webnovel

Chapter Thirty Five

Guys! Nabasa niyo baa ng balita tungkol kay Frances?" Nagmamadaling pumasok si Julius sa komedor habang hawak ang isang dyaryo kararating lang nito sa bahay nila. At hindi pa nito alam na dumating na si Frances. "Nabasa kung, nasasangkot siya sa isang eskandalo. Isang adultery--" bigla naputol ang sasabihin ni Julius nang makita si Frances sa hapag kasalo ang mga kaibigan niya.

Parang binuhusan nang malamig na tubig si Julius nang makita ang dalaga.

"Mis-Miss Frances?" nauutal na wika nito.

"Hay Naku! Kahit kailan yang bibig mo talaga." Wika ni Meggan sa kaibigan. Nakikita naman nila sa mukha ni Julius nan a guilty ito dahil sa mga sinabi.

"It's okay." Wika ni Frances. "Sooner or later malalaman niyo din naman." Dagdag pa nito.

"Ito ba ang dahilan kung bakit ka bumalik ditto?" tanong ni Eugene. Simula nang tumanggi siya sa kasal nila alam niyang naging mahirap ang buhay ni Frances lalo na sa pakikisama sa striktong ama nito. And he feel responsible for it.

"Gusto ko sanang mag bakasyon. Pero sa tingin ko. Hindi ko matatakasan ang problema ko." wika ni Frances.

"Nang bumalik ako sa Paris. Nagkaron ako nang relasyon sa isang sikat ni Film director hindi ko naman alam na may asawa na pala siya. And that jerk did not told me either hanggang isang araw nalaman kung nalang na nag suicide ang asawa niya dahil sa depression at dahil sa nalaman nitong pangangaliwa nang asawa niya. Kaya naman pinilit kong lumayo para takasan ang bago kung problema." Wika ni Frances.

Ngunit sa pag-aakala ni Frances na natakasan na niya ang problema nang bumalik siya sa bansa doon siya nagkakamali. Ang pamilya nang babae ay isang kilalang Mob sa paris at ngayon.

Animoy isa siyang wanted sa sa pamilya nang mga ito at dahil Pamilya nang isang MOB nakalaban ni Frances nahihirapan siyang magtago. Lalo pang gumulo ang sitwasyon nang dalaga nang dumating din sa bansa ang film director at pilit na kinukumbensi si Frances na bumalik sa paris kasama ito.

Sinabi ko na sa iyo Tapos na tayo! Mahirap na yung intindihin? Isang kahihiyan ang ibinigay ko sa pamilya ko nang makipagrelasyon ako sa iyo. Ano pa baa ng gusto mo? sinira mo na ang buhay ko at ang pangalan ko!" Wika ni Frances habang kausap ang isang lalaki sa harap nang isang department store.

Ang eksenang ito ang inabutan ni Arielle at Julianne. Silang dalawa ang nakatukang mamili nang grocery kaya naman magkasama silang lumabas. Hindi nila inaasahan na makikita ang eksenang iyon.

"Mukhang hinaharass nang lalaking iyon si Miss Frances." Wika ni Arielle. Nakita niyang nakuyom nang kamao si Julianne at Walang pasabing nalakad palapit sa dalawa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" asi ni Julianne sa binata.

"Sino ka naman?" Takang wika nang lalaki nang makita is Julianne na lumapit sa kanila at hinatak si Frances palayo sa lalaki.

"Ako ang boyfriend ni Frances bakit?" Asik ni Julianne. Nagulat naman si Frances at napatingin sa binata. ganoon din si Arielle. "Hindi ko gustong lumalapit ka sa kanya." Dagdag pa ni Julianne.

"Boyfriend? Sa palagay ko nagkakamali ka binata. ako ang boyfriend ni Frances." he smirk.

"Nakikita mo ba na pinupwersa mo siya? And I can sue you for harassment. Kung ikaw ang boyfriend niya gaya nang sinasabi mo bakit ayaw niya sa iyo. Kung ako sa iyo bumalik ka na kung saan ka nang galing. At huwag na huwag mo nang guguluhin ang kasintahan ko." wika ni Julianne at hinatak si Frances palapit kay Arielle.

Naiwan namang nakaawang ang labi nang lalaki dahil sa ginaawa ni Julianne hindi rin naman tumutol si Frances nang hatakin siya ni Julianne dahil alam niyang tinutulungan siya nito.

"Kaya mo bang umuwi nang mag isa?" baling ni Julianne kay Arielle.

"Ah-- Oo" nabiglang wika ni Arielle.

"Tayo na." wika ni Julianne at hinatak muli si frances palayo sa lugar na iyon. inihatid lang ni Arielle nang tingin ang papalayong si Julianne. Nararamdaman niyang matindi ang nararamdaman ni Julianne para sa dalaga. hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa awa o may iba pang dahilan. Ngunit isang bagay lang ang tiyak niya. Isa iyon sa dahilan nang panghihina ni Julianne.

Dinala ni Julianne si Frances sa unit nito.

"Bakit nakikipagkiita ka pa rin sa damohong iyon? Siya ang dahilan kung bakit ka nasasangkot sa gulo ngayon." Asik ni Julianne kay Frances.

"Sinabi ko na nagkataon lang na nagkita kami sa labas nang store. Hindi ko naman alam na susundan niya ako. Higit kanino man ako ang taong huling makikipagkita sa kanya." Wika ni Frances.

"Mukhang hindi ka niya titigilan. Mas mabuti pang doon ka na sa bahay naming tumira. Doon mababantayan kita." Wika ni Julianne.

"Ano ka ba, para naman akong bata. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa. masyado na kayong marami sa lugar na iyon. Kung dadagdag pa ako---"

"Hindi ka naman iba sa amin. Isa ka kang pamilya. I amm sure ganoon din ang nararamdaman ni Eugene at nang iba pa." wika ni Julianne.

"Eh ikaw anong nararamdaman mo para sa akin?" biglang wika ni Frances at dahil doon he was caught off guard.

Ano nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Isa siyang kaibigan. Ngunit hanggang doon nga lang baa ng pakiramdam niya? Biglang isang anghel madali lang sa kanya ang makaramdam nang awa ang sense of responsibility sa iba. Iyon lang din baa ng nararamdaman niya kay Frances? Hindi niya masasagot ang tanong na iyon. alam niyang lalabagin niya ang batas nang kalikasan kapag ginawa niya iyon. At tiyak hindi na siya makakabalik pa.

"Isa kang kaibigan at pamilya. Siyempre poprotektahan kita kahit ano mang mangyari." Sa halip wika ni Julianne.

"Just as I thought." Wika nito at tumalikod.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Julianne may kailangan ba siyang maramdaman sa dalaga? Tanong nang isip niya.

"Alam mo ba nang bumalik ako sa Paris akala ko makakalimutan na kita. Ngunit araw-araw parati kitang iniisip. Ikaw na cold hearted at hindi marunong makaramdam ang parating laman nang utak ko. It was then that I found out na gusto kita.It was different from what I feel about Eugene. Alam kung mahal na kita. Kaya naman pinilit kung magkagusto sa iba dahil alam kung hindi na tayo magkikita ngunit it was all useless. I can only think about you."

Hindi makapaniwala si Julianne sa sinabi ni Frances. Hindi niya alam kung paano magrereact. Alam niyang nabigyan niya nang maling impresyon ang dalaga dahil sa pagpapakiita niya nang kabutihang loob.

At hindi niya alam kung paano tutugunin ang mga inilahad nito.

"But It's okay kung ngayon wala ka pang nararamdaman para sa kin. Ill do my best for you to fall inlove with me." Wika ni Frances at biglang ikinalawit ang kamay sa leeg ni Julianne aatras sana si Julianne ngunit bigla niyang naalala na masyadong fragile ang feelings ni Frances baka mali ang isipin nito kung lalayo siya. Naging ganito din naman sila kalapit noon they even shared a kiss.

"Gusto kita Julianne." Halos pabulong na wika ni Frances bago. Inilapit ang labi sa binata napamulagat pa si Julianne dahil sa ginawa ni Frances. Ngunit biglang naging mapusok ang dalaga. She was the one taking the lead on that kiss. And he cant deny it he is enjoying that kiss. Hanggang sa tuluyan nang bumigay si Julianne. Hinapit niya ang bewang nang dalaga at gumanti nang halik.

He even angled his head to have a full access of her lips. Ang mainit at matagal na halik ang pinagsaluhan nang dalawa. Ito ba ang pakiramdam nang isang mortal tuwing natutukso sila as mga makamundong pagnanasa? Dati wala naman sakanya ang mga ganoong bagay.

Ngunit dahil mahina na ang kanyang ispiritwal na lakas mas madali na siyang madala sa mga emosyon nang mga mortal. More and more he is becoming a mere mortal nang hindi niya namamalayan.

Habang nagpapadala si Julianne sa halik ni Frances hindi niya alam na panay ang kulog at pagkidlat isang palatandaan na hindi nagugustuhan nang langit ang kung ano mang ginagawa niya. Kahit naman mahina na siya at ang kanyang ispiritwal na lakas hindi pa naman siya isang mortal. Isa pa rin siyang anghel at labag sa batas nang langit ang ginagawa niya.

Masyado siyang nagpapadala sa emosyon nang mga mortal nakalimutan na niya kung ano dapat ang gawin niya. Tila nakalimutan na niya kung ano siya.

Arielle? Anong ginagawa mo ditto sa labas?" takang tanong ni Julianne nang dumating sa bahay nila at inabutan si Arielle na nasa harden. Kinailangan niyang hintaying makatulog si Frances bago siya umalis. Dahil sa pag-aalala niya sa dalaga kaya naman kinailangan niyang makatiyak na tulog na ito bago niya iwan.

"Hinihintay talaga kita." Wika ni Arielle.

"Hinihintay mo ako? Bakit?" tanong ni Julianne. Bakit ba sa pakiramdam niya minamtyagan nang dalaga ang bawat kilos niya. Alam naman niyang mahina na siya bilang isang anghel ngunit hindi ibig sabihin noon hindi na niya kayang pangalagaan ang sarili niya. Isa pa rin siyang anghel at alagad nang DIyos.

"Siguro naman alam mo na ang mga fallen angel ay hindi lang ang mga anghel na naging rebelde. May isa pang klase nang fallen angel. At iyon ang mga anghel na piniling magpadaig sa emosyon nang mga mortal. Nawalan sila nang kapangyarihan at karapatang bumalik sa paraiso dahil sa mga ----"

"Ano naman ang kinalaman nito sa akin? Bakit mo sinasabi ito?" agaw ni Julianne. Hindi niya maintindihan kung ano ang gustong palabasin nang dalaga.

"Ano bang nararamdaman mo kay Frances?" tanong ni Arielle.

"Ano namang klaseng tanong yan?"

"Alam mong hindi pwedeng umibig ang isang mortal sa isang anghel. At ang isang Anghel sa isang mortal. Mag iingat ka sana. Sinasabi ko ito dahil nag-aalala ako para sa iyo." Wika ni Arielle.

"Nag-aalala ka para sa akin bakit?"

"Anong bakit? Meron tayong misyon. At isa ka ring anghel. Tayo na lang ang inaasahan nang mundong ito." Wika ni Arielle. Napangiti si Julianne. She sound like a working machine. Alam niyang ganoon naman ang mga anghel iisa lang ang nasa isip at iyon ay ang kaligtasan nang mga nilalang sa mundo. Iyon din naman ang nasa isip niya. Bakit tila pinagduduhan siya nang dalaga.

"Tatandaan ko ang sinabi mo." wika nito at hinawakan ang balikat ni Arielle bago naglakad patungo sa loob nang bahay. Ayaw niyang tuluyang maging tao si Julianne. Dahil alam niyang mahihina ang mga tao ang they will eventually die.

Maswerte sila dahil nilikha sila bilang mga anghel.

"Talagang nag-aalala ka para sa kanya. Alam kong alam mong unti-unti na siyang nagiging tao. At hindi iyon namamalayan ni Julianne." Wika ni Achellion na biglang lumitaw nang makapasok sa loob nang bahay si Julianne.

"Bakit ba bigla kang lumilitaw na parang kabuti." Wika ni Arielle. "Nag-aalala ang ako baka kapag dumating ang sandaling maging mortal na si Julianne hindi niya iyon matanggap kaagad." Wika ni Arielle.

"Ganoon ba ka hina ang tingin mo kay Leo? Dahil utak ang ginagamit mo kaya hindi mo maunawanaan ang nararamdaman nang mga mortal." Wika ni Achellion.

"Ganoon din ang gusto kung ipayo sa iyo. Habang maaga pa layuan mo ang dalagang si Aya. Siya ang masasaktan sa huli. Masasaktan siya kapag nalaman niyang hindi mo kayang suklian ang nararamdaman niya para sa iyo." Wika ni Arielle.

"Ano bang nararamdaman niya para sa akin. Guardian ako ni Aya. Iyon ang misyon ko sa mundong ito." Wika ni Achellion. "Gaya nang sinabi mo. Masasaktan ko si Aya kaya naman alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko."

"Then huwag kang masyadong maging mabait at malambing sa kanya. Baka iba ang isipin niya." wika ni Arielle at nalakad papasok sa bahay.

Agad siyang nagkubli sa likod nang pinto nang pumasok si Arielle nang makaakyat na ito saka niya naiisip na magpakita kay Achellion. Mukhang napaka seryoso nang pinag-uusapan nang dalawa. Hindi niya masyadong narining ang usapan nang dalawa ngunit tiyak niyang mahalaga at narinig din niya ang pangalan niya na binanggit nang dalaga.

"Aya? bakit hindi ka pa natutulog?" gulat na wika ni Achellion nang makita ang dalaga. "Mahamog ditto sa labas pumasok ka na baka magkasipon ka." Wika ni Achellion at hinawakan ang kamay ni Aya ngunit agad namang itinaboy nang dalaga ang kamay ni Achellion kasabay noon ang pagguhit nang kidlat sa kalangitan. Napaigtad ang dalaga dahil sa biglang pagkulog at pagkidlat.

"Tayo na sa loob." Wika nang binata at muling tinangkang hawakan ang kamay nang dalaga. Alam niyang takot ito sa kulog at kidlat. Nabigla siya nang muling itaboy nang dalaga ang kamay niya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa ginawa nang dalaga may nagawa na naman ba siyang hindi nito nagustuhan? Bakit ang init nang ulo nito sa kanya. Minsan hind niya maintindihan ang dalaga at ang kilos nito.

"Bakit?" Takang tanong ni Achellion sa dalaga. Bakit ba kakaiba ang pakikitungo nito sa kanya?

"Ano bang nararamdaman mo para sa akin Achellion?" buong tapang na tanong ni Aya sa binata.

"Huh? Ano bang klaseng tanong yan? Alam mo kung ano ka para sa akin." Akmang hahawakan muli ang dalaga. ngunit biglang humakbang paatras si Aya.

"Isa akong responsibilidad para sa iyo alam ko. Bukod doon ano pa ba ang tingin mo sakin? Dahil ako. Gusto kita. Gustong-gusto kita Achellion. Hindi dahil ikaw ang guardian ko. But I like you as a man." Bulalas ni Aya. Hindi naman nakapagsalita si Achellion dahil sa biglaang deklarasyon ni Aya. Muling gumuhit sa kalangitan ang kidlat at isang malakas na kulog. Gustong tumakbo ni Aya dahil sa takot. Para ding kulog ang tunog nang puso niya ngayon. Talagang tinapangan niya ang sarili niya para aminin ang nararamdaman niya sa binata.

Hindi alam nang dalawa na narinig ni Aya ang napagusapan nila. Hindi niya maintindihan kung bakit sinabi iyon ni Achellion. Iba pa ang pagkakaintindin niya sa lahat nang mga ginawa nito para sa kanya? Masyado ba siyang nag assume? Dahil sa mga kabutihang ipinakita ni Achellion sa kanya kaya naman nahulog ang loob niya sa binata hindi rin ba ganoon ang nararamdaman nang binata sa kanya?

"Aya." iniunat ni Achellion ang kamay niya upang hawakan ni Aya.

"Sabihin mo. Ganoon din ba ang tingin mo sa 'kin?" nagangat nang tingin si Aya. Nangingilid sa mata nito ang mga luha.

Masasaktan mo lang ang dalagang si Aya. Hindi pwede ang nararamdaman mo para sa kanya. Iyon ang mga katagang nasa isip ni Achellion. Ngunit iba ang sinisigaw nang puso niya Alam niya iyon, Alam niyang pareho sila nang nararamdaman ni Aya. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay isang bagay na hindi pupwede sa batas nang kalikasan at sa batas nang langit at lupa.

"Aya. I--" wika ni Achellion at naglakad palapit sa dalaga. ngunit bigla siyang natigilan nang bigla niyang naramdaman ang tila apoy sa loob nang dibdib niya. "Agh." Napaungol na wika ni Achellion at napahawak sa dibdib niya. dahil sa labis na sakit biglang napaluhod ang binata.

"Achellion." Natarantang wika ni Aya dahil sa nakitang pamimilipit ni Achellion.

Akma niyang hahawakan ang binata nang bigla na lamang makita ang isang force field na nakapalibot sa binata. dahil sa force field na iyon hindi siya tuluyang makalapit sa binata. bigla ding nagbago ang anyo ni Achellion at naging nemesis.

Kasabay nag malakas napag kulog at pagkidlat. Isang malakas na sigaw din ang pinawalan ni Achellion dahil sa labis na pamimilipit sa sasakit.

"Achellion. Ano bang nangyayari sa iyo." Labis na nag-aalalang wika ni Aya ngunit kahit anong gawin niya hindi siya makalapit sa binata. naging malalim ang paghinga ni Achellion. Unti-unti rin itong kumakalma. Hanggang sa bumalik ang dating anyo nito.

"Achellion?" nag-aalala paring wika ni Aya. Napatingin naman si Achellion sa dalaga. marahang lumapit si Aya sa binata at hinawakan ang kamay nito ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Aya nang maramdaman ang tila isang malakas na kuryente mula ka may ni Achellion dahilan upang mapaupo siya sa damuhan. Naramdaman din niya ang malakas na pwersang tila itinulak siya palayo sa binata. Hindi niya nagawang mailapit ang sarili sa binata dahil para bang may pwersang pilit na naglalayo sa kanila.

Gulat namang napatingin si Achellion sa kanya. Maging ito nabigla dahil sa nangyari.

"Aya? Okay kalang ba?" nag-aalalang tanong ni Achellion kay Aya. Akma sana niyang hahawakan ang dalaga ngunit bigla siyang nag-alinlangan. Alam niyang may nagbago sa katawan niya. At hindi niya alam kung ano. Alam niyang alam din ito ni Aya. Natatakot siyang baka kung ano ang mangyari sa dalaga kapag tinangka niya itong hawakan.

"O-okay lang ako." Wika ni Aya at tumayo. "Mag-papahinga na ako." Wika ni Aya at tinalikuran ang binata. Alam niyang masyado siyang naging emosyonal. Hindi niya gusto makita at malaman ang tugon ni Achellion sa mga sinabi niya. Ayaw niyang ma disappoint sakaling ang sagot nito ay ang bagay na ayaw niyang marinig.

Inihatid lang nang tingin ni Achellion ang dalaga. Kanina lang. Isang malakas na emosyon ang naramdaman niya. gusto niyang sabihin sa dalaga kung ano ito para sa kanya. Ngunit bigla namang may nangyaring kung ano sa sarili niya.

Sinundan niya ang dalaga hanggang sa silid nito. Ilang sandali siiyang nakatayo sa labas nang pinto. Nais sana niyang kumatok sa pinto at kausapin ang dalaga ngunit nagdalawang isip siya. Paano kung ayaw siyang makausap ni Aya. Sa halip na kumatok. Naisipan na lamang niyang maupo sa gilid nang pinto nito. Babantayan na lamang niya ang dalaga.

"Achellion." Marahang wika ni Aya nang buksan ang pinto at makita si Achellion na nakaupo sa labas nang silid niya.

Nakatungo ang ulo nito sa brasong nakapatong sa tuhod nito. napakagat nang labi si Aya. nakaramdam siya nang awa sa ayos nang binata. marahil nag-alala ito sa kanya dahil sa nangyari noong nakaraang gabi kaya naman ito nanatili sa labas nang kwarto.

"Achellion." Gising ni Aya sa binata at hinawakan ang balikat nito. ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang tila may malakas na pwersa ang tumulak sa kanya dahil sa lakas nang pwersang iyon tumama ang likod niya sa door knob, dahil sa nangyari biglang nagising si Achellion. GUlat itong napatingin sa dalaga.

"Aya? Okay ka lang ba? Nasaktan ba kita." Nagaalalang wika ni Achellion at akmang hahawakan ang dalaga. ngunit ganoon na lamang ang gulat nilang dalawa nang hindi manlang niya magawang ilapit ang kamay sa dalaga.

"Anong nangyayari?" gulat na wika ni Achellion. Taka namang napatingin si Aya sa binata. sinubukan muling hawakan ni Achellion si Aya ngunit hindi manlang nito magawang hawakan ang kamay nang dalaga.

"Achellion?"

"Oh, Anong ginagawa niyong dalawa diyan?" tanong ni Julianne na papalapit sa kanila kasama si Arielle. Nakabihis ang dalawa at halatang may lakad.

"Anong ginagawa mo?" takang wika ni Julianne nang bigla siyang hawakan ni Achellion maging si Arielle ay nagulat din dahil biglang hinawakan ni Achellion ang kamay niya.

"Anong nangyayari sa iyo?" wika ni Julianne kay Achellion. Hindi sumagot ang binata. Bagkus bumaling ito kay Aya at muling sinubukang hawakan ang dalaga ngunit kahit anong pilit niya hindi magawang makalapit nang kamay niya sa dalaga.

"Ano bang nangyayari Achellion?" tanong ni Aya at hinawakan ang kamay nang binata ngunit gaya nang mga nauna. Mag kung anong pwersa ang tumulak sa kanya palayo. Biglang sumalampak ang dalaga sa sahig.

"Aya!" nag-aalalang wika ni Julianne at agad na nilapitan ang dalaga. taka namang napatingin si Aya sa binata. Hindi siya mahawakan ni Achellion. At kung siya naman ang magtatangkang hawakan ito bigla nalang siyang tumitilapon.

"Ano bang ginagawa mo Achellion." Asik ni Julianne sa binata. Nang Makita ni Arielle ang galit na mukha nang binata hindi niya maiwasang hindi magtaka.

"Aya. Pa---" putol na wika ni Achellion.

"Huwag mo na siyang tangkaang lapitan pa Achellion. Hindi mo ba nakikita ang nangyayari?" biglang wika ni Arielle. Taka namang napatingin ang binata sa dalaga.

"Binalaan na kita dati. Ang isang mortal ay kahit kailan hindi pwedeng umibig sa isang katulad natin. Ganoon din ang mga tulad natin ay hindi pwedeng makaramdam nang kahit anong emosyon."

"Huwag mo akong patawanin." Sakristong wika ni Achellion.

"Ayaw mo pa ring maniwala gayong nakikita mo na ang nangyayari? Hanggang nasa isip mo ang kagustuhang mahawakan si Aya kahit kailan hindi mo siya magagawang malapitan. Iyan ang kapalit nang nararamdaman mo. kaya naman hanggang maaga pa. Layuan niyo na ang isat-isa." Wika ni Arielle.

"Masyado ka namang marahas mag salita para kang walang damdamin." Wika ni Julianne at inalalayan si Aya.

"Ayoko." Wika ni Aya na inalalayan ni Julianne na tumayo. "Bakit mo sinasabing layuan naming ang isat-isa?"

"Napakahina at makasarili ang mga mortal. Masyado niyong hinahangad ang mga bagay na hindi pwede. Gaano man katindi ang ang nararamdaman mo para kay Achellion ag batas na mismo nang kalikasan ang humahadlang. Kahit anong gawin niyo hindi niyo kaya ang lakas nang kalikasan." Wika ni Arielle bago bumaling kay Achellion.

"Alam mo naman siguro ang sinasabi ko." Baling nito sa binata Hindi nagsalita ang binata. Alam niyang tama si Arielle. Dahil may nararamdaman siya kay Aya kaya hindi siya makalayo. Ngunit nasa batas nang mga anghel na hindi sila pwedeng magkaroon nang kahit na ano mang kaugnayan sa mga mortal.

"Siguro naman alam mo na ang gagawin mo ngayon." Dagdag pa ni Arielle.

"Anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyayari? Bakit hindi niya ipaliwanag sa akin nang maintindihan ko." Asik ni Aya sa mga ito. Bakit parang sila sila lang ang nakakaintindi nang pinaguusapan nila hindi ba siya kasali sa usapan?

"Mas Mabuti pa doon muna tayo sa kusina ipaghahanda kita nang gatas." Wika ni Julianne at inalalayan si Aya papalyo.

Alam naman niya kung anong ibig sabihin ni Arielle at dahil may pagtingin si Achellion sa dalaga kaya sila pinaghihiwalay. Naiintindihan naman niya si Arielle labag naman talaga iyon sa batas nang kalikasan.

Hindi mo pa rin ba nasasagot ang tanong sa isip mo Achellion?" Wika ni Seraphim na biglang lumitaw nasa isang roof top si Achellion habang nakatingin sa mga building. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nitong mga nakaraang araw. Kahit na magkasama sila ni Aya. Hindi manlang niya magawang lapitan ang dalaga. dahil lalo lamang tumitindi ang kagustuhan niyang hawakan nito ngunit alam niyang hindi niya iyon magagawa. Habang tumitindi ang kagustuhan niyang mapalapit sa dalaga lalo naman silang pinaghihiwalay.

"Seraphim?"

"Hindi mo pa rin ba nahuhulaan kung ano ang nangyari?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Masyadong malakas ang taglay mong kapangyarihan. Ngunit dahil, may bagay kang nararamdaman diyan sa puso mo kaya naman----"

"Bakit ba kung magsalita kayo tila napaka laki nang kasalanan nitong nararamdaman ko." Agaw ni Achellion sa iban pang sasabihin nito. "Sinsabin mo bang may sariling isip ang kapangyarihan ko?" sakristong wika ni Achellion.

"Iyon ang palagay ko. Ngunit mas malakas ang kung ano man ang nararamdaman mo para kay Aya kaya naman gumawa nang harang ang sarili mong kapangyarihan upang ilayo ka sa dalaga. Ang isang tulad mo ay hindi nababagay sa isang katulad niya. Darating ang panahong maiintindihan mo ang sinasabi ko. Pigilan mo ang sarili mo habang may panahon pa. Huwag hayaang dumating ang panahon na pagsisihan mo ang mga desisyon mo."

"Kalokohan." Ani Achellion. Bakit siya maniniwala sa sinasabi ni Seraphim. Kilala niya ang sarili niya. Gumagawa nang sariling harang isang malaking kalokohan naman ang sinasabi nito at hindi siya maniniwala.

"Hanggang gumagana ang harang hinding hindi mo mahahawakan ang dalaga. Isang bagay na mabuti na lamang at nangyari. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kung sabihin. Ang kung ano mang nararamdaman mo ay hindi pwede.

Si Aya at ikaw ay mula sa magkaibang mundo. Hindi pahihintulutan nang batas nang langit at kalikasan ang isang ipinagbabawal na relasyon niyo."

"Ano bang alam niyo sa nararamdaman namin?" ani Achellion. Para namang may pakiramdam ang mga anghel at kung magsalita ay alam nila ang tinatakbo nang isip nila. Maaaring mataas ang antas nila sa mga nilalang ngunit hindi pagdating sa damdamin.

"Do I have to explain it to you again?! You and that girl cannot stay together. You will split up. You will be force to split up. You are going to stay beside her? Always? That absolotely won't work. That is something that the law of heaven wont allow. If the prophecy is fulfil, This world will come into ruin and that girl will perish together with this world. That is the the rule. No matter how hard you both may fight you cannot change it. This love will end tragicly. It sounds romantic doesn't it, however in reality it is torture it will torn you both apart. Stop loving here now before its too late." Wika ni Seraphim. Hindi nakapagsalita si Achellion.