webnovel

Bakit Ako Single? (A Love Story of a Waiting Princess)

"Love is a beautiful thing, yet it can be a monster that can break you. They say that when you love someone you never want to let them go and you will do anything to stay with them." Sabi nila "true love waits" pero paano kung matagal ang paghihintay? Or paano kung nakita mo na pero hindi tama ang tugtugin at tibok ng puso nyo? Ang sakit di ba? Minsan naitatanong mo kung maganda ka ba kasi parang walang nagkakagusto sayo. At my age of 38 years old, most of my batchmates are all married and have their families na, dakilang ninang na nga ako ng iba sa mga anak nila. Madalas ayoko na tuloy pumunta sa mga okasyon kasi iisa ang tanong nila, "kailan k aba mag-aasawa?" "Wala ka bang boyfriend?" At madalas ko lang sagutin ng "Wait lang, darating din 'yan." ​Minsan tuloy napapaisip ako ng "Nasaan na nga ba si Mr. Right?" "Sobrang traffic na ba at hindi ako makita?" Pero kung nakita mo nga pero hindi naman pwede maging kami. Being single is sometimes a controversial issue in our young professional society. Always remember that true love waits. Every woman is worth the wait. We don't need to rush things. It will come. Everything has its own perfect time. Maybe God is still busy writing my love story.

iamprincessivy · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
7 Chs

Chapter 3: Letting Go

"With all the pain you can't see, You have to move on, I have to move on, Letting my last tears fall, and I'm letting you go."

-Letting You Go by JBK

In my previous chapter, naikwento ko mga heartbreaks ko sa mga naging ex ko. At para makita ko na si the one, I have to let go of the past. Pero paano? Mahirap kaya magmove on? Pero syempre kailangan na magmove on.

​Sa dalawang failed relationships ko, isa sa natutunan ko ay ang huwag magtanim ng negativity sa buhay. Sa kabila ng mga break ups, ang lagi nasa isip ko, "hindi pa time, hindi pa sya ung right one for me." Kaya kahit nasasaktan, nagagawa ko pa rin ngumiti, bumangon at tumingin sa bagong kabanata ng buhay ko.

​Noong 2012 ang last relationship ko, six years yun kaya sabi nila mahirap magmove on, siguro nga sa iba mahirap, pero sa akin hindi naman kasi nga naset lagi sa mind ko na hindi pa sya ang right one kaya nawala or hinayaan ko mawala. From that year lagi ko pinagpepray na makita ko na si the right one.

Isang araw, may isang guy na lahat ng gusto ko sa isang guy ay nasa kanya. Yes, as in lahat ng nasa checklists ko nasa kanya. So, buong akala ko sya na. Naging close ko naman sya at halos araw araw kami magkausap, nahulog na naman loob ko pero kung kailan ka ready na magmahal at ung sinasabi nilang true love, nasa ganung stage ka na. tapos isang araw nawala sya na parang bula.

​Yes, na-ghosting. Ghosting ung tawag sa bigla nawawala ng walang paalam. Tapos blocked ako sa lahat ng social media nya. Saklap, wala akong way to communicate to him.so ano na bes? ​Eh di, let go and move on ulit ang peg ko. Sakit nya ha.

​Tumagal ung ganun feelings ng almost 3 years. Tapos kung kailan ka nakamove on na saka bigla babalik. Minsan gusto ko na magalit sa lahat eh. Pagbalik, malalaman mo, wala naman pala syang dinate na iba nung lumayo sya (good thing), pero ang tanging paliwanag nya; "Sorry, gusto ko kasi kilalanin ka pa ng malayo sayo." Grabe, ang weird beshy.

​Gusto ko mainis sa kanya at the same time tanungin sarili ko kung ano ba pagkakakilala ng ibang tao sa akin. Alam ko hindi ako perpektong tao pero parang hindi ko naman deserved masaktan di ba? So ngayon, I have to choose, ilelet go ko ba sya ng tuluyan or should I keep him? Hmmm, sadly, I chose to let go of him. Remember, I always call a guy "Kuya" once need ko na ilet go. I started calling him as my "Kuya". Alam ko marami magtataka.

​Letting him go is the hardest thing to do. It broke my heart but I have to do it. Here's the reason why I let him go. I called this the expensive bag theory.

THE HERMES BAG THEORY

​Hermes Bag is the most expensive branded bag in the world. It costs millions. Kaya madalas artista o mayayaman lang meron, sa Pilipinas, iilan lang ang merong ganitong bag. Ito ung bag na hindi pwede magbaba ng presyo kahit sale. (I'm talking the original Hermes bag ha.) So, bago mo makuha o bago ka makabili, kailangan you work hard for it.

​Yan ang katotohanang pareho sa prinsipyo ko. As I grew older, I realized it's not late to upgrade my personal identity. Walng katumbas na presyo o halaga ang pagkatao ng bawat isa. Ganoon din sa mga girls. We are called princess ng mga parents natin, even God created us special. We are gems and precious than anything else.

​If we know our worth as a girl, lady, woman or princess, we will never settle for less. Kung alam natin ang worth natin, hindi natin dapat ibaba ang standards natin. Yung checklist natin mostly physically driven yan, paano pag nagfade, kaya pa ba natin mahalin ung nasa ideal list natin? Kaya mahalaga na dapat sa puso ng tao tayo tumingin.

​Ang sarap lang sa pakiramdam na kung alam mo ung worth mo bilang babae, hindi ka magcocompromise sa kung ano ang sale. Hindi tayo perpekto pero hindi tayo dapat magcompromise.

​Men should be the one reaching out for us. Kaya I let him go kasi gusto ko marealize ng taong yun na he needs to be a man. Men are hunters. So as girls, stop hunting them.

​Hayaan mong guy ang humanap sayo sa puso ng Panginoon. Maraming flaws sa buhay natin pero lahat ng imperfections natin ay macocompliment yan ng mga standards ni God para sa atin.

​As I say, "Our imperfections made us more beautiful."

​Hindi kasi lahat ng darating ay sya na ang the one. Minsan napapaisip nga ako, may nag eexist bang the one for me? Syempre meron. One of the many God's gifts to us is to love and be loved by someone.

​Hindi tayo for bargaining purposes, so never settle for less. No matter how good or bad we are, remember, we are special and we deserve the best for us.

Sa lahat ng heart breaks ko, I realized I need to let go of many things. Hindi madali maglet go at move on sa buhay.

​"Quit playin' games with my heart. I should've known from the start." A Backstreet Boys song way back in '90s, it's a song for all my heartaches. Well, I realized the need to move on and let go of those pasts. Marami akong natutunan at marami realizations, hindi kasi madali magmove on, kaya eto mga ginawa ko para tuluyan ko mailet go yung mga heart aches, mga feelings na super immature pa.

Letting Go Means Let Go Like A Bamboo

Kapag in love tayo, maraming pangakong nakakakilig tayo naririnig, pero kapag nagbreak na, isang hugot lines na lang. Ang mga pangako ay parang kawayan lang yan, ang titikas sa tayog pero kapag nagbreak na, naku parang sanga yan na nababali kapag hinangin. Ang mahirap pa minsan sa sobrang paniwala natin sa mga pangako, ang ending pati buhay natin nagiging sangang nahihipan ng hangin.

​Letting go like a bamboo is never an easy way because it needs courage to do the moving on stage. Let go na natin ang mga maling pangako, sabi nga ng marami eh "promises are made to be broken, so bakit pa natin ikikeep." Sa lahat ng mga heart aches ko, natutunan ko huwag ng maghold on sa mga pangakong minsan nagpakilig sa puso ko, kasi the more we dwell on that promise, the more we get hurt. Hindi natin deserve masaktan. Yung mga sanga na nasira, hindi ba inaalis natin at tinatapon.

Ganoon ang ginawa ko, tinapon ko yung mga pangakong hindi naman natupad. Pero huwag magtanim ng galit sa taong nangako sa atin, kasi hindi rin nila expected na maghihiwalay kayo. Yung nang iwan at naiwan sa relasyon ay parehong biktima lamang ng masalimuot nabuhay pag-ibig. So, walang may kasalanan. Madalas kasi kapag may break up, ang tanong sino may kasalanan o kaya sino nagpabaya sa relasyon. Huwag ganun, kasi pareho naman kayo nasaktan, nagmahal so, same lang. Hindi rin maganda yung sasabihin na kasi may third party kaya sya may kasalanan. Ganito lang kasi ung point ko, nagkulang kayo sa mga bagay bagay kaya dumating sa punto na naghiwalay na kayo. Whatever reasons sa break ups, lagi natin isipin na hindi ito end of the world. Parang bagyo lang yan. Darating, sasaktan tayo, iiwan pero sa huli, babangon tayong sinalanta.

Letting Go Means Delete and Not Redo

Heart aches are like a program in our computers. Kapag hindi na maganda ang lagay o naisulat sa kasaysayan, nandyan ang delete button para madelete lahat ng hindi magandang nangyari. Pwede ring magsave button kung gusto natin isave. Pero dapat alam natin kailan gagamitin ang redo button.

​Sa buhay kasi walang undo. Sa buhay pag ibig, kapag hindi na maganda lagay ng puso, bitaw na, may delete button naman. Hindi madali magmove on. Sa moving on, kailangan natin idelete yung mga bagay na nakasakit sa atin.

​Maaring tayo mismo ang nakasakit. Ilet go na natin ang negativity sa buhay natin. Imagine this, what if hindi tayo nagdedelete ng mga panget na nangyari sa atin, paano natin makikita yung magandang lesson na matututunan natin at yung magandang bagay na naghihintay sa atin sa future? Forget about what hurt you. But never forget the lessons learned.

​Deleting doesn't mean forgetting those things; it is a way of reinventing ourselves to see the beauty of being broken. Masakit pero kung yun ang paraan para gumanda ulit ang takbo ng buhay, then so be it, di ba? Parang essay na pag may mali, delete ang mali, ayusin pa ang wordings and finally see the essence of editing.

​What should we delete? Sadly, I came to this acronym; FAITH. Noong nagturo ako ng English sa isang Korean company, ang teacher's name ko ay "Faith", sa character na Faith ang pinakamaraming heartaches ko, sa character at journey ng buhay ko na ito ung pinakamalungkot na journey ng buhay ko. I met someone, we can call him as "MineShine" (makikilala nyo sya sa sunod na book ko, hoping maisulat ko kahit masakit) at sa MineShine at Faith din ung marami ring realizations at isa sa dahilan kung bakit sinulat ko ito.

​To let go means to delete. Sad to say, I need to delete Faith. Pero ano nga ba ang oplan delete faith? Don't get me wrong, I am not talking the faith in religious matter, what I'm talking is the faith acronym I made. Delete Faith means to delete fear, anger, insecurities, tantrums and him.

DELETING FAITH

Deleting Fear

Sa buhay ko marami akong fears. Fear of rejection, fear of being alone, fear of being judged, fear of hurts. Marami akong takot na somehow nakakaapekto sa pagiging ako. Karamihan sabi, ang strong ko, well, akala lang po ng iba yun. Kasi kapag ako na lang mag isa, takot na ako sa buhay. Takot ako mareject pero madalas ako mareject.

I remember falling inlove with someone I knew since 2012. Yes, may isang tao na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Rejection ang inabot ko. Yung halos parang guguho mundo kasi ang sakit, kasama mo sya everyday sa work pero para akong hangin na hindi nageexist sa mundo nya. Takot ako majudged pero sya mismo ung nagjudged sa akin. Takot ako na masaktan pero sya yung pinakamasakit na bahagi ng buhay ko.

Kailangan ko harapin yung takot ko. Fears won't help us, instead it will bring us down. Fear of rejection ang pinakamahirap harapin kasi may traumatic impact, embarrassing impact. But thank God, naovercome ko yung fear. How?

I let remind myself na I am special and I have a secured identity in life, I have a unique values and core. One of the deepest needs we as humans are the need to belong and to be accepted. When we are rejected, we fail to satisfy this need. As they say; "time will heal your wounds", I let myself conquer those fears. ​

I realized that "all fears are learned. No one is born with fears. Fears can be unlearned by practicing self-discipline repeatedly with regard to fear until it goes away." So it means, I wasn't born with fears. So, useless matakot kahit ano pa yan. Well, I only fear God. When I start to realized that, I started to counter fears, I started to make sure na every time I feel fear, I always do this, "visualizing myself with confidence and competence in any area where I am fearful, my visual image will eventually be accepted by my subconscious mind as instructions for my life." "The ability to confront, deal, and act in spite of your fears is the key to happiness and success"

Deleting Anger

Dealing with anger is not easy. Anger defined in many ways: from a loss of calmness, displeasure or irritation, to hostility or rage. When anger takes control, it is nearly impossible to focus on anything except that which has made us angry. Ang hirap nyan kapag yung anger mo ay nagresult na sa mga bagay na hindi maganda.

After ng mga rejections and hurts, syempre dumating sa point na may anger na sa puso ko, galit ako kasi bakit ako nareject. Maraming bakit na tanong sa isip ko noon at hindi ko namalayan nag alit na pala ako sa kanya to think na wala naman ginagawa ung tao sa akin. Ang kasalanan nya lang ay sya napili ng puso ko.

Naiinis ako kanya noon, to the point na hindi ko sya pinapansin tuwing papasok ako, galit ako every time may coaching kami kasi it means sesermunan ako sa mga evaluations ko. Ang toxic di ba, eh ginagawa nya lang naman duty nya as my TL or team leader noon.

Galit ako sa sarili ko kasi nagagalit din ako sa kanya. But I realized it was wrong. It was so unfair to him. Anger is such an uncomfortable feeling mentally and physically, it sometimes leads us to have conflict, social isolation, problems at work, depression, shame, and etc.

Isa sa natututunan ko paghandle ng anger ay ang maging kalma, magkaroon ng peace of mind. Stop those negative thoughts para mastop matrigger yung mga angers salife. Forgive those person or situation na nagging part para magalit tayo, kalimutan yung mga panget na bagay.

My mantra is that "the more we get angry with someone, the more we get hurt." So stop the anger to end those hurts.

Deleting Insecurities

Insecure ba ako? Oo naman. Yes, insecure ako sa mga bagay bagay. Not satisfied sa mga nangyayari. Imagine, insecure ako sa mga taong hindi naman sobrang talino pero may magandang buhay, insecure ako sa hindi naman kagandahan pero dami nagmamahal sa kanila. Dati nung bata ako, simple lang sagot ko kapag tinatanong ako ng, ano gusto ko maging pag laki ko? Syempre sagot ko lagi, gusto ko maging reporter, pangarap ko kasi palitan si Korina Snachez or Jessica Soho kaya ako nagmasscomm at sinigurong Broadcasting kinuha kong course nung college. Pero hindi madali. After graduation, akala ko noon madali pumasok sa mga TV network, isang suntok sa buwan pala. Madalas yung kilala at may backer ang nakakapasok. Sistema na sa karamihan. Nauwi ako sa pagtuturo ng English sa Koreans. Sobrang down ako nun, feeling ko ang failure ko kasi hindi yun ang pangarap ko.

Tapos 11 years pa tinagal ng pagtuturo ko sa Koreans, kaya sabi tuloy ng iba, sana nag education or teaching na lang kinuha mong course. Naitanong ko tuloy, mali ba ako? At dahil sa sobrang insecure ko, hindi nagging madali journey ko.

Until this guy, si MineShine chinallenged nya ako. Sa isang coaching session, sabi nya sa akin and I quote; "Faith, maganda ka, matalino ka, sobrang bilib nga ako sayo kasi ang creative mo, wag mo icompare sarili mo sa iba, have your own, make your own history. Sana one day pag nagmeet tayo sa future after sa work na ito, makita ko yung Faith na masaya na kasi sinunod mo kung ano ang nasa puso mo. Faith, sana wag mo sayangin ung meron ka, use your talent, use your creative skills, alam kong one day, kakayanin mong lumipad mag isa ng hindi ka titingin sa pakpak ng ibang tao." After I heard that, I cried. I decided to let go of my insecurities.

Hindi madali ilet go ang insecurities. May takot sa bawat hakbang na ginawa ko. Una, I listed down all my skills and talents. Second, I listed down all the things na gusto ko gawin. Then, para akong accounting na nagbalance check ng assets and liabilities until I found out na gusto ko ang multimedia kaya ako nagbroadcasting course.

I came to realize that my destiny is not the same with others. I asked God bakit ako nagging teachers sa mga Koreans for 11 years. Guess what, if you remember guys, isa sa gusto ko ay ang chinito eyes, killer smiles, and the like like Koreans. God made me took that teaching journey for me to understand how theso called chinito oppa people be like. And isa ring chinito ang magpaparealized sa akin na hindi pa huli para sundin ko ang gusto ko talaga.

Realizing that I am special, arm with talents and skills, there's no room for insecurities. Dr. Lisa Firestone of webinar on Overcoming Insecurity said; "Once we realize our own strength and importance, once we see the ways we've been hurt and can feel for ourselves on a deep level, we can actually start to break free of the chains that hold us back. We can shed the insecurities of our past and become the people we want to be." That is how I let go of my insecurities. Yung nachallenged ako ng isang tao.

Deleting Tantrums

Sabi nila ang tantrums ay para sa mga bata lang. I beg to disagree. I myself had tantrums. As adult, ibang level din ung tantrums natin. Ako personally, madalas magtantrums ung puso ko. Gusto ko nito, ng ganyan tapos kapag hindi natupad, nadidisappoint ako, nafufrustrate or worst nadidepressed.

Paano madedelete ang tantrums? Learn new skills and succeed? Pwede. Kasi ganito ginawa ko. Sa daming insecurities at realizations, narealized ko na kulang pa pala alam ko, so, ung gusto ko na matuto pa sa mass media ang nagtulak sa akin para mag aral ng iba't ibang courses, andyan yung Songwriting course, Scriptwriting course, Film making at Cinematography course, at iba pa. MArami tuloy ako natuklasan pa sa sarili ko. Mas nakilala ko sarili ko, yung kakayahan ko, yung limitations ko and even my strenths and weaknesses.

Noong nagsimula ako pagbutihin pa sarili ko, narealize ko na unti unti na nag iiba ung pananaw ko sa buhay, lumalalim na at hindi na parang bata na madalas magtantrums.

Deleting Him

Deleting HIM? Hmmm, paano nga ba? Madalas ko ipost sa Twitter ko, how to unlove MineShine? Haha, hindi po ganoon kadali pero kailangan.

Ang hirap pala kapag yung matagal mong pinangarap na ideal man ay makita mo na pero hindi pwede maging kayo kasi iba yung tibok ng puso nya.

"I knew I loved you before I met you, I think I dreamed you into life, I knew I loved you before I met you, I have been waiting all my life" A song called "I Knew I Loved You Before I Met You" by Savage Garden, was the song I dedicate for that person. Kasi alam ko by heart minahal ko na yung taong ideal man ko bago ko pa sya makilala. Ang weird ba? Pero oo, kaya sobrang sakit kasi nung time na nakilala ko sya, hindi madali yung journey. Sobrang painful.  "Praying for the day that you'll be mine, But my love is all I have to give, Without you I don't think I could live, I wish I could give the world to you, But love is all I have to give" All I have to Give is a song by Backstreet Boys yung English song everytime maririnig ko naiiyak ako. Sobrang sakit ng kanta for me kasi ito yung sumalamin sa kung sino si MineShine at yung impact nya.

So sa tanong na paano idelete sya, hmm, mahirap lao kung sya ang dahilan kung bakit ka natuto sa multimedia. Si MineShine yung taong dahilan kung bakit nagagawa ko ang magdrawing ngayon, magdesigns, magsulat ng blogs at magtry sa multimedia. Si MineShine ung dahilan kung bakit nahilig ako sa milktea. So ang tanong ay, how to delete the person who indirectly mentored and influenced you a lot in life? Deleting him is also like saying deleting who am I?

But let me tell this. I have learned to delete him by accepting the truth na we're not meant to be. Sya nga yung ideal man ko, sya nga yung minamahal ko pero iba yung tibok ng puso nya, so, when I learn to accept that hardest truth, I started to thank him for indirectly mentoring me though multimedia.

What I have learn is to embrace the truth and narealized ko na after those rejections, hurts, anger, and insecurities I had experienced with him, I have realized na marami pa rin syang naituro sa akin, kaya thankful ako sa kanya.

How to unlove him? Until now hindi ko alam sagutin pero masaya ako na iba man tugtugan ng puso namin, masaya ako makita syang nagiging successful. And who know someday, masabi ko sa kanya how thankful I am sa ginawa nyang pagchallenged sa akin sa maraming bagay para makita ko yung true joy and happiness na hindi nakadepende sa tao.

Tulad nga ng isa sa paborito kong Disney songs, ang Aladdin song na "A Whole New World" "A whole new world, A new fantastic point of view, But now from way up here, It's crystal clear, That now I'm in a whole new world with you, Unbelievable sights, Indescribable feeling, Soaring, tumbling, freewheeling, Through an endless diamond sky, A whole new world".

Tama naman di ba, everyday is a new day to begin. A new day to face new life. A life being single but happy and thankful.