Napaungol si Butler at marahang nagmulat nang mata. Nang imulat niya ang mata niya. Nakita niya si Aya at ang isang matanda na nakatali sa upuan. Pilit niyang inalala ang nangyari sa kanya. Nagpunta siya sa bahay nang mga board of directors nang kingdom upang kausapin ang mga ito. Nais niyang ipawalang bisa ang paglilipat nang kingdom sa pangalan ni Bernadette.
Habang nasa bahay siya nang isa sa mga board members biglang dumating si General Mendoza kasama ang mga tauhan nito. Hindi siya nakalaban nang bigla siyang pukpukin nang lalaki nang baril sa ulo. Nawalan siya nang malay wala na siyang ibang maalala bukod doon.
Ano namang ginagawa ni Aya sa lugar na iyon. Maging ang may-ari nang Empire ay bihag din. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari at kung bakit sila ditto dinala ni General Mendoza.
Pumasok sa loob si General Mendoza kasama ang mga armadong tauhan nito. Nakangisi pa ito nang makitang gising na siya. Nagising din ang matandang bihag nang heneral. Unti-unti na ring nagising si Aya. Nang magmulat siya nang mata si Butler lee lang ang Nakita niya at ang Ama ni Dranred.
"Mabuti naman at gising ka na." wika nito kay Aya.
"Si Achellion? ANong ginawa mo sa kanya?" ani Aya at bumaling sa lalaki hindi niya nakita doon ang binata.
"Nakikita kong masyado mong pinahahalagahan ang binatang iyon." wika nang Heneral at sinenyasan ang tauhan na dalhin ang binata papasok. Nang pumasok ang isa mga tauhan nito bitbit nito si Achellion habang nakatali ang dalawang kamay sa isang mahabang kahoy. Sugatan din ang binata tanda nang labis napagpapahirap. Binitiwan nang lalaki si Dranred dahilan upang subsob ang binata sa sahig.
"Dranred Hijo!" Nag-aalalang wika nang matanda nang Makita ang binata sa kalunos lunos na ayos. Napakuyom nang kamao si Aya. bakit hindi siya lumaban? Kung tutuusin kaya niyang talunin ang mga lalaking iyon gamit ang kapangyarihan niya ngunit bakit ito pumayag na mabugbog nang ganoon.
"Hindi ko akalain na ganito ka kahina Captain. Dahil lang sa isang babae hindi ka makalaban nang maayos. Natatakot kang saktan ko si Aya?" Anang lalaki at sinipa si Achellion.
"Tama na!" Sigaw ni Aya. Pumatak ang luha sa mga mata niya. Hindi niya gustong makitang walang laban ang binata gayong malakas naman ito. Hindi niya gustong isinusugal nito ang buhay para lang sa kanya.
"Tama na? Paano ang mga pasakit na dinanas nang anak ko sa kamay ninyong magkapatid?? Alam mo ba ang nangyari sa asawa ko matapos mabalitaan ang pagkamatay nang anak ko?" galit na baling nito kay Aya. ALam ni Aya kung ano ang tinutukoy nito. Namatay si Bernadette dahil sa pagtangka nitong pagtakas.
"General Mendoza Itigil mo na ito. Para bang hindi ka alagad nang batas sa ginagawa mo." Asik nang dating Commision officer sa Heneral.
"Manahimik ka. Hindi ikaw ang kausap ko." Galit na asik nito sa matanda.
"Ngayon tignan mo kung paano ko tatapusin ang buhay nang mga taong mahal mo. Ipaparamdam ko saiyo ang labis na hirap. Ikaw at ang kuya mo ay magbabayad dahil sa ginawa niyo sa anak ko." Anang Heneral.
"General Mendoza, baka nakakalimutan mong ang anak mo ang may kasalanan sa magkapatid. Siya din ang pumapatay sa lola nila." biglang wika ni Butler Lee.
"Huwag kang sumagot hindi kita kinakausap." Galit na wika ni General Mendoza at binaril ang paanan nang binata. Napatili lang si Aya dahil sa labis na gulat.
"Ang susunod na bala ay tiyak kung sa ulo mo na tatama." Suminyas ito sa tauhan na kalagan si Aya at ang matandang lalaki.
"Maglaro muna tayo Aya." ngumising wika ni General Mendoza.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Aya.
"Bibigyan ko kayo nang matandang ito nang 10 secondo upang makalabas sa lugar na ito. Kapag nakatakas kayo inyo na ang buhay niyo. Ngunit kapag nahuli ko kayo. Ikaw at ang matandang yan at ang buhay ni Captain Dranred at ni Lee ay kukunin ko. Isusunod ko rin ang buhay nang kuya mo." wika nito.
"Nababaliw kana." Wika Ni Aya. Biglang tumili si Aya nang barilin ni general Mendoza ang upuan nila.
"RUN!" wika nang lalaki sa kanila. Dahil sa gulat at takot. Biglang hinawakan ni Aya ang kamay nang matandang lalaki at hinatak palayo sa lugar na iyon. Hindi siya papayag na magpahuli sa tiyuhin niya.
Kung nagawang magpabugbog ni Achellion sa mga ito upang mailigtas siya at ang kinikilalang ama nito. gagawin din niya ang lahat upang iligtas ang mga ito..
"1 – 2 - 3" nagsimulang magbilang si General Mendoza. Napupuno nang mga tauhan ni General Mendoza ang paligid. Kaya naman nahirapan silang lumabas.
"4 ---------- Run for you life little girl." Naka ngising wika nito at nagsimulang maglakad palaabas nang warehouse. Sinenyasan din nito ang mga tauhan na habulin ang dalawa. Naiwan sina Butler lee at Achellion sa loob nang warehouse habang hinababol nina General Mendoza ang dalaga at ang Ama niya. Labis ang pag-aalala ni Butler Lee sa dalaga dahil sa tiyak na magiging mabagal ang takbo nila sugatan ang matanda at madilim din ang paligid.
"10!" malakas na wika nang General.
"Tapusin ang dalawang yan." Wika nito sa mga naiwang tauhan na nagbabantay kay Achellion at Butler Lee. Dahan-dahang lumapit ang mga lalaki sa kanila. Pilit namang kinalagan ni Butler Lee ang sarili ngunit kahit anong gawin niyang galaw hindi niya magawang makawala.
Nang maiwan ang dalawang binata sa loob nang warehouse. Agad namang sinamantala ni Achellion ang pagkakataon. Sa isang iglap bigla na lamang nadurog ang malaking kahoy na pinagkakatalian sa binata. Napaatras pa ang mga lalaki dahil sa labis na gulat. Maging si Butler Lee ay nagulat din sa nangyari. Hindi niya magawang ilabas ang tunay niyang kanina dahil ayaw niyang masaktan si Aya. Kahit gigil na gigil na siya kailangan niyang pigilan ang sarili niya.
Tumayo si Achellion na hindi man lang alintana ang mga natamong sugat. Nanlilisik ang mga mata nito na bumaling sa mga lalaki. Pinaputukan nang mga lalaki si Achellion and to their surprise sinalo lang nang binata ang mga bala.nang buksan ni Achellion ang mga kamay nahulog sa lupa ang mga balang sinalo nito.
"ANong klaseng tao ka!" hintakut na wika nang isang lalaki.
"Wala na akong panahong makipagkilala sa inyo." Wika ni Achellion na mabilis na kumilos. Tila isang hangin na dumaan sa mga lalaki si Achellion.
At sa isang iglap bumulagta sa lupa ang walang malay na mga lalaki. Naglakad si Achellion palapit kay Butler Lee at kinalagan ito.
Gimbal itong nakatitig sa mga walang malay na lalaki. Bakas din ang takot sa mata nito.
"Huwag kang mag-alala. Natutulog lang ang mga yan." Wika ni Achellion na nahulaan ang nasa isip ni Butler Lee. Dati na siyang nakagawa nang pagkakamali nang mapatay niya si Ramon. Nawalan siya nang Kontrol sa sarili niya at ayaw na niyang maulit ang pagkakamaling iyon.
"Si Aya. kailangan natin silang tulungan." Wika ni Butler Lee.
"Akon ang bahala kay Aya. Mas Mabuti pang tawagan mo si Eugene at ang iba pa. TIyak na nag-aalala na ang mga iyon sa kanya. Makakatulong din sila upang mahuli si General Mendoza" wika ni Achellion.
"Gagawin ko yan. Ikaw na sanang bahala kay Aya." wika nang butler. Tumango lang si Achellion at agad na naglaho. Nagtataka man hindi na binigyan ni Lee nang pansin ang mga Nakita. Alam niyang hindi iyon ang panahon sa mga katanungan niya. Ang mas mahalaga ay mailigtas nila si Aya ang ang ama ni Dranred.
Agad namang umalis sa warehouse si Butler Lee upang ipagbigay alam kay Eugene at sa iba pa ang nangyari sa kanila. Humingi din sila nang tulong sa Navy admiral na bagong commander nang National Defense upang mapagdala nang Back up at para mahuli ang Heneral.
Ibinigay din nila ang mga ebidensyang makakapagdiin sa General bilang isang miyembro nang isang malaking sindikato sa bansa. Ito ang mga ebedinsyang hawak nila ito rin ang mga ebidensyang gustong sirain noon nang mag-ama. Ito na ang magandang pagkakataon upang matigil ang kasamaan nang General.
Si Aya naman at ang ama ni Dranred ay patuloy na binaybay ang madilim na kasukalan. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. Narinrig din nila ang tawag ni General Mendoza. Bigla silang napahinto sa pagtakbo nang bigla na lamang matapilok ang matanda. Dahil sa kadiliman nang paligid hindi nila Makita ang dinadaanan nila. Nasagi nito ang nakausling ugat nang isang kahoy kaya naman bigla itong bumagsak.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ni Aya at sinaklolohan ang matanda.
Habol ang paghinga nito na tanda nanglabis na pagod. Ganoon din naman si Aya. Pagod na pagod na din siya at ramdam din niya ang mga sugat sa braso niya dahil sa mga galos na dulot nang mga matutulis na dahon nang damo at mga sanga na tumama sa kanya habang tumatakbo sila. Kapag hindi pa rin sila umalis tiyak na maabotan sila nang heneral at tiyak na ang kapatusan nilang dalawa. Iniisip din niya kung anon ang nangyari kay Achellion at Butler Lee.
"Pasensya na Hija. Hindi ko na kayang tumakbo." Wika nito.
"Hindi po tayo pwedeng tumigil. Baka maabutan tayo ni General Mendoza." Wika ni Aya sa matanda saka tumingin sa pinanggagalingan nang boses na tumatawag sa kanila.
"Mauna kanang tumakas. Matanda na ako hindi ko na kayang tumakbo pa."
"Hindi po pwede. Wala akong mukhang maihahrap kay A-Dranred kapag iniwan kita ditto para iligtas ang sarili ko." ani Aya. "TIyak na malulungkot si Dranred kung may mangyayaying masama sa inyo."
May narinig silang putok nang baril at may Nakita silang mga ilaw na nagmula sa flash light na dala nang mga tauhan nang general. Malapit lang ang mga ito sa kanila.
"Tumayo na po kayo. Kailangan na nating umalis ditto." Wika ni Aya at pilit na inakay ang matanda na tumayo.
"Boo." Wika nang Heneral na dumating kasama ang mga tauhan nito. Hindi na nagawang makakilos ni Aya at nang matanda.
"Huwag mong idamay ang batang ito." wika nang matanda at iniharang ang sarili sa dalaga. Ngumisin lang si General Mendoza at binaril ang matanda. isang malakas na tili ang kumawala sa bibig ni Aya dahil sa nangyari.
"Aya!" Biglang tumigil na wika ni Achellion. Hindi siya maaring magkamali boses ni Aya ang narinig niya. nauhanan na kaya siya ni General Mendoza? Muling tumakbo ang binata. Narinig niya ang tibok nang puso ni Aya ngunit mabilis iyon. Tiyak niyang labis na natatakot ang dalaga.
"Ang sama mo!" umiiyak na wika ni Aya habang pilit na idinidiin ang kamay sa sugat nang matanda. Hirap na ring huminga ang matanda.
"Sinabi ko na saiyo. Kapag nahuli kita tatapusin ko kayong lahat.
Handa ka na ba Aya?" ngumising wika nito at itinutok ang baril sa ulo ni Aya. Mariing napapikit ang dalaga.
"Achellion." Sambit ni Aya sa pangalan nang binata. Narinig niya ang pagkabit nang lalaki sa baril. Ngunit hindi niya naramdamang may tumama sa kanya.
"Ikaw!" gulat na wika ni General Mendoza. Biglang nagmulat nang mata si Aya. nang tumingala siya Nakita niya si Achellion na hawak ang baril ni General Mendoza. Sa kamay din nito pumutok ang baril at dahil hindi naman ordinaryong nilalang si Achellion hindi ito nasugatan sa putok nang baril. Sinalo lang nang kamay nito ang bala.
"Buhay ka?" Gulat na wika nang lalaki.
"Hindi ako madaling paslangin."wika ni Achellion. Unti-unting natunaw ang baril na hawak nang matanda. Dahil sa takot bigla namang umatras ang mga tauhan nito.
"Anong ginagawa niyo mga duwag! Patayin ang lalaking yan." Utos nito sa mga tauhan. Kahit na nag-aalangan isa-isang sumugod ang mga ito sa kanya. Ngunit hindi manlang nila nagawang tamaan ang binata. Isa isang bumagsak sa lupa ang mga tauhan nito at walang malay.
"Sumuko kana General Mendoza. Hindi mo ako kaya." Wika ni Achellion.
"Tatapusin ko muna ang babaeng yan." Wika nito at akmang susugurin si Aya ngunit hindi nito nagawang lumapit sa dalaga. Isang malakas na sipa ang sinalubong ni Achellion dahilan upang tumilapon ang lalaki.
"Bibigyan kita nang pakakataong mabuhay. Sumuko ka na." wika ni Achellion at naglakad palapit sa lalaki.
"Mas gugustuhin ko pangmamatay." Wika nito at muling inatake si Achellion isang malakas na suntok sa sikmura ang iginawad ni Achellion sa lalaki dahilan upang mamilipit ito sa sasakit at napaluhod. Kasunod noon ang biglang pagbulagta nito sa lupa at nawalan nangmalay.
"Achellion!" tawag ni Aya sa binata. Napalingon naman si Achellion sa dalaga. Nakita niya ang kanyang kinilalang ama na nag-aagaw buhay agad siyang lumapit ditto.
"Dranred Hijo." Hirap na wika nito.
"Nandito ako." Wika ni Achellion at hinawakan ang kamay nang matanda.
"Mukhang nahanap mo na ang mga sagut sa tanong mo." wika nito. Marahan namang tumango si Achellion "Maraming salamat dahil binigyan mo ako nangpagkakataong maging ama. Bagay na hindi ko nagawa sa Anak ko."
"Huwag na kayong magsalita pa. Darating na ang mga Sundalo. Madadala na nila kayo sa hospital." Wika ni Achellion at hinawakan ang kamay nang matanda.
"Hindi na. Gusto ko nang magpahinga. Tinatawag na ako nang anak ko. Nakikita ko siya. Inaabot niya ang kamay niya sa akin." Wika nito. hindi naman makapagsalita si Aya dahil sa labis na pag-iyak.
Napaluha din si Achellion. Alam niyang nalalapit nang malagutan nang hininga ang matanda. Ang matandang naging dahilan nang pangalawang buhay niya. Nakakaramdam siya nang kalungkutan ito ang unang beses na may mahalagang tao sa buhay niya ang mawawala sa kanya.
Naramdaman niyang tumigil ang pagtibok nang puso nang matanda. Ipinikit niya ang mga mata niya at mataimtim na ipinagdasal nang kaluluwa nang matanda. Alam niyang isa siyang makasalanang nilalang ngunit siguro naman hindi mamasamain nang Diyos kung ipapaubaya niya ang kululuwa nang matandang ito sa Kanya.
Habang nakikita ni Aya ang binate hindi niya maiwasang hindi rin masaktan. Kahit naman hindi totoong ama ni Achellion ang matanda naging Mabuti ito sa kanya at anak ang turing nito sa binata. Hindi niya alam kung paano i-coconsole ang binata. Wala siyang ibang nagawa kundi ang ilagay ang kamay sa balikat ni Achellion.
"Salamat." Marahang bulong ni Achellion sa matanda. Ilang sandali pa narinig nila ang ingay mula sa helicopter na ipinadala nang airforce bilang responde sa kanila. Natagpuan nina Eugene si Achellion at Aya sa kasukalan habang binabantayan ang bangkay nang isang matandang lalaki. Nasa dikalayuan naman si General Mendoza at walang malay.
"Aya!" wika ni Eugene at Agad na niyakap ang kapatid. Agad na napansin ni Eugene ang dugo sa kamay ni Aya at sa damit nito dahilan upang mataranta si Eugene. Agad naman siyang pinakalma ni Aya at sinabing okay lang siya at wala siyang sugat. Saka sinabi sa kuya niya ang nangyari sa ama ni Dranred.
"Achellion. nalulungkot ako sa nangyari." Ani Julianne at lumapit sa binata. Lumapit din si Julius upang tulungan silang dalhin ang bangkay nanag matanda.
"Hindi niyo ako pwedeng hulihin ako ang general nang National defense." Galit na asik ni general Mendoza habang pinupusasan siya nina Julius at Rick.
"Huwag kanang pumalag General. Sapat na ang ebedensyang hawak ko upang maipakulong ka. Isama mo pa ang Kidnapping at Murder." Wika nang Admiral na sumama sa pagdakip sa Heneral.
"And the rest of you. I am disappointed! You are a disgrace! Hindi bagay sa inyo ang sout ninyong Uniporme." Wika nanag admiral na bumaling sa mga sundalong nahuli.
"Dalhin ang lahat nang mga iyan at ikulong." Maawtoridad na wika nang Admiral.
"Lopez, Hindi mo pwedeng gawin sa akin to. Ako si General Mendoza." Habol nito habang pilit napinasasakay nang mga sundalo sa Hellicopter.
"Mas makakabuti kung hindi ka na manlalaban General Mendoza." Wika nang admiral sa matanda. "Huwag mo nang dagdagan ang kahihiyan mo." Wika nito.
Napatiim bagang naman ang Heneral at tinapunan nang masamang tingin ang magkapatid na Aya at Eugene bago tuluyang sumakay sa chopper.
"Good work gentle man. Magkita tayo sa national Defense." Wika nang admiral at bumaling sa mga miyembro nang phoenix saka bumaling kay Achellion.
"Captain. Kung gusto mo bumalik ka sa serbisyo. Kakailanganin namin nang isang gaya mo." Wika nito.
"Pagiisispan ko." Simpleng wika ni Achellion. Ngunit alam naman niyang hindi na siya muling magiging si Dranred Byrant kahit anong gawin niya. SIya na ngayon si Achellion isang dark Angel. At dahil sa napipintong paglalaban nang liwanag at dilim mas mabuting manatili siyang si Achellion.
"Mauuna na ako." Wika nito. "Nalulungkot ako sa nangyari sa ama mo Hijo." Wika nito at tinapik ang balikat ni Dranred. Saka naglakad patungo sa chopper.
"Mag-iingat kayo sir." Sabay-sabay na wika nang dating miyembro nang phoenix at sumalundo sa admiral. Sumaludo din ito bago sumakay sa chopper.
Dinala sa barracks ang mga nahuling sundalo at si general Mendoza doon sila ikukulong habang hindi pa tapos ang paglilitis. Dahil sa hawak na ebedensya nang mga pulis natitiyak nilang hindi na makakalabas ang dating heneral.
Dahil din sa nangyari, napawalang bisa ang pag angkin ni Berndatte sa kayaman nang mga heartfelia. Tumulong ang mga director nang kingdom na muling maibalik ang Kayaman nang pamilya sa magkapatid na Eugene at Aya.
Inihatid naman sa huling hantungan ang mga labi ni Commision officer Neil Bryant. Ang kinilalang ama ni Achellion.
Ang mga kayamanan nito na ipinangalan sa nag-iisa nitong anak. Ay ibinahagi ni Achellion sa isang charity house. Alam niyang ito ang gusto nang matanda. Ang Empire building naman ay binili nang isang mayaman angkan. Ang Elrick sa pamamahala nang CEO nitong si Anthony Elrick ang panganay na anak. Wala rin naman si Achellion interes sa mga naiwang mana nito hindi rin naman niya iyon magagamit at isa pa hindi naman iyon sa kanya.
Dahil sa pagkahuli ni General Mendoza. Nagkaroon nang katahimikan ang pamilya ni Eugene. Naibalik din sa serbisyo ang mga dating miyembro nang Phoenix ngunit hindi na sila kailan man muling binuo bilang Phoenix. Ibinalik sila sa kanikanilang mga Destino.
Wala ding mga pag-atake nang mga fallen angel nang mga nakaaraan araw kaya naman inakala nang lahat na magiging tahimik na ang buhay nila. Hindi nila alam na mag-uumpisa palang ang bagong pagsubok na kakaharapin nila.