

"Kaunti lang naman ang mga pilipino dito sa Hong Kong kaya kung makakahanap tayo ng iba, paniguradong mabibigyan tayo ng clue." Si Manuel ang sumagot. "Magtanong na tayo."

"Yan ang unang problema." Sabi pa ni Albert habang naglalakad na sila.

Mahaba-haba narin ang nilakad ng tatlo ngunit wala parin silang napagtatanungan.

"Tingnan niyo." Inginuso ni Robert ang malaking restaurant sa kabilang kalsada na agad namang tiningnan ng dalawa.

"Ye western food." Basa ni Albert doon sa nakasulat na karatula sa taas ng pintuan ng nasabing restaurant.

"Siguro naman ay may makakausap tayo diyan." Sabi pa ni Robert at tumawid na sila ng kalsada.

Si Robert ang naunang pumasok, hindi niya akalaing muli na naman pala niyang makikita ang magkapatid na Celia at Celio. Pambabae na ang kasootan ni Celia at sadyang maiksi talaga ang buhok nito na pweding panglalake at pwedi ding pambabae.

Ayon sa bilang ni Robert ay dalawampot siyam katao ang naroon sa loob kasama na silang tatlo, gawa sa matigas na kahoy ang mga fornature doon. Yung glass wall naman ay kayang-kaya na basagin.

"Andito pala yung dalawa." Natutuwang wika naman ni Manuel na agad lumapit sa magkapatid at naupo sa tabi ni Celia.

Yung dalawa naman ay sumunod nalang din. Pinagitnaan si Celio sa upoan.

"Ayaw niyo kaming isama pero hito kayo ngayon at mukhang kami yata ang inahanap niyo." Pagbibiro ni Celia matapos lunukin ang pagkain.

"Hay, huwag ka sanang maisulat na kaunaunahang asumera ng pilipinas." Panlilibak naman ni Robert kay Celia.

"Ha! Wala namang magiging kauna-unahang asumera kung walang kauna-unahang PAASA!" Ganti naman ni Celia dito.

"Tama na yan." Si Manuel na ang umawat. "May hinahanap nga kami pero hindi kayo yun, PERO ulit, baka pwedi niyo kaming tulungan?"

"HA HA!" Dalawang tawa ni Celia. "With all due respect, I'm not qualified to help you people." Isa-isa pang itinuro ni Celia ang tatlo at nagtagal pa sa panghuli na si Robert.

Lumapit sa kanila ang isang waiter na lalakeng chinese at nag-order naman ang tatlo ng kape.

"Lets date, at the same time help us." Sabi ni Robert o mas tamang sabihing utos ni Robert.