webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
32 Chs

Chapter 17

"Excited na ako!" Stella

Pa epal ka buset ka! 

Ngayon mag jejetski kami pero kasama paren siya ano bang bago don.

Malapit na kami sa mga Jetski na sasakyan namin pero nung umupo na si Bry sa isang Jetski biglang umangkas si Stella don kaya mas lalo akong nainis. Wala na akong choice kundi sa isang jetski na lang ako sasakay. Hindi pa naman ako marunong nito. Pano ba 'to?

Tinulunganna lang ako ng lalaki na istart yung jetski at pag papaandar. Nakakainis kasi dapat dito si Stella e.

Inandar na namin ang mga jetski. Grabe makayakap si Stella kay Bry tapos ayon tawanan sila ng tawanan parang may sariling mundo aa.

Naglaro na lang ako ng sarili para hindi na ako mainis. Inenjoy ko na lang ang pagsakay nito. First time kong sumakay dito dahil 'di naman ako sinasama nila Tita Jen sa mga bakasyon nila ng kanyang anak. Siguro kung hindi 'to naisip ni Tita Bea, Hindi na naman ako makakabakasyon ng ayus.

Makalipas ng ilang oras nag aya si Stella na mag dinner na kasi medyo nagutom daw siya, Wala akong pake kung gutom ka.

Sa iba naman na restaurant kami kasi eto daw favorite ni Stella. Jusko!

Kumain na lang ako gaya ng ginawa ko kanina sa seafood restaurant. Nang matapos ako kumain naguusapan paren sila. Kelan kaya sila mauubusan ng kwento?

"Excuse me" paalam ko sabay turo sa restroom.

"Samahan na kita" sabay tayo niya

"No need" 

Umalis na ako at pumunta na ng restroom. Buti naman na kaalis na ako sa kanila. Kanina pa ako nag titiis don.

Pagkatapos ko magrestroom nakita ko si Stella.

"Hi Bree" bati nito pero alam kong plastic yon.

Nginitian ko na lang siya habang naghuhugas ng kamay.

"Kelan matatapos pag papanggap niyo?" Stella

Nagulat ako sa sinabi niya. Pag papanggap? The heck! Anong pinagsasabi nito?

"Oh, you don't know" Stella

Ayoko maniwala sa kanya. Buset siya!

"I'm telling the truth now, kasi hindi masabi sayo ni Kai. Di mo ba alam na nagpapanggap si Kai sayo" 

Nababaliw na siya.

"Kaya nga kanina ako lagi sinusunod niya kasi napipilitan lang naman siya sayo" Stella

Umalis na ako kaagad sa loob ng restroom at pumunta na ako sa table namin.

"Nasan si Stella?" Bry

Stella na naman. Buset, bakit parang naniniwala na ako kay Stella. Panggap lang ba 'to?

"Nasa loob pa" mahinahon kong sabi. 

Bumalik na si Stella sa table at ngumiti sa akin na parang walang nangyare sa restroom. Natapos na kami kumain kaya nagpaalam na akong babalik na ako sa suite namin at itong Stella na 'to nagpahatid naman sa suite niya. Wala na akong magagawa, bestfriend niya iyon e.

Nang nasa loob na ako ng suite naligo na ako kaagad pero bago yun kumuha na ako ng damit. Pagkabukas ko ng gamit ko may nakita akong red. Shems, bakit nilagay ni Quinn yung red lingerie. 

May naisip akong trip ngayon. Kinuha ko yun at pumunta na sa banyo para maligo na. Sobra akong maligo ngayon kasi aakitin ko si Bry buset na Stella na yun. 

Nang natapos na ako maligo, nagbihis na ako at binuksan ang pinto. Sumilip muna ako kung nandiyan siya, tama ang hinala ko nandon na siya naka upo sa kama at nakasandal sa header habang may hawak na phone.

Nung una nagdadalawang isip ako kung lalabas ako dahil sa suot ko. Bakit ko pa kasi naisip 'to.

Wala na akong nagawa. Lumabas na ako bigla naman siya tumingin sa akin. Shems, hula ko pulang pula na ako. Buti na lang nakapatay ilaw at tanging tv lang ang nagbibigay liwanag. 

Pumunta na ako sa kama at umupo sa tabi niya.

"Nag enjoy ka ba kanina?" Bry

Tumango naman ako at tumingin sa kanya. Shems, bakit nahihiya na akong magsalita ngayon.

"Buti naman. Akala ko 'di ka nagenjoy kanina kasi nandon si Stella" Bry

Kung alam mo lang kung gano ako kainis kanina. 

Natahimik kami ng ilang minuto kaya nagsalita na ako.

"Grabe! Sobrang close niyo kanina" 

Ngumiti ako kahit pilit. 

Bigla siyang humarap sa akin at lumapit para siguro makita kung anong reaction. Shems, ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Nagseselos ka ba?" nakangiti na sabi nitong ulupong.

Yumuko na lang ako para 'di niya makita reaction ko pero bigla niya hinawak chin ko at itinaas 'to para makita niya reaction ko at bigla niya akong hinalikan ng malalim shems.

Huminto siya at sinabing...

"Wag ka na magselos doon, ikaw lang mahal ko" 

At hinalikan niya ako ulit. 

Nangyare na ang 'di ko inaakala na magagawa namin.

________________________________________________________________________________

Author's note:

Sorry 'di po ako marunong magsulat ng bed scene hihi, Grade 10 palang po ako at alam kong may mga batang nagbabasa nito hihi.

Thanks for reading this :))