webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
216 Chs

It's My Decision

>Veon's POV<

Habang naglalakad kami, naaalala ko si Sheloah. Kanina kausap ko lang siya at ngayon wala na siya sa tabi ko. Paano kung hindi ako lumabas ng time na 'yon edi malamang, magkasama na kami ngayon at safe parin siya. Sana naman ligtas parin siya. Ayaw ko naman siya mawala sa buhay ko.

Nakarating kami sa isang malaking room ng bahay nina Dannie at lahat kami naka upo sa couch. Sa couch kung saan ako naka upo, katabi ko si Isobel, Shannara at si Tyler. Sa harapan naman namin sina Dannie at ang kanyang tatay.

"Basing sa picture na iniwan ng kidnapper, may nakita akong address sa likod." Sabi niya at pinakita niya yung picture na iniwan ng kidnapper at tiningnan namin ito ng mabuti. "Ang address na 'yan ay ang apartment palabas ng Tarlac at malamang, nandoon si Sheloah. It was once our house before." Dagdag sabi pa niya at lahat kami tumingin sa kanya.

"Kailangan na nating pumunta roon at kung hindi, baka ano pa ang mangyaring masama sa kanya." Sabi ko pero tiningnan lang ako ng tatay ni Dannnie ng seryoso.

"Veon, I suggest that you not." Sabi niya lang sa akin at lahat kami nagtaka dahil sa sinabi niya. Gusto naming maging ligtas si Sheloah pero ito ang sinabi niya? Bakiw ayaw niya? Iniisip ba niya na hindi namin kaya itong gawin? Iniisip ba niya na hindi namin ito matatapos kaagad?

"Bakit naman po hindi pwede? Paano po kung may mangyayaring masama kay Sheloah?" tanong ni Isobel at tinaas ng tatay ni Dannie ang kanyang kamay para tumigil si Isobel mag salita.

"Paano kung ngayaong gabi na ito pumunta kayo at 'yon pala plano na kayong patayin ng kidnapper?" tanong niya at lahat kami hindi makasagot dahil sa sinabi niya. "Kailangan nating gumawa ng plano. Dapat wala isa sa atin ang masasaktan. Hindi naman niya paapatayin agad si Sheloah. It's obvious because it's her that the kidnapper wants." Dagdag sabi pa niya at sa totoo lang, medyo naiinis na ako.

Hindi ako mapakali. Gusto ko nang lumabas. Gusto ko nang makita si Sheloah. Ayaw ko na may masamang mangyari sa kanya. Importante siya sa buhay namin at ayaw ko na masaktan siya. Kahit simula ng 4th year high school ko lang siya nakilala, close na kami at importante na siya. Hindi talaga ako mapakali pag biglaan na lang siya nawala.

Hindi ako makapag salita dahil sa pakiramdam kong ito. Pinakinggan ko na lang ang pinag uusapan nila. "Edi, anon a po ang plano?" tanong ni Shannara at napabuntong-hininga naman ang tatay ni Dannie sa amin.

"Bukas tayo magpaplano. Just to make sure we're safe." Sagot niya at lahat kami nagulat dahil sa sinabi niya.

Sure ba na ligtas si Sheloah bukas?

Nag salita si Tyler. "Sir, I don't think—" hindi siya pinatapos ng tatay ni Dannie.

"It's my decision." Sabi na lang niya at agad akong napatayo.

"Bakit niyo naman po sinasabi 'yan? Hindi niyo po ba maintindihan na baka nasasaktan na si Sheloah ngayon at baka may nangyaring masama sa kanya? Bakit parang wala pa kayong pakealam? Bakit parang hindi niyo kami pinagkakatiwalaan na mababalik namin siya!?" sunod-sunod na tanong ko at lahat sila tumayo. Naka upo lang si Dannie at ang tatay niya.

"Veon, please… sundin lang natin si papa." Sabi ni Dannie pero hindi ko na lang siya pinansin. Hinawakan ni Shannara ang braso ko at pinilit akong pinaupo ni Tyler pero hindi ako makaupo dahil sa inis ko sa tatay ni Shannara.

Bakit hindi niya maintindihan nab aka may masamang mangyari kay Sheloah?

"Tol, kalma lang." sabi ni Isobel sa akin at huminga na lang ako ng malalim bago ako magsalita.

"Iwan niyo muna ako mag isa. Doon lang ako sa garden. Magpapahangin lang ako." Sabi ko at agad akong naglakad ng mabilis palabas. Iniwan ko silang lahat sa loob. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang pag usapan. Gusto ko na talaga mag isa ako ngayon. Nakakainis. Hindi nila maintindihan na mapanganib ang sitwasyon ni Sheloah ngayon.