webnovel

Chapter Five

Dumating ang araw nang parent conference sa school nila Aya, SIna Julianne, Julius at Eugene ang dumalo para sa kanya dahil ito tatlong binata lang naman ang pamilya niya sa lugar na ito. Gaya nang inaasahan pinagkagukuhan nang mga babae ang dalawang binate hindi lang dahil sa sikat na pulis ang mga ito kundi dahil na rin sa kagwapuhan nang mga ito.

"Naririnig mo ba yan Aya? Daig pa naming ang Artista." Wika ni Julianne sa dalaga.

"Well sorry sila dahil hindi na kayo available." Wika ni Aya at ini angkla ang kamay sa braso nang mga binata.

"Huwag kang masyadong dumikit baka isipin nilang hindi na ako available sayang naman ang ka gwapuhan ko." Pabirong wika ni Julianne at tinanggal ang kamay ni Aya sa braso niya.

"Hmm. Ang arte mo naman." Nakangiting wika ni Aya. "Dito nalang ako kay Kuya Julius." Wika ni Aya at lumapit kay Julius.

"Oh, Pati ba naman siya idadamay mo." Wika ni Julianne.

"Oh, narito na si Alice at ang mama niya." Wika ni Julius nang makitang pumasok si Alice at ang mama niya sa Gate. Napansin agad nang mga tao ang ayos nang mama ni Alice, Figure-hugging na damit ang sout nito at makapal ang make up. Nang Makita nang babae si Julianne at Eugene kumaway ito sa kanila at agad na lumapit. Nakilala nang babae ang dalawang binata dahil kay Julius. Ipinakilala nang binata sina Eugene at Julianne sa mga taong naging malapit kay Aya noong makahiwalay pa ang magkapatid.

"Mabuti naman ho at dumalo kayo." Wika ni Eugene sa ginang.

"Ma, doon muna kami ni Aya." Wika ni Alice at hinawakan ang braso nang Kaibigan.

"Okay sige, magkita nalang tayo sa auditorium mamaya." Wika nito.

"Kuya iwan muna namin kayo."paalam ni Aya sa kapatid. Ngumiti lang si Eugene sa kapatid niya.

"Sa totoo lang ayoko sanang pumunta ditto kaya lang hindi ko naman pwedeng pabayaan ang anak ko. Libre na nga ang pagaaral niya ditto hindi pa ba ako dadalo sa minsanang school event na ito." Wika nang Ina ni Alice.

"TIyak na masaya si Alice na nakapunta kayo." Wika ni Eugene.

"Hindi rin, Ayaw niyang pumunta ako ditto dahil bibigyan ko lang siya nang kahihiyan." Anang ginang. Hindi naman nagsalita ang dalawang binata.

Buong araw na iniwasan ni Alice ang mama niya. Dahil ayaw niyang makarinig nang masasamang salita mula sa mga kaklase niyang madumi ang tingin sa nanay niya. Kung pwede lang hindi na niya isama ang ina niya gagawin niya. Hindi rin niya ipinakilala ang ina niya sa mga kaklase niya dahil sa labis na hiya. Maagang nagpaalam sina Eugene at Julianne dahil sa trabaho nila. Inihabilin din nila si Aya sa Ina ni Alice.

"Siya na ba ang mama mo?" Tanong ni Analie nang makasalubong nila ito, kasama nito ang lolo nito at ang iba pang kaibigan.

"Mabuti at dumating ka." Wika ni Don Guillermo sa babae.

"Wala naman akong ginagawa. Ipinasara niyo na ang club." Pabirong wika nito sa matanda. "Noong narito pa si Giovannie. Parati naman siyang naroon sa lugar na iyon. SIya pa nga ang malakas na magbigay nang tip."

"Well, buti pa iwan ko muna kayo, Kailangan kung tumawag sa opisina." Wika nito at nagpaalam.

"Hindi ganoong klase ang daddy ko. Alice, anong klaseng ina ba ang meron ka. Kahit sa publikong lugar at sa harap nang isang estudyante kailangan niyang ipangalandakan kung gaano siya ka baba." Asik ni Analie.

"Aba hija. Ang sakit mo namang magsalita." Wika nito.

"MA! Pwede ba! Kahit ngayon lang. Kahit isang oras lang, itikom niyo ang bibig niyo." Galit na bulalas ni Alice.

"Alice." Hindi makapaniwalang wika ni Aya, Maging ang ina ni Alice ay hindi rin nakapagsalita dahil sa labis na gulat.

"Isang bad influence ang mama mo. I wont wonder kung kagaya ka rin niya." Ani Analie. "Aalis na kami." Wika nito at iniwan sina AYa, Alice at ang mama niya.

"MA! Bakit naman pati ditto. Ipinapahiya niyo lang ako Eh. Alam niyo ba kung gaano ka liit ang tingin nila sa akin?" BUlalas ni Alice kasabay ang pagtulo nang mga luha sa mata.

"Alice." Wika nang ina niya at hinawakan ang kamay nang dalaga.

"Sana—Sana talaga hindi ikaw ang mama ko, Mas madali siguro ang buhay ko!"

"Alice." Wika ni Aya. Isang malakas na sampal ang narinig ni Aya.

"Al-alice pasensya na." wika nang ina ni Alice nang ma realize kung ano ang ginawa. "Hindi ko sinasadya."

"Lumayo ka sa kin." Wika ni Alice at itinaboy ang kamay nang ina saka nagmamadaling tumakbo.

"Alice sandali lang." wika nang ina nito na agad na sinundan ang anak. Hindi na nila nabigyang pansin si Aya. Nang mga sandaling iyon naroon si Dranred sa di kalayuan at Nakita ang mga nangyari. Naimbitahan siya sa school conference bilang isang speaker. Kilala nang pamilya ni Dranred ang principal nang paaralan at may Ari nito kaya naman kinuha siya bilang Speaker. Hindi nga lang natuloy dahil sa biglaang trabaho niya. Paalis na sana siya nang Makita ang eksenang iyon.

"Ano nang gagawin ko ngayon?" napabuntong hiningang wika ni Aya.

"Bakit ba ang lalim nang buntong hininga mo." Wika ni Dranred at lumapit sa dalaha.

"Captain." Masiglang wika ni Aya at nilingon ang binate.

"Bakit ang lapad nang ngiti mo?"

"Samahan mo naman ako. SUndan natin si Alice at ang mama niya. ALam mo kasi nag away sila." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay nang binata. Taka namang napatingin si Dranred sa kamay niyang hawak ni Aya. Napansin ni Aya ang biglang pagtingin doon nang binata kaya naman binitawan niya agad ang kamay nito.

"Pwede mo ba akong samahan? Alam mo kasi---"

"Lets go." Wika ni Dranred at hinawakan ang kamay ni Aya saka inakay palabas nang school gate. Lihim namang napangiti si Aya dahil sa ginawa nang binata. Isang napakasarap na pakiramdam ang naramdaman niya habang hawak ni DRanred ang kamay niya gaya noong nakaraan.

Nang dumating sila sa bahay nina Alice. Naabutan nilang umiiyak ang ina ni Alice. Isang sulat ang iniwan ni Alice at sinabing babalik lang ito kapag wala na ang mama niya. Kapag hindi na siya nito binibigyan nang sama nang loob.

"HUwag po kayong mag-alala hahanapin ko si Alice at ibabalik ditto." Wika ni Aya sa babae at hinawakan ang kamay. Simple lang itong ngumiti. Nagpaalam si Aya sa ginang upang hanapin ang kaibigan niya. Ngunit kung saan saang mall na sila nagpunta ni Dranred hindi pa rin nila Nakita si Alice. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan ngunit hindi ito sumasagot.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Aya sa binata.

"Madilim na at mukhang uulan pa. Mas mabuting umuwi muna tayo. Para matulungan din tayo nang iba na maghanap." Wika ni Dranred.

"Bumalik nalang tayo sa bahay nina Alice, baka nalulungkot ang mama niya, gusto ko siyang samahan." Wika ni Aya.

"Mabuti pa radyuhan mo ang kuya mo para hindi siya mag-alala." Wika ni Dranred at ibinigay ang isang radyo sa dalaga. Agad namang tinanggap ni Aya ang radyo at tinawagan ang kuya niya at sinabing baka mahuli siya nang uwi, dahil sasamahan niya ang ina ni Alice, sinabi din niyang si Dranred ang kasama niya kaya hindi na ito dapat mag-alala.

Nang makabalik sila sa bahay nina Alice, isang nakakalungkot na pangyayari ang nabungaran nila. Nang buksan nila ang pinto nang silid nang Ina ni Alice, Nakita nila ang walang buhay nitong katawan habang nakasabit sa lubid, Natuptop pa ni Aya ang bibig niya dahil sa Nakita.

"Don't look." Wika ni Dranred at kinabig si Aya palayo sa pinto saka pumasok sa silid. Nang makapasok isinara nito ang pinto at ibinaba ang bangkay nang ginang inihiga niya ito sa kama at tinabunan nang kumot. Nang lumabas siya sa silid naabutan niya si Aya na nasa sofa at umiiyak. Marahan siyang lumapit sa dalaga at tumabi ditto.

"Tahan na." masuyong wika ni Dranred at lumapit sa dalaga saka pinunsan ang luha sa pisngi ni Aya. "I think she wants you to give this sa anak Niya." Dagdag pa nang binata at inabot kay Aya ang sulat. Nanginginig na kinuha ni Aya ang sulat. Mahigpit na hinawakan ni Dranred ang manginginig na kamay nang dalaga.

"Bakit kailangang mangyari sa kanya to. Hindi manlang sila nagkausap ni Alice." Wika ni Aya.

"Tahan na Aya." Wika ni Dranred at niyakap ang dalaga. Iyon lang ang pwede niyang gawin para sa dalaga ngayon.

Dumating na sa lugar ang Task Force matapos mag radio si Dranred sa mga tauhan. Nagbigay ng utos ni Dranred na dalhin sa morgue ang bangkay habang sina Julianne at Eugene naman ang inutusan niyang hanapin si Alice kasama si Aya. Ayaw magpaiwan nang dalaga dahil nais nitong makausap si Alice nang masinsinan.

Natagpuan nila Aya si Alice sa rooftop nang school building nila doon ito nagpalipas nang gabi dahil sa labis na sama nang loob sa ina.

"Alice, bakit ka nandito?" tanong ni Aya sa kaibigan.

"Iwan mo na ako, narito ka rin ba para maliitin ako? For I know hindi kaibigan ang turing mo sakin. Hindi mo gugustuhing magkaroon nang kaibigan na isang anak nang masamang babae"

"Alice huwag kang magsalita nang ganyan. Hindi masama ang nanay mo." Ani Aya.

"Hindi masama? ANong klaseng ina ang patuloy na mag tatrabaho sa club kung alam niyang nasasaktan ang anak niya. Hindi niya iniisip ang nararamdaman ko."

"Eh, ang nararamdaman niya iniisip mo ba?" tanong ni Aya. "Galing sa nanay mo!" ani Aya at inilahad ang sulat nito. "Isinulat niya iyan Bago niya kitlin ang buhay niya."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alice at tumayo mula sa kinauupuan.

"Kinitil nang nanay mo ang bahay niya para ipakita saiyo kung gaano ka niya kamahal. Dahil sinabi mong babalik kalang kung wala na siya."

"HINDI! Hindi totoo yan." Hindi makapaniwalang wika ni Alice. Hindi naman ito ang gusto niyang mangyari. Ayaw lang niyang minamaliit siya nang mga tao sa paligid nila. Napapagod na siyang parating minamata nang mga tao at sa kung anong uri nang trabaho meron ang ina niya. Umiiyak na binuksan ni Alice ang sulat nang nanay niya.

Alice Anak,

Patawarin mo si mama. Wala akong maibigay na marangyang bagay sa iyo di gaya ng ibang dalaga. Hindi kita maibili ng magandang damit. Hindi kita maibili ng masarap na ulam. Hindi mo rin ako kayang ipagmalaki dahil sa uri nang trabaho ko. Alam mo bang ilang beses kong hiniling na sana ibingay kita sa ama mo para naging maayos sana ang buhay mo, Kaya lang mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kaya naman kahit ito lang ang trabahong alam ko gusto kitang itawid sa hirap. Hindi ko naisip na dahil sa akin labis kang nasasaktan. Patawarin mo si Mama. . Nang mabasa ito ni Alice bigla siyang napahagulgol at masaganang luha ang dumaloy sa mga mata nito.

Alam kung kulang ang buhay ko para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Huwag ka nang magalit anak. Simula ngayon magiging nanay na ako para sa iyo. Hindi na kita bibigyan ng sama ng loob. Aalis na si mama. Maaaring hindi na tayo magkita pang muli. Tutuparin ni mama ang kahilingan mo. Iingatan mo ang sarili mo hah,. Kumain ka ng tama. Huwag kang magpapapagod. Lagyan mo ng towel ang likod mo para hindi matuyo ang pawis mo. Mag-aaral kang mabuti. Mahal na mahal ka ni nanay.

Sina Eugene na nanonood ay hindi rin maiwasang masaktan habang nakikita si Alice na humagolgol habang hawak ang sulat nang ina niya.

Lalong napagulgol si Alice ng matapos na mabasa ang sulat ng ina. Maging si Aya ay napaiyak din. Alam niyang labis na nasasaktan si Alice.

Alam niyang labis ang kalunkutan nito at ang pagsisisi sa mga nagawa niya. sa mga nasabi niya sa ina niya. Ngunit kahit anong paghingi nang tawad ang gawin niya, hindi na siya maririnig nang mama niya. Hindi na niya maririnig na pinapatawad siya nito.

Ang mga sumunod na nangyari ang gumimbal sa kanila. Bigla na lamang umihip ang malakas na hangin. Kasunod ang biglang pagkabalot ni Alice nang itim na aura.

Napaatras si Aya dahil sa labis na gulat. Nagulat din sina Eugene sa nakita. Ninais nilang lapitan ang dalawa ngunit dahil sa lakas nang hangin itinutulak sila nito palayo.

Aya!" nag-aalalang wika ni Eugene at akmang lalapit sa kapatid ngunit hindi siya makalapit dahil sa harang na nakapalibot dito. Maya-maya isang nakakatakot na tawa ang narinig nila na waring nang gagaling sa ilalim ng lupa.

"AYA!" sigaw ni Eugene. Hindi na niya alam kung anong nangyayari. Bigla na lamang may lumabas na isang nilalang mula sa katawan ni Alice saka ito bumagsak sa sahig ng walang malay.

"Hindi ko akalain na ganito katinding kapangyarihan ang ibibigay sa akin ng dalagang iyan. Ang puso niyang nababalot ng galit at pagkamuhi sa kanyang ina ang nagbigay sa akin ng kakaibang lakas." Wika nito at naglakad palapit kay Aya.

"Aya!" Sigaw ni Dranred na dumating. "Penemuel." Mahinang WIka ni Dranred nang makilala kung sino ang nilalang na nagpakita.

"Aya umalis ka diyan!" Malakas na sigaw ni Julianne nang makitang papalapit kay Aya ang Fallen angel. Hindi niya pwedeng ipakita sa lahat ang lakas niya o kahit na ang kapangyarihan niya. Naiinis siyang wala siyang magawa.

"Tingnan natin. Ano kaya ang laman ng puso mo." Anito at huminto sa tapat ni Aya.

"Huwag kang magkakamaling hawakan ang kapatid ko!" ani Eugene at nakatutuk ang baril sa lalaki. Kapag sinubukang saktan nang kakaibang nilalang na ito si Aya hindi siya magdadalawang isip na barilin ito.

"Takot. Hmm. Napakasarap ng takot na nasa puso mo." Wika nito.

"Huwag!" tili ni Aya ng akma siya nitong hahawakan. Kasunod ng sigaw ni Aya ang parang hangin nakilos ni Dranred. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha nang lalaki dahilan para mapaatras ito. Takang napatingin lang sina Julianne at Eugene sa binata.

Dahil sa bilis nang kilos nito ni hindi nila namalayan kung paano ito nakalapit sa lalaki. At kung saan ito kumuha nang lakas para sugurin ang lalaki.

"Hey! Are you okay?" tanong ni Dranred at hinawakan ang balikat nito. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan ni Aya. Sa labis napag-aalala ni Dranred kay Aya, hindi na siya nakapag-isip basta na lamang niyang sinugod ang nilalang. Mabuti na lamang at hindi siya binigo nang kapangyarihan niya. Isang kapangyarihang hindi niya magawang macontrol.

Agad namang lumapit sina Eugene sa dalawa at pinaulanan ng putok ang babae pero sinalo lang nito lahat ng bala nila. At parang mga batong ibinagsak sa sahig. Gulat na gulat ang dalawang binata.

"Walang magagawa ang isang mortal laban sa kapangyarihan ko." Anito.

"Hey! Hey!" ani Dranred at sinusubukang gisingin si Aya. "Hey Trouble Girl!" sigaw ni Dranred sa dalaga. Mula sa kawalan narinig ni Aya ang isang pamilyar na boses.

Trouble girl? Hindi kaya si Dranred. Unti-unti may naaninag siyang mukha. Tinatawag siya. Hanggang sa ang malabong imahe ay naging mukha ni Dranred.

"C-Captain…" wika ni Aya natila na gising mula sa pagkakatulala saka tuminigin sa binata.

"Yeah, It's me. You're not hurt anywhere right?" nakahingang wika ni Dranred.

"Si Alice? Yung nakakatakot na nilalang?" Tanong ni Aya.

"Sa harap mo." Ani Julianne. Habang sunod sunod ang pagpapaputok sa lalaki.

Biglang napahawak si Aya sa braso ni Dranred nang Makita ang Nilalang. "Its okay. Im here. There is no need for you to be scared." Ngumiting wika ni Dranred at hinawakan ang kamay ni Aya. Ipinapahiwatig nito na magiging maayos ang lahat.

"Phoenix Achellion, kaibigan? Bakit pakiramdam ko yata nasa panig ka nila? Anong nangyari sa iyo?" nakangising wika nang babae. Nataka si Eugene sa narinig mula sa sinabi nang kakaibang nilalang.

"Huwag mo akong tatawaging kaibigan. Hindi kita kaibigan." Wika ni Dranred at ikunuyom ang kamo.

Muli naglabas nang pulang liwanag ang kamay ni Dranred at lumitaw ang Phoenix natatak sa kanang kamay nito. nasaksihan nina Julianne at Eugene ang nangyari bagay na labis naman nilang ikinagulat.

Phoenix Achellion?. Wika nang isip nang gulat na si Julianne. Hindi siya maaring magkamali. Isang fallen angel lang ang may simbolo nang phoenix at iyon ay ang isang dating Anghel.

"Julianne, Eugene, ilayo na ninyo si Aya sa lugar na ito." Wika ni Dranred at bumaling sa kanila.

Nang mga sandaling iyon napansin nila ang biglang pagbabago nang kulay nang mata nito. nagin asul iyon. kasing tingkad nang karagatan. Hindi agad sila naka kilos dahil sa labis na pagtataka. Nakikita din ni Julianne ang enerhiyang nasa kamay nang binata at ang imahe nang phoenix sa kamay nito.

"Ayoko!" nang sabihin iyon ni Aya saka lang sila parang natauhan. Alam ni Aya na gaya nang dati isasakripisyo nito ang sarili para sa kaligtasan niya. Dati nakaligtas ito, ngunit ngayon? Paano kung hindi. Alam niyang mapanganib ang nilalang na kaharap nila. Kahit gaano ka galing si Dranred isa pa rin mortal ang katawan niya isa pa hindi naman nito kontrolado ang kapangyarihan.. Wala itong laban sa halimaw na nasa harap nila.

"What are you doing?!" asik ni Dranred sa dalawang binata. "I am giving you an order!" aniya. Hindi agad kumilos si Eugene. Nakatitig siya sa binata. Nararamdaman niyang hindi ito pangkaraniwan gaya nila. Ang mukha nito para bang pamilyar sa kanya. Saan nga ba niya ito Nakita?

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko!" Asik ni Dranred sa dalawang binata.

"Tayo na." Ani Eugene at hinawakan ang kapatid niya. Alam niyang hindi na nila saklaw ang mangyayari. Maniniwala na lamang siya sa kapitan nila gaya nang ginawa nitong pagliligtas sa maliit na bayan dati. Maniniwala siyang malalampasan ito ni Dranred.

"Pero--" ani Aya.

"Lets go." Ani Julianne. Labag sa loob niya ang sumunod sa utos nito ngunit bilang isang sundalo si Dranred parin ang Commanding officer niya. may panahon para makaharap niya si Dranred bilang si Leo.

At kapag dumating ang pagkakataong iyon isa lang sa kanilang dalawa ang pwedeng manatiling buhay.

"Umalis na kayo. Ako na ang bahala ditto." Anang binata.

"Kahit kailan ang yabang mo talaga. Magiging ligtas ka ba?" Tanong ni Aya sa binata.

"As long as you will trust me. Then I will be." Anang binata. Tumango ang dalaga at ngumiti. Alam niyang magagawang manalo ni Dranred.

"Lumabas ka nang buhay." Wika ni Aya bago sumama sa kuya niya at kay Julianne na umalis sa lugar na iyon.

"Hindi kita hahayaang umalis." Wika nang fallen angel at akmang lalapit kay Aya. Ngunit biglang humarang si Dranred. Napahinto ang lalaki nang makita ang nagliliwanag nitong kamay. Mas lalo itong nagulat nang makita ang marka sa kamay nang binata.

"Hindi mo maitatago kung ano ka, ngunit bakit mo pinag-aaksayahan nang panahon ang mga mahihinang mortal?"

"Bakit ko sasabihin saiyo. Alamin mo sa sarili mo." wika ni Dranred at sinugod ang lalaki. Ligtas na nakababa sina Aya sa building nang bigla niyang maalala na naroon pala sa roof top si Alice at naiwan. Nasa gitna ito nang dalawang nagsasalpukang tigre.

"Aya!" habol ni Eugene sa kapatid nang bigla na lamang itong tumagbo pabalik sa building. Hahabol sana sila ni Julianne ngunit sa di malamang dahilan hindi sila makapasok sa buiding para bang may malakas na kapangyarihan ang pumipigil sa kanila para makapasok.

"Damn!" napasuntok sa hangin na wika ni Eugene. Nararamdaman nila ang dalawang malakas na nilalang nanglalaban.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Julianne kay Eugene. Nag-aalala din siya para kay Aya.

"I don't know." Mahinang wika ni Eugene.

"Alice!" Wika ni Aya nang makabalik saka nilapitan ang tulalang dalaga habang nakaupos sa lapag. "Alice, Ano ba, gumusing ka! Hindi ito ang oras para matulog ka ditto." Wika ni Aya at niyugyug ang dalaga.

Narinig ni Dranred ang boses ni Aya kaya tumigil siya sa pag-atake at nilapitan ang dalaga.

"Hey, Why are you here?" takang wika ni Dranred. "Bakit ka bumalik, are you really asking for your death!" galit na wika ni Dranred.

"Sino bang may sabing nagpapakamatay ako!" asik ni Aya kay Dranred. "Hindi ko pwedeng iwan si Alice. Baka pati siya mapahamak!" ani Aya. Noon lang ulit naalala ni Dranred ang dalaga. Dahil sa pagiging ukupado niya sa pakikipaglabas sa fallen angel nawala sa isip niya si Alice.

"Alice Ano ba! Gumising ka!" inis na wika ni Aya saka malakas na sinampal ang tulalang dalaga. Umalingawngaw sa paligid nag lakas nang sampal na iyon.

Maging si Dranred ay nagulat din sa ginawa nang binata. Dahil sa lakas nang sampal ni Aya waring muling natauhan si Alice.

"Gising ka na ba? Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Aya sa dalaga.

"Aya? Anong nangyayari?"naguguluhang wika niito saka inilibot ang tingin sa paligid.

"Mamaya ko na ipapaliwanag umalis na tayo ditto." Wika ni Aya at tinulungang tumayo si Alice. Sumunod naman si Alice. Palabas na sana sila nang rooftop nang biglang dagitin nang fallen angel si Aya.

"AYA!" tili ni Alice dahil sa labis na gulat. Agad namang sinundan nang tingin ni Dranred ang lalaki. Nakalutang ito sa ere kasama si Aya.

"Oh My God anong nangyayari? AYA!" gimbal na wika ni Alice.

"Huwag mo na akong masyadong pahirapan pa Achellion, kung ayaw mong ang dalagang ito ang mamatay." Wika nang lalaki hinawakan ang leeg ni AYA.

"Crap!" napasinghap na wika ni Dranred. Nawala siya sa guard niya kaya nakahanap ito nang pagkakataon na kunin si Aya. Kailangan niyang gumawa nang paraan para mailigtas si Aya. Bago pa may mangyaring masama sa kanya. Iyon ang nasa isip ni Dranred.

"Umalis kana ditto at iligatas mo ang sarili mo" baling ni Dranred kay Alice.

"Ngunit si Aya." Wika nito.

"Don't worry about her. Gagawa ako nang paraan para mailigtas siya. Nasa baba ang mga tauhan ko. humingi ka nang tulong." Wika ni Dranred sa dalaga. Tumango naman si Alice at agad na bumaba.

"Ano na ang gagawin mo ngayon Achellion? Akin pa rin ang huling halakhak. Masyado kang tumagal sa pamumuhay sa mundong ito na nakalimutan mo kung ano ka talaga. Hindi kai sang mahinang mortal. Isang mortal na tatanda at mamatay." Wika nang babae at lalong humigpit ang hawak sa leeg ni Aya.

Sa ibaba naman nang building, dumating na ang mga miyembro nang phoenix.

Nakikita din nila ang kakaibang nilalang na nakalutang sa ere habang hawak ang si Aya. Lalo namang ikinabigla nina Eugene at Julianne ang nakita nila. maya-maya biglang lumabas sa building si Alice at sinabi sa kanila na hinostage nang lalaki si Aya. Naka standby ang SWAT sa kung ano man ang mangyayari, hindi naman nagbigay nangutos si Eugene na pasukin nila ang building baka biglang ihulog nang babae si Aya mula sa ere. Nagsilabasan na rin ang mga estudyante para makiusyuso sa nangyayari.

"Bakit kailangan mong mangdamay nang inosenteng tao. Ako ang kalaban mo hindi ba?" ani Dranred sa lalaki.

"Kalaban? Sigurado ka ba? Magkapareho ang uri natin kaya bakit tayo maglalaban? Sila! Ang mga mortal sila ang dahilan kung bakit nasa isinumpang anyo tayo. Dapat lang natin siyang patayin." Wika nang babae at lalong sinakal si Aya. Nakikita ni Dranred na nahihrapan na si Aya. Baka kapag tumagal ay malagutan na ito nang hininga.

"Bibigyan kita nang pagkakataon na ibaba nang maayos si Aya." Pigil ang wika ni Dranred. Sa kanang kamay niya naiipon ang isanng pulang liwanag.

"Aw." Marahang dumaing si Aya. Bigla na lamang naginit ang kwentas niya, pakiramdam niya sinusunog ang dibdib niya dahil sa init. Nakita niyang iniangat ni Dranred ang kamay niya aktong titira nang pana. Ikinagulat ni Aya nang makita ang apoy na pana at palaso sa kamay ni Dranred.

"Hindi ko alam na may natitira ka pang kapangyarihan." Nakangising wika nang lalaki.

"Pakawalan mo siya! O baka gusto mong matusta ka." Asik ni Dranred.

Sa halip na sumagot ngumisi ang lalaki saka binitiwan si Aya. Malakas ang sigaw ni Aya habang pabagsak sa building. Lahat nang mga taong nasa ibaba, nagsisitilian dahil sa pagkagulat. Oras na bumagsak anng dalaga sa lupa tiyak na durog ang buto nito. hindi biro ang 10 palagag na pagbabagsakan nito.

"AYA!" sabay na sigaw nina Eugene at Julianne.

"Aya!" wika ni Dranred at nagmamadaling tumakbo palapit sa dalaga. Hindi na siya nag-isip pa ang tanging nasa utak niya nang mga sandaling iyon ay ang mailigtas ang dalaga.

"Tingnan niyo yung mama tumalon!" wika nang mga estudyante nang makita nilang tumaon si Dranred para saluhin si Aya.

Maging si Aya na pabagsak ay nagulat din nang makita ang ginawa nang binata. Habang nakatingin siya binata nakita niyang may lumabas napakpak sa likod ni Dranred, itim at puti bagay na lalo niyang ikinagulat. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya iyon at dala nang labis na takot. Naramdaman ni Aya ang pagyakap ni Dranred sa kanya. Nabalot nang pulang liwanag si Aya at Dranred.

Liwanag na halos bumulag sa mga taong nakatingin sa kanila. Dahil sa liwanag ding iyon hindi nila tuluyang makita kung ano ang nangyari sa dalawa. Maliban kay Julianne. Bilang isang anghel mas hindi naapektuhan nang liwanag na iyon ang mga mata niya. Kaya naman nakita niya nang malinaw ang anyo ni Dranred. Bilang isang Fallen angel na si Dranred. Ang itim at putting pakpak nito ay isang simbolo nang isang Dark Angel.

Sabay na bumagsak ang katawan nila sa lupa na hindi manlang nagkaroon nang sugat o galos.

"AYA! Captain!" wika nina Julianne at Eugene saka tumakbo palapit sa dalawa.

"Aya." Wika ni Dranred at napatingin sa dalaga. Nais niyang masiguro na hindi Ito nasaktan. Gulat na nakatingin si Aya sa mukha nang binata. Hindi niya makapaniwala sa nakita niya. isang tao lang ang naalala niya nang makita ang pakpak na iyon, ang lalaking nakita niya sa kasukalan. Ngunit imposibleng si Dranred ang lalaking iyon.

"Hey! Aya." Untag ni Dranred sa kanya. "Nasaktan ka ba? May masakit ba saiyo?" puno nang pag-aalalang wika ni Dranred.

"O-okay lang ako." Wika ni Aya. napatingin siya sa likod ni Dranred. Wala itong pakpak gaya nang nakita niya kanina. At ang nakaksilaw na liwanag na bumalot sa binata nawala na rin.

"Great! Kaya mo bang tumayo?" wika ni Dranred at inakay si Aya na tumayo ngunit nang tatayo na sila biglang umikot ang paningin ni Dranred. Bukod doon biglang nanghina ang tuhod niya.

"Dranred!" gulat na wika ni Aya nang bigla na lamang napaluhod si Dranred. Saka naman ang paglapit nina Eugene at Julianne. Ngayon lang naramdaman ni Dranred ang labis na pagod parang naubos lahat ng lakas niya. pakiramdam niya naubos lahat nang lakas niya sa katawan. Nanghihina ang tuhod niya. Masyadong maraming lakas ang nagamit niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Aya.

"Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Pakiramdam ko naging gulay ang mga paa ko" Anang binata nang pabiro.

"Baliw ka ba?! Bakit ka tumalon sa napakataas na building?" bulyaw ni aya sa Binata. Ngayon lang niya tuluyang na absorb ang nangyari sa kanila. Para mailigtas siya, kinailangan nitong tumalon sa building. Dahil sa pagliligtas sa kanya kay naubos ang lakas nito.

"Anong gusto mo? Hayaan na lang kitang magkapira-piraso?" napabuntong hininga na wika ni Dranred.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Aya sa binata.

"I should be the one asking you that."

"Sa ating dalawa ikaw itong mas kailangan nang alalay." Wika ni Aya at akmang aalalayan si Dranred. Ngunit biglang si Julainne ang umakay sa binata.

"Okay lang ba kayong dalawa?" tanong ni Eugene. "Nasakatan ka ba?" Tanong nito sa kapatid. Nakangiting umiling si Aya. Bumaling naman si Eugene sa kapitan nilang inaalalayan ni Aya. Ngayon buo na ang hinala niya na hindi tao si Dranred. Ang kakayahan nitong labanan ang kakaibang nilalang na iyon at ang pagliligtas nito kay Aya. Nang mga sandaling iyon bigla niyang naalala ang lalaking nagligtas sa kanila noong mga bata pa sila mula sa aksidente. Bakit ngayon lang niya nakilala ang binata. Ni hindi niya nagawang magpasalamat dahil sa ginawa nito para sa kanila.

"Maraming salamat." Wika ni Eugene sa binata. Ngumiti lang si Dranred sa kanya.

"Aya!" mahinang wika ni Alice at ngayon ay naglalakad palapit sa kanya. Kusang lumayo sina Dranred sa dalaga para makalapit ito kay Alice. Alam ni Dranred na puno ng pagsisi ang dalaga dahil sa mga nagawa nito. Alam niyang nagdurusa ang loob nito dahil sa pagkawala ng nanay nito.

"Alice. Okay ka lang ba?" Tanong ni Aya at lumapit dito. Bigla na lamang napahagulgol ng iyak si Alice agad naman siyang niyakap ni Aya. Para pakalmahin.

"Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Wala na ang nanay ko. Sobrang sama ng ginawa ko. Hindi ko naman ginustong mawala siya. Dahil sa pagkasuklam ko sa mundo at sa mga nangyari sa amin kaya ko lang yun nasabi. Bakit niya ako biglang iniwan. Paano pa ako babawi?" umiiyak na wika nito.

"Pwede ka pa naman makabawi. Alam ko pinapanood tayo ng nanay mo ngayon." Wika ni Aya at nakatingin sa kaluluwa ng nanay nito nakatayo sa likod ng anak niya. "Mahal na mahal ka niya Alice. Walang ina na naghahangad ng kasamaan para sa anak nila. Alam mo ba? Napakaswerte mo sa nanay mo. She has this warm heart for you. Gusto niyang ibigay sa iyo ang lahat ng pwede niyang ibigay para lang sa kaligayahan mo." Ani Aya. Lalo namang umiyak si Alice. "Huwag ka nang umiyak." Ani Aya at kumalas kay Alice at hinawakan ang balikat nito.

"Hindi mapapanatag ang nanay mo kong iiyak ka lang. Mabuhay ng maligaya para sa kanya. Hmm?" ani Aya na tumutulo na rin ang luha sa mga Mata.

"Mabuti nalang may kaibigan akong gaya mo Aya. Salamat." Wika ni Alice.

"Siyempre kaibigan kita." Ngumiting wik ani Aya.

Ang kaluluwa ng nanay ni Alice na nasa di kalayuan nito ay nakangiti para sa anak. Hanggang sa bigla na lamang lumitaw ang fallen angel nakalaban ni Dranred sa likod nito. Hinawakan nito ang leeg ng ina ni Alice. Bago naglaho sa kawalan nakita niyang umiiyak ang ina ni Alice. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang alam niya ngayon ay ang takot na bumabalot sa kanya. Napansin naman ni Alice ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Aya.

"Bakit Aya?" nag-alalang tanong ni Alice.

Hindi lang si Aya ang nakakita sa nangyari kundi maging Si Dranred. Kumalas si Dranred mula sa pag-aalalay ni Julianne at lumapit kay Aya.

"Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya." pabulong na wika ni Dranred sa dalaga.

"Nakukuha ang gusto niya? Anong gusto niya?" wika ni Aya at tumingin sa binata.

"Ang kaluluwa nang ina ni Alice." Wika nito. takang napatingin si Aya sa mukha ni Dranred. Bigla wala na siyang naiintindihan sa nangyayari. Hindi na ba ordinaryong laban ang kinakaharap nila?

Biglang natigilan si Dranred nang biglang nagbago ang paligid niya. Nawala ang lahat nang tao at ang tanging natira ay ang Fallen angel at ang kaluluwa nang ina ni Cynthia. May nagbukas nang ibang dimension.

"Alam mo ba ang nangyayari sa mga kaluluwa nang mga nagpapakamatay?" tanong nang fallen Angel kay Dranred.

"Bakit hindi mo na lang siya pakawalan. Penemuel." Wika ni Julianne at Naglakad. Taka namang napatingin si Dranred sa binatang nagsalita. Hindi ang pulis na Julianne ang nakikiita niya ngayon kundi ang anghel na si Leo.

"LEO!" Gulat na wika nang lalaki.

"Maswerte ka. Nasa parehong panig tayo ngayon. Pero huwag kang makampante. SIsiguruhin kong ako ang magbabalik sa iyo." Makahulugang wika ni Leo kay Dranred.

"Kahit na ikaw walang magagawa sa nakatakdang lugar na pupuntahan niya." wika nang babae. At sa isang iglap bigla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan nila. naroon na sila sa lugar na puno nang apoy may mga taong humihingi nang tulong. Isa sa mga kaluluwang naroon ay ang kaluluwa nang ina ni Alice.

Parang bangungot kay Dranred ang mga nakikita niya. Ang kaluluwa ng ina ni Alice ay nasa isang walang hanggang apoy. Apoy na magpapahirap dito ng ilang libong taon.

"Siguro naman alam mo ang lugar na ito Leo? Dito niyo ipinapadala ang mga fallen angel na hinuhuli niyo."

"And you will have your own trip down there later." Asik ni Leo. Hindi makapagsalita si Dranred. Ito ang rason kung bakit siya tumakas matapos ang digmaan. Ayaw niyang magdusa sa apoy nag impyerno.

"Tulungan niyo Ako" nagsusumamong wika nang ina ni Alice. Akma sanang susugod si Dranred nang biglang inatake ni Julianne ang Fallen angel na bitiwan nito ang kaluluwa nang ina ni Alice. Walang nagawa si Dranred kundi ang panoorin si Leo na kalabanin ang Fallen angel. Ilang saglit lang huminto sa pag-atake si Leo. Nakita ni Dranred na nagawa nitong lagyan nang kadina ang lalaki.

Isa itong uri nang kadina na pumipigil sa kapangyarihan nilang mga fallen angel. Saka niya naalala ang mga nangyari sa Mansion ni Don Fausto at kung paano natalo ni Leo si Eurynome. Ngayon naman muli niyang nasasaksihan ang kapangyarihan nang isang anghel. Biglang nabalot nang liwanag ang fallen angel. Kasunod ang biglang paglitaw nito sa walang hanggang apoy. Agad na ipinadala ni Leo ang fallen angel sa pinakamalalim na bahagi nang impyerno. Doon ipinpadala lahat nang mga fallen angel na nahuhuli. Bumaling si Leo sa kaluluwa nang matandang babae.

Alam ni Dranred ang batas. Dahil pinatay niya ang sarili niya. Isang lugar lang ang pwede nitong puntahan. Iyon ay ang apoy nang impyerno.

"Paumanhin. Wala akong pwedeng magawa para sa iyo. Isang kasalanan ang ginagawa mo. Kailangan mong pag---" naputol ang sasabihn ni Leo nang biglang humarang si Dranred.

"Anong ginagawa mo?" Asik ni Leo sa binata. "Dati mo nang sinuway ang batas. Ngayon naman makikialam ka sa ---"

"Hindi ako nakikialam." Agaw ni Dranred. Saka bumaling sa ina ni Alice.

"Gustong humingi nang tawad ni Alice dahil sa mga nagawa niya. Alam kong marami siyang nagawang kasalanan sa inyo. At alam kong pinili mong kitlin ang buhay mo upang ipakita ang pagmamahal mo sa kanya. Pero sa palagay koi sang maling bagay ang ginawa mo. Maraming paraan para ipakita ang pagmamahal mo. Ngayon sinisisi ni Alice ang sarili dahil sa nangyari sa iyo. Kahit na magsisisi ka ngayon sa nagawa mo. Hindi mo mababago ang katotohanan isang kasalanan ang ginawa mo. And you have to pay for it." Wika ni Dranred. Alam niyang that also applied to him. In one way or another pagbabayaran niya lahat nang mga kasalanang ginawa niya noon.

Dahil sa mga sinabi ni Dranred napahagulgol nang iyak ang ina ni Alice. Naawa siya ditto ngunit tama si Leo Isang lugar lang ang pwede nitong puntahan. Huli na para magsisisi siya. Matapos ipadala ni Leo ang kaluluwa nang ina ni Alice sa impyerno. Biglang bumalik sa dating anyo ang paligid. Walang ibang nakakita sa nangyari kundi si Dranred at Leo.

"Hindi ito ang huling pagkikita natin Achellion. Sasusunod ikaw naman ang ipadadala ko." Wika ni Leo bago tuluyang nawala ang ibang dimension nang bumalik sila sa normal na takbo nang oras. Napatingin si Dranred kay Julianne. Kung ganoon, matagal na ba siyang minamatyagan nang binata? Matagal na ba nitong Alam kung ano at sino siya?

"Anong nangyari sa kaluluwa nang ina ni Alice?" tanong ni Aya kay Dranred.

"I'll Explain to you Later." Mahinang wika ni Dranred at ipinatong ang kamay sa ulo ni Aya bago naglakad patungo kay Alice na nasa sasakyan nang paramedics at nakaupo.

"Alice" Ani Dranred sa dalaga. nag-angat nang tingin si Alice. Bakas sa mukha nito ang labis na pagsisis dahil sa nangyari. "Please know that your mom loves you in her own way. Magiging payapa siya kung ipagpapatuloy mo ang buhay mo." wika ni Dranred. Lalo namang napahagulgol si Alice. SIya ang dahilan kung bakit ganoon ang kinahantungan nang nanay niya.

Biglang napaigtad si Aya nang tumalikod siya mukha nang ina ni Alice ang nabungaran niya. puno nang hinagpis ang mukha nito. aatras sana siya para lumayo ditto ngunit bigla siya nitong hinawakan. Nang hawakan siya nito bigla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan niya.

"Tulungan mo ako!" wika nang ina ni Alice habang nilalamon ang katawan nang apoy na mistulang isang dagat. Nang una nagdalawang isip niyang abutin ang kamay nito dahil sa labis na takot. Ngunit nang makita niyang nahihirapan na ito sa kinalalagyan sinubukan niyang abutin ang kamay nito.

"Hey Wake up!" isang malamyos na boses ang narinig niya kasabay ang pagpisil nang maiinit na kamay sa palad niya. nang marinig niya ang boses na iyon bigla na lamang nawala ang dagat nang apoy at ang ina ni Alice. Biglang bumalik sa realidad si Aya. Napatingin siya sa nagsalita at sa taong nakahawak sa kamay niya.

"Julianne." Takang wika ni Aya. Napalinga-linga siya sa paligid. Hinanap nang mata niya ang ina ni Alice ngunit wala na siyang ibang nakita. Nahagip nang mata niya si Dranred na nakatingin sa kanila ni Julianne. Bakit hindi siya mapakali sa uri nang tingin ni Dranred?

"Okay ka lang ba Aya?" Tanong ni Julianne sa dalaga. SImpleng tango lang ang tinugon ni Aya, Hindi niya pwedeng sabihin kay Julianne kung ano man ang Nakita niya, baka hindi naman siya paniwalaan nang binata.

Nilingon niya si Dranred, nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Julianne. Gusto niyang lapitan ang binata at magtanog kaya lang dahil nakahawak sa kanya si Julianne hindi rin niya nagawang lumapit sa binata.

"Oh bakit ka nag-iisa ditto? Bakit hindi ka parin natutulog?" tanong ni Dranred kay Aya nang abutan niya ito sa labas nang kubo. Walang ibang tao sa kampo nila kundi ang dalawang sundalong nakabantay. Ang ibang miyembro ay nagpapatrol. Kababalik lang niya mula sa pagpapatrol.

"Hinihindtay talaga kita." Wika ni Aya.

"Bakit?" Tanong ni Dranred at lumapit sa dalaga.

"Marami akong gustong itanong sa iyo. Marami akong gustong malaman sa mga nangyayari dahil naguguluhan na talaga ako." Ani Aya.

"Ang mga kakaibang nilalang na nakikita ko. Kilala ka nila. Anong kaugnayan nila sa iyo?"

"Kung sasabihin ko ba sa iyo. Hindi ba magbabago ang pagtingin mo sakin?" ani Dranred at tumabi sa pagkakaupo sa dalaga.

"Let's hear it. First." Wika ni Aya.

"Alright then." Wika ni Dranred. Nagsimulang magkwento si Achellion tungkol sa digmaan sa langit at kung ano ang kaugnayan niya sa mga nilalang na nakikita nila.

"Fallen angels? Isa ka sa kanila? Pero bakit nakikita ka rin nila kuya?" tanong ni Aya.

"Sa hinala ko nawala ang kapangyarihan ko noong araw na iniligtas ko kayo mula sa aksidente." Wika ni Achellion.

"SO tama ang mga Nakita ko sa panaginip ko. Ikaw ang lalaking yun. At saiyo galing ang kwentas na ito?" ani Aya at inilabas ang bead niyang kwentas.

"Maaaring ganoon nga." Wika pa ni Achellion.

"SO ngayon ang mga fallen angel na narito ay hinahabol ka?"

"Hindi siguro. Wala naman silang mahihita sa isang mahinang gaya ko." Wika ni Achellion. "Ngunit dahil parati akong sagabal sa mga plano nila tiyak ganoon na nga." Wika ni Dranred.

"Hindi ko parin masasagot ang tanong mo kung ano ang kaugnayan mo sa kanila. Ngunit may hinala akong habang malapit tayo sa isa't-isa tiyak na parating nasa panganib ang buhay mo." Wika ni Dranred sa dalaga.

Matapos ang libing nang ina ni Alice, nagpaalam sa kanya ang kaibigan. Luluwas ito sa Syudad upang hanapin ang sarili hindi rin daw nito magawang mabuhay sa lugar na iyon dahil patuloy niyang maalala ang nangyari sa kanyang ina.

"Magkikita pa ba tayo?" tanong ni Aya sa kaibigan.

"Di ba kapag natapos ang misyon ditto nang kuya mo pupunta na kayo nang syudad. Hahanapin kita doon." Wika ni Alice.

"Mag-iingat ka huh." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay nang kaibigan.

"Oo naman ako pa." ngumitin wika nito.

"Kapag nakarating ka syudan tawagan mo ang taong ito pwede ka niyang tulungan." Wika ni Eugene at ibinigay kay Alice ang business card ni Butler Lee.

"Hindi na kuya Eugene. Mas gusto kong magumpisa sa sarili kong sikap." Wika ni Alice.

"Mas Mabuti na rin yan Alice. Wala kang kilala sa Syudad." Ani Julianne.

"Sasamahan naman ako ni Ate Jenny." Wika ni Alice. Sabay namang napatingin sina Julianne at Eugene kay Jenny.

"AAlis ka?" tanong ni Eugene sa dalaga.

"Pinayagan na ako ni Captain na umalis sa task force. Natanggap ko na rin naman ang Job Order ko sa isang hospital na pinag-aaplyan ko." Wika ni Jenny.

"Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Julianne.

"Ang dahilan lang naman kasi kung bakit ako pumasok sa pagpupulis ay dahil sa paghahanap ko sa inyo. Akala ko kasi noon, talagang naging gang member na kayo, inisip ko na kapag naging pulis ako pwede ko pa kayong iligtas sa mga sindikato. Pero mali ako, naging mga pulis din pala kayo at dahil nakikita ko naman na maayos kayo, pwede na akong bumalik sa pagdodoktor. Mas gusto ko naman ang trabahong iyon." Wika ni Jenny.

"Bakit hindi mo manlang sinabi sa amin. Para naman tayong hindi magkaibigan." Wika ni Eugene.

"Ano ka ba, aalis lang naman ako sa task force. Magkaibigan pa rin tayo." Wika ni Jenny.

"Kapag nakapunta kami nang syudad, dadalawin kita sa hospital na pinapasukan mo huh." Wika ni Aya.

"Oo naman." Ngumiting wika ni Jenny. Habang nakatingin si Eugene sa dalawang dalaga hindi niya maiwasang hindi makaramdam nang tuwa ang dalawang babaeng mahalaga sa kanya ay malapit sa isa't-isa.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Mag-iingat kayo." Wika ni Eugene kay Jenny at Alice.

Matapos makapagpaalam ni Jenny sa iba niyang mga kasamahan, inihatid naman sila ni Dranred sa syudad. Kailangan din niyang lumuwas upang magbigay nang report kay General Mendoza.

"Lt. Heartfelia, Lt Ramirez. Kayo muna ang bahala ditto habang wala ako." Wika ni Dranred sa mga tiyente niya.

"Yes Chief." Sabay na wika nang dalawa.

"Captain, bakit hindi ka nalang sumabay sa lolo ko. Luluwas din naman siya." Wika ni Analie at lumapit binata. Napa simangot naman si Alice dahil sa sinabi nang dalaga.

"Hindi na." tanggi nang binata. "Paano aalis na kami kayo nang bahala ditto." Baling ni Dranred sa mga tauhan.

"Mag-iingat kayo Chief." Sabay-sabay na wika nang mga ito.

"Ate Jenny." Wika ni Aya at lumapit sa dalaga. Nilingon naman ni Jenny si Aya. Kahit sa sandaling panahon na pagkakakilala nila napalapit na ang dalaga sa kanya. Parang kapatid na ang turing niya ditto.

"Mag-iingat ka ha." Wika ni Aya.

"Oo naman. Kapag nakaluwas ka, ipapasyal kita." Wika ni Jenny. Ngumiti naman si Aya at niyakap ang dalaga.

Matapos makapagpaalam sa mga kaibigan nila. Umalis na sina Alice, Jenny at Dranred.

"Don't worry about her. Kaya niya ang sarili niya." Wika ni Julianne kay Eugene at inilagay ang kamay sa balikat nang kaibigan. Alam niyang nag-aalala si Eugene para sa dalaga. "Sa palagay mas Mabuti na rin na wala siya sa task force. Ang katulad ni Jenny hindi bagay sa ganitong trabaho. I think she looks cool on those white doctor coat." Nakangiting wika ni Julianne.

Tumingin si Eugene kay Julianne alam niyang gusto lang siyang ipanatag nang kaibigan. Ganoon din naman ang tingin niya, mas makabubuti kay Jenny na wala sa magulong buhay nang isang pulis mas magiging tahimik ang buhay nito bilang isang doctor. Ngunit bilang isang kaibigan hindi niya maiwasang di mag-alala para sa dalaga.

Siya ang daddy ko?" bulalas ni Analie nang sabihin ni Don Guillermo sa kanila nang kuya Gio niya na ang lalaking dumating sa bahay nila na mukhang taong bundok ay ang tatay niya. Habang nakatingin siya sa lalaki. Hindi niya magawang tumingin nang diretso. Bukod sa halos basahan ang sout nitong damit maymahabang balbas din ito. Kabaliktaran sa amang nasa isip niya. Buong buhay niya sinabi nang lolo at kuya Gio niya na nasa ibang bansa ang daddy niya at nag-aasikaso nang negosyo nila. Hindi niya akalain na ang lalaking pabalik-balik sa hacienda nila na tila isang kargador ay ang tatay niya.

"Hindi ko matatanggap na siya ang tatay ko. ISang rebelde! Ano nalang ang sasabihin nang mga kaibigan ko." Bulalas pa ni Analie.

"Pwede ba Analie. Huwag ngang makitid yang utak mo. May mga pinagdadaanan lang si Daddy kaya kailangan niyang magtago." Wika ni Gio. HE was 15 nang masangkot sa isang krimen ang daddy nila. Ito ang dahilan kung bakit ito napilitang magtago. Ang alam niya napagbintangan ito na pumatay sa kanilang dating trabahador. Wala siyang alam sa buong kwento ngunit ang ama pa rin niya ang paniniwalaan niya.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin. Pinaniwala niyo akong isang mabuting tao ang ama ko." Galit na asik ni Analie. Isang malakas na sampal naman ang iginawad ni Gio sa kapatid niya. Galit na napahawak si Analie sa pisngi at tumakbo.

"Hindi mo kailangan gawin iyobn Gio." Wika ni Guillermo sa apo.

"Minsan kailangan turuan nang leksyon ang babaeng yun para magtanda." Anang binata.

"Hayaan mo na lang muna siya." Wika ni Giovanni. "Papa, akala ko ba nag-kaintindihan na tayo na paalisin mo ang mga sundalo sa lugar natin. Naantala na ang mga transaction nang grupo dahil sa pakikialam nang mga sundalong yan. Lalo na yang grupong nakadestino sa lugar natin." Baling nito sa ama.

"Alam mo naman na hindi lang ako ang magpapasya sa bagay na iyan. Bakit kasi kailangan mo pang sumama sa grupong yan. Kumalas ka nalang ang mamuhay nang tahimik ditto kasama ang mga anak mo." Wika pa nang Don.

"Tingnan mo si Analie, lumaking, mali a ng paniniwala sa iyo." Wika nang Don.

"Hindi na ako pwedeng kumalas." Wika pa ni Giovanni. "Paalisin niyo ang mga sundalong yan ditto bago pa magkagulo. Hindi ko maipapangako na maliligtas kayo."

"Pati ba naman mga anak mo nasa panganib din?" anang Don.

"SImula nang sumapi ako sa grupo, kinalimutan ko na ang dati kung buhay. Ngayon kung pattuloy niyong tatanggihan ang panukala ko. Hindi ko maipapangako na bibigyan pa rin nang proteksyon nang grupo ang hacienda na to." Wika nang lalaki at tumalikod. Hindi na nagawang sundan pa ni Gio ang ama. Kilala naman niya ang ama niya talagang matigas ang ulo nito. Kahit noong kasama pa nila ito.

Wala naman talaga itong pakialam sa kanila. Namatay ang ina nila na masama ang loob sa ama nila. Buong buhay nito, hindi ito binigyan nang pagmamahal nang ama nila dahil may ibang babae itong minamahal. Ito rin ang kaparehong babae pinatay kasama ang mga anak nito at ibinintang sa ama nila.

Habang pabalik si Giovanni sa kasukalan kung saan nagkukuta ang mga rebelde, Nakita niya ang isang dalagang nasa dalampasigan at namamasyal kasama ang isang malaking aso. Sa malayo isang babae lang ang nakikilala niyang kamukha nito.

"Jasmine." Mahinang usal ni Giovanni nang Makita ang dalaga. Marahan siyang nalakad palapit ditto.

"Jasmine." Tawag ni Giovanni sa dalaga. Lalapit sana siya sa dalaga subalit humarang ang aso. Taka namang napatingin si Aya sa lalaki. Ito ang parehong lalaking Nakita niya sa panaginip niya na pumatay sa lola, daddy at mommy niya. Ito rin ang lalaking Nakita niya sa tindahan kasama ang isang fallen angel. BIglang napaatras si Aya dahil sa takot.

"Jasmine buhay ka." Wika nang lalaki na may pananabik sa boses at humakbang palapit. Lalo namang ngalit ang aso nang makitang humakbang ang lalaki.

"Aya!" wika ni Eugene na dumating kasama si Julianne agad naman nilang nilapitan ang dalaga.

"Harry! Buhay ka." Gulat na wika ni Giovanni nang Makita si Eugene. Bakas sa muka nang lalaki ang labis na gulat nang Makita ang binata.

"Okay kalang ba?" tanong ni Eugene sa kapatid nang makalapit. Agad niya itong inakbayan. Ramdam na ramdam niya ang panginginig nang katawan nang kapatid. Napatingin siya sa lalaking nasa harap nila. Ito ang lalaking pumatay sa mga magulang nila. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nito. Mariin niyang napakuyom nang kamao.

"Paanong buhay ka!" asik ang lalaki kay Eugene.

"Close enough. Anak ako nang taong pinatay mo." Asik ni Eugene sa Lalaki.

"Anak?" gulat na wika nito. "Hindi totoo yan, Nakita kung sumabog ang kotse niyo kaya paano kayo makakaligtas." Wika nang lalaki.

"Siguro nakaligtas kami. Dahil ako mismo ang tatapos sa buhay mo."

"Mayabang ka, binata. Hindi mo ata kilala kung sino ang nasa harap mo."

"Isang hamak na rebelde kalang ngayon. Pwede kitang hulihin ano mang oras." Wika ni Eugene.

"Hindi ito ang magiging huling pagkikita natin, Sa susunod. Titiyakin kong isusunod kita sa ama mo." Wika nito at tumingin kay Aya. Agad namang kinabig ni Eugene ang kapatid niya papunta sa likod niya. "Magkakasama na tayo Jasmine." Wika nito kay Aya. Mahigpit namang napahawak sa braso ni Eugene si Aya. Hindi niya gusto ang mga tingin nang lalaki sa kanya. At tinatawag pa siya nito sa pangalan nang mommy niya.

HInayaan nilang makaalis si Giovanni.

"Bakit hindi pa natin siya hinuli?" tanong ni Julianne.

"Hindi pa ngayon ang tamang panhon. Kapag hinuli natin siya baka makaagaw tayo nang-atensyon sa grupo nila. Baka bigla nalang nilang salakayin ang lugar na ito." Wika ni Eugene.

"Ngayon, alam na niyang narito kayo. Baka kayo naman ang hindi niya tigilan." Wika ni Julianne. Hindi naman nakapagsalita si Eugene. May tama din naman si Julianne. Nakita din niya ang tingin ni Giovanni sa kapatid niya. Hindi naman niya maiitatanggi ang pagnanasa sa mata nito.

"Anong balak mong gawin ngayon?" tanong ni Julianne.

"Kailangan kung ilayo si Aya sa lugar na ito. Alam ko ang likaw nang bituka nang lalaking iyon." Wika ni Eugene.

"Kuya." Mahinang wika ni Aya na hawak pa rin ang braso nang kapatid.

"It's okay Aya. Nandito ako. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo." Wika ni Eugene sa kapatid ang hinawakan ang kamay nito. Alam naman ni Aya na hindi siya pababayaan nang kapatid niya. Kaya lang natatakot siya. Noong nakaraang gabi, nanaginip siyang may masamang nangyari sa kapatid niya. Gaya nang Nakita niya kay Dranred. Nakita din niyang sugatan ang kuya niya at ang mga kasamahan nito. Hindi naman niya maintindihan ang panaginip niyang iyon. Isa kaya iyong babala? Babala sa mga masamang mangyayari.

Oh? Anong nangyayari ditto?" Tanong ni Dranred nang dumating sa kampo nila at makitang naguumpukan nang mga tauhan niya. Napansin din niya si Martin ang commanding officer nang kabilang grupo na na destino sa kabilang brgy. Napansin niyang sugatan ito.

"Chief." Wika nang mga sundalo at sumaludo sa binata. Ganting saludo din naman ang ginawa ni Dranred sa mga ito. Saka bumaling kay Martin.

"Bok, Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Dranred sa binata.

"Masama Bok. Sinalakay nang mga rebelde ang baryong kinaroroonan namin. Hawak na nila ang pamamahala sa buong brgy. Hostage ang mga tao doon. At ilan sa mga Tauhan ko. Mabuti na ngalang at nakaligtas ako." Wika ni Martin.

5 araw lang na wala si Achellion, sa loob nang limang araw na iyon marami nang mga nangyari sa lugar. Isa na doon ang pagsalakay nang mga rebelde sa kabilang brgy. Hinostage nito ang lahat nang mga tao sa brgy at pinatay ang ibang sundalo. Nang demand din ang mga ito na kapag hindi umalis ang mga sundalo sa lugar nila iisa-isahin nila lahat nang mga barangay.

Noong nakaraang araw, naka engkwentro din nang grupo ni Eugene ang grupo ni Giovanni Sabastian. Napagkamalan pa nga nito si Eugene na si Harry. Para itong nakakita nang multo nang Makita ang binata. Hindi nagawang mahuli ni Eugene si Giovanni dahil nakatakas ito. May mga Nakita din siyang tao mula sa hacienda na nagbibigay nang pera sa lalaki. HInala niya sinosuportahan ni Don Guillermo ang lalaki. Dahil bilang ama tungkulin Niyang pangalagaan ang anak kahit na isa itong krimanal.

"Chief, hindi ba, 3 Kilometro lang ang layo nang lugar na iyon ditto sa Sta Catalina. Hindi ba mas maigi kung ililikas natin ang mga tao ditto? Paano kung ditto naman ang sunod nilang atakihin." Wika ni Ben. Hindi nakapagsalita si Dranred. Nilingon niya si Aya na nasa tabi ni Eugene.

"Kakausapin ko si Chairman." Wika ni Dranred na ang tinutukoy ay ang Brgy. Chairman nang Brgy.

"Mukhang malabong mangyari iyon Chief. Umalis na ang chairman sa lugar naito. Kahapon pa." wika ni Arielle.

"Ano?!" gulat na wika ni Dranred.

"Puno nan ang takot ang mga residente sa lugar na ito. Ang iba ay lumikas na papunta sa Hacienda dahil sabi nang iba ligtas daw sila doon. Iyon daw ang nag-iisang lugar na hidi sasalakayin nang mga rebelde."

"Ano nang gagawin natin ngayon Captain?" tanong ni Rick.

"Mas Mabuti siguro kung ililikas nalang natin ang mga residente ditto. Sa bayan mas ligats sila doon. Kausapin mo ang mayor tiyak na magbibgay iyon lang lugar na pwedeng matuluyan nang mga residente kahit pansamantala lang." wika ni Martin.

"Dranred!" sabay-sabay silang napalingon dahil sa tawag nang isang boses. Nakita nila si Analie na umiiyak. Agad-agad itong lumapit kay Dranred at niyakap ang binata. Napaawang ang labi nang lahat nang Makita ang ginawa ni Analie. Simple namang tumingin si Dranred kay Aya. Nakita niyang naglayo nang tingin ang dalaga.

"Bakit? Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Dranred at inilayo nang bahagya ang dalaga.

"Ilayo mo na ako sa lugar na ito." Umiiyak na wika nang dalaga. Takang nagkatinginan ang mga miyembro nang phoenix dahil sa sinabi nang dalaga. "Ayoko ko na sa lugar na ito. Puro kasinungalingan ang sinabi nila sa akin. Kahit na pamilya ko pinaglilihiman ako." Wika pa nito.

"Huminahon ka, Analie. Mas Mabuti siguro kung kakausapin mo ang lolo mo at ayusin ang ano mang gulo ang pagtakas sa problema ay hindi solusyon." Wika pa ni Dranred.

"Hindi mo naiintindihan eh." Wika nito at humagulgol saka muling niyakap ang binata. Wala naman silang masabi dahil sa labis na pagtataka. Habang pinapanood nila ang eksenang iyon tatlong lalaki ang dumating kasama si Butler Lee.

"Lee!" wika ni Eugene nang Makita si Butler Lee. Nang Makita nang lalaki si Eugene agad itong lumapit sa binata. Taka namang napatingin si Dranred sa bagong dating na lumapit sa kinaroroonan nina Aya.

"Master Eugene." Wika nito.

"Aya, siya si Butler Lee ang kanang kamay ni Lola Carmela natatandaan mo pa siya?" Ani Eugene sa kapatid. Simpleng tango lang ang ginawa ni Aya.

"Mabuti at nakarating agad kayo."wika ni Eugene sa lalaki.

"Wala naman akong masyadong ginagawa, nang sabihin mong kasama mo si Lady Aya. Agad na akong nagpunta ditto." Wika pa nang lalaki.

"Pinapunta mo siya ditto kuya?" takang wika ni Aya.

"Oo, sasamahan ka na niya pabalik sa syudad. Masyado nang magulo sa lugar na ito. Hindi ko alam kung magagawa kitang protektahan kapag naggagulo mas mabuting malayo ka ditto." Wika ni Eugene.

"Hindi ako aalis na hindi kayo kasama." Wika ni Aya.

"Tama si LT. Aya, mas mapapanatag kami kung alam naming ligtas ka." Wika ni Julius at lumapit.

"Pero -----" putol na wika nang dalaga.

"Huwag nang matigas ang ulo mo Trouble girl. Para sa kabutihan mo rin naman ito. Hindi namin alam kung kalian matatapos ang gulo ditto." Wika ni Dranred at lumapit sa kanila. Tumingin siya sa binata. Saka pasimpleng tumingin kay Analie na nakasimangot na nasa di kalayuan. "Besides kung nandito ka, sagabal ka lang sa magiging kilos namin." Wika ni Dranred.

"Ano?" inis na wika ni Aya na tumingin sa binata.

"Think about it, babagal ang kilos nang kuya dahil iisipin pa niya ang kapakanan mo. Kapag bumagal ang kilos nang kuya, magiging mabagal din ang kilos nang grupo." Wika pa nang binata.

"Okay I get it. Isa lang akong malaking hadlang. Sasama na ako kay Butler Lee." Wika nang binata at bumaling sa kuya niya. "Kailan kami aalis?" tanong nang dalaga.

"Ngayon na. Mas Mabuti pang ayusin mo na ang mga gamit mo." Wika ni Eugene. Simpleng tumango si Aya sa kapatid at ngumiti. Saka naglakad patungo sa kubo inirapan naman nito ang binatang si Dranred.

"Chief sa palagay ko hindi mo na kailangang sabihin yun." Ani Julius.

"I think, It was just the right think. Sa tigas nang ulo niya ka pang dinaan natin siya sa mahinahong usapan marami pa rin siyang dahilan para hindi sumama." Wika ni Eugene.

"Mas Mabuting wala siya ditto." Wika pa ni Julianne.

"Sa tono nang pananalita niya parang may mga nalalaman kayo na hindi naming alam." wika ni Ben at lumapit sa mga ito.

"Mas mabuti pang, maghanda na kayo para sa pagpatrolya." Wika ni Dranred bago bumaling kay MEggan at Arielle. "You should escort Miss Sebastian pabalik sa Hacienda." Wika nito sa dalawang dalaga.

"NO!" tanggi ni Analie at lumapit sa kanila.

"Hindi ako babalik sa lugar na iyon. Dranred ilayo mo na ako ditto." Wika nito sa binata at humawak sa braso nito. Simple namang tinaggal ni Dranred ang kamay nito sa braso niya.

"Ms. Sebastian. Kung ano mang problemang meron kayo nang pamilya mo. It would be better that you settle it kesa naman layuan mo. Hindi solusyon ang pagtakas sa problema." Wika ni Dranred.

"Ms. Sebastian? Bakit sa isang iglap naging pormal ka. Napakamanhid mo Captain. Hindi mo ba nakikitang halos itapon ko ang sarili ko saiyo." Bulalas ni Analie na ikinagulat nang lahat.

"You are young and beautiful. Hindi ako ang lalaki para sa iyo. Besides I don't have anything in mind bukod sa trabaho ko." Wika ni Dranred.

"Cold hearted robot soldier!" galit na wika nito saka nagmamadaling umalis.

"SUndan niyo siya at siguruhing makakauwi nang ligtas." Wika ni Dranred kay Arielle at Meggan.

"Yes Chief." Sabay na wika nang dalawa saka sinundan ang dalaga.

"Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa ugali nang dalagang yun." Natatawang wika ni Rick.

"Kung ako lang ang pinakikitaan nnang motibo nang isang babae gaya nang ginagawa ni Analie kay Chief. Aba hindi na ako magdadalawang isip. Palay na ang lumalapit sa manok."wika pa ni Ben.

"Hindi naman babaero si Chief kaya mo." Wika ni Rick. Napatigil ang lahat nang lumabas si Aya mula sa kubo dala ang bag nito na may lamang mga gamit nito. Agad namang lumapit si Butler Lee sa dalaga para kunin ang bag nito.

"Uuwi din kami as soon as matapos ang gulo ditto." Wika ni Eugene at lumapit sa dalaga.

"Mag-iingat kayo." Simpleng wika ni Aya sa kapatid. "I want you to have this. Bagay sa akin to ni Mamo. It will protect you." Dagdag pa ni Aya at inilagay sa kamay ni Eugene ang isang Rosary.

"Aya." Manghang wika ni Eugene at tumingin sa kapatid niya.

"I want you to return. Kailangan mo akong balikan. I am not allowing you to leave me again." Ngumiting wika ni Aya. Ngumiti naman si Eugene at niyakap ang kapatid niya.

"Don't worry. I am not planning to leave you. Babalik Ako, Kami nang ligtas." Wika ni Eugene sa kapatid.

"Kuya Julius, mag-iingat ka huh. Huwag kang masyadong excited sa mga kilos mo." Wika ni Aya at lumapit sa binata saka niyakap ito.

"Julianne, bantayan mo ang kuya ko." Wika ni Aya at lumapit kay Julianne.

"Hindi ako body guard nang kuya mo. Of course I will make sure na ligtas siyang makakauwi. Dati ko nakayong pinaghiwalay. I wont do the same mistake twice." Ngumiting wika ni Julianne.

"I'll have your word on that." Wika ni Aya at niyakap ang binata.

"Mag-iingat din kayo." Baling ni Aya kena, Ben, Johnny at Rick.

"Hindi naman pwedeng sila lang ang may yakap kami wala. Kuya mo rin naman kami." Wika ni Rick at ngumiti. SImpleng ngiti naman ang tinugon ni Aya saka isa-isang nilapitan ang mga binata at niyakap ang mga ito.

"You have to take care of yourself, magkikita pa tayo sa syudad." Wika ni Ben sa dalaga.

"Oo" ngumiting wika ni Dalaga bago bumaling kay Dranred. Dahan-dahan siyang lumapit sa binata.

"Kahit ang sungit mo at ang yabang. I still want you to make it out safe." Wika nang dalaga sa binata.

"I think yoy forget whom you are talking to." Ngumiting wika ni Dranred.

"Huwag kang masyadong mayabang." Ani Aya. "Gusto ko sanang ibalik sa iyo ang kwentas nato, but for some reason I cant remove it." Wika ni Aya at inilabas ang kwentas na bead. Ilang beses na niyang sinubukan hubarin ang kwentas Ngunit hindi niya ito magawang tanggalin.

"You should keep that. That your's already." Habang nakatingin ang iba sa dalawa, nagtatanong ang isip nila kung ano ang pinag-uusapan nang dalawa mukhang sila lang ang nagkakaintindihan sa kung ano man ang pinag-uuspan nila.

"But I have something in mind." Wika ni Dranred at ngumiti. Taka namang napatingin si Aya sa binata nang diretso. Inilapit nang binata ang mukha sa dalaga. Dahil sa gulat reflex nang dalaga ang iiwas ang mukha niya sa binata.

"A-Anong ginagawa mo." Asik ni Aya.

"Bakit ka na mumula?" pabirong wika ni Dranred.

"I-layo mo yang mukha mo." Wika ni Aya at akmang itutulak ang binata. Ngunit sa isang iglap bigla siya nitong kinabig at hinalikan sa noon.

For a split seconds, pakiramdam ni Aya biglang huminto ang oras. It was just the two of them. And everything and everyone stop. Mabilis ang ginawad na halik ni Dranred sa noon ang dalaga saka humiwalak ditto. Nang makalayo ito sa kanya. She felt that normal na ulit ang takbo nang oras.

Nakita kaya nang kuya niya ang ginawa ni Dranred? Ano nalang ang sasabihin nito? Pangamba ni Aya.

"Don't worry. It's our secret. That how you should pay me going forward." Pilyong ngumiti ni Dranred at itunuro ang noo nang dalaga saka nilampasan ang dalaga.

"Pay? For what?" habol ni Aya at malakas din ang boses niya dahilan upang mabigla ang lahat. Ano naman ang pinag-uuspan nang dalawa?

Napatingin si Aya sa nagtatanong na mukha nang mga kasama nila. Wala kayang Nakita ang mga ito sa ginawa ni Dranred? And did he just read her mind?

Inihatid nina Eugene, Julius at Julianne sina Butler Lee at Aya sa sasakyang nakaparada di kalayuan sa kampo nila.

"Butler Lee. Sabihin niyo kay Lola na babalik ako kapag tapos na ang gulo ditto." Wika ni Eugene sa binata.

"Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanya."wika pa nito. "Mag-iingat kayo. Lalo na sa leader nang mga rebelde." Wika ni Butler Lee.

"So you know?" tanong ni Julianne.

"Pagdating kay Master Eugene. Alam ko ang lahat. Bilang kanang kamay ni Donya Carmela. It is my job to know everything." Wika nito.

"Huwag kang mag-alala. Tinitiyak kong bibigyan ko nang katarungan ang mommy at daddy ko." Wika ni Eugene.

"Minsan hindi mali ang umiwas kapag alam mong wala kang panalo. Retreat and regroup." Wika nang Butler.

"I'll keep that in mind." Ngumiting wika ni Eugene at bumaling sa kapatid. "Makinig ka kay Butler lee. At mag-iingat ka." Wika ni Eugene at muling niyakap ang kapatid.

"Nakikinig naman ako Ah. Magiingat ka rin. Hihintayin kita. I'll pray for your safety." Wika pa ni Aya. Ayaw sana niyang iwan ang kuya niya. Ngayon lang sila ulit nagkita. Kaya lang alam naman niyang wala din naman siyang maitutulong, gaya nang sabi ni Dranred, magiging pabigat lang siya.

Ilang oras matapos makaalis sina Aya, Isang grupo ang binuo ni Dranred. Para mag patrolya sa lugar. SIna Julianne, Meggan, Julius, Johnny at ang 2 pang SWAT ang bumubuo nito. Alas 10 na nang gabi, Tahimik ang buon brgy. Wala nang mga residenting nasa labas. Nakaabot na rin sa kanila ang nangyari sa kabilang brgy.

"Masyadong tahimik." Wika ni Meggan.

"Ilang beses na akong nagpapatrol sa lugar na nito. Hindi na dapat bago ang katahimikan. Pero bakit tila nakakabingi ang katahimikan ngayon." Wika pa ni Johnny.

"Ano yun?" takang tanong ni Julius na itinuro ang isang bagay na nasa di kalayuan nila.

"Kotse ano pa nga ba." Wika ni Meggan kay Julius. Napasimangot naman si Julius sa sinabi nang kaibigan.

"Mas Mabuti pang lapitan natin."wika ni Julianne. Agad naan sumunod ang iba sa binata. Nang makalapit sila sa sasakyan. Agad nilang napansin ang isang katawan na nakahandusay sa lupa. May isa pa silang Nakita sa driver's seat. At ang isa ay nasa di kalayuan.

"Hindi ba't ito ang mga kasama nang Butler ni LT. Heartfelia?" takang tanong ni Johnny.

"Wala ditto si Aya at ang Butler." Wika ni Julius matapos masiyasat ang paligid. Hindi naman nakaimik si Julianne. Paano niya sasabihin sa kaibigan na may nangyaring masama sa kapatid niya. Bago pa man nakalabas nang lugar nila sina Aya tiyak tinambangan na ang mga ito. Pasimple siyang lumapit sa katawan nang isa sa mga biktima. Bilang si Julianne, kailangan niyang itago ang kanyang kapangyarihan bilang si Leo. Ngunit ito ang pagkakataong kakailanganin niyang gamitin ang kapangyarihan para malaman kung ano ang nangyari sa mga ito.

HInawakan niya ang kamay nang isang bangkay iyon ay para balikan ang nakaraan nang lalaki at Makita kung ano ang nangyari ditto. Nang hawakan niya ang kamay nang lalaki, agad niyang Nakita ang balintataw nang lalaki. Nang makalayo ang kotse nila sa kampo. May mga lalaking naka sakay sa motor ang sumunod sa kanila. Bago sila makalabas nang Brgy. Pinalibutan nang mga lalaking nakamotor ang sasakyan nila. Gamit ang isang silencer gun, binaril nang isang lalaki ang driver. Tinamaan ito sa noo.

Lumabas naman ang isa pang lalaki para labanan ang mga ito. Ngunit wala ding nagawa. Sapilitan nilang isinama ang dalaga. Sa pagpupumiglas ni Aya natanggal nito ang helmet nang lalaki at naibunyag ang mukha nang lalaki. Ito ang lalaking Nakita nila ni Eugene sa dalampasigan. SI Giovanni Sebastian. Pilir na binawi ni Butler Lee ang dalaga subalit marami ang mga lalaki wala ding nagawa ang binata.

Pinukpok ito nang isang lalaki sa batok dahilan upang mawalan nang malay.Wala rin namang nagawa si Aya kundi ang sumama. Pinagbantaan ito ni Giovanni na kapag nanlaban ay uunahin niyang patayin ang kasama nito. Hindi naman makapanlaban ang dalaga dahil sa banta nito.

Papalayo na sana ang grupo nang mga rebelde nang biglang sumunod ang isa pang bodyguard ni Butler Lee. Ngunit pinaputukan lang ito nang baril dahilan upang mawalan ito nang hininga.

Binitiwan ni Julianne ang kamay nang lalaki.

"Bakit Lt?" Tanong ni MEggan at lumapit sa binata.

"Bumalik na tayo sa kampo, kailangang malaman ni Eugene at Chief ang nangyari ditto." Wika pa nang binata. Iniwan nila ang dalawang SWAT member sa lugar upang ayusin ang mga katawan nang mga biktima.

Anong sabi mo!" Gulat na wika ni Eugene nang sabihin sa kanya ni Julianne ang Nakita nila. Sinabi din niya sa kaibigan na hindi nila alam kung nasaan ang kapatid niya. Hindi naman niya masabing ang mga rebelde ang gumawa noon dahil tiyak tatanungin siya nang kaibigan kung paano niya nalaman ang bagay na iyon. Kung may isang tao mang dapat niyang sabihan kung ano ang Nakita niya iyon ay walang iba kundi ang kapitan nila.

Ayaw man niyang aminin sa sarili mukhang kailangan niyang makipagtulungan kay Achellion. Hindi naman makapaniwala si Dranred sa narinig. Kanina, alam niyang narinig niya ang boses ni Aya na humihingi nang tulong ngunit binalewala niya iyon dahil inisip niyang baka masyado lang siyang nag-iisip nang masama. Hindi niya pinakinggan ang kabang nasa dibdib niya. Kabang nararamdaman niya tuwing nasa panganib ang dalaga. Lihim siyang napakuyom nang kamao.

"TIyak mga rebelde ang gumawa nito." Wika ni Martin. "Nagsisimula na silang kumilos sa lugar na ito."

"Kung sila man ang may kagagawan nito. Hindi ko sila mapapatawad kapag may ginawa silang masama sa kapatid ko." Nagkuyom ang kamao na wika ni Eugene.

"Kailangan nating pagplanohang Mabuti ang kilos natin. Kung may isang lugar man silang pagdadalhan kay Aya, tiyak doon yun sa kabilang Brgy, Naroon lahat ang bihag nila at sakop na rin nila ang lugar." Wika ni Martin.

"Kung isa akong rebelde, hindi ko dadalhin sa isang lugar na madaling mahanap ang bihag ko." Wika ni Dranred.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Martin sa binata.

"Masyadong maliit ang grupo natin. Kung mapapalaya natin ang mga kasamahan mon a nahuli nila tiyak na may pag-asa tayo kung sasalakayin natin ang kuta nila sa kasukalan. Kaya lang. Kailan nating gumawa nang plano sa pagtakas nang hindi nakakagawa o nakakaagaw nang atensyon nila. Mas Malaki ang lakas nila." Wika pa ni Dranred.

"Kami ni Julianne ang papasok sa kuta nila sa kabilang Baranggay at ililigtas ang mga sundalo." Wika ni Eugene. "Dati na kaming gumagawa nang infiltration. And I would say we are far skilled and experienced." Dagdag pa nang binata.

"Alright then. I give you all the Authorities to conduct the rescue mission. Pero dapat hindi kayo makaagaw nang pansin. Saka na natin ililigtas ang lugar na iyon, kapag may re-inforncement na mula sa National Defense." Wika pa ni Dranred.

"Roger that." Sabay na wika nina Julianne at Eugene. Matapos maka pag bihis at maghanda sap ag pasok nila sa kabilang barangay nilapitan ni Julianne si Dranred.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Julianne.

"May Gusto kang Sabihin LT. Ramirez?" tanong ni Dranred at bumaling sa binata.

"Huwag na tayong magpanggap kung tayong dalawa lang naman. Alam kong alam mo kung sino at ano ako. At alam ko din ang tunay mong pagkatao." Wika pa ni Julianne. Agad namang nakuha ni Achellion ang gustong sabihin ni Julianne. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung ano ang tunay nakatauhan nang binata. Narito ito upang hulihin ang mga fallen angel na gaya niya.

"Si Aya, Ang mga rebelde ang dumukot sa kanya. I saw it gamit ang balintataw nang isa sa mga bantay niya."

"Bakit mo sinasabi sa akin to?"

"Dahil for some reason, ikaw lang naman ang makakaintindi sa sinasabi nang hindi na nagtatanong kung paano ko nalaman. Ang bagay na iyon. I hate you and All I wanted to do is to capture you at ipadala sa walang hanggang apoy. Pero hindi pa ito ang oras. We have to save Aya first. At para magawa ko yun, I will be needing your help." Wika ni Julianne.

"Even if you don't ask me. I will save her." Wika pa ni Dranred.

"Bakit mo binibigyan nang kakaibang atensyon at proteksyon si Aya. Baka nakakalimutan mong isa ka lang fallen angel. Itinaboy mo ang pagiging isang Anghel del Guardia para sa personal na interes mo."

"Wala akong tungkuling ipaliwanag sa iyo ang mga dahilan ko. Guardian angel or fallen angel. I do what I feel like doing." Wika ni Dranred at nilampasan ang binata. Nararamdaman niya ang pintig nang puso ni Aya. Panatag naman iyon kaya alam niyang wala sa panganib ang dalaga sa ngayon. Kailangan agad nilang makagawa nang aksyon para mailigtas ang dalaga.

"It is exactly 11:30 PM. Kaya niyo bang tapusin ang mission sa loob nang limang oras?" tanong ni Dranred sa dalawang binata. Nakasout nang itim na damit ang mga ito at camouflage na pants. Kompleto din sila sa dalang baril at kutsilyo. May sout na itim na gwantes ang kamay nila. Isang typical look nang isang papasok sa isang infiltration mission. Gaya nang mga nakikita sa mga palabas.

"5 hours is just enough." Wika pa ni Julianne.

"Magkita kita tayo sa abandonadong bahay sa may dalampasigan by 0530 hours." Wika ni Eugene. "Sa palagay ko, huwag na kayong manatili sa lugar na ito tiyak na ito ang unang sasalakayin nang mga rebelde." Dagdag pa ni Eugene.

"We will do that." Wika ni Dranred. "Mag-iingat kayo."

Nang makaalis ang dalawang binata, nag-simula na ring ayusin nina Dranred ang mga gamit nila. Balak nilang magtungo sa abandonadong bahay. Dalawang oras matapos makaalis ang mga binata, may mga lalaking sumalakay sa kampo nila, dahil patay lahat nang ilaw sa loob nang kampo, agad nilang pinaulanan nang bala ang mga kubo, dinig na binig sa boung baryo ang tunog nang malalakas na putok nang baril. Lahat nang mga residente na malapit sa kampo nagising nang mga sandaling iyon at hindi na muling nakabalik sa pagtulog. Nangangamba na sila naman ang papasukin nang mga rebelde.

"Mukhang tama nga si LT. Heartfelia." Wika ni MEggan. Mula sa abandonadong bahay naririnig nila ang malalakas na putok nang baril na mula sa dati nilang kampo. Mabuti na lamang at maaga silang nakalikas dahil kung hindi tiyak na magiging madugo ang labanan doon at tiyak marami ding mawawal sa kanila.

"Nasaan si Chief?" Tanong ni Ben nang mapansin na wala sa loob nang abandonadong bahay ang kapitan nila. Nang lumikas sila kanina, alam nilang kasama nila ang binata ngunit bigla nalang itong nawala nang hindi nila nalalaman.

"Hanapin na kaya natin siya?" tanong ni MEggan.

"Mas mabuting hintayin natin siya ditto." Ani Arielle. "Tiyak may pinuntahan lang siya. Kilala niyo si Captain. Kumpara sa atin magaling siya. Kaya niyang pangalagaan ang sarili niya."

"Kung sabagay. Hindi naman aalis yun nang hindi nag-iisip." Wika pa ni Julius. Habang naroon sila sa abandonadong bahay. Nasa kampo naman si Dranred at nagmamatyag sa mga taong sumalakay sa kanila. Nakita niya si Giovanni sa mga lalaking sumalakay. Ito ang lalaking Nakita niya sa portrait sa loob nang bahay ni Don Guillermo. Akala niya noon pamilyar lang ang mukha nang lalaki, ngayon naaalala na niya kung saan niya Nakita ang lalaki. Ito ang lalaking nasaksakay sa motor na humahabol sa kotse nila Aya noon ang dahilan kung bakit nahulog sa bangin ang kotse nang mag-ina at ang lalaking sinasabi ni Julianne na dumukot kay Aya.

"Siguruhin niyong hindi na mabubuhay ang mga sundalong yan. Lalo na si Lt. Eugene Heartfelia. Kagaya siya nang tatay niya. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Kapag nawala na siya mapapasaakin na rin si Jasmine." Wika nito. Ang Jasmine na tinutukoy nito ay si Aya. Dahil Malaki ang pagkagusto nito sa Ina ni Aya hindi parin nito matanggap sa sarili na patay na ang babae kaya naman nang Makita nito si Aya, Akala niya ay ito nga si Jasmine. Ang malaking pagkakapareho nito sa kanyang ina ang dahilan kung bakit siya binihag ni Giovanni.

Napakuyom ang kamao ni Dranred. Nang mga sandaling iyon gusto niyang sugurin ang lalaki kaya lang pinigilan niya ang sarili niya. Habang nagpupuyos ang kalooban niya sa galit hindi napansin ni Achellion na lumitaw sa kaliwang kamay niya ang simbolo nang isang Phoenix. Ang simbolo nang isang fallen angel. Nang mga sandal ding iyon. Iyon ang unang beses na ninais niyang manakit nang isang mortal. Bagay na nagpapatindi nang poot at galit sa loob niya. Dahilan din upang magising ang natatago niyang kapangyarihan bilang si Phoenix Achellion. Ang isinumpang Anghel.

Kung hindi pa bumuhos ang isang malakas na ulan hindi pa siguro aalis ang mga lalaking iyon sa kampo nina Dranred.

Nang iwan nila ang kampo, butas – butas ang dingding nang mga kubo at kung may tao man sa loob nang kubo tiyak hindi na mabubuhay ang mga ito dahil tama nang bala. Nagkalat din sa lupa ang mga basyo nang bala.

"Captain!" gulat na wika ni Don Guillermo nang Makita si Dranred sa labas nang pinto nang kanilang mansion. Sarado ang gate at hindi manlan nila narinig mula sa mga bantay nang gate na may tao. Sunod-sunod na katok mula sa main door ang naging dahilan upang buksan nang Don ang pinto At doon Nakita niya ang basang binata.

"Dranred!" gulat na wika ni Analie nang Makita ang binata na nasa harap nang lolo niya at basang-basa.

"Tumuloy ka Hijo. Bakit ka napasugod sa gitna nang malakas na ulan?" tanong nito at niluwagan ang pagkakabukas nang pinto upang papasukin si Dranred. Hindi sumagot ang binata at hindi rin ito pumasok, Dahilan upang magtaka ang matanda.

"Bakit? May gusto ka bang itanong o sabihin sa akin?" tanong nito. Wala pa ring imik si Dranred.

"May nangyari ba?" tanong ni Gio ang panganay na apo ni Don Guillermo. Hindi kumibo si Achellion. Nakakuyom ang kanyang kamao. Nang umalis ang mga rebelde sinundan niya ito at Nakita niyang nagpunta ang mga ito sa Hacienda. Hindi manlang natakot ang mga bantay nang gate na papasukin ang mga ito. Iniisip niyang tinutulungan nang Pamilya nang Don ang mga rebelde, hindi niya maiwasang hindi magalit dahil sa nalaman. Dahil sa labis na galit hindi na siya nag-isip, nais sana niyang komprontahin ang matanda kaya lang inisip niyang isa siyang alagad nang batas.

Nagagalit siya sa katotohanang pinaikot lang siya nang matanda, nagpapanggap na isang biktima sa mga nang yayari ngunit kilala naman nito ang mga rebelde. Ang kapaluan at pagiging makasarili nang mga mortal ang bibigay sa kanya nang matinding galit. Nabuhay siya bilang isang mortal nang ilang taon, marami nang klase nang tao ang Nakita niya. Dati, kinukumbinse niya ang sarili na marahil dahil sa kagustuhang mag survive sa ganitong klaseng mundo kailangan nilang gumawa nang masama. Pinilit niyang maniwala sa mga tao kaya lang sa mga nakikita niya ngayon gusto niyang bumalik sa paniniwalang isang malaking pagkakamali nang DIyos nang likhain niya ang mga tao. Sinisira nila ang kalikasan at ang mga bagay na ginawa nang Diyos. Nagpapatayan at naglalamangan.

"Ano bang nangyayari?" Ulit na tanong ni Gio. Nang hindi pa rin sumasagot si Dranred.

"A-akala ko kasi may mga masasamang tao na pumasok sa bakuran niya. Nagpapatrol ako nang mapansin ko sila. Alam niyo naman kasing delekado na ang sitwasyon natin ngayon." Wika ni Dranred. Kailangan niyang magsinungaling.

Nakita niyang nagkatinginan sina Gio at Don Guillermo.

"Walang Ibang tao ditto. Kung may mga masasamang tao man hindi sila makakapasok dahil may bantay naman ang gate naming." Sagot ni Gio.

Liar! Bulalas nang isip ni Dranred.

"Mas Mabuti pa ring nag-iingat." Wika ni Dranred.

"TIyak tatawag kami sa inyo kung nasa panganib ang pamilya namin." Wika nang matanda.

"Sige. Mauuna na ako." Wika ni Dranred at tumalikod.

"Ayaw mo bang pumasok muna, masyadong malakas ang ulan." Habol ni Analie sa binata.

"Mauuna na ako." Hindi lumingong wika nang binata at naglakad papalayo sa hacienda. Unti-unti nang humihina ang paniniwala niya sa kabutihang taglay nang mga mortal. Hindi man lahat masasama.

"I told you, hindi na dapat natin pinapasok ditto ang mga rebeldeng yun!" galit na wika ni Analie.

"Tumahimik ka diyan. Kahit na anong sabihin mo tatay parin natin siya. Sabi naman niya nahanap na niya ang taong matagal niyang hinahanap at babalik na siya sa atin. BIgyan lang natin siya nang pagkakataon." Wika pa ni Gio.

"Isa lang siyang Rebelde." Wika ni ANalie at tumalikod. Kahit kalian hindi niya tatanggapin ang lalaking iyon na isang ama. Iyon ang nasa isip niya.