webnovel

Chapter Eighteen

Ipinadala si Eugene at Julianne sa isang liblib na lugar para tugisin ang mga takas mula sa isang provincial jail. Kasama nila sina Rick at Ben at ilang miyembro nang SWAT. Dahil tambak na ang mga kaso sa phoenix kaya naman hiwahiwalay na sila kung lumakad.

"Anong nangyari?" tanong ni Eugene kay Rick at Ben nang bumalik ang dalawang binata mula sa pag papatrolya. Inutusan ni Eugene ang dalawang binata na suyurin ang kasukalan at tingnan kung naroon nga ang mga takas.

"Sa pusod sila nang kagubatan nagkukuta. Bukod doon armado din sila." Wika ni Ben.

"Hintayin nating dumilim bago tayo sumalakay. Mas magandang hindi sila masyadong nakabantay." Wika nang Leader nang SWAT.

"Ano sa palagay mo Eugene?" tanong ni Julianne sa kaibigan. "Maganda naman ang ideya ni Officer Cruz. Mas magandang lusubin natin sila on the time that they least expect it." Ani Julianne. Sina Rick at Ben naman ay naghihintay lang sa utos mula sa Tinyente.

Napatingin naman ang SWAT leader sa binata hinihintay din nito ang desisyon nang binata.

"Alright then." Deklara ni Eugene. "Hintayin nating dumilim." Aniya. Habang naghahanda ang grupo ni Eugene sa paglusob sa kampo nang mga takas hindi naman alam nang nang mga binata ang nagbabadyang panganib para sa kanilang dalawa. Kalat na ang dilim sa boung paligid. Binigyan nang utos ni Eugene ang mga Tauhan niya na simulant nang kumilos.

Maingat silang pumasok sa loob nang kasukalan.

"Hindi ko gusto ang katahimikang ito." Wika ni Julianne sa kaibigan niya. Maya-maya, bigla na lamang silang pinaulanan nang putok. Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang mga putok. Ang tanging ilaw lamang na dala nila ay ang headlight na sout nila. matapos ang sunod sunod na putok. Sunod sunod naman napagsabok ang narinig nila Eugene at Julianne. Nagkagulo an mga SWAT member isa isang nagsitakbuhan para maiwasan ang putok nang baril at sunod-sunod na pagsabog.

Dahil sa sunod-sunod na pagsabog na iyon halos maging abo ang boung kagubatan. Kahit na sinong nasa loob non tiyak hindi na nakalabas at tiyak nasunog na rin. Buong magdamag na nagliyab ang kagubatan na tila isang malaking forest fire. Sa lakas nang liyab kahit isang hayop sa loob nang gubat tiyak hindi na nakaligtas maging ang mga sundalong naroon.

Kinabukasan, nagtungo sa site ang grupo ni General Mendoza para alamin ang nangyari sa mga sundalong ipinadala nila. ngunit kalbo na ang buong kagubatan at tiyak wala na ring nakaligtas na sundalo. Nang dumating ang mga sundalo at bombero patuloy pa rin ang pagliyab nang gubat. Inabot sila nang 3 oras bago naapula ang apoy at bago sila naka pasok para sa search ang rescue.

Agad na ibinalita sa radio at Telebisyon ang nangyari sa maging misyon nang mga sundalo. Lahat nang miyembro nang SWAT na ipinadala ay KIA. Ganoon din ang mga takas na dapat sana ay huhulihin nang mga ito. Inaalam pa rin anng pulisya ang tunay na dahilan nang mga naganap na pagsabog. Dahil sa sunog na paligid halos hindi makilala ang mga katawang natagpuan.

Habang pinapanood ni Jenny ang balita sa TV, hindi niya maiwasang hindi maiyak. Kasama sa mga ibinalitang KIA ay ang kaibigan niyang si Eugene at Julianne. Hindi na rin makilala ang mga bangkay dahil sa labis na pagkasunog.

"Naiinis ako sa pulis na iyon pero nalulungkot ako dahil namatay na siya." Wika ni Marga habang pinapanood din balita sa TV.

"Hindi totoo yan. Walang mangyayaring masama kay Eugene at Julianne." Tanggi ni Jenny, Habang tumutulo ang luha sa mga mata. Hindi niya tatanggapin ang nabalitaan.

"Pwede ba Jenny!" iritadong wika nang kapatid niya. "KIA nga sila hindi ba. Sa laki nang pinsala sa gubat na iyon na wala nang natira dahil sa apoy sa tingin mo bubuhayin pa sila.". Ngunit kahit na anong sabihin nang kapatid niya. GUstong maniwala ni Jenny na ligtas ang mga kaibigan niya. Naiinis siya sa sarili niya dahil, hindi niya nagawang Makita si Eugenen bago ito umalis patungo sa misyon nito at ipinagtabuyan pa niya ang binata nang huli silang magkita. SInabi niya ditong balak na niyang magpakasal kay Johnny which is something na ginawa niya lang upang layuan siya nang binata. Dahil ayaw niyang muling ma reject ni Eugene kaya naman siya na ang nagtaboy sa binata na ngayon ay pinagsisisihan niya.

Nakarating din ang balita sa lola ni Eugene. Ang balitang ito ay naghatid nang labis na kalungkutan sa matanda at kamuntik pa itong atakehin sa puso. Pinakilos naman kaaagad ni Butler Lee ang kanyang mga tauhan at private investigator nang pamilya upang hanapin ang apo nang Donya. Alam ni Butler lee na labis na nasasaktan ang matanda dahi sa nang yayari sa mga apo nito. Una si Aya na hanggang ngayon wala pang malay at ngayon naman ang pagkawala nang panganay nitong Apo.

"What did I tell you? Di ba sabi ko ako nang bahala sa pinsan mo." ani Herrick sa dalagang si Bernadette. Nakahiga ang dalawa sa isang kama. Napanood nila ang balita tungkol sa pagkasawi nang dalawang pulis sa isang shot out.

"Well, kung ano man ang ginawa mo. naging malaking tulong iyon para mapasa akin ang kayamanan nang matandang si Carmela. Sa ngayon ang natutulog na si Aya na lamang ang problema ko."wika ni Bernadette. Nang malaman niyang ipapadala nang kanya ama si Eugene at Julianne sa isang probinsya upang tugisin at hulihin ng mga prison tumakas sinamantala ito nang dalaga upang tuluyang mawala sa landas niya ang pinsan na itinuturning niya isang malaking hadlang upang mapasakanya ang ari-arian nang kanyang lola. Inutusan niya ang kasintahan na kumuha nang mga upahan upang patayin ang binata at dahil nakikita nila ang nagging resulta.

Iniisip niyang wala nang hadlang para maangkin niya ang mga ari-arian nang pamilya nila.

"Ikaw naman kasi wala kang bilib sa akin." Wika ni Herrick at hinalikan ang pisngi ni Bernadette.

"Now I know, I can trust you. Pareho tayong masama ang budhi." Ani Bernadette at sinakop ang mga labi ni Herrick. Kahit noong nabubuhay pa ang asawa ni Herrick may relasyon na ang dalawa. Ang naging kamatayan nang asawa nito ay hindi isang insidente nang pagnanakaw dahil plano nilang dalawa iyon.

Ang asawa ni Herrick ang may malaking share nag stocks sa companya niya. bago ito mamatay ipinalipat ni Herrick sa pangalan niya anng share nito. kaya naman sa ngayon siya na ang may pinakamalaking share nang stock sa Kompanya nila. plano niyang sa susunod na boarad meeting ipapasa niya ang petition na hirangin siya bilang bagong CEO nang kompanya. Total siya naman ang asawa nang dating CEO.

Nagtagumpay din sila na tanggalin sa landas nila ang asawa ni Herrick. Kaya lang naman nito pinakasalan ang babae dahil sa angkin nitong yaman. At ngayong wala na ito solong solo na ni lahat nang ari-arian nang babae. Wala na ring magiging hadlang sa relasyon nilang dalawa ni Bernadette.

Dr. Ledesma?" Gulat na wika ni Arielle nang dumating si Jenny sa opisina nang Phoenix dalawang araw na mula nang lumabas ang balita tungkol sa pagkawala nang mga sundalo.

Nagpunta si Jenny sa opisina nang Phoenix upang makibalita kung may Lead na ang mga ito sa nangyari sa 4 na binata. Hindi siya mapakali sa kakaisip sa kung ano nang nangyari sa mga binata.

"Jenny? May nangyari ba? Bakit napasugod ka?" Tanong ni Johnny at lumapit sa dalaga.

"Makikibalita lang sana ako kung may lead na kayo o balita sa nangyari kay Eugene at Julianne." Wika ni Jenny. Bigla naming natigilan si Johnny.

Alam niyang nag-aalala ito para sa kaibigan ganoon din naman sila ngunit bakit nakakaramdam siya nang selos hindi naman kaya dahil alam niyang may pagtingin ang dalaga sa binatang tinyente.

"Wala pa kaming balita sa kanila. But we are doing our best para mahanap sila. Maging kami ay hindi rin naniniwalang kasama sa nasunog sina LT." wika ni MEggan at lumapit kay Jenny.

"Pero mukhang mahihirapan tayo sa paghahanap ngayon. Katatanggap ko lang nang balita. Naglabas nang uto si General Mendoza na itigil na ang search ang rescue. They are declared KIA. Bakit pa daw natin sila hahanapin." Wika ni Julius at naglakad papalapit sa kanila.

"Huh? Bakit naman?" Gulat na wika ni Arielle at Meggan. Sabay pa silang nagsalita.

"Hindi ko alam. SIguro sumuko na siya dahil masyado naman kasing imposible na buhay sila." Wika ni Julius.

"Hindi pwede." Wika ni Jenny at biglang nanghina ang tuho. Mabuti nalamang at naalalayan siya ni Arielle.

"Huminahon ka Jenny. Hindi rin naman kami naniniwala na wala na sina Lt. Kahit ipinatigil na ni General Mendoza ang paghahanap sa kanila. Kami nalang ang gagawa." Wika ni Julius.

"At ano ang balak niyong gawin? Suwayin si General?" ani Johnny.

"We are not saying na susuwayin natin siya. We will look for them not because sundalo tayo but bilang mga kaibigan. Iyon naman ang ginagawa nang mga kaibigan hindi ba?" Ani Julius. "Isa pa ayokong kapag nagising si Aya malaman niyang wala akong ginawa para hanapin ang kuya niya. Ayokong malungkot uli si Aya." Dagdag pa ni Julius.

Habang nasa loob sila nang opisina at nagiisip kung saan sila magsisimulang mahanap sa mga binata. Nabigla silang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok doon sina Rick at Ben. Naka uniporme pa ang dalawang binata ngunit kitang kita ang dumi sa buong katawan na tila ba dumaan sa isang matinding gyera. Bukod sa pagkabalot nang dumi makikitang wala naming malubhang sugat ang dalawa. Sabay-sabay pa silang napatayo sa gulat nang Makita ang dalawang binata.

"Rick! Ben!" wika ni Meggan at lumapit sa dalawang binata.

"Anong nangyari sa inyo? SIna Lt?" Tanong ni Arielle.

"Mabuti naman at ligtas kayo. Ngunit paano? Nasaan sina Tiyente?" Tanong ni Julius.

"Hindi naming alam. Ang huli naming natatandaan, may mga malalakas na pagsabog sa loob nang gubat. Nag kagulo na ang lahat. Haniwalay kamai sa dalawang tinyente. Hindi agad kami nakauwi dahil napadpad pa kami sa ibang lugar. " Wika ni Rick.

"Kung ligtas kayong dalawa may posibilidad na ligtas din sila Eugene hindi ba?" Tanong ni Jenny.

"Possible yun. Ngunit sa pagkakaalam ko. Habag patuloy ang pagsabog sa loob nang gubat mag mga lalaking tumutugis sa kanila para bang gusto nilang patayin ang mga ito."wika ni Ben.

Dahil sa muling pagbabalik nina Rick at Ben isang heroes welcome ang ibinibigay sa kanila at binigyan din sila nang parangal nang General.

Ilang araw ang lumipas matapos makabalik sina Ben at Rick ngunit hindi pa rin nila nakikita ang dalawang binata. Ayaw man nilang mawalan nang pag-asa at isiping wala na ang dalawa ngunit dahil sa tagal at wala pa rin silang lead sa mga ito. Hindi man nila man nila gustong ngunit kailangan nilang tanggapin na wala na ang dalawang binata. Dahil sa kagitingan nang dalawang binata. Isang Parangal ang ibibingay sa mga ito at sa harap nang pamilya nang dalawang binata kasama ang iba pang sundalo na nagging party nang misyon at nasawi dahil sa insidente.

Roch! Oh, bakit parang bato diyan?" wika nang isang babae habang papalapit sa isang dalagang huminto sa paglalakad. Nasa dalampasigan sila at namamasyal. Habang naglalakad ang dalaga sa dalampasigan Nakita nito ang dalawang binatang naka suot nang itim na damit at camouflage na maong. Walang malay ang mga ito at nakadapa sa may dalampasigan. Marahil ay naanod ang dalawang binata doon.

Nang Makita nang isa pag dalaga ang mga binata agad niyang tiningnan kung buhay pa ang dalawang binata habang ang isang dalaga naman ay tila bato na hindi makakilos sa harap nang dalawang walang malay na binata. Nang maramdaman nang dalaga na buhay pa ang dalawang binata. Agad nitong tinawag ang matandang nasa loob nang isang kubo malapit sa dalampasigan. Pinagtulungan nilang dalahin sa loob nang bahay ang dalawang binata at ginamot.

Malubha ang mga sugat nang dalawang binata. Ngunit ang pinagtataka nila, isa sa dalawang binata mabilis na naghilom ang sugat at mabilis nan aka recover. 3 Araw lang ay gising na ito subalit ang isang binata ay hindi pa rin. Kinausap nang matandang lalaki ang unang binatang nagising.

Napakilala naman itong si LT Julianne Ramirez. SInabi nang binata na galing sila sa isang misyon. Ngunit hindi na sila nakabalik dahil sa nangyari sa kanila. Maswerte pa sila at nakaligtas sila.

Habang nakatingin si Julianne sa kaibigan, iniisip niya kung magigising ba ang makaibigan matatandaan ba nito ang nangyari at mga Nakita nito? Paano niya ipapaliwanag sa binata ang lahat.

Nang pumasok sila sa kuta nang mga priso, sunod sunod na pagsabog ang kanilang narinig. Nagkagulo ang mga priso at mga sundalo. Nagsitakbuhan nang walang direksyon, nagsimula nang maliyab ang buong paligid. Papaalis n asana sila ni Eugene nang bigla silang harangin nang mga di kilalang lalaki.

Nais nitong patayin si Eugene. Wala silang nagawa kundi ang labanan ang mga ito para iligtas ang sarili nila. At dahil, lalong lumalakas ang apoy sa buong paligid wala silang nagawa kundi ang tumakbo ngunit patuloy pa rin silang sinusundan nang mga lalaki. Napunta sila sa bahagi nang gubat kung saan napalibutan sila nang apoy. Ang mga sumusunod sa kanila ay biglang natupok nang apoy. Dahil napalibutana na sila nang apoy hindi na nila magawang makalabas. Nakikita ni Julianne na nahihirapan nang huminga si Eugene. Dahil hindi naman siya tao kaya hindi siya madaling maapektuhan nang usok.

"Julianne. Ilag!" wika ni Eugene sa kanya at bigla siyang itinulak. Huli na nang mapansin ni Julianne ang nasusunog na puno na pabagsak sa kanila. Dahil sa pagtulak ni Eugene sa kanya ito ang nabagsakan nang puno. Dahil sa ginawa nang binata malubha din itong nasugatan. Nang Makita ni Julianne ang ginagawa nang kaibigan. Agad siyang lumapit sa kaibigang nakahandusay sa lupa habang dinadaganan nang nag-aalab na puno. Lumapit si Julianne sa kaibigan at walang kaabog abog na tinanggal ang puno.

Kahit mahina ang katawan nakikita ni Eugene kung ano ang ginawa nang kaibigan. Para bai tong hindi tinatablan nang apoy. Pero paano nangyari iyon? Dahil sa hina nang kanyang katawan iniisip ni Eugene na baka namamalikmata lang siya. Isa pang hindi kapanipaniwala ang Nakita niya. May liwanag na lumabas sa kamay ni Julianne mula sa liwanag na iyon.

Tila lumalayo sa kanila ang apoy at binibigyan sila nang daan para makalabas sa nagliliyab na gubat. INalalayan siya ni Julianne palabas nang gubat. Doon sila dumaan sa daanang ginawa nang liwanag mula sa kamay nang binata.

Gaya nang sabi ni Arielle unti-unti nang nawawala ang kapangyarihan niya. Nararamdaman ni Julianne na habang ginagamit niya ang kapangyarihan niya lalo naming napapabilis ang paghina nito.

Kinailangan din niyang gamitin ang kapangyarihan upang gamitin ang mga sugat ni Eugene lalo na ang nasunog nitong braso at likod dahil sa pagliligtas sa kanya.

Nang makalabas nang gubat ang dalawang binata hind nila napansin na ang dinadaanan nila ay isang bangin. Dahil mahina na rin si Julianne dahil sa paggamit niya nang kanyang kapangyarihan hindi na niya magawang maglabas pa nang enerhiya upang ituro sa kanila ang daan palabas. Sa pagbaybay nila nang daan kapwa nila hindi napansin ang bangin. Malakas pa silang napasigaw dahil sa biglaan nilang pagkahulog at dahil kapwa mahina ang katawan wala nang nagawa ang dalawang binata hanggang sa iaanod sila patungo sa dalampasigan kung saan Nakita sila ni Tata Densio at nang dalawang apo nitong sina Roch at Mae.

Si Roch at Mae ay Identical twins ngunit lubhang magkaiba. Si Mae ay matapang at punong-puno nang confidence. SI Roch naman ay isang tahimik na dalaga. Tuwing nasa harap ito nang isang lalaki tila nagiging bato ang katawan nito. Ang maglolo ang nakatira sa isla kung saan sila napadpad ni Eugene. Mabait ang maglolo. Kung hindi dahil sa kanila baka hindi na sila naligtas ni Eugene.

Naikwento sa kanya nang matanda na ditto niya dinala sa isla ang magkapatid upang iligtas mula sa mga taong gustong pumatay sa mga ito. Hindi naman talaga niya apo ang dalawa kundi mag inaalagaan. Half Japanese ang mga ito at anak nang malaking oil company sa Tokyo.

Isa ang matanda sa mga dumukot sa kambal noong maliit pa ang mga ito upang patayin. Ngunit dahil sa awa, sa halip na patayin, itinago niya ang mga bata at pinalaki sa kanyang pangangalaga. Walang ala ang dalawang dalaga sa tunay nilang pagkatao at naniniwalang apo sila nang matanda. Alam nang matanda na patuloy na pinaghahanap nang mga taong gustong pumatay sa dalawa ang mga dalaga kaya naman hanggang kaya niya. Itatago niya sa isla ang dalawa. Ngunit napapansin nang matanda na habang tumatagal nagtatanong na ang mga dalaga kung bakit buong buhay nila nasa isla sila lalo na si Mae. Alam niyang buong buhay hindi nama niya pwedeng itago ang katotohanan sa mga ito.

"Roch bakit ka nandito sa labas?" Tanong ni Julianne sa dalagang nasa labas nang bahay. Gabi na at malamig ang simoy nang hangin na mula sa dagat kaya naman nagtaka siya kung bakit nasa labas ang dalaga. Nang marinig nang dalaga ang boses ni Julianne bigla na lang nito nabitiwan ang tasa na may lamang kape. Nahulog sa buhangin ang tasang hawak nito at natapon ang laman.

Napakunot ang noo ni Julianne. Nahulog na ang tasang hawak nito ngunit tila parang hindi gumagalaw ang dalaga. Marahang naglakad palapit sa dalaga si Julianne. Dinampot niya ang tasa.

"Ginulat ba kita?" Tanong ni Julianne at iniabot sa dalaga ang dalang tasa. Ngunit hindi gumagalaw ang katawan nito. Para bai tong napako sa kinatatayuan.

"Okay kalang ba?" Tanong ni Julianne at hinawakan ang kamay nang dalaga. Ilalagay sana nito ang tasa sa kamay nang dalaga nang bigla itong nawalan nang malay. Labis na nagulat si Julianne. May sakit ba ang dalaga? Wala naman siyang ginagawa ditto kaya bakit naman ito hihimatayin?

"DIto mo nalang siya ihiga." Wika ni Mae nang pumasok siya sa loob nang bahay habang pangko-pangko ang dalagang hinimatay.

"May sakit ba siya?" Tanong ni Julianne.

"Wala, ganito talaga siya sa harap nang lalaki. Dahil matagal na kaming nanantili sa islang ito minsan lang kami lumalabas para magpunat sa syudad. Hindi siya nakikisalamuha sa mga lalaki. At ito ang nangyayari kung nasa malapit siya nang lalaki. Nagiging bato and worse hinihinmatay." Sagot naman ni Mae.

"Eh bakit ikaw?" Tanong Julianne.

"Hindi ako kasing hina nang kakambal ko." Wika nito. Pakiramdam ni Julianne may kakaiba kay Mae.Para bang wala itong pakialam sa kapatid niya. Alam niyang may pagka arogante ang dalaga ngunit hindi maganda ang nararamdaman niya ditto. Ayaw man niyang mag-isip nang masama ditto dahil iniligtas sila nang dalaga kaya lang masama talaga ang pakiramdam niya sa dalaga.

Limang araw ding walang malay si Eugene at nanatili sila sa isla nang maglolo. Kaya lang nang araw nang magising si Eugene isang kagimbal gimbal na pangyayari ang naganap. Isang Yate ang dumaong sa dalampasigan nang isla. Nakita nilang may lumabas na armadong kalalakihan mula sa yate. Mahina pa ang katawan ni Eugene dahil kagigising pa lamang nito. Hindi pa nga naghihilom ang sugat nito sa tiyan.

Nang Makita nang matanda ang dumating. Pinagkubli nito si Roch at Mae sa isang silid ganoon din sina Julianne at Eugene saka ito lumabas nang bahay. Pinipigilan ni Roch ang kanyang lolo subalit hindi ito nakinig. Sabi nito kakausapin nito ang mga dumating. Habang inoobserbahan ni Julianne ang matanda para bang kilala nito ang mga dumating.

"Mae, saan ka pupunta?" Pigil ni Roch sa kamay nang kakambal nang bigla itong tumayo at akmang lalabas nang silid.

"Pwede ba bitiwan mo ako." Wika nito at marahas na tinaboy ang kamay ni Roch.

"Huwag ka nang lumabas. Mapanganib." Wika ni Eugene sa dalaga.

"Pwede ba kaya ko ang sarili." Wika nito at hindi nagpapigil. Mula sa binata. Nakita nilang lumabas ang dalaga at lumapit sa mga lalaki. Habang pinapanood nila ang mga nangyayari sa labas Nakita nilang binarily nang isang lalaki ang matanda ngunit wala manlamang ginawa si Mae kahit ang takot sa mukha nito ay hindi rin Makita.

"Roch, HUwag ka nang magtago diyan. Lumabas ka na. Hindi naman kita sasaktan eh. Iniligtas pa nga kita." Wika ni Mae at humarap sa bahay.

Natuptop ni Roch ang bibig niya habang umaagas ang luha sa mga mata. Hindi ito makapaniwala sa Nakita lalo na ang makitang mukhang kilala pa nang kapatid ang mga lalaki at hinahayaan nitong patayin nang mga lalaking ito ang lolo nila.

"Huwag kang matakot. INalis ko lang ang kalaban natin. Alam mo ba na siya ang dahilan kung bakit at tayo nakakulog sa islang ito? Nagpapangggap siya na lolo natin sa napakahabang panahon. Niloko niya tayo. Bagay lang sa kanya ang ginawa ko!" wika ni Mae.

"Matagal ko nang alam na hindi natin siya lolo. Pero kailangan kong magpanggap sa kanya. Kapag niisip kong tinatawag ko siyang lolo. Tumatayo ang mga balahibo ko. SIya ang dahilan kung bakit matagal na panahon tayong nalayo sa pamilya natin. Pero okay na ang lahat. Wala na siya pwede na tayong bumalik sa bahay natin." Wika nang babae.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Julianne sa dalaga nang bigla itong tumayo.

"K-kakausapin ko sa Mae. Kapatid ko siya. Makikinig siya sa akin." Wika ni Roch. Kahit nauutal sa harap ni Julianne pinilit niyang magsalita. Nitong mga nakaraang araw habang nasa poder nila sina Julianne.

Kahit na nagiging bato siya sa harap nito pinagtatyagaan siyang kausapin nang binata at dahil doon kahit paunti-unti nawawala ang pagiging bato niya. Dahil sa binata nagawa niyang ma over come paunti-unti ang takot niya sa harap nang mga lalaki.

"Hindi magandang ideya na lumabas ka. Baka kung anong gawin niya saiyo." Wika ni Julianne.

"H-Hindi niya ako sasaktan. K-ka usapin ko siya para paalisin kayo sa lugar naito." Wik ani Roch at lumabs. Hindi na nagawang pigilan ni Julianne ang dalaga sinilip na lamang niya ito sa bintana.

"Mae, Bakit kailangan mong gawin 'to." Wika ni Roch at hinawakan ang kamay nang kapatid. Ngunit tinaboy lang ito ni Mae.

"Bakit ka maawa sa kagaya niya. SIya ang dahilan kung bakit narito tayo sa lugar na ito. Bakit hindi ka magalit sa kanya. Ang kamatayan niya ay kulang pa sa maraming panahon na pagtago niya sa atin." Asik nito.

"Pinalaki pa ri niya tayo. Kahit naman may kasalan niya----"

"HUwag ka ngang hangal!" agaw ni Mae sa iba pang sasabihin nang kapatid. Biglang nahintakutan si Roch nang hawakan siya nang dalawang lalaki.

"Anong ibig sabihn nito?" Tanong ni Roch.

"Sapalagay mo, ngayong nalaman kung may malaking perang pamana ang magulang natin, hahayaan kung makihati ako sa isang gaya mo. Alam mo ba kung anong hirap ang nararamdaman ko dahil nakikihati ako nang mukha saiyo. Ikaw na isang walang kwentang nilalang. Kapag nawala ka, Akin na ang kayamanan nang pamilya natin maging ang mukhang ito." Wika ni Mae at hinawakan ang mukha ni Roch. Sininyasan ni Mae ang mga lalaki upang tapusin ang kapatid niya.

Hindi natiis nang dalawang binata na manoood nalamang. Kahit na mahina pa ang katawan ni Eugene. Kailangan niyang kumilos upang iligtas ang dalaga. Lumabas sa bahay ang dalawang binata at sinugod ang mga lalaki. Nagulat pa si Mae dahil sa galing nang dalawang binata sa pakikipaglaban.

Kahit na armado ang mga tauhan nito wala pa rin silang nagawa sa dalawang binata. At dahil may sugat pa si Eugene. Kinalangan nilang tumakbo upang makalayo sa mga lalaki. Kahit naman magaling sa martial arts ang dalawa, hindi parin sila sasantuhin nang baril na hawak nang mga lalaki. TUmakbo papasok sa kasukalan sina Eugene kasama ang dalaga. Inis na inis si Mae dahil nagawa silang takas an nang kapatid at nang dalawang binata.

"Ano pang hinihintay niyo!" gigil na wika ni Mae. "Tumayo kayo diyan at habulin sila. Mga sugatan lang sila at walang lakas." Galit na wika nito. Agad naming tumayo ang mga lalaki at sinundan sa kasukalan ang tatlo.

Nakalayo na sila, ngunit dahil nasa isla pa rin sila alam nina Julianne na mahahanap at mahahanap sila nang mga ito. Hinintay nilang magdilim bago sila lumabas sa pingkukublihan. May bangka ang lolo ni Roch na ginagamit nito sa pagpunta sa syudad. Ito ang plano nilang gamitin upang makatakas sa isla at sa kamay ni Mae. Lalim na ang gabi nang lumabas sila mula sa pinagkukublihan.

Maingat silang lumapit sa bangka. Dahil sa kadiliman nang gabi hindi sila napansin nang mga tauhan ni Mae at nagawa nilang umalis sa isla.

Umaga na nang mapansin ni Mae na wala na ang bangka nang lolo niya. Malakas itong sumigaw dahil sa labis na inis. Galit na galit itong bumaling sa mga tauhan at isa-isang pinagsasampal ang mga lalaki.

"Isang pangkat kayo nang mga Bobo. Isang babae at 2 sugatan lang natakasan kayo."

Sumama si Mae sa mga lalaki pag alis sa isla, ngunit bago sila umalis sinunog niya ang bahay nila kasama ang lolo nila doon. Habang pinapanood niya ang nasusunog na bahay, nagako siyang hahanapin ang kapatid at kukunin ang kung anong dapat sa kanya. SImula nang malaman niya ang tunay napagkatao nang matanda. Ipinangako niya sa sarili na hindi niya patatawarin ang matanda dahil sa kasinungalingan nito at pagbabayarin sa ginawa nito sa kanya. Hindi siya nagsisisi na pinatay niya ang matanda, Naiinis siyang nagawa pang makatakas nang kapatid niya.

Nakarating sa isang pier sina Julianne at Eugene kasama si Roch.

"Eugene." Wika ni Julianne at lumapit sa kaibigan. May dala itong isnag dyaryo. Sa dyaryo headlines ang nangyari sa dalawang binata sa huling misyon nito. Sa balita, ngayong araw bibigyan nang parangal ang kagitingan nang dalawang binata.

"So they declare us dead, nang hindi man lang tayo hinahanap." Hindi makapaniwalang wika ni Julianne habang binabasa ang balita.

"Kailangang pumunta tayo sa parangal nila para malaman nilang buhay tayo." Wik ani Eugene.

"Hindi namna kaya lalo kang manganib kung magpapakita ka ngayon?" tanong ni Julianne.

"Habang nagtatagal ako ditto, at naniniwala silang patay na ko. Hindi ko masisiguro ang kaligtasan nang kapatid ko. Isa pa gusto kong malaman kung sino ang gustong pumatay sa kin." Wika ni Eugene. Habang iniisip niya ang nangyari sa kanila ni Julianne sa gubat hindi mawala sa isip niya ang mga Nakita kaya lang hindi niya magawang tanungin ang kaibigan dahil ayaw niyang isipin nitong baliw siya, hindi na niya alam kung totoo ang mga Nakita niya o dala nang desperasyon niya upang makaligtas nang mga sandaling iyon.

"Pasensya na Roch kung kinailangan nating tumakas. May mga bagay pa kasi kaming dapat ayusin ditto." Wika ni Julianne sa dalaga.

"H-huwag niyo akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko." Nauutal na sagot nang dalaga.

"Hindi, Malaki ang utang na loob namin saiyo kaya naman tutulungan ka naming. Sa ngayon alam kong wala kang mapupuntahan, pwede kang sumama sa amin ni Eugene." Wika ni Julianne.

"Masyadong malaking abala naman-----"

"Huwag mong isipin na abala ka, utang na loob naming sa iyo ang pangalawang buhay naming kaya naman dapat ibalik namin ang kabaitan mo." Wika ni Eugene at tumayo.

"Sigurado ka bang ngayon tayo magpapakita sa kanila? Ayaw mo bang magpahinga muna tayo?" tanong ni Julianne at inalalayan ang kaibigan.

"Mas mabuting ngayon na." wika ni Eugene.

Sa National defense head quarters, malaking quardrangel idinadaos ang pagkilala sa mga sundalong namayapa dahil sa huling misyon. BInigyan nang parangal ang mga nasawing sundalo. Kanilang pamilya ibinigay ang kanilang medal. May Inang tumanggap nang parangal para sa anak nito. At may anak na siyang tumanggap nang parangal para sa ama. Punong-puno nang emosyon ang pagdiriwang dahil sa pag-alala nang kabayanihan nang mga sundalo.

Nasa harap na ang limang general para ibigay sa pamilya nang nasawi ang medalya nang kagitingan para sa mga sundalo. Ito ay bilang parangal sa kanilang ginawa. Nagbigay nang hudyat si General Mendoza sa mga sundalo para sa gun sallot. Ngunit, bigla na lamang napahinto ang lahat. Ang mga taong nanonood ay napatayo mula sa kinauupuan.

"This can't be true."singhap nang General habang nakatingin sa dalawang binatang naglalakad papalapit sa kanila. Sira ang suot nitong itim na damit at kapwa butas din ang tuhod nang pantalon.

May Benda sa kamay si eugene habang nakahawak sa sugat sa tiyan at inaalalayan naman ni Julianne. Lahat ay nabigla sa Nakita ang dalawang binatang idineklara nilang KIA ngayon ay naglalakad papalapit sa kanila.

"Anong nangyayari ditto?" tanong ni Donya Carmela kay Gen. Mendoza. Hindi ito makapaniwala na Makita ang apo.

"Eugene!" wika ni Jenny at tumayo mula sa kinauupuan. Labis labis ang tuwang nararamdamn niya nang makitang buhay ang binata. Agad siyang nagmadaling bumaba para makalapit sa binata.

"1st Lt Eugene Heartfellia. Reporting for Duty sir." Wika ni Eugene at sumaludo sa mga Heneral na naroon.

"2nd Lt. Julianne Ramirez reporting for duty." Ani Julianne at sumaludo din.

"Carry on." Wika nang mga heneral at sumaludo din sa dalawang binata. Hindi pa rin sila makabawi mula sa pagkabigla. Anong nangyari sa dalawa?

"Granny." Wika ni Eugene at bumaling sa lola niya.

"Eugene apo ko."wika nito at biglang niyakap ang apo. "Anong nangyari sa iyo. Labis labis kaming nag-aalala."wika nito at hinawakan ang pisngi ni Eugene. "Sa ayos mo mukhang, matindi ang pinagdaanan mo."

"Pasensya na, hindi ko sinasadya na mag-alala kayo. Pero nandito na ako." Ani Eugene.

"Thank God. Dahil ibinalik ka sa amin nang ligtas."umiiyak na wika nang lola niya. ngumiti lang si Eugene sa lola niya.

"Eugene!" wika ni Jenny na huminto sa di kalayuan. Nang marinig ni Eugene ang boses ni Jenny agad siyang napalingon sa dalaga. Nakangiti ito sa kanya kahit na may mga luha sa mata nito. Kakaibang tuwa ang naramdaman ni Eugene nang masilayan ang mukha nang dalaga. Noong mga nakaraang araw, akala niya hindi na niya makikita pang muli ang dalaga. Noong nasa nasusunog na gubat sila at akala niya hindi na sila makakaligtas, labis niyang pinagsisisihan na hindi niya nasabi kay Jenny ang tunay niyang nararamdaman, Nang mga sandaling iyon din nalaman niya kung ano si Jenny sa kanya. Hindi niya ito pinoprotektahan dahil sa pangako niya sa ama nito. May nararamdaman siya sa dalaga kaya hindi siya makalayo.

"Sandali lang Granny."paalam ni Eugene sa kanyang lola saka naglakad palapit sa dalaga. Ngunit bago pa siya makalapit sa dalaga.

Tumakbo na si Jenny palapit sa kanya at agad siyang niyakap. Napangiti lang si Julianne dahil sa Nakita. Nagulat naman si Donya Carmela at ang iba pang naroon habang pinapanood ang ginawa nang dalaga.

"Hey." Wika ni Eugene nangyakapin siya nang dalaga.

"I Really thought you are gone. Akala ko hindi na kita ulit makikita. " Umiiyak na wika ni Jenny habang mahigpit na nakayakap sa binata.

"Pasensya na pinag-alala kita." Ani Eugene at Inilayo nang bahagya si Jenny

"I thought you're dead. I thought I won't be able to tell you how I feel."wika ni Jenny. habang mahigpit na nakahawak sa damit ni Eugene.

"Then tell me." Wika ni Eugene.

"Dito?" wika ni Jenny na bahagyang pinamulahan. It was s relief na makitang muling ang binata. Ngunit Tama bang sabihin niya sa harap nang maraming tao ang nararamdaman niya? I di para na din iyang ipinagsigawan ang nararamdaman niya para kay Eugene. Napatingin siya sa piligid. Ilang daang tao ang naroon at mga sundalo din. Naroon ang lola ni Eugene na hindi naman sang-ayon sa kung ano ang nararamdaman niya sa binata. Kapag natapat siya ditto e di para na rin niyang ipinasigawan sa lahat kung ano ang nararamdaman niya sa binata.

Mahabang katahimikan.

"Eheem." Tumikhim na wika ni Eugene. "I think We should go home now. Masyado akong napagod. And I think ---" wika ni Eugene at tumalikod Ngunit bigla siyang natigilan nang hawakan ni Jenny ang dulo nang damit ni Eugene. Taka namang naptingin si Eugene sa dalaga.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ni Eugene. Napakagat labi si Jenny saka tumingin nang diretso sa binata. Baka kapag hindi pa niya nasabi ngayon hindi na ulit siya magkaroon nang pagkakataon. Ngunit, handa ba siya sa magiging reaksyon ni Eugene?

"Alam mo na yun." Mahinang wika ni Jenny. Bako magbaba nang tingin.

"Anong alam ko na?" pilyong tanong ni Eugene at inilapit ang mukha sa dalaga. Inis na tumingin si Jenny sa binata. Bakit ba nagkukunwari itong hindi alam. Gayong dati pa naman niya ipinagtapat ang nararamdaman niya sa binata.

"Uh-ho, bakit ba sa uri nang tingin mo sa kin, gusto mo akong kainin nang buhay?" biro ni Eugene.

"Mahal kita manhid."naiilang na wika ni Jenny saka binitiwan ang damit ni Eugene. Nang hindi sumagot si Eugene. Bagkus Tumitig lang ito sa mukha nang dalaga. Biglang na dismaya si Jenny. she just declare her love for him sa harap nang napakaraming tao tapos wala manlang sagot. Hindi niya alam kung saan niya itatago ang mukha niya.

Napakuyom nang kamao si Jenny sa aktong aatras ngunit bigla siyang nagulat nang hawakan ni Eugene ang kamay niya. Taka siyang napatingin sa Binata. Lalo pa siyang na bigla nang hawakan nito ang bewang niya at kabigin siya nito palapit. Napakurap-kurap pa ang dalaga dahil sa gulat.

"A-anong ginagawa mo?" garagal na wika ni Jenny dahil sa biglang pagkabig sa kanya ni Eugene. Nararamdaman niya ang init sa pisngi niya. Pwede na siyang matunaw sa kinatatayuan niya dahil sa labis na hiya.

"Say it Again. I want to hear it one more time." Masuyong wika ni Eugene. Takang napatingin si Jenny sa binata. Tama ba ang naririnig niya?

"I want to hear it."wika ni Eugene.

"Alin? Ang manhid ka? O ang Mahal kita?" mahinang wika ni Jenny. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nang binata. "I think I just declare how I feel about you. Wala ka bang sasabihin?" nag-alangang wika ni Jenny saka pasimpleng itinulak si Eugene ngunit lalo pa nitong hinapit ang bewang niya at kinabig papalapit.

"How do you think should I response?" wika ni Eugene at lalong humigpit ang hawak sa bewang nang dalaga.

"I know. You ----" biglang naputol na wika ni Jenny nang biglang sakupin ni Eugene ang labi niya. nanlaki pa ang mata ni Jenny dahil sa labis na gulat ngunit kusa din itong pumikit. Then she return his kisses. Napahawak pa siya sa braso nito.

Lalo naming ikinagulat nanglahat ang mga eksenang nasaksihan. Ilang sandali pa, makalas na palakpakan ang narinig nila sa paligid. Lahat nang taong nasa loob nang lugar na iyon ay nagulat at syempre masaya para sa dalawa. Saka lang na realize ni Eugene na nasa harap pala sila nang maraming tao. Biglang huminto si Eugene ganoon din si Jenny saka pasimpleng lumayo sa isat-isa. Nang magkatinginan sila hindi nila maiwasang hindi mapangiti. Kinabig naman ni Eugene si Jenny at niyakap.

"Ang daming taong nanonood, nakakhiya." Wika ni Jenny.

"I guess I can be that blunt from time to time." Nakangiting wika ni Eugene. "Hindi mo na pwedeng bawiin ang sinabi mo. I wont allow it." Ngumiti lang si Jenny dahil sa sinabi nang binata. Ngayong nasabi na niya ang nararamdaman niya sa binata mas magaan na ang loob niya at masaya siya dahil sa tugon nang binata. Masaya siyang bumalik na si Eugene. TAma ang desisyon niyang huwag maniwala sa balitang wala na ito. Nararamdaman niya sa puso niya na buhay pa ito at ngayon labis labis na tuwa ang nadarama niya dahil sa pagbabalik nito. Hindi na siya papayag na muling malayo sa binata.

Kung masaya ang lahat dahil sa nakitang eksena. Hindi para kay Johnny. Sa ngayon nasasaktan ang puso niya dahil sa mga nakita. Malaki ang sugat na iiwan sa puso niya. galit na umalis sa lugar na iyon ang binata. Hungkang ang pakiramdam niya. hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya matanggap na kahit na anong gawin niya hindi siya magkakaroon nang puwang sa puso ni Jenny.

Masaya siyang makitang buhay si Julianne at Eugene ngunit ang Makita si Jenny sa piling nang ibang lalaki ay ibang uasapan.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo dalawa?" Tanong ni MEggan nang makalapit sa dalawang binata. Matapos ang eksena sa national defense sinamahan nila sa pag-uwi sa mansion ang dalawang binata.

"Sino naman tong kasama niyo?" tanong ni Julius habang nakatingin sa dalagang kasama nila.

"SIya si Roch, ang tumulong sa amin. Kung hindi dahil sa kanya at nang lolo niya baka hindi na kami nakabalik." Wika ni Julianne at lumapit sa dalaga.

"Ma-magandang araw." Nauutal na wika nito.

"Ako nga pala si Rick."wika nito at nakipagkamay sa dalaga, at dahil hindi naman talaga sanay sa harap nang maraming lalaki nang hawakan ni Rick ang kamay nang dalaga bigla itong nawalan nang malay dahilan upang ipag-panic nang mga miyembro nang Phoenix maliban kay Eugene at Julianne na sanay na sa reaksyon nang dalaga. Ipinaliwanag din nila ang sitwasyon ni Roch at kung bakit ito sumama sa kanila.