webnovel

Begin, Again: Highschool Series #1

Highschool Series#1 A second chance of love. Synopsis: What if the person who left you back then, return? And you didn't expect that he will become your fiancee. What you gonna do? You can take the risk to give him a chance or other wise? ~ Let's see how Maeve Montarde handle this kind of situation. TheQueenWrites Date Started: December 17, 2020 Date Finished: XXX

_TheQueenWrites_ · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
5 Chs

II: Family Issue

CHAPTER TWO

"I DIDN'T expect that you're here in Manila, Maeve." natigilan ako pag suot ng seatbelt ng marinig iyon mula kay Tryton.

All this time, hindi niya inaasahang maari niya akong makita rito? Well, sabagay he left me before without saying goodbye, ano pa bang aasahan ko?

"Same thoughts." matipid na sagot ko. Totoo naman, kahit ako kay hindi inaasahang makita siya rito. I mean sa school talaga? Same school pa ah.

"You've changed a lot, Maeve." dagdag pa nito. Nalukot bigla ang mukha ko sa sinabi niyang iyon, hindi ko maintindihan kung papuri ba ito o pang iinsulto. Una sa lahat, ano bang pakialam niya kung madami nagbago saakin? Para namang may pakialam talaga siya? Tss!

"Huh?" deretso ko itong tinignan habang nagmamaneho at tinaasan ito ng kilay.

"Never mind." napabuntong hininga ito.

Hindi na muli pa kaming nagpansinan, nanatili akong takom maging siya ay nawalan na rin ng kibo at itinuon nalang ang pansin sa pag mamaniho. Pakiramdam ko tuloy malaking ang hidwaan sa pagitan naming dalawa, maling mali talaga ata ang naging desisyon kong sumabay sakaniya.

Hindi ko alam kung pano ko ba nakakaya iyong sitwasyon naming ganito, halos dalawang taon na rin kasi noong iniwan niya ako. Hindi ko alam kong normal pa itong ganito o sadyang umaasa pa rin talaga ko sa nakaraan namin? O naghihintay ng paliwanag niya? Gusto kong magalit sakaniya sa ginawa niyang iyon, pakiramdam ko napaka walang kwenta kong tao sa pag iiwan niya sakin. Gusto kong kunin ang oras na 'to para magtanong nang lahat-lahat pero pakiramdam ko hindi pa rin ako handang marinig ang mga paliwanag niya. Mabigat pa rin at masakit sakin ang ginawa niya iyon.

"We're here." anito, natigilan ako sa pag iisip. Hindi ko namalayan na may namuong luha na pala sa gilid ng aking mga mata, bago pa man siya lumingon sa gawi ay agad ko na itong pinunasan at madali kong inayos ang sarili.

"Thanks for .."

"No worries, if you want I will drive you home later. Dating gawi?" ramdam ko ang hiya sa boses niya. Dahil sa sinabi niyang iyon pakiramdam ko pulang pula ang makinis kong pisngi. May kung ano sa puso ko ang nakaramdam ma matinding kiliti.

'Nagiging marupok talaga ako sa isang to.'

Hindi na 'ko sumagot pa sa kaniyang sinabi, isang salita ko lang malalaman niya ang emosyon ko. Ganun niya ko kakilala, kaya mas pili ko nalang maging tikom. Nakarating na kami sa classroom, alam kong marami ang nakatingin saaming dalawa sa tuwing makakadaan kami sa mga hallway. Nasa apat na palapag kasi ang classroom ng Grade 11 at magkabilaan ang hagdan kaya naman hindi talaga maiiwasan ang mga mata ng karamihan. Kilala ako sa buong campus dahil ako ang panlaba nila sa larangan ng musika. Well, i love music  actually.

Nakarating na kami ng classroom, syempre gaya ng inaasahan ko gulat na gulat ang dalawang kaibigan ko na makitang sabay kaming pumasok. Well, madali lang namang magdahilan na nagkataon lang.

"Good morning" bati ko sa dalawa. Syempre, hindi ko pinahalata sakanila na sabay talaga kami. Ayaw kong mag isip sila ng kung anu ano at ayaw ko ng mga issue.

"Speed ka ghorl?" bwelta bigla ni Ynnah.

"Blooming si ateng!" sabi ni Zyrine at nagtitigan silang pareho. Ok, expected!

"Pwede ba, alam ko na 'yang galawan niyong iyan, mali ang iniisip nyo."

"Owsss?" sabay na sabay na pagkakasabi nila, halatang nang aasar talaga.

"Oo nga!" pandiin ko.

"Oh, ba't ka offensive. May something no?" lumapit si Ynnah sa sakin at dumeretso ito ng tingin, marahan niyang inilalapit ang mukha niya kasabay ng panliliit nang mata niya. "Umamin nga kayong dalawa!" bigla niyang hinablot ang kwelyo ni Tryton.

"Hmm." ungot ni Tryton. Hindi ko alam kung saan nahuhugot ni Ynnah, iyong ganitong vibes. Kung hablutin niya ang uniform nito parang akala mo matagal na silang magkakilala pero ang totoo hindi naman.

"Gosh, Ynnah! Attention seeker ka talaga e'no?" sabi ni Zyrine, na hindi rin makapaniwala sa inasal ni Ynnah. "Akala ko ba crush mo si Try tapos..." natigilan kaming lahat ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Good morning class." bungad saamin ni Mister Camposano teacher namin sa Geometry.

Dali daling tinanggal ni Ynaah kay kamay nito sa kwelyo ni Tryton at agad na bumalik sakaniyang upuan na parang wala lang nangyare.

"So class, our lesson for today is all about MMM. The mean, median and mode."

Mga ilang minuto pang nag bibigay ng mga sample si Sir ay nakaramdam na agad ako ng matinding pagkaboryo. Hindi naman sa pag mamataas pero, madali akong makacope up ng mga lesson sa isang paliwanagan lang specially numbers.

Isinubsob ko ang mukha ko armchair. Amoy na amoy ng matangos kong ilong ang baho ng pintura ng upuan kaya naman agad akong nag taas ng ulo, pakiramdam ko tuloy nahilo ako sa tapang ng amoy.

"You're still the same, huh?" natigilan ako ng bigla kong makitang nakatingin sa gawi ko Tryton at halatang pinipigilan nito ang kaniyang tawa.

"Hey!" inis na bulong ko, bulong na makakarating sa teacher namin. Damned!

"Miss Montarde and Mister Carter, get out!" bulyaw ni Mister Camposano. "Both of you are distracting the whole class."

Kumibot kibot ang gilid ng labi ko sa sinabing iyon ni Mister Camposano. Did I do that, I mean we? Srsly?

"I said out!" Mas lalong tumaas ang boses niyang iyon.

"God, Maeve anong ginawa niyo?" bulong ni Zy. "Are you want to join them, Miss Martiné?" halos lumabas na ang ugat ni Mister Camposano sa leeg. Bago pa man pumutok ang ulo ito sa galit ay agad na akong tumayo at sumunod saakin si Tryton.

Tahimik akong sumandal sa pader sa labas, hindi ko akalaing gano'n pala ka strict si Mister pag dating sa subject niya. Mukha siyang mabait at hindi traitor pero mukhang nag kamali ako. Akala ko lang pala at talaga hindi ko akalaing mapapalabas ako sa first meeting! Kasalanan 'to lahat ni Tryton. Gosh.

Oo nga pala nasaan na iyong lalaking iyon? Hindi ko ito napansin noong lumabas na kami dahil sa sobrang kakaiisip sa sinabing iyon ni Mister Campo. Nagmadaling hinanap ng mata ko si Tryton, doon ko siya nakita nakatayo sa corridor habang nakatingin sa malayo. Kung kanina bago kami palabasin ay masaya pa ang mga mata nito, ngayon ay nakikita ko malalim ang iniisip, makikita iyon sa mga mata niyang mapupungay animo'y sobrang dami at ang lalalim ng mga iniisip.

Napaisip tuloy ako bigla.

'Ako kaya? Naisip niya rin ba ako noong mga araw na iniwanan niya ako?'

Hindi ko alam kong saan ko nakukuha ang ganitong pag iisip. Anong magagawa ko? Hanggang ngayon may kirot pa rin sa puso ko, na nagtatanong kung bakit nangyare ang mga bagay na iyon..

Napabuntong-hininga ako at saka lumapit sa gawi nito. "Loner huh?" biro ko.

Tahimik itong lumingon saakin. "I'm sorry, Maeve" anito. Sa sinabi niyang iyon pakiramdam ko sobrang dami ng gustong sabihin nang salitang iyon. May kung ano sa puso ko na nakaramdam nang sobrang bigat at hinanakit.

"For what?" nauutal na tanong ko. Bigla itong humarap saakin kaya naman humarap rin ako sakaniya. Pakiramdam ko bumabalik nanaman ako sa nakaraan at parang sa titignan namin ay humihinto ang oras.

Ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon ng biglang tumunog ang bell. Dismissal.

"Let's meet later after our class at Starbucks sa tapat nitong Academy." sabi niya bago niya ako talikuran.

Ano daw?!

"Gosh, Maeve! Anong nangyare kanina at pinalabas kayo ni Sir." nagmamadaling tumakbo saakin si Ynnah.

"Oo nga, hindi ko akalain terror pala ang isang iyon ." dagdag naman ni Zyrine.

Hinila ko sina Zy at Ynnah papalapit sa mukha ko. "Wag kayong maingay, feel ko bakla si Mister Camposano" pabulong na sabi ko.

"Wtf, totoo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Zy.

"Ay true ka d'yan, Maeve. Iyan din ang napansin ko kanina. Simula kasi noong tumama ang paningin ni Sir kay Tryton halos pumuso ang mata, feel ko nagselos iyon. Ano ba kasing ginawa niyo?" bwelta ni Ynnah.

"Tinawanan kasi niya ko, nakita niya akong naboboryo sa klase." paliwanag ko.

"Ah, so close na kayo ganern?" si Zy.

"Hindi naman, I mean ano kasi -- ano."

"Ano?" halatang naghihintay nang sagot si Ynnah.

"Ano kasi guys, tutal bestfriend ko naman kayo. Ano kasi, siya kasi 'yong ex ko noong sa United State pa kami nakatira." nauutal na sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Ano!?" sabay na birit ng dalawa. Kitang kita sa mukha nila ang pagkagulat.

"O my god, Maeve. Seryoso ka?" si Zy. Halos namilog talaga ang mga mata n'yang singkit.

"Walangjo ka! Akala ko pa naman majojowa ko 'yang Tryton na iyan, mali pala." nadidismayang sabi ni Ynnah.

"I'm so speechless!" sabi ni Zyrine saka sila tumalikod at pumasok nang classroom, wala akong ibang ginawa at sinundan silang pareho.

Maghapon kaming naging abala sa klase, sobrang dami ng activity kaya naman halos hindi na namin nagawa pang mag usap. Tuwing nagtatama ang paningin namin ni Try, parang pinapakiramdaman namin ang isa't isa. Lumipat kasi siya ng upuan malayo sa tabi ko, hindi ko alam ang dahilan pero alam ko namang may dahilan siya.

"Feeling ko Maeve, feeling lang huh? Feeling ko sinundan ka n'yan." sabi ni Zyrine ng makarating kami sa parking area.

"O baka naman dinala ng tadhana, hindi para sayo, kung hindi para saakin." pang aasar na ani Ynnah.

"Tss. Umayos ka nga Ynnah. Puro ka kalandian." galit na tono ni Zyrine. Sa ganitong usapan talaga ay masyadong seryoso si Zyrine dahil sa totoo lang saaming tatlo siya lang wala pang naging boyfriend. Kampon ata ng NBSB, loyal siya doon. Siya ang walang nakarelasyon pero grabe ang mga words of wisdom.

"Sorry na po nay, ito na nga eh. Aayos na, masyadong ano eh. Kaya wala kang magiging ano eh. Akala ko si Maeve lang, pati rin pala ikaw. Pero si Maeve may ex na ready to mingle na ulit, pero ikaw. Wala, daig mo pang meron!" pandiin nito saka ito tumawa.

"Walang hiya ka talaga e'no?" binatukan ito ni Zyrine.

"Tama na nga! Uwi na tayo!" suway ko sa dalawa. Pag seryoso talaga ang usapan para silang aso't puso at ako ang amo nila, walang pinagbago ang dalawang ito kahit kailan. Tss!

Gaya ng dati kaniya kaniya na kaming gawi, hinintay ko muna sila umalis bago ako pumasok sa banyo dito sa parking area. Naalala ko kasing magkikita kami ni Tryton sa Starbucks kaya naman inayos ko muna ang sarili ko nag spray ng favorite cologne ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko akalaing maabutan ko ito sa labas nang banyo nakasandal at naka cross arm ang dalawang kamay habang sumisipol sa hangin. "What are you doing here?" lakas loob na tanong ko.

"Let's go." anito sabay talikod at naglakad papalayo.

Bastos amp!

Napabutong-hininga nalang ako, hinintay ko muna itong makalayo bago ako sumunod sakaniya. Ayaw ko rin naman kasing may makakita saaming magkasama dahil panigurado akong usap usapan nanaman ako sa school pag nagkataon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa tapat ng school. Si Tryton ay dumeretso ng counter at ako naman ay dumeretso sa pinaka dulo nito, at doon ko siya sinenyasan. Hindi ko na sinabi kung anong akin, dahil alam ko namang alam na niya iyon.

Nang makaupo ako ay agad nilibot nang mata ko ang buong paligid, maraming tao ngayon rito syempre may iilan lang na taga school namin pero halos mga UPinian ang mga narito.

Sabagay, katapat lang naman ng school namin ang UPManila at katabi lang nito ang Starbucks ano pa bang aasahan ko?

"Here." sabay abot saakin ng Green Tea Frappucino.

Alam na alam!

Umupo ito sa harap ko, sinundan ko siya ng tingin. Ganito kami way back a years ago, kaya lang iyong time na iyon ay masaya pa kami.

Nilunok ko muna ang pride ko bago humigot nang pride at nagsalita. "So? What now?"

Nakita kong napabuntong hininga ito bago mag salita. "Gusto lang sana kitang kamustahin."

"I'm doing good." mabilis na sagot ko.

"Mukha nga" humugot muli ito ng kaniyang hininga. "Totally recovered?"

Napatigil ako sa pag sipsip nang green tea sa sinabi niyang iyon. Feeling ko tuloy isang maling singhot papasok ang tea sa ilong ko. Damned!

"Hindi ko inakalang makikita kita rito Maeve, I mean.." napayuko ito.

Napabuntong hininga ako. "Hindi pa ko handang marinig ang paliwanag mo, Try." nag angat ito ng tingin saakin kaya agad akong umiwas. "Gustong marinig, pero hindi pa ko handa." pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang kong mata sa sinabi kong iyon.

"Maeve, alam kong masaktan kita noon, pareho lang tayong nasaktan.. Masakit saakin iyong ginawa kong desisyon pero.." gumaralral ang boses nito kaya agad akong napalingon sakaniya.

"Pero ano Tryton?! Ano!?" hindi ko akalaing iyong iyak na itinago ko sa dalawang taon ay bigla nalang bumuhos.

Walang alinlangan akong lumabas ng Starbucks at sumakay nang taxi. Hindi ko akalaing magiging ganoon ang pag uusap naming dalawa, akala ko ay magiging maayos ang pag uusap namin pero hindi pala. Mali nanaman ang desisyong ginawa ko.

Sa loob ng taxi ko ibinuhos lang iyak ko. "Miss, saan po tayo?" tanong nang mamang driver.

Sahalip na sagutin ito, ay inabot ko sakaniya ang Id ko. Doon kasi nakasagad kung saan ang address ng bahay namin.

Habang nasa biyahe ay hndi ko na namalayang pagabi na pala ng mga oras na iyon. Walang tigil ang luha ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

'It's been years since the day you left me and to be honest, I tried to forget you, but the harder I tried, the more I think about you.'

To be continued...