webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
216 Chs

Our Denouement

>Sheloah's POV<

"So, ano na ang plano," tanong nila sa akin at binunggo ako ni Veon para sabihin ko ang pinag uusapan namin kanina.

Inirapan ko si Veon. "Plano 'to ni Veon, actually," sabi ko at tiningnan nila si Veon, waiting for me to explain the plans further.

"Yung plano kasi ni Veon ganito. Idi-divide natin yung klase. 46 tayo. Tanggal na kami ni Veon, Josh at Tyler so meaning nun, by fours or threes yung grupo, may isang healer, may dalawang support, at isang attacker. Gets ba? Pero siyempre, iba ang sa three-membered-group. One of each class," sabi ko at tumango yung iba.

"Wait… ano ang difference ng support at attacker? Healer lang ang gets ko, eh. Sorry," tanong ng isa naming classmate at nginitian ko siya.

"Hindi na kailangan mag sorry. Well, anyways… ang support taga protekta sa attacker at healer. Sila yung aatake gamit ng stick. Each group, may attacker at ang attacker, siya lang ang bibigyan ng baril since limited lang yung mga machine pistol and bullets na dala namin," explain ko sa kanila at naintindihan nila ang plano.

"So lahat kami matututong makipaglaban as a team," tanong ng isa naming classmate and I nodded at him.

"Kailangan ng teamwork, guys. Ang healer parang nurses mga 'yan sa grupo. Kung may nasasaktan, kilos agad. Ang support naman melee attack. Mabibigyan kayo each ng sticks para magamit niyo. Protektahan ang healer at attacker. Ang attacker siya ang main na aatake para sa grupo. Kaya nga nasa kanya ang baril, eh," explain naman ni Veon at naintindihan na ng iba ang flow ng plano.

"Since naintindihan niyo na, form kayo ng grupo. Pag naka-form na, ie-explain na namin ang ibang takbo ng plano. Remember, guys… main essence ng plan: walang arte," sabi ko at nagsimula na silang mag form ng grupo.

Habang hinihintay ko sila bumuo ng grupo, tiningnan ko si Veon, Tyler at Josh. "Together, we make one team then," sabi ko sa kanila at tumango sila sa sinabi ko.

"Support kami ni Tyler," sabi ni Josh at nag thumbs up si Tyler.

"Attacker ka, Veon," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako with curiosity.

"Paano ka? Magaling kang attacker," Sabi niya sa akin at tinawanan ko siya ng onti.

"Healer na muna ako. And besides… kung need mo ng break, swap tayo. Ikaw ang healer, ako ang attacker," sagot ko sa kanya at tumango siya.

Binalik ko yung tingin ko sa classmates ko tapos naka form na sila ng grupo. Pinaupo ko silang lahat para ilista ni Josh at Tyler yung names sa phone nila at nilapitan kami ni Sir Erick at Sir Jim.

"Narinig namin yung plano. Concerning the weapons, pwede ako yung taga-enhance ng weapons niyo para lumakas," sabi ni Sir Erick at nginitian ko siya.

"Thank you po, Sir," pasasalamat ko at nginitian niya ako.

Si Sir Erick ang teacher namin sa economics. Graduate siya as Summa Cum Laude. Imagine that? Tapos during lessons pag nagsusulat siya sa board, wala siyang kinokopya most of the time! Parang memorize niya lahat ng notes na sinusulat niya sa board. Magaling siyang guro. Madali siyang intindihin.

"Ako na rin ang gagawa sa melee weapons ng supporters. Gagawa ako ng spears nila. 2 each group, right? Eleven kayong lahat," sabi ni Sir Erick and I nodded at him.

"Yes po, Sir. Sir… ayos lang po ba," tanong ko and he gave me an affirmative smile.

"Don't worry. Tutulungan ko siya," sabi ni Sir Jim sa akin at nginitian ko siya.

"Sige po," sabi ko na lang sa kanila at tiningnan din nila ang classmates namin. Gusto rin nila pakinggan yung plano.

Tiningnan ako ni Tyler and he gave me a thumbs up. "All is listed down. Proceed," sabi niya at tiningnan ko yung mga classmates ko na nakaupo sa sahig with their groups.

"Since may grupo na, ie-explain ko na ang purpose nito," sabi ko and I took a deep breath. "Tomorrow morning, until afternoon, tuturuan namin kayo kung paano makipaglaban as a group," dagdag sabi ko sa kanila at medyo nagulat ang iba.

"Alam ko na mostly kayo hindi pa marunong makipaglaban pero gano'n rin kami nagsimula. Hindi rin kami marunong at first. Kaya ngayon na may weapons, tuturuan namin kayo. Gusto niyo naman mabuhay na lahat tayo magkakasama, 'di ba," tanong ko sa kanila and they nodded at me.

"Good then! That's for tomorrow. Tapos once na ready na kayo, sa third day ng umaga bago tayo umalis ng rooftop, magpapapasok kami ng zombies sa loob ng rooftop para ma-test kung natuto kayo sa training," explain ko pa at nagulat sila maslalo. I folded my arms.

"Are you guys up to the challenge," tanong ko at binalik nila yugn tingin nila sa akin.

Tiningnan ko si Veon at nilapitan niya ako. "Bakit 'di kayo sumasagot? Ayaw niyo ba i-avenge yung parents niyo? It's time for the children to avenge and protect their parents. It's time for the parents to rest. Ito ang motion natin. Gets niyo," sabi ni Veon sa kanila at kumalma yung mga classmates namin.

"So… kaya niyo naman, 'di ba?" tanong pa ni Veon at tumango yung classmates namin. This time, they didn't hesitate to answer.

"Paano tayo makakatakas dito on the third day," tanong ng isang classmate namin at tiningnan ko siya.

"'Yan yung job namin bukas ng gabi. Unang-una, lalabas kami ng school ulit. Kasama namin si Sir Jim, Sir Erick, Josh, Tyler at Veon. Edward and Kenneth, kasama kayo since marunong kayo magmaneho," Sabi ko and they both nodded at me.

"Sabi kasi ni Veon na kukuha tayo ng dalawang bus sa Victory Liner. Yung isa, bus ng parents. Yung isa, bus ng students. Yung car na nasa harapan natin, yung car na ginamit namin papunta rito at 'yon ang magli-lead sa destination natin kung ano man ang destination natin. Sa kotse na 'yon, doon ang tito ko and teachers. Yung isang kotse, sa likod ng dalawang bus. Kami naman nina Veon 'yon," explain ko further.

"Sheloah… sino ang magbabantay ng bus kung sakali may zombie invasion habang may byahe," tanong ng isang classmate namin.

"Sa bus 1, parents bus, ang magmamaneho si Kenneth. Ang guard, si Dean. Sa pangalawang bus, sa students bus, ang magmamaneho si Edward at ang guard si Ace," sagot ko sa tanong nila at nagets nila sinabi ko.

"Any more questions? Kung wala, proceed na ako, ha," sabi ko and our classmates nodded at me.

"So bukas pagkatapos ng training, mga 6 in the evening, aalis nanaman kami. Tito ko, Sir Jim, Sir Erick, Tyler, Josh, Veon at ako. Pupunta sa Victory Liner para sa bus na idadaan dito sa school ready for our departure on the third day. Sa morning ng third day, last training niyo with zombies this time at aalis na tayo," I finalized at nakatingin lang ang classmates ko sa akin.

Nilapitan ako ni Isobel. "Sama ako sa inyo bukas. Ako muna ang magsisilbing healer niyo papuntang Victory Liner at pabalik ng school," sabi ni Isobel at nginitian ko siya.

"Sige. Salamat," sabi ko sa kanya at nginitian niya rin ako. Binalik ko yung tingin ko sa classmates ko at tumayo silang lahat.

"Tayo ang survivors ngayon. Kailangan nating umalis ng sabay-sabay. Walang maiiwan. Lahat tayo magtutulungan," sabi ko at nilapitan nila kami.

"Sabi nga ni Veon, 'It's time for the children to protect and avenge their parents. It's time for the parents to rest.' Ngayon na ganito ang nangyayari, it's time for us to return the favor. Sa lahat ng mga sakripisyo na ginawa nila para sa atin," dagdag sabi ko pa at nginitian ko sila.

"From now on, we are one big group," sabi ni Sir Jim at binaba niya yung kamay niya at lahat kami nagpatong-patong ng kamay. "We're all in this together," sigaw pa ni Sir Jim at na-excite ang lahat.

"Lahat tayo makakatakas, at lahat tayo mabubuhay! Walang iiwanan," sigaw ni Josh at umayon ang lahat.

"This is our survival! This is our army," sabi ni Sir Erick at ramdam ko ang excitement ng classmates ko at sa totoo lang, pati na rin ako excited.

"Army of True Salvation!" Sumigaw kaming lahat no'ng binigyan ni Tyler ng pangalan ang grupo namin.

"Army of True Salvation!"

Simula ngayon, isa kaming grupo. Lahat kami kikilos para sa aming kinabukasan. Walang maiiwan, walang masasaktan. Lahat magtutulungan. Kahit ano man ang mangyari, kami na ang Army of True Salvation; ang grupo na hindi susuko. The group who would always fight for the lives of others.

This is our denouement.

Long release. Salamat sa pagbabasa! :D

MysticAmycreators' thoughts