webnovel

Chapter 11

RILEY POV

"Sir may tumatawag po sainyo. Sambit ko.

Nandito kame sa company niya bilang slave niya ay pati pagiging secretary ay ako na ang gumagawa.

"Sino? Tanong neto saken habang may binabasang papeles.

Two weeks na ang lumipas simula ng sambitin niya yun. Ngayon at bumalik ang cold expression ni Sir. Lucas.

"Si Mr. Isaac Cañada po. Sagot ko dito.

"Akin na. Malamig na sambit neto.

Lumapit ako sa kanya upang i-abot ang cellphone at umalis din agad ako at umupo muli sa pwesto ko. Nakikipag usap lang si Sir. Lucas sa cellphone, at hindi ko eto marinig dahil medyo malayo ang pwesto ng table niya sa pwesto ko.

"Slave. Tawag niya saken.

Tumayo agad ako at lumapit sa kanya.

"Yes po sir? Tanong ko dito.

Nasanay na rin akong nakakausap siya.

"May meeting ako mamaya i-cancel mo lahat ng appointments ko. Ani neto saken sa seryosong tono.

"Yes sir. Sagot ko dito.

Bumalik ako sa pwesto ko at kinuha ang iPod na ginagamit ko at isa isa kong ci-nancel ang mga appointments niya.

"Slave. Tawag ulet niya saken. Lumapit naman din agad ako sa harapan niya.

"Yes sir? Tanong ko dito.

"Mamayang six pm ang meetiing ko, sumama ka saken at make sure na maayos ang suot mo. Sambit neto saken.

"Yes sir. Sagot ko dito.

Bumalik ulet ako sa pwesto ko at hinihintay lamang na lumipas ang oras.

~FAST FORWARD ~

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at hindi ko alam kung lalabas ba ako dahil may binigay sakeng susuotin si Sir. Lucas.

"Nahihiya talaga ako. Bulong ko sa sarili ko dahil sa suot na damit ko.

Pano ba naman kasi ngayon lang ako nag suot ng ganto kagandang damit at pakiramdam ko hindi eto bagay saken.

"Riley dalian mo daw sabi ni boss. Sambit ng lalaki sa labas ng pinto ng kumatok eto.

"O-opo kuya palabas na. Sagot ko naman.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kabila mukhang wala na eto dito.

"Kalma Riley kalma. Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko at tinahak ko ang daan papuntang sala kung saan nag hihintay si Sir. Lucas.

"S-sir Lucas. Utal kong tawag sa pangalan niya.

"Bakit ang tag.

Lumingon eto saken at hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng tinitigan ako neto mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng hiya at yumuko ng bahagya baka kasi hindi bagay saken ang suot kong damit.

"S-sir? Nahihiyang tawag ko dito.

"E-ehem. Sambit neto at inayos ang sarili.

"Tara na at baka ma-late tayo sa meeting. Sambit neto saken at tumalikod na.

Nakita ko naman na parang namula ang tenga ni Sir. Lucas.

"May sakit kaya siya? Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Sumunod ako sa kanya papuntang sasakyan at nauna siyang nakasakay at sumunod na din ako.

"Slave. Tawag niya saken habang naka tingin naman eto sa kanyang binabasang papel.

Hindi ba eto nauubusan ng babasahin? Sambit ko sa isip ko.

"Yes po sir? Tanong ko dito.

"Mamaya sa meeting wag kang aalis sa tabi ko kahit anong mangyari. Seryosong sambit neto.

Nagtaka ako kung bakit niya sinabi yun at para akong nakaramdam ng kakaiba ng marinig ko ang mga salitang iyon.

"Y-yes sir. Utal kong sagot dito.

Hindi na ako nakarinig ng kahit anong salita pa kay Sir. Lucas at ilang minutong byahe ay nakarating din kame sa isang hotel.

"The door. Ani neto at alam ko na agad kung anong ibig niyang sabihin.

Bumaba agad ako at umikot upang pag buksan siya ng pinto at agad naman etong bumaba. Lumakad na agad si Sir. Lucas patungo sa entrance ng hotel.

"Do you have a reservation sir? Tanong ng isang guard samen.

"Yes. I'm Mr. Anderson. Malamig na sagot ni Sir. Lucas.

Tumango naman ang guard at kinuha ang isang papel at hinanap ang last name ni Sir. Lucas.

"Sige po sir pasok na po kayo. Sambit ng guard.

Mukhang mahigpit ang hotel na eto dahil bago ka pumasok sa loob ay kailangan mo munang sagutin ang guard. Nakapasok na kame sa loob at bumungad saken ang isang malawak na lobby na akala mo ay na sa teleserye ako sa ganda at lawak neto.

"Wow ang ganda. Manghang bulong ko.

Nakita kong naglakad lang si Mr. Anderson at dumiretso sa receptionist.

"Good evening sir. Bati ng babae kay Sir. Lucas.

"Anderson. Malamig at maiksing sambit ni Sir. Lucas.

Tumango naman ang babae at parang may tinype siya sa computer at maya maya lang ay lumingon muli eto samen.

"Room 703. Sambit ng babae.

Hindi umimik si Sir. Lucas at umalis lang eto sa harap ng babae. Hindi ba eto marunong mag pasalamat? Pumasok na kame sa elevator at siya na ang puminto sa button.

"Slave. Malamig na tawag neto saken.

"Yes sir? Tanong ko dito at nilingon ko siya samantalang nakatingin lang siya sa pinto ng elevator at mukhang seryosong seryoso.

"Sinabi ko sayo kanina sana sundin mo. Malamig na sambit neto at naalala ko ang sinabi niya na kahit anong mangyari ay wag akong aalis sa tabi niya.

"Yes po sir makaka asa ka. Sagot ko dito.

Hindi na eto umimik at kalaunan ay tumunog na din ang elevator at bumukas na eto sa palapag na pinindot ni Sir. Lucas. Lumabas na siya ay sinundan ko lamang siya, naglakad kame sa room na sinasabi ng babae kanina at nakita din naman namen agad eto.

"Sir ako na po kakatakot. Ani ko dito.

Pero nagulat ako ng bigla na lamang niya eto binuksan at diretsong pumasok lamang eto.

"Nandiyan ka na pala Mr.Anderson. Sambit ng isang matandang lalaki na naka upo ngayon.

Hindi sumagot si Sir. Lucas at diretso lamang etong umupo sa upuan at sinundan ko lamang eto.

"Anong gusto mo? Tanong naman ng isang magandang babae at sa tingin ko ay ka-edad ko lamang eto.

"Nothing. Walang emosyong sagot naman neto.

"Are you sure? Malambing na tanong ng babae sa kanya.

"Umpisahan niyo na ang dapat pag usapan ayokong mag aksaya ng oras para dito.

Walang emosyong sambit ni Sir. Lucas at hindi pinansin ang sinabi ng babae kanina.

"Gusto kong malaman Mr. Anderson kung kailan mo balak ganapin ang engagement party niyo ng anak ko. Sambit ng matandang lalaki.

"E-engagement party? Nagulat ako ng lumabas ang salitang eto sa bibig ko.

"S-sorry po. Paumanhin ko at yumuko ng bahagya.

Nakita ko namang nilingon ako ni Sir. Lucas.

"It's ok. Rinig kong sambit ng lalaki.

"E-excuse me pupunta lang po ako sa banyo. Paalam ko sa mga to.

Tumalikod na ako at sa pag talikod ko ay dun bumagsak ang luha ko ng hindi ko alam.

"E-engagement p-party? Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Tila para akong sin*ks*k sa puso ng marinig ko ang sinabi ng matanda kanina at sobrang bumigat ang pakiramdam ko sa mga oras na yon.