webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
46 Chs

Si Madam Miranda

Kinabukasan ako'y pumunta kaagad sa kusina at tumulong sa mga kasambahay. Ako na rin ang naghatid ng pagkain kay Asher. Lumipas na ang tatlong araw ay masama pa rin ang pakiramdam nito. Para ko na ring gawain ang pagpapadala ni Asher sa kanyang pagkain.

Ako'y kumatok sa kanyang pinto bago ako pumasok. Wala siya sa kanyang kama. Inilagay ko na ang pagkain sa lamesa. May narinig akong naliligo sa palikuran.

Kumatok ako at nagsalita. "Dinala ko na ang tanghalian mo."Paalala ko sa kanya, wala akong sagot na natanggap sa kanya. Ako'y umupo sa kanyang lamesa at nagsimulang magbasa sa mga librong nakapatong nito. Ang libro ay tumatalakay ng mga medisina at ang iba ay paano patayin ang iba't ibang klase ng hayop. Nag tatlompung minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya lumalabas. Ako'y nakatulog nalang sa kahihintay sa kanyang paglabas.

Nagising ako sa ingay na naririnig ko."Ang ingay..."Saad ko at tumingin sa aking paligid. Nakita kong nagbabasa siya ng mga libro katabi sa akin. "Maingay sa labas dahil sa mga halimaw."Saad niya. Ako'y tumingin kaagad sa aking relo, alas onsi na ng gabi. "Shocks! Hindi ako makakabalik sa aking silid nito."Bigla kong sabi dahilan mapatingin siya sa akin. Tumawa siya sa aking reaksyon.

"Pwede ka namang matulog sa aking higaan. Magbabasa ako ng libro buong gabi."Saad niya habang tinitignan ang mga libro na babasahin niya. Agad ko namang hinawakan ang kanyang noo."Hindi ka na medyo mainit."Saad ko sa kanya habang hinhawakan ang kanyang noo, ibinaba niya naman kaagad ang kamay ko. "Maayos na ang kalusugan ko."Kalmadong saad niya.

Ako'y napatingin sa bintana, maliwanag ang sinag ng Buwan. May nakita akong lumilipad sa kalangitan."May lumilipad."Ituturo ko na sana ngunit agad niyang hinawakan at ibinaba ang kamay ko at isinara ang kurtina ng bintana. "Maaring mapansin niya na may nakatanaw sa kanya."Saad niya.

"Ano iyon?"Tanong ko sa kanya."Mga masasamang mangkukulam. Naghahanap sila ng kanilang ikakain o mga alipin na magtratrabaho sa kanila."Paliwanag niya sa akin.

"At sino naman magiging alipin nila?"Osyosa kong tanong sa kanya. "Mga kaluluwa ng mga nawawala at ang mga tao sa mundo mong nakapasok sa mundong ito."Saad niya, lumiwanag naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

"May mga taong nakakapasok sa mundong ito?!"Agad kong tanong sa kanya, bigla naman siyang nagulat sa aking pagsigaw. "Oo, bakit?"Tanong niya."Kung may nakakapasok sa mundong ito possibleng may labasan rin ito!"Saad ko sa kanya, hinawakan ko ang aking noo dahil humahanga ako sa aking angking talino.

"Mayron, ngunit di namin alam kung asan o kailan magpapakita. Isa kasi iyang alamat."Saad niya."At kung tutuosin, ang mundong ito ay ikalawang punto ng buhay sa ibang taong nagpapakamatay."Pagkukuwento niya ako naman ay nakinig ng maigi sa bawat salitang kanyang sinasabi.

"Marami pang mga bagay na hindi natutuklasan sa mundong ito. Tila'y isang misteryo na hindi masulba."Saad niya habang hinahawakan ang kanyang noo.

"May tanong ako sa iyo."Saad ko. "Ano naman iyon?"Nagtatakang tanong niya. "Kaano-ano niyo sila Madam Miranda?"Tanong ko sa kanya.

"Kaibigan ng aking ama, isa siyang kinataastaasan na noble sa mundong ito. Siya rin ang nag-aalaga sa amin nung hinatulan ng kamatayan ang aming ina. Para ko na rin siyang ikalawang ina."Pagkuwento niya sa akin.

"Ano rin naman ang kaugnayan ni Binibining Aphro sa inyo?"Agad kong tanong sa kanya, wala siyang sinagot sa aking tanong. Siya'y tumayo at inayos ang kama.

"Pwede ka nang matulog nakaayos na ang iyong higaan."Saad niya sa akin."Hindi mo pa ako sinasagot."Inis na saad ko sa kanya. "Tinatanong pa ba yan?"Agad na tanong niya sa akin."Alam mo, may mga bagay sa mundo na hindi natin kayang sagutin."Saad niya.

"Hindi ko alam kung anong sinasaad mo. Ang alam ko lang ay kung alam mo na ang sagot ay pwede mo namang hindi itago."Pagtataray na saad ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kanyang noo, ako'y nagtaray ng tingin sa kanya.

"May mga bagay na hindi na dapat usapan. Matulog ka na, sumasakit ang ulo ko sa iyong sinasabi."Saad niya, ako'y sumimangot sa kanyang sinabi. "Ano? Gusto mo bang bubuhatin pa kita at ilalagay sa kama?"Mapanuya na tanong niya sa akin. Agad naman akong humiga sa higaan. Nagbabasa na siya ng mga libro ngayon. Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip ng mha bagay-bagay.

"Hindi ka ba matutulog?"Tanong ko sa kanya."Diba sinabi ko sa iyo na magbabasa lang ako buong gabi."Saad niya."Bakit, hindi ka makatulog?"Agad naman niyang tanong sa akin.

"May bumabagabag lang sa aking isipan."Saad ko sa kanya."Ipikit mo lang ang iyong mata at magsimulang bumilang ng mga tupa o di kaya mag-isip ka ng kahit ano para hindi ka mahibang."Saad niya.

Ginawa ko naman ang kanyang sinabi dahilan ako'y nakatulog. Nang magising ako ay nakita kong wala na si Asher sa upuan. Ako'y kumatok sa palikuran at binuksan ito, wala ring tao. Agad naman akong pumunta sa aking silid at nag-ayos sa aking sarili. Matapos kong linisin ang aking silid ay pumunta na ako sa hapagkainan upang mag-almusal.

Ako lang mag-isa kumakain sa lamesa.  Binuksan ng mga kasambahay ang mga bintana upang pumasok ang masimoy na hangin. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa sala. May nakita akong kalesa sa labas. Lumabas ang panuhin nito.

"Magandang umaga, ako nga pala si Helen."Saad niya at inilahad ang kanyang kamay. Kami ay nagkamayan, ako naman ay nagpakilala sa aking sarili."Ako nga pala si Heleana."Pagpapakilala ko sa kanya.

"Isa ka ho bang bisita?kandidato?"Agad na tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya ng marahan."Hindi ako bisita at kandidato. Ako'y namumuno rin sa palasyo nito. Kapatid ako ni Madam Miranda."Saad niya.

"Ano pong ginagawa niyo dito?"Tanong ko sa kanya."Mananatili lang ako ng tatlong araw dito. May bagyo kasi patungo sa Norte."Saad niya.

"May labasan ho ba dito?"Tanong ko sa kanya."Mayroon, pero ang labasan sa inyong mundo ay wala."Paliwanag niya. Sinalubong naman siya ng mga kasambahay dahilan natigil ang aming pag-uusapan. Agad naman siyang sumunod nito.

Limang araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin akong planong nagagawa upang makalabas sa mundong ito.