webnovel

Chapter Twelve: Scene Five Denied

LOUINNA THERESE MENDOZA

"I don't want to be part of this musical play anymore, Mrs. Altamonte," I said while seriously looking at her.

Nandito ako ngayon sa opisina niya. Nakaupo sa pinakasala ng opisina kung saan pinauupo ang mga bisita. Hinandaan pa kami ng kape ng sekretarya niya. Naparito ako para pakiusapan siyang tanggalin na ang pangalan ko sa listahan ng mga karakter sa play.

"Why? You can't do it, Therese?" she asked while smirking. I heaved a deep sigh before answering.

"Isn't it obvious? God! All this time, I thought you're a type of person to be idolized by all. I never thought that you are a bit... uhmm... How should I say it? Hmm... DUMB?" sagot ko. Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng DUMB para naman masaktan ang ego niya. I saw how her expression changed. Parang galit na ang expression niya.

Well, I don't care if she's the director and the owner of this school. No one can stop me from speaking what my mind says.

Pagkatapos ng mga ilang segundong katahimikan ay muling nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa galit na mukha niya ay muling sumilay ang ngiti dito.

"And all this time, I thought you are intelligent because you got 100 correct answers on the entrance exam over 100 questions. I also never thought that you are somewhat STUPID," nakangiting aniya.

"Ha! Stupid, eh? How could you say so?" I asked.

Sa bawat segundong pumapatak na kausap ko si Mrs. Altamonte ay mas naiinis lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. I just feel it.

Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at naglakad patungo sa table niya. Binuksan niya ang cabinet ng table niya at inilabas mula doon ang kulay puting folder saka siya bumalik sa harapan ko.

"You are stupid because you signed this yet you are requesting me now to remove your name on the list of musical theater play characters," sabi niya habang iwinawagayway ang kontratang naglalaman ng mga dapat kong gawin bilang isang karakter sa musical play at pirma ko.

Bakit ba kasi pumirma-pirma pa ako diyan sa lintek na kontratang iyan, eh! Arggh! I didn't even bother to read what was written on it!

"I didn't read what was written in that piece of paper, though. You might want to be considerate, won't you?" tanong ko habang nakangibit. Arggh! Paano ko ba kasi matatakasan ito?! Ano ba kasing klase ang pinasok ko?!

"Considerate? I have never been considerate on my entire life especially when it comes to students. You signed, so you should do your job," she said and smiled at me.

"But... Are you serious about scene five?" nahihiyang tanong ko. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako.

Naibigay na sa amin ang script for the play. Syempre, binasa ko na iyon kaso doon kasi sa scene five, may...

"About the kiss on the cheeks?"

"Y-Yes."

"Hmm... Kung 'yan lang ang problema mo, I will consider it. Ipapatanggal ko na ang isang 'yan. But never think of quitting again. If you do, ipapabalik ko ang scene na 'yan tapos papadagdagan ko pa ng mga ganyang eksena," nagbabantang aniya. Natawa naman ako sa unang pagkakataon sa sinabi niya.

"Yes, ma'am!" natatawang sabi ko sabay saludo pa. Tumayo na ako at aktong aalis na nang bigla niya akong pigilan.

"Maupo ka muna. May susundo naman sa iyo dito," aniya sabay wink.

Muli akong umupo at naniningkit ang matang tiningnan siya. Natawa naman siya dahil sa tinging ipinukol ko sa kanya.

"What's with that look?" natatawang tanong niya sabay iwas ng tingin sa akin.

"Ano na naman po ang kalokohang ito?" tanong ko na nakataas pa ang isang kilay.

"Kalokohan? Hindi naman siguro kalokohan si---"

"Who told you to quit, Louinna Therese?! Kung damit na pampalit lang ang problema mo, here!" singit ng hinihingal na si Joshuan na kararating lang. Ihinagis niya sa akin ang isang pink t-shirt at isang black short. "Is it okay now? 'Yan ang dahilan kung bakit ako na-late! Ibinilhan kita ng damit tapos sasabihin mong ayaw mo na?!" dagdag pa niya.

Galit? Sinabi ko bang ibilhan niya ako? Pero wait! BINILHAN NIYA AKO NG PAMPALIT NA DAMIT?! SERYOSO?!

"Oo, ibinilhan kita. May problema ba?!" pasinghal na tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"You bought this for me. Ni hindi ko nga alam kung bakit mo ako ibinilhan tapos ganyan ka ngayon? Galit ka tapos nangongonsensya ka pa? Bakit? Inutusan ba kitang ibilhan ako? Ha?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

"This girl really is... UGH! Mrs. Altamonte, I bet she must be kicked out. She signed the contract yet she dared to quit," naiinis na alburuto ni Joshuan. Nagkatinginan kami ni Mrs. Altamonte sabay hagalpak ng tawa. 

"Are you not yet done laughing?" muling ani Joshuan habang papalit-palit ng tingin sa amin ni Mrs. Altamonte. Napatigil naman kami sa pagtawa at sumeryoso.

"Done," magkasabay na sagot namin ni Mrs. Altamonte na dahilan ng paniningkit ng mata ni Joshuan. Muli kaming nagkatinginan nii Mrs. Altamonte. Sa sandaling iyon ay parang sobrang kumportable na akong makipag-usap sa kanya. Pakiramdam ko ay isang mabait na nilalang ang nasa harap ko.

"Are still planning to quit, Louinna Therese?" Joshuan asked. I turned my gaze at him.

"Definitely not," I answered as a curve formed on my lips.

"How come?" he asked while one of his eyebrows raised.

"Because scene five was denied," Mrs. Altamonte and I both answered in chorus. Because of that, we looked at each other one more time and laughed.

In this very moment, I realized that Mrs. Altamonte is a very good and generous woman. I shouldn't and mustn't be bad at her again.

#